Friday, May 3, 2019

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Few Days of May 2019 (#2 Seed)

Loveless Story


May 4, 2019...

[Manga]

Goblin Slayer (18+)
Goblin Slayer Side Story: Year One (18+)
Goblin Slayer: Brand New Day (18+)

ang bagong favorite ko..
one of the best armors..
at interesting harem...

maganda yung plot niya..
halo-halong race laban sa all-male Goblin race na parang pesteng mga daga..
well, marami pang ibang klase ng monsters sa mundo nila, pero naka-focus yung bida sa pag-ubos sa mga Goblins na kinamumuhian niya..
mapanganib kapag malaki ang bilang nila..
hindi sobrang tatalino, pero natututo sa mga karanasan at kapag nagsu-survive sila sa mga laban..
at kayang makipag-breed sa mabilis na rate sa mga babae ng iba't-ibang mga race - Goblins parati ang offspring..
kalaban nila lahat ng gumagamit ng words for communication...

walang gamitan ng mga pangalan..
isang adventurer party ng iba't-ibang lahi..
Human na Goblin Slayer, both melee and ranged attacker, na hindi basta-basta nagpapakita ng kanyang mukha..
Human na Priestess, for support..
High Elf Archer, ranged attacker na pwede rin sa melee combat..
Dwarf Shaman, na parang pang-earth wizard ang skills, na kaya ring mag-melee..
at Lizard Priest, na summoner at melee attacker, na pwede rin sa support...

interesante kung paanong humihirap yung mga challenges habang tumatagal dahil sa pagkatuto ng mga Goblins..
kung paanong nagagamit ang lahi nila ng iba pang maimpluwensiyang mga monsters para sa pagpapalaganap ng kadiliman..
at siyempre lumalakas rin yung mga bida dahil sa mga bagong experiences nila sa pakikipaglaban...

is feeling , hala.. ang dami na kaagad niyang adaptations...

-----o0o-----


[V-League]


UAAP Season 81 Women's Volleyball - Eliminations (Round 2)


April 27, 2019...

UST versus NU

Set 1, 27-25, si Bicar muna ang Setter ng UST, dikitan ang laban, nanaig ang UST dahil sa kanilang 13 attacks plus 13 opponent errors..
Set 2, 25-17, maagang nakalayo ang UST at medyo nilaro pa nila ang bandang dulo, lumamang sila sa kanilang 14 attacks and 2 blocks plus 8 opponent errors..
Set 3, 20-25, nakalayo ang NU, nanaig sila dahil sa kanilang 13 attacks, 2 blocks, and 2 service aces..
Set 4, 25-16, UST na ulit ang maagang nakalayo...

3-1, panalo ang UST..
same result sa first round meeting nila with NU...

Player of the Game si Rondina with 21 pure attack points..
may plus 10 digs and 13 excellent receptions pa siya..
Laure with 13 points..
para naman sa NU..
Lacsina scored 19 points na may 16 attacks..
Robles with 14 points, plus 15 digs and 15 excellent receptions..
Paran with 10 points..
Doria with 9 points...


UP versus AdU

Set 1, 20-25, Igao at Perez ang kasama sa starters ng Adamson, Dacoron-mode ang opensa nila, nakuha nila ang set dahil sa kanilang 13 attacks, 4 blocks, and 2 service aces, kontra sa sarili nilang 11 errors..
Set 2, 23-25, nababantayan ng Adamson ang Middle Attackers ng UP, nakaagwat ang Adamson paglampas ng 1st technical time-out, at nanaig sila dahil sa kanilang 14 attacks and 5 service aces..
Set 3, 19-25, nakakuha ng early lead ang Adamson, pero si Yandoc na ang nag-Setter sa bandang dulo...

3-0, panalo ang Adamson..
nakabawi sila sa UP at nagawang maganda ang kanilang ending game para sa Season 81...

Player of the Game si Ponce with 31 digs and 15 excellent receptions..
Permentilla scored 16 points from 12 attacks, 1 kill block, and 3 service aces..
at mataas din yung accuracy niya for this match..
Dacoron with 11 points..
Soyud with 10 points..
Flora also with 10 points, plus 21 digs and 13 excellent receptions..
Igao with 22 excellent sets sa kanyang pinakamalinis na laro..
para naman sa UP..
Caloy scored 13 points..
Molde with 10 points...

natapos ang campaign ng UP sa record na 6 Wins - 8 Losses..
kaparehas sa record nila at sa kinahinatnan din nina Galanza last Season 80..
kapansin-pansin na humina ang UP nang bumalik sa pagiging Libero si Dorog..
siguro kasi nawala rin yung paraan ng pag-e-enjoy ni Dorog sa tuwing nakaka-score siya, since wala na nga siyang paraan para maka-score pa...

the best game naman 'to para sa Adamson sa Season 81..
wala na nga si Galanza, pero nasa team pa rin naman yung ibang mga sinuportahan ko noon na kasama niya..
activated ang opensa ng lahat ng key players, especially si Permentilla na kailangan ng matutunan na maging isang Ace Player..
maganda ang setting, blocking, at floor defense..
at naiingatan na nila ang kanilang mga kalamangan..
too bad lang na sa last game pa nagising yung malinis nilang laro...

is feeling , hindi pa rin ganung kalinis ang laro ng UST para humarap sa Finals.. great game naman para sa squad ni Permentilla...

---o0o---


April 28, 2019...

ang last 2 matches para sa Elimination Round...


ADMU versus UE

Set 1, 25-20, dikitan ang laban, nagkaroon ng time si Gandler, pero naiwan ang UE pagdating nila sa kanilang 20th point, lumamang ang Ateneo sa kanilang 5 blocks..
Set 2, 27-25, madalas na lamang ang UE, pero naagaw pa ng Ateneo, nanaig sila dahil sa kanilang 3 blocks and 11 opponent errors..
Set 3, 25-11, na-off na ang opensa ni Abil, si Maraguinot na ang nag-Setter para sa Ateneo at nagkaroon din ng playing time ang bench nila...

3-0, panalo ang Ateneo..
at hindi nakabawi ang UE laban sa kanila..
maganda ang nagawa nila sa Sets 1 at 2, pero nasira rin yung laro nila...

Player of the Game si Tolentino with 11 points from 8 attacks, 2 kill blocks, and 1 service ace..
Madayag with 10 points..
Gaston with 9 points..
BDL and Samonte with 8 points each..
para naman sa UE..
Mendrez scored 12 points..
Abil with 11 pure attack points, plus 13 excellent receptions..
nalimitahan naman si Bendong sa 9 excellent sets lamang...


DLSU versus FEU

ang 13th 5-setter match para sa Season 81..
6th na para sa FEU..
2nd lang naman para sa La Salle, pero wala pa silang naipapanalo na 5-setter...

Set 1, 22-25, si Carandang muna para kay Domingo, palitan ang long run ng 2 teams pero mas madalas sa panig ng FEU, lumamang sila sa kanilang 10 attacks and 4 blocks..
Set 2, 25-13, si Luna muna for Cheng, mas gumanda ang coverage ng La Salle, maaga silang nakalayo, at nakuha nila lahat ng stats..
Set 3, 25-15, dikitan ang laban, pero nakalayo ang La Salle paglagpas ng 2nd technical time-out, muli nilang nakuha ang lahat ng stats..
Set 4, 25-27, gumanda ang coverage ng FEU, Guino-o-mode ang opensa nila, ipinasok pa ng La Salle si Cheng, pero nanaig ang FEU sa kanilang 3 blocks..
Set 5, 8-15, nakaagwat ang FEU kahit pa natawagan ng warning ang kanilang bench...

3-2, panalo ang FEU..
at nakadagdag na din sila ng dungis sa Champion team..
sa wakas, nakapanalo na si Coach Pascua laban kay Coach Ramil..
upset loss para sa La Salle in the sense na maaabala pa silang kalabanin ang UST para malaman kung sino talaga ang magiging #2 seed...

again, nagkasabay ulit na maganda ang naging laro nina Guino-o at Malabanan..
umubra yung mga attack variations ni Guino-o na natutunan niya with Fighting Warays..
napatunayan na ng FEU na may threat din sila laban sa La Salle..
and to think na Ebon-less na ang FEU, at na hindi pa naa-activate ulit ang laro ni Domingo...

Player of the Game si Guino-o with 24 points from 20 attacks, 1 kill block, and 3 service aces..
Malabanan with 15 points..
Carandang na maganda ang ginawa sa Middle, with 8 points..
Duremdes with 37 digs and 6 excellent receptions..
para naman sa La Salle..
Dela Cruz scored 22 points from 15 attacks, 1 kill block, and 6 service aces..
may plus 18 digs and 7 excellent receptions din siya..
Tiamzon with 17 points..
Luna with 15 points..
kaso natalo sila sa kabila ng nagawa nilang 16 service aces...

yung sa top 5 teams..
eh 3 ang nagawang makatalo sa Champion team, at 2 beses pa nga silang natalo ng nalaglag na UP..
pero hinding-hindi sila matalo ng top seed na Ateneo...

is feeling , nice try, UE.. thank you FEU sa pagdagdag ng talo sa La Salle, at sa pagbibigay ng pagkakataon sa UST.. wasakin na kaagad ang Dynasty...

---o0o---


May 1, 2019...

UST versus DLSU (Extra)

#KamiNaman versus #HuwagNaKayo

LOL!
nilibre pala ng UST ng pancit ang FEU...

extra match para malaman kung sino ang totoong magiging #2 seed..
wala pa namang malalaglag..
pero malalagay sa mas magandang katatayuan ang mananalo...

Set 1, 25-14, maagang nakalayo ang UST, nabigyan pa ng yellow card si Alba, nanaig ang UST dahil sa kanilang 12 attacks, 3 service aces, plus 9 big opponent errors..
Set 2, 25-23, 2 beses na nakalayo ang UST pero 2 beses ring naghabol ang La Salle, lumamang ang UST dahil sa kanilang 16 attacks kontra sa sarili nilang 10 errors..
Set 3, 23-25, si Cheng naman ang nabigyan ng yellow card, maagang nakalamang ang La Salle pero nakadikit din naman ang UST, nagkaroon pa ng Galanza at Pacres time..
Set 4, 25-19, nakaagwat sa later part ang UST...

3-1, panalo ang UST..
nakaka-2 na sila laban sa La Salle..
at nasungkit pa nga nila ang pagiging Rank #2, with twice-to-beat advantage...

Player of the Game si Rondina with 29 points from 25 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces..
Laure scored 17 points..
Jimenez with 8 points..
Viray with 7 points..
para naman sa La Salle..
si Dela Cruz lang ang umabot sa double figures with 12 points..
Cheng and Luna with 9 points each...

hindi ito ang strongest UST, dahil wala dito sina EJ Laure at Alessandrini..
pero nakakatuwang makita na kaya nila..
tama rin yung observation na mas consistent maglaro si Eya kumpara kay EJ, probably dahil na rin sa naging additional high school years niya..
maige at nakatulong sina Jimenez, Viray, at Galdones sa scoring at coverage..
kailangan lang ng UST ng mas malinis pang laro para mas masigurado ang tagumpay, kahit accuracy in terms of services lang...

thank you ulit sa FEU..
nasulit naman ang pa-pancit...

is feeling , wala pang sigurado, pero kahit papaano eh may advantage na.. 1 panalo na lang at madudurog na ang Dynasty...

-----o0o-----


April 29, 2019...

yung mga magulang na iniisip na kayang bayaran ng pera ang lahat ng supply ng kuryente...

mga sinanay ang mga anak nila na magsayang ng kuryente..
na hinahayaang iwanang nakabukas ang mga electrical devices kahit pa wala naman talagang gumagamit...

panahon ngayon ng kakulangan sa power supply..
aanhin yung pera kung wala ka namang mababayaran na supply...??

is feeling , sana naturuan tungkol sa pagtitipid yung mga bata...

---o0o---


May 2, 2019...

nakakainggit yung mga taong kayang ipangutang ng nasa Php 30,000 or more..
para lang ipang-blowout... :(

i mean..
ganun ba kahalaga yun..?
na ni hindi na nila nahintay na magkaroon ng sariling kita yung tao, bago mag-blowout...

hanggang ngayon sumasagi sa isip ko kung bakit walang tumulong sa akin noong nakiusap ako..
kumpara sa kung magkano na yung nauutang nila para lang sa isang iyon...

is feeling , sana nagkaroon ako ng totoong pamilya...

---o0o---


May 3, 2019...

nakakakilabot... :(

kagabi..
may nakita akong live feed sa social media ng isang babaeng plano nang mag-suicide..
akala ko noong una na emotional lang siya..
medications yung una niyang ipinakita, so hindi ko na-gets kaagad yung nangyayari dahil naka-off yung audio ko..
pero natakot ako noong kutsilyo na yung paulit-ulit niyang ipinapalo sa pulso sa wrist niya...

saka ko napansin yung mga comment ng mga tao na umaawat sa kanya..
hindi ko na kinayang panoorin yung video after that..
video ng isang totoong suicidal na babae...

kung tutuusin..
maganda naman siya..
mukhang tama lang ang body type..
OFW if i'm not mistaken..
i'm not sure kung may sarili ng pamilya o kung single..
yung tipo na mahilig mag-post ng mga pictures niya sa social media..
magagandang bagay, hindi negative..
hindi usual sa kanya na mag-post ng tungkol sa kamatayan..
pero kagabi, parang sumabog na yung nasa sa loob niya..
ch-in-eck ko yung timeline niya, at parang nakahanda na talaga siyang mawala sa mundo...

tapos kanina, nagbasa ulit ako..
good thing na may mga taong alam yung location nung babae..
at nakahingi sila ng tulong sa mga awtoridad sa bansa na iyon...

is feeling , sana hindi yun nangyayari sa mga kagaya nila...


>
[Medical Condition]

kumalat pa sa ilang spots yung blisters sa braso ko..
originally mula sa kaliwa, meron na ring na-activate sa kanang braso ko..
pero sinusubukan kong limitahan yung pagkalat sa pamamagitan nang hindi pagkakamot..
at self-medication na rin gamit ang mga antiseptic at natirang antibacterial ointment...

naglangib na yung ibang natuyong blisters..
pero hindi ko alam kung may dala pa ring virus ang mga yun o ano...

is feeling , pati pagiging physically normal eh pahirapan...

---o0o---


May 4, 2019...

[Piracy]

yung local cable network na nagpalabas ng pirated copy ng Avengers: Endgame... :(

is feeling , biggest fans kuno...


No comments:

Post a Comment