Friday, June 15, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of June 2018 (Movie Galore)

Loveless Story


June 11, 2018...

nakakainggit naman yung mga successful na tao na yun...

una, nakakainggit kasi i assume na mayayaman sila na nagkaroon ng access sa madaming pera at mga materyal na bagay..
ikalawa, dahil may lakas sila ng loob para gumamit ng shortcut (na hinuhusgahan naman ng maraming tao bilang kasalanan)..
sa tingin ko - wala naman talagang mali kung takasan man ng tao ang laro ng buhay...

kung ako yung mayaman..
tang ina, ipapalipat ko ang Fantasy World sa [Name of Province].. XD
tapos mag-aaral na lang ako sa mga nalalabing panahon ng buhay ko...

pero since wala naman akong ganung klase ng kakayahan..
eh gagamitin ko na lang yung palugit na ibinibigay sa akin ni Oda at ng One Piece...

is feeling , hindi pare-parehas ang essence ng buhay para sa bawat tao.. kapag nakita mo yung sa'yo, pwede kang matuwa, pero huwag kang magmamaalam tungkol sa personal na pinagdadaanan ng iba...


>
made another mistake sa droning...

matapos yung unit ng isang patay..
ngayon naman eh may naka-identify ng isang unique possession...

nakalimutan ko na namang mag-isip..
malay ko ba na yun yung may-ari nun..
malay ko ba na sobrang unique nun...

is feeling , kailangan ko pa tuloy linisin yung kalat na yun...

---o0o---


June 13, 2018...

yung pakiramdam na hindi ka makapunta sa mga special event ng mga benefactor mo, dahil mas kailangan mong magtrabaho...

pasensya na talaga..
pero malaki lang sadya ang agwat ng mga buhay natin..
ni hindi ko nga ma-imagine kung paanong yung ibang tao eh nagkakaroon ng labis-labis na kita buwan-buwan, dahilan para madalas nilang magawa yung mga hilig nila sa buhay habang nilalaro pa rin ang game of survival..
hindi tulad ng iba na nakababad na sa laro para lang maitawid ang bawat araw...

mas gusto ko na lang na magtrabaho para mai-settle ko na yung mga obligasyon ko sa lalong madaling panahon...

hindi lang talaga ako yung tipo ng tao na gagastos ng nasa 4-digit kung sa pamasahe pa lang..
kasi para sa akin, luho na na maglabas ng 4-digit worth ng pera kung biyahe pa lang yung pinag-uusapan...

is feeling , tutal eh kayo yung pa-easy-easy na lang sa buhay.. sana eh maunawaan ninyo yung sitwasyon...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 2 - Reinforced Conference (Quarterfinals)


June 9, 2018...

3 matches in one day..
at televised lahat..
as expected, mahina ang ticket sales..
tapos may bagyo pa...

nag-adjust pala ulit sila ng schedule..
siguro para may pahinga, since 6 teams na lang sila..
at siguro para na rin sa combined ticket sales..
3 matches na tuwing Saturday..
wala ng laro tuwing Sunday..
at 2 kada Wednesday...


BanKo versus Fighting Warays

Set 1, 25-22, in favor of BanKo..
Set 2, 25-20, in favor of BanKo ulit..
Set 3, 25-18, at maaga nang tinapos ng BanKo ang laban...

3-0, panalo at nakabawi na ang BanKo laban sa Fighting Warays..
panalo sina Montripila at Bright laban kina Hyapha at Sangmuang..
Player of the Game si Ferrer with 44 excellent sets sa loob lamang ng 3 sets...


Iriga Navy Oragons versus BaliPure-NU

ang 8th 5-setter match ng season...

Set 1, inilabas pa ng BaliPure ang mga imports nila sa dulo ng set, nakuha nila yun sa 25-17..
Set 2, 25-18, nakabawi ang Oragons dahil sa pagpapalit nila ng Setter..
Set 3, 25-20, in favor ulit of the Oragons..
Set 4, nakahabol pa ang BaliPure sa bandang dulo, at nag-commit ng mga service error ang Oragons, panalo ang BaliPure, 26-24..
Set 5, nakarami pa rin ng service error ang mga local players ng Oragons, at saktong natalo sila noong nasa back row na pareho sina Ubben at Whyte, natapos yung set sa 18-16...

3-2, panalo at nakabawi rin laban sa Oragons ang BaliPure-NU..
wala pa rin ulit nakukuhang panalo ang Oragons, at natalo pa sila ng kaisa-isang team na nagawa nilang matalo noon...

panalo sina Johnson at Mathews kahit na maganda ang ginawa nina Ubben at Whyte..
naka-lagpas tig-20 points yung 2, pero kulang talaga sila sa malalakas na local players..
Player of the Game si Johnson with 27 points...


Pocari-Air Force versus Angels

nakabalik na si Semana...

Set 1, 25-18, in favor of Angels..
Set 2, 25-20, in favor of Pocari-Air, umaayos na ulit yung setting nila sa puntong ito..
Set 3, 26-24, pabor ulit sa Pocari-Air..
Set 4, medyo na-injure pa si Pablo, pero natapos pa rin nila yung match, 25-21...

nanaig sina Love at Palmer laban kina Trach at Lymareva..
at mukhang si Trach yung pinakamahina ang power sa kanilang 4...

3-1, panalo at nakabawi na ang Pocari-Air Force laban sa Angels..
Player of the Game si Semana with 26 excellent sets...

is feeling , bahala na kayong 6 diyan.. hanggang sa 27 pa ang digmaan nila...

---o0o---


June 13, 2018...

Angels versus Fighting Warays

Set 1, 25-15, in favor of the Angels..
Set 2, 25-17, pabor ulit sa Angels..
Set 3, 25-21, at tinapos na nga ng Angels ang laban...

3-0, panalo at nakabawi na ang Angels laban sa Fighting Warays..
panalo rin sina Trach at Lymareva laban kina Hyapha at Sangmuang..
Player of the Game si Lymareva with 22 points na may 1 block at 6 service aces...


Pocari-Air Force versus Iriga Navy Oragons

Set 1, 25-23, in favor of the Oragons..
Set 2, 25-18, in favor of Pocari-Air..
Set 3, nagbawas pa ng import ang Pocari-Air para magbigay ng game time sa ibang locals, pero tinapos pa rin nila yung set sa 25-20..
Set 4, 25-22, at kinapos ulit sa local support ang Oragons...

3-1, panalo ang Pocari-Air..
nanaig sina Love at Palmer laban kina Ubben at Whyte..
pero as usual, very impressive at all-around ang laro nina Ubben at Whyte..
Player of the Game si Semana with 42 excellent sets...

is feeling , naku, threat na ulit ang Pocari-Air Force...

---o0o---


June 15, 2018...

Jaja at Dindin sa National Team..?
hindi ko pa nakitang maglaro ulit nang magkasama yung magkapatid matapos na mag-improve nang husto at maging all-around player si Jaja..
kaso may magiging liga si Jaja sa Japan...

ang malalakas na nadagdag in terms of power at height:
Kim Dy..
Baron..

siyempre kakampi nila si Miss Everywhere...

wala na si Gonzaga..
at hindi na naman nakasali si Galang...

Cha Cruz at Molina naman eh pwede sanang palitan pa ng mas malalakas na option..
dahil kailangan rin na malalakas ang mga substitute...

kailangan na ni Baldo na maging kasing-lakas ni Kuttika Kaewpin, at least...

at nice..
pasok na si Morado bilang Setter... :)

Shaq Delos Santos ang coach...

is feeling , pasuwelduhin na ang mga yan...

-----o0o-----


June 10, 2018...

lagot na ako..
hindi talaga ako naka-design para sa multitasking... :(

kung dati madalas lang na masunog yung sinaing na ibinibilin sa akin..
ngayon naman eh nalulugi na ako sa iba kong raket, yung mga hindi gumagamit ng record...

dahil sa humihinang ekonomiya ng bansa kumpara sa iba..
ang dami nang nagsigalawan na presyo ng mga paninda ko..
at hindi basta maka-adjust ang utak ko sa lahat ng yun...

well, usually eh tama pa rin naman yung Math ko..
pero minsan mali yung natatandaan kong presyo..
o parang reflex, na tipong kapag may bumili ng kung anong item, eh may mga pagkakataon na ang nagre-register ulit sa isip ko eh yung lumang presyo...

kagaya dati..
may bumili ng powdered juice at 1 yelo..
Php 17.00 at Php 2.00 yun kung sa akin..
pero dahil in-explain ko dun sa babae na nagmahal yung juice dahil Php 16.00 na siya sa grocery..
eh yung Php 16.00 yung naisali ko sa computation..
basta pagkaabot nung babae ng Php 20.00 eh mabilis ko siyang sinuklian ng Php 2.00..
tapos noong hinahati ko na yung kita nung nano-store at nung yelo, eh saka ko na-realize na Php 19.00 pala dapat yun...

tapos kahapon naman..
may bumili sa akin ng 2 powdered chocolate drink..
Php 7.00 yun kung sa akin..
pero ewan ko ba..
parang reflex nga na bigla na lang nag-register sa utak ko na Php 6.00 ang per sachet nun, na gaya lang ng dati..
kaya yung Php 20.00 eh sinuklian ko ng Php 8.00..
tapos kanina ko lang na-realize na nagkamali na naman ako...

damn, charity.. :(
ilang sentimos na nga lang yung tubo ko sa mga yun eh..
tapos nalulugi pa yung sarili ko dahil sa dami kong ginagawa...

is feeling , lalo na kapag nagtatrabaho ako sa harap ng computer...

---o0o---


June 11, 2018...

[Music]

may bago na namang safe na release ang Ex Battalion..
mukhang safe yung lyrics at hindi R-18, at safe din yung video (siguro dahil may ibang guest artists)...

pero napapaisip ako kung tama ba yung ginagawa ng ibang channel ngayon na pagpo-promote dun sa group..?
siguro nga eh nagiging popular na yung music nila para sa maraming mamamayan..
pero parang delikado lang na mas ma-promote sila sa mainstream..
yung ma-search lang kasi yung mga kanta nila sa YouTube eh delikado na para sa mga kabataan eh...

ang YouTube kasi eh hindi masyadong nagpi-filter nang ayos kung lyrics lang ang pagbabasehan; kung pwede ba siyang ma-access ng lahat o kung pang-adult lang yung content..
pagdating sa video, mas kaya nilang i-filter yun para sa mga audience..
but then, hindi sila 100% accurate, at may mga sensitive videos pa rin ang nakakalusot for public viewing..
malalaman naman yun ng user kung nabu-view niya ang isang particular video nang hindi siya nakalog-in eh...

Need You..
F*ck Buddy..
F*ck Girl..
S.M.L or S*so Mo Lang (bakit walang music video 'to..? LOL!)..
Rated X..
ilan lang yun sa mga kanta nung grupo na parang hindi naman tama na basta na lang ma-access sa YouTube ng mga batang sabihin na nating below 13 years old...

parang mas tama lang na ipatupad pa rin yung censorship..?
since may paraan naman ang YouTube para mag-restrict ng access sa bawat klase ng content...

— feeling , iba pa rin kasi kapag explicit talaga, kung ikukumpara sa may libre kang tooth-paste, o di kaya eh sa don't touch my birdie...


>
done with the base renders..
kaso mag-uulit pa ng marami para sa mga fix..
aabot ako ng 67 pages...

is feeling , yun yung problema kung walang CUDA cores eh...

---o0o---


June 12, 2018...

[Movie]

Black Panther

ang Wakanda, ang El Dorado ng Africa - El Dorado ng Vibranium...

ang cool nung technology..
yung soundproof na footwear..
super audio surveillance..
concealable suit..
force absorption at redirection..
pati yung remote hijacking ng mga sasakyan (though not completely remote, dahil kailangan na may mag-install nung device sa target vehicle)...

introductory lang nga yung purpose nung movie..
halos nag-revolve lang sa internal conflict sa loob ng pulitika sa Wakanda..
isang lumang sistema laban sa isang Westernized Wakandan...

kung bakit kasi dinamay ni Thanos yung may-ari nung Black Panther suit eh...?

is feeling , not bad...


>
[Movie]

Rampage

parang alternate Godzilla film, na may modern King Kong story rin..
tungkol sa mutation na dulot ng kapabayaan ng mga tao..
this time, nag-ugat sa pagiging gahaman...

ang interesante dun sa plot ay yung nag-start yung bidang Albino Gorilla na si George bilang isang na-train na animal..
meron rin siyang background story tungkol sa poaching...

dahil sa experiment ng ilang mga tao, nangyari nga yung mutation..
at coincidentally, isang crocodile, isang wolf, at si George yung nag-mutate...

ang brutal nung ipinakain yung chick na kalaban kay George, para maipasok na rin yung gamot sa katawan nung Gorilla...

tapos leche yung unggoy na yun..
pinaiyak ako..
tapos joke lang pala..
after nung drama part, biglang puros patawa na..
green-minded yung loko..
akala ko hanggang dirty finger na lang yung joke..
tapos biglang napagloko pa yung 2 bidang tao...

is feeling , entertaining remake ng mga existing plots...

---o0o---


June 13, 2018...

[Movie]

Jumanji: Welcome to the Jungle

a safer version nung game, in the sense na yung players yung napupunta sa Jumanji world..
sa halip na nananalanta yung laro sa totoong mundo...

game-console-based na, hindi na board-game-based..
5 playable characters, with fixed game avatars..
mala-Soul Stone effect na pag-transfer ng mga katawan..
may life count na, maximum of 3, at mukhang walang mga 1 Up..
at ang brutal ng mga death scenes, though maganda naman yung pag-re-spawn nila..
real life knowledge + avatar skills, attributes, and knowledge as experts..
may mga NPC (non-player characters)..
at may mga game cutscenes pa...

LOL dun sa pee tutorial..
may Flirting 101 din..
may influence din ng Dora the Explorer dun sa backpack power..
at LOL dun sa kissing scene ng mga nerds (buti hindi ako ganun)...

may 20 years nang naglalaro yung 1 nauna na player..
at maganda yung story nila ni Bethany...

tsaka yung mensahe na we always only have one life to live...

is feeling , mas cool na version ng Jumanji...

---o0o---


June 14, 2018...

[Movie]

Tomb Raider (2018)

interesante yung istorya nung tomb..
isang reyna na isinakripisyo ang sarili niya para iligtas ang mga tao..
isang mysterious na deadly disease, na sobrang daling makahawa through physical contact, at sobrang bilis rin na makapatay..
at yung carrier nung sakit lang yung bukod tanging immune laban dun, kaya inakala ng mga sinaunang tao na magic ang dahilan nun...

mga kalaban na nakapasok sa mismong bakuran ng mga bida...

okay naman yung mga puzzle..
kulang lang sa magandang bida...

is feeling , movie galore dahil naka-autopilot...

---o0o---


June 15, 2018...

aw!
took me 52 days..
45 days sa pagbuo ng mga scenes..
at additional 7 days para matapos lahat ng render, na mas pinatagal pa ng mga kinailangan na fix...

busy na ulit..
photoshop-mode na..
pero bago yun - Friday routine muna...

is feeling , kailangan kong makatapos sa June 21.. at makapag-release na sa June 22...


No comments:

Post a Comment