Friday, June 29, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of June 2018 (Midnight Changes)

Loveless Story


June 27, 2018...

Php 35,000 ang target sa July..
para may porsyento for income..
may porsyento para sa graphics card upgrade..
at may porsyento ang edukasyon...

nagsimula na rin nga sa project #8 kahapon..
4 months, 2 projects...

is feeling , titingnan...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 2 - Reinforced Conference (Quarterfinals)


June 23, 2018...

pinagmalupitan na naman ng S+A yung 3rd match...


Angels versus Iriga Navy Oragons

Set 1, maagang naiwanan ang Oragons, nakuha ng Angels yung set sa 25-19..
Set 2, 25-14, pabor ulit sa Angels..
Set 3, nakadikit ang Oragons, pero tinapos pa rin ng Angels yung set sa 25-19...

3-0, panalo ulit ang Angels laban sa Iriga Navy Oragons..
nanaig sina Trach at Lymareva laban kina Ubben at Whyte..
Player of the Game si Trach with 17 points...


BanKo versus BaliPure-NU

Set 1, 25-19, in favor of BanKo..
Set 2, mas nakalaban ang BaliPure this time, naagaw pa nila yung set sa 25-22..
Set 3, 25-14, bumawi ulit ang BanKo..
Set 4, at tinapos na ng BanKo ang match sa 25-19...

3-1, panalo ang BanKo at nabawian pa nila ang BaliPure-NU..
nanaig sina Montripila at Bright laban kina Johnson at Mathews..
Player of the Game si Bright with 24 points...


Pocari-Air Force versus Fighting Warays

Set 1, 25-22, in favor of Pocari-Air..
Set 2, 25-17, in favor pa rin sa Pocari-Air..
Set 3, medyo nilaro pa ng Pocari-Air yung bandang dulo nung laban, pero nakuha pa rin nila yung set sa 25-20...

3-0, panalo ang Pocari-Air Force at nabawian din nila ang Fighting Warays..
nanaig sina Love at Palmer laban kina Hyapha at Sangmuang..
Player of the Game si Tempiatura with 20 excellent digs...

is feeling , last game day na sa Wednesday...

---o0o---


June 27, 2018...

last games ng Quarterfinals...


BanKo versus Angels

ang deciding match para sa Quarterfinals..
ang makapagsasabi kung anu-ano ngang teams ang makapapasok sa Semifinals...

Set 1, 25-19, natapos pa yung set sa positional error kontra sa Angels..
Set 2, 25-19, in favor of BanKo..
Set 3, 25-19, at identical nga ang kinalabasan ng lahat ng sets...

3-0, panalo ang BanKo at nabawian din nila ang Angels..
nanaig sina Montripila at Bright laban kina Trach at Lymareva sa tulong ng mga popular nilang local teammates..
Player of the Game si Tiamzon with only 8 points...

natapos ang campaign ng Angels, na hindi rin naman masama ang naging performance..
pasok ang BanKo bilang 3rd seed at makakaharap nila ang PayMaya..
at natulungan rin nilang makaposisyon na ang Pocari-Air Force sa 4th seed na makakaharap naman ng Creamline...


Fighting Warays versus BaliPure-NU

Set 1, 25-18, in favor of BaliPure..
Set 2, 25-16, in favor of BaliPure na naman..
Set 3, 25-16, in favor of BaliPure pa rin...

3-0, panalo ang BaliPure-NU..
nanaig sina Johnson at Mathews laban kina Hyapha at Sangmuang..
Player of the Game si Nisperos with only 12 points...

sayang at nakakalungkot yung naging journey ng Warays sa conference na ito..
mula sa pagiging 3rd seat sa Round 1 na may record na 4 Wins - 3 Losses, biglang naging 0 Win na sila sa Quarterfinals..
mukhang natiyempuhan lang nila na nasa adjustment period yung ibang teams noong Round 1...

is feeling , lagot, malaking threat ang BanKo...

-----o0o-----


June 23, 2018...

nagtrabaho na lang nga...

took me 2 months para mabuo 'tong latest project..
52 days para matapos ang mga render..
8 days naman para sa photoshop...

isasagad ko na ang Sabado..
submit-mode na...

is feeling , para sa pera...

---o0o---


June 24, 2018...

sayang naman..
ang ganda ng araw kahapon eh...

konting bakasyon muna..
habang naghihintay ng mga approval...

audit muna ng savings..
naglalabu-labo na ang mga kita kong barya eh...

is feeling , note to self: i-clear ang utak sa tuwing papasok sa bentador-mode...


>
done with the audit..
done fixing some characters and settings..
done with the backup (yun nga lang ang dami ng GB ang awas sa mga flash drive ko :( )...

sa weekday na yung SSS..
character design muna sa ngayon para sa project #8...

is feeling , sana mabilis lang 'tong outdoor project...

---o0o---


June 26, 2018...

pahirap na nang pahirap ang mga challenges... :(

  1. nagkukusa na yung Autistic na lumabas ng bakuran nila at magpunta sa malayo
  2. lumalaki na at lumilikot yung baby
  3. dahil iba na ang level ng mga pag-ulan sa panahon ngayon, dagdag problema pa yung bahay ng kapitbahay na puros tulo at baha, pero ayaw nilang iwanan yun dahil sa convenience ng may multi-purpose na katulong
  4. kung anu-ano na ang nagiging sakit nung matandang lalaki, baka may cancer na sa itlog

kung nakinig lang sana sila sa akin noon..
na huwag nang tanggapin yung pagbabalik nung pabigat na matandang lalaki..
kung ang kapalit lang naman eh hindi buo na pamilya..
edi sana hindi nila kinailangan na bayaran lahat ng mga utang nun sa sugal..
edi sana hindi na nabuo yung maluho pero wala namang silbi na bunsong anak..
edi sana hindi pabigat ngayon yung matandang lalaki...

pero anong ginagawa nila ngayon..?
bigay ng allowance..
bigay ng maintenance medicine..
bigay ng mga pang-healthy lifestyle na juice..
pero ano namang ginagawa nung matandang lalaki sa sarili niya..?
kain nang kain ng mayaman sa cholesterol na mga pagkain..
kain nang kain ng mga candy..
kain nang kain ng mga junk food..
ang takaw-takaw sa asukal..
at siyempre yung walang-kamatayan na paninigarilyo niya...

is feeling , parang tanga na kinokontra pa nila yung natural eh...

---o0o---


June 27, 2018...

[K-ture / Music / Video]



MOMOLAND - BAAM

hindi kasing ganda nung tunog nung BBoom BBoom..
mas simple siya at marami nang familiar na dance moves..
pero ang cool nung pang-international na concept para dun sa music video...

wais rin yung marketing nila..
isinali yung Philippine flag at yung jeep dahil alam nila na mabilis mahatak online at mabilis mang-angkin ang maraming mga Filipino ng kahit na ano at kahit na sinong may porsyento ng tatak Pinoy..
(tapos wawasakin lang nung Hokage na Mahilig ang kultura at history ng mga jeep??)..
tamang-tama rin yung teaser kung matutuloy nga sila sa bansa sa August...

credit for the music video goes to the original creator(s) and uploader...

— feeling , hala! paganda nang paganda yung mga crush ko...


>
 loko rin talaga 'tong ibang (maraming) Filipino eh... :(

sinita pa nila kung paano ipinagamit kay Nancy yung Philippine Flag..
eh ginagawa naman talaga yun ng mga tour guide sa iba't ibang bahagi ng mundo..
hindi rin naman actual flag yung ginamit dun sa music video kundi mini-version lang..
ngayon, kung sinasabi nila na binastos ng Momoland at ng mga creator nung music video ang bansa, eh baka nakakalimutan ng mga bugok na mga Filipino na yun na napakaraming mga estudyanteng Filipino ang nagwawagayway din ng mga ganung mini-flag tuwing Independence Day ng bansa..
at baka nakakalimutan rin nila na ginagawa rin yun ng mga estudyanteng Filipino sa mga watawat ng ibang bansa tuwing United Nations Day..
so ibig bang sabihin na binabastos din ng mga Filipino ang iba't ibang watawat..?
sa mga ganung pagkakataon ba eh nasasabi nila na parating tumuturo ang mga watawat sa tamang direksyon...??

kung maka-react 'tong mga warfreak na mga Filipino na 'to..
akala mo eh ibinasahan yung watawat nila eh..
akala mo eh inihan at tinaihan ng mga banyaga yung watawat nila eh...

mga bobo..
huwag ninyong binabastos ang mga kagrupo nina Yeonwoo at Jane...

isipin nyo na lang yung mutual benefit nun..
para dun sa grupo..
at para rin sa turismo ng bansa...

— feeling , basta.. nakakahiyang maging kababayan ng mga basag-ulo na yun...


>
kailan mo masasabi na totoo yung kasabihan na paboritong anak yung bunso...??

kapag naghahabol ng thesis yung estudyante na hindi maka-graduate nang on-time..
pero kitang-kita sa monitor ng Php 30,000 worth ng laptop niya yung online game na pinagkakaabalahan niya oras-oras..
at dinig na dinig din sa speaker nung Php 30,000 worth ng laptop niya yung audio nung online game, pati yung mga sinasabi ng mga ka-party niya..
tapos igigiit pa rin nung biological mother na thesis daw yung ginagawa nun...

is feeling , puta naman.. eh kahit hindi computer-literate eh mabubuking yun eh...

---o0o---


June 29, 2018...

delikado na yung baby..
for some reason nagsisimula na yung Autistic na batuhin siya sa ulo ng kung anu-anong bagay...

logically speaking..
3 tao talaga ang kailangan ng pamilya nila kung gusto nila na may kikilos para sa kanila para sa lahat ng bagay..
1 expert na tututok dun sa Autistic para magabayan rin yung bata kung ano yung tama at mali, at kung ano yung mapanganib..
1 yaya na magbabantay dun sa baby, kung tutuusin pwede na yung bata na mag-ground-based na playpen para napa-practice na niya ang kanyang pagtayo at paglakad nang mag-isa..
1 cook at tagalinis, kung tutuusin kailangan na rin nila ng sarili nilang mga gamit sa pagluluto...

pero sa ngayon ipinapasa nila lahat ng gawain sa iisang tao lang..
for Php 4,000 a month na may mga additional naman..
pero karamihan nung pera eh para talaga sa allowance nung bunsong anak...

is feeling , wala eh.. walang respeto sa buhay yung depekto na yun...


>
[Movie]

Star Wars: The Last Jedi

ibang-iba talaga yung istorya nito kung ikukumpara dun sa mga nangyari sa comics matapos ang era nina Darth Vader at Darth Sidious...

rebel chase ng First Order..
First Order Dreadnought versus a single X-Wing Starfighter..
sina Paige at mga sacrificial rebel bombers..
mas maganda at mas fit si Paige kesa sa kapatid niyang si Rose..
bakit hindi na lang si Rose yung namatay...?

Supreme Leader Snoke..
hindi naman pala siya higante, pero malaki rin nga siya..
at kaya niyang gumamit ng long distance Force..

nag-self-imposed exile si Luke Skywalker..
matapos ang pag-massacre sa mga estudyante niya sa itinatag niyang bagong Jedi Order..
na-sense niya yung pananaig ng Dark Side kay Ben Solo..
binalak niyang patayin ang kanyang pamangkin, pero naging hesitant siya..
dahil dun ay mas lalong natulak sa Dark Side si Kylo Ren..
after nung failure niya na yun, naisip ni Luke na dapat nang ma-extinct ang mga Jedi...

LOL! dun sa mga alien na version ng mga sea cow..
tamang tambay lang, walang pakialam kahit na ginagatasan na sila..
eew! dun sa greenish fresh milk nila...

may hyperspace tracking technology na ang First Order..
kaya na nilang manambang ng mga kalaban kahit na nagja-jump na sila sa lightspeed..
son versus mother, pero naging hesitant si Kylo Ren..
kaya rin pala talaga ni Leia na gumamit ng Force..
nauwi sa ubusan ng gasolina yung labanan nila...

ang bayolente ni Chewbacca, nagluto ng Fried Porgs..
mukha pa namang mga Gremlin na Penguin yung mga Porgs..
buhay pa rin sina R2-D2 at C-3PO..
Force 101..
kawawa naman yung mga caretaker nung Jedi temple sa Ahch-To, andaming pahirap sa kanila...

kayang mag-sync sa isip at Force nina Rey at Kylo Ren..
though sinabi ni Snoke na siya originally ang may gawa nun, lumabas sa huli na may connection pa rin sila matapos na mapatay na si Snoke...

mukhang puppet na Yoda na ulit yung ginamit nila..
pinakawalan na rin ni Yoda yung mga aral ng mga Jedi..
at failure daw ang greatest teacher...

nagkaroon ng mutiny sa hanay ng mga Rebels..
at ganun din sa panig ng First Order..
nakagawa ng paraan si Kylo Ren para itumba na ang napakalakas niyang master na si Snoke..
ipinakita naman ng mga Royal Guards ni Snoke na mga elite rin nga sila na mga mandirigma..
ginusto niyang wakasan na ang era ng mga Jedi at Sith, at pamunuan ang lahat, pero hindi pumayag si Rey..
nag-agawan sila sa lightsaber ni Anakin Skywalker, na naging dahilan para masira na ito..
nagamit naman ni Kylo Ren si Rey para may maituro sa pagkamatay ni Snoke...

nag-double fail si Finn..
hindi nila nagawa yung misyon nila sa ship ni Snoke dahil nabuking yung disguise ni BB-8..
untikan na silang mapatay nina Captain Phasma dahil dun..
at si Vice Admiral Holdo pa yung nakagawa ng paraan para mapuruhan ang mga kalaban..
ang bangis nung lightspeed kamikaze niya, effective...

ang ganda nung ginamit na last setting na planet..
mayaman sa minerals..
pula yung kulay nung lupa na nababalutan naman ng maputing asin sa ibabaw...

mga lumang speeder laban sa First Order..
dumating naman na reinforcement sina Rey at Chewbacca gamit ang Millenium Falcon..
pero nabigo nga ulit sina Finn na wasakin yung siege cannon ng mga kalaban...

so far, pinakamatindi ng Force technique yung long distance self-projection ni Luke..
mga planeta pa ang distansya nun..
isang one-on-one match, na distraction lang pala..
kapalit naman nun ay ang mabilis na pagkamatay ni Luke at ang pagbabalik niya sa Force...

in a way, parang inuulit lang nila yung script nung original trilogy..
isang Jedi na nagdadala ng pag-asa, iti-train siya ng mga nabubuhay pa na mga Jedi, pero eventually eh mamamatay rin yung mga master niya..
andun rin yung concept na parating nagagawa ng mas maliit na grupo na maisahan ang maraming mga kalaban at magdulot pa ng pinsala laban sa mga ito...

ipinakita dito yung usual na agawan sa kapangyarihan ng mga nasa Dark Side (na mas madalas ipakita sa mga comics ng Star Wars)..
in this case, mas maaga nga lang nangyari yung pag-take over ni Kylo Ren sa leadership (nangyari sa 2nd installment)..
pero mas okay pa ring kalaban yung nakamaskarang Kylo Ren...

ipinakita rin sa movie kung paanong nagiging negosyo ang mga giyera...

challenge sa next movie ang igawa ng CGI si Leia Organa, dahil patay na yung actress na gumaganap sa role niya..
though posible naman yun, at ilang beses na rin ngang nagawa sa Hollywood...

is feeling , sumundot lang ng movie.. bago tuluyang bumulusok sa trabaho...


>
ang mga bagong challenges sa latest project..?
HDR ang gamit ko kaya hindi fixed yung background..
kinailangan ko ring gumawa ng lighting fix depende sa anggulo ng camera...

ang good news naman..?
umaabot ng 400% faster yung rendering ng bawat scene..
makakatipid ako this time sa rendering..
though hindi rin naman ako pwedeng madalas na mag-autopilot, gaya tuwing naliligo ako, dahil nga mas mabilis nang magtrabaho ngayon yung computer..
eh sayang naman ang kuryente kung idle lang...

is feeling , not bad...


No comments:

Post a Comment