Friday, June 8, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of June 2018 (27th Link)

Loveless Story


June 4, 2018...

magiging sobrang magastos nitong buwan ng June..
nagsabay-sabay lahat ng mga bilihin ko..
tapos yung ibang items eh halos the same price pero bumaba yung volume, siguro dahil sa bagsak na ekonomiya...

pero kailangang mag-focus sa plano..
una, kailangang mag-ipon ng pambili ng graphics card para sa upgrade..
ikalawa, kailangang maghanda ng emergency fund na katumbas ng halaga ng isang computer unit..
ikatlo, pag-ipunan na ang pambayad sa mga benefactor...

is feeling , less than 4 years...

---o0o---


June 6, 2018...

konti na lang..
3 pages at makakalipat na ako sa autopilot mode...

kaso..
talagang nagka-problema pa sa lighting yung iba..
2 hours of rendering, tapos eh lalabas na sobra pala sa intensity yung ilaw..
andami pang hindi nare-render, tapos eh mag-uulit pa yung iba...

ang isa pang challenge..?
biglang nawala na yung mga abot-kaya kong graphics card sa local market..
ang mga naiwan eh either lesser grade na nasa below Php 10,000 pero hindi aabot sa 1024 CUDA cores, o di kaya eh yung mga nasa Php 20,000 or up na hindi na kayang suportahan ng power supply ko... :(

anyway..
okay na ulit yung latest kong bank transfer..
inabot lang ng 2 days, at wala namang aberya..
may magagamit ng pondo for June and July...

is feeling , malapit na...

---o0o---


June 7, 2018...

nakakita na naman ako ng patunay..
na kahit na hindi pa guwapo ang isang lalaki..
basta ba't mayaman siya sa materyal na bagay..
eh magagawa niyang makapagpa-"OO" ng magandang babae sa isang engagement...

pero hindi ako naniniwala na true love yun..
eh ilang linggo pa lang sila eh...

is feeling , nakakainggit lang yung ganung kakayahan...

---o0o---


June 9, 2018...

ang yaman naman ng mga yun..
mga hindi naman graduate pa sa college..
pero biyahe nang biyahe sa kung saan-saan..
kapag nakikita ko yung estimate ng airfare eh nalulula ako eh... :(

mukhang may plano sila para sa birthday ng kaibigan nila...

mukhang sinusulit rin nung 2 yung panahon na magkasama pa sila...

is feeling , samantalang ako eh wala pa sa Php 10,000 na naunang estimate ng NEDA eh...


>
found another unconfirmed link...

ang totoo, dati ko pa yung na-spot-an..
at sa ibang tao ko pa nga siya nai-relate..
but then nakita ko yung tamang unit na sinusundan ko dapat...

kahapon ko lang na-realize kung sino yung nauna kong na-spot-an..
na posibleng maging link rin siya sa taong hinahanap ko...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 2 - Reinforced Conference (Round 1)


June 2, 2018...

Creamline versus BaliPure-NU

labanan ng mga naging players ng Palarong Pambansa...

Set 1, 8-5 in favor of BaliPure, 16-15 panig na sa Creamline, hanggang sa tinapos ng Creamline sa 25-22..
gumagana ang mga drop ball ng Creamline laban sa BaliPure, at nakarami pa sila ng block kay Johnson, lalo na yung magandang single block ni Sato..
Set 2, 8-4 in favor of Creamline, 16-11 in favor pa rin sa Creamline, at nagawa nila yung ituluy-tuloy hanggang 25-18..
10 errors ang pinakawalan ng BaliPure sa Set 2, at marami rin ang itinapon na service ng mga batang NU sa buong match..
Set 3, 8-6 sa Creamline ulit, 16-13 panig pa rin sa Creamline, at mas maaga pa nilang natapos ang set at match, 25-16..
sobrang limitado lang na oras yung nalaro ni Galanza sa Set 3 dahil hindi siya napayagan na makapasok noong Set 1...

nanaig sina Kaewpin at Asceric laban kina Johnson at Mathews..
as usual, maganda ang depensa ni Kaewpin sa tuwing nasa likod siya..
si Asceric naman eh masipag mag-block sa harapan..
unfortunately, naging kahinaan ng BaliPure ang mga batang players ng NU..
may lakas nga ang opensa nila, pero hindi masyadong active ang coverage, at nagtatapon pa nga sila ng mga service...

3-0, panalo ang Creamline laban sa mga bata..
Player of the Game si Baldo with 15 points na may 4 service aces...


PayMaya versus Angels

Set 1, 8-7 in favor of Angels, 16-14 in favor pa rin of Angels, pero nabaliktad ng PayMaya ang resulta sa dulo, 27-25..
nagsisilbi ng leader si Trach..
Set 2, napunta ang unang 8th point sa PayMaya, 16-13 panig pa rin sa PayMaya, at tinapos nila yung set, 25-23..
power-type nga si Lymareva at mas malakas siya kesa kay Trach..
Set 3, PayMaya pa rin ang nakauna sa 8th point, 16-8 in favor pa rin sa PayMaya, at tinapos na nila yung set at match sa 25-17...

panalo sina Rountree at Sullivan laban kina Trach at Lymareva..
yun ay kahit na hindi naman masyadong nakagagawa si Sullivan..
unang talo rin ito ni Lymareva...

3-0, panalo ang PayMaya..
Player of the Game si Rountree with 19 points...

is feeling , thank you ulit team, kasama na ngayon sina Morado at Galanza sa #1 seed.. wala lang dapat ma-injure habang waiting sila.. yun nga lang, hihina nito ang ticket sales para sa Round 2...

---o0o---


June 3, 2018...

BanKo versus Iriga Navy Oragons

labanan ng nasa bottom 2...

Set 1, naiwanan kaagad ang Oragons, natapos ng BanKo ang set sa 25-18..
Set 2, nakakadikit na ang Oragons, at naipanalo pa nila yung set, 25-23..
Set 3, dikitan ulit pero nakalayo ang BanKo sa bandang dulo, 25-20 in favor of BanKo..
Set 4, dikitan pa rin yung laban, at umabot pa sa 28-26 yung final score, in favor of BanKo...

nanaig sina Montripila at Bright laban kina Ubben at Whyte..
nagiging vocal na rin yung mga imports tuwing timeout..
malakas sina Ubben at Whyte, matatangkad at kahit saan eh nakakapalo..
pero kulang sa malalakas na local na kakampi...

3-1, panalo ang BanKo..
Player of the Game si Ferrer with 35 excellent sets...


Pocari-Air Force versus Fighting Warays

ang 6th 5-setter match ng PVL Season 2...

Set 1, nakalayo ang Warays at tinapos nila yung set, 25-17..
Set 2, nauna namang nakalayo ang Pocari-Air, nakuha nila yung set, 25-17..
Set 3, muling nabaliktad yung takbo ng laro at Warays naman ang naunang nakalayo, natapos yung set sa 25-20 in favor of the Warays..
Set 4, Pocari-Air na naman ang nagawang makalayo, natapos nila yung set, 25-16..
Set 5, maagang nakalamang ang Warays sa bandang 8-4, at naituluy-tuloy na nila yun hanggang 15-10..
ang bangis pa nung masuwerteng along-the-net na tira ni Alvarez...

panalo sina Hyapha at Sangmuang laban kina Love at Palmer..
mukhang kailangan nga ng Pocari-Air Force ng mas beteranong Setter..
umatras daw si Sangpan dahil na-homesick...
at ang matindi, 40 y/o na pala si Sangmuang...

3-2, panalo ang Fighting Warays..
nangyari yung parang may favorable court, yung madalas maipanalo ng team ang set sa specific lang na side nung court..
Player of the Game si Prado with 18 points...

is feeling , naawa naman ako kina Ubben at Whyte...

---o0o---


June 6, 2018...

sayang, last games pero hindi televised... :(


Creamline versus Iriga Navy Oragons

Set 1, may game time kaagad si Galanza, 8-7 in favor of Oragons, 16-14 in favor of Creamline, at nairaos naman ni Galanza ang unang set, 25-21..
ang lakas ng blocking ng Oragons..
Set 2, nasa loob pa rin si Galanza, at nagpapasok na rin ng ibang bench players si Coach Tai, 8-7 in favor of Creamline, 16-13 in favor of Oragons, nakatabla pa ang Creamline sa 24-24 dahil sa service ace ni Galanza, at nagawa pa ngang maagaw ng Creamline ang set kahit na wala na si Morado, 26-24..
lagot, na-injure si Morado sa kalagitnaan ng Set 2, overused na daw ang balikat, kaya substitute muna si Cabanos..
Set 3, 25-23, at talagang Creamline pa rin ang nanaig sa laban...

very reliable, as usual, sina Ubben at Whyte..
pero talagang mas maaasahan ang mga kakampi nina Kaewpin at Asceric...

3-0, panalo ang Creamline..
nagawa nilang manalo kahit na si Cabanos na lang ang Setter nila..
at kahit na si Galanza muna ang naglaro para kay Gumabao..
dahil dun ay umakyat sila sa 6-1 sa rankings..
samantalang nanatili sa bottom ang Iriga Navy Oragons, 1-6..
Player of the Game ang most beautiful player sa court, #15 JeMa Galanza, with 14 points na may kasamang 2 blocks at 1 service ace..
kaso may binati siyang secret guy... :(

#1 seed na ang Creamline, kaya waiting na lang sila sa #2 seed ng Round 2 (or ang #4 seed ng buong liga) para sa Semifinals..
2 weeks rin ang duration ng Round 2, kaya makakatulong yun para sa recovery ni Morado (well, sana nga eh sapat yun)..
yun lang, hihina ang ticket sales ng PVL...


PayMaya versus BaliPure-NU

NU versus NU..
last game ng Round 1, at ang 7th 5-setter match ng season...

Set 1, in-overkill ng BaliPure ang unang set, 25-13..
Set 2, bumawi naman ang PayMaya at tinapos yung set, 25-21..
Set 3, 25-21, in favor ulit of PayMaya..
Set 4, 25-20, at nakabawi pa nga ang BaliPure..
Set 5, 15-9, at PayMaya pa rin nga ang nanalo sa match...

nanaig sina Rountree at Sullivan laban kina Johnson at Mathews sa tulong ng mga beteranong local players...

3-2, panalo ang PayMaya..
dahil dun ay waiting na rin sila bilang #2 seed..
Player of the Game si Singh with 11 points...

is feeling , thank you kay #15 Galanza para sa malaking tulong niya sa pagkapanalo ng Creamline.. at get well soon kay #12 Morado...

-----o0o-----


June 8, 2018...

natapos na rin sa pagbi-build ng scenes..
took me 45 days..
pero hindi pa tapos, dahil kailangan pa silang i-render...

is feeling , madami pang kulang...


>
[Video]


MOMOLAND - BBoom BBoom (Japanese Version)


Japanese na, pang-Summer pa..
konting pampa-good vibes... :)


credit for the video goes to the creators and the original uploader...

 — feeling , bilingual.. eh may English-era pa silang members...

---o0o---


June 9, 2018...

[Sports]

kung makaka-2 pang panalo ang Cleveland, eh pwede pa silang magsisihan sa nangyari sa Game 1..
pero kung hanggang 1 o 0 lang sila, eh useless na pag-usapan pa yung nakaraan...

kapag natalo ulit ang Cleveland ngayong taon, eh kailangan na ni LeBron na humanap ng mga bagong kakampi..
sayang ang pagiging Super Saiyan, yung nasa 40 points per game, kung hindi rin naman nila kayang ipanalo yung mga laban..
team sport pa rin ang basketball na paramihan ang puntos, hindi tulad ng volleyball na paunahan lang sa target points...

is feeling , itigil na yang NBA.. nagsasakitan na yung ibang Pinoy eh...


No comments:

Post a Comment