Loveless Story
June 20, 2018...
na-distract na naman sa trabaho..
eh sa bigla akong nakakuha ng top level connection eh..
ang pamalit dun sa naputol kong koneksyon noon...
hindi direct link..
pero good enough...
is feeling , connecting people...
>
nadale na naman ng fatigue ang mga mata ko..
dahil sa paghahabol ko sa deadline...
kaso nasunog na rin nga nang tuluyan yung schedule ko..
simula pa kahapon..
natadtad ako ng sideline ko..
grocery..
load..
tapos kaliwa't kanang pagpapadala ng malalaking halaga ng pera...
minsan napapaisip ako kung bakit hindi na lang lumakas yung demand sa tuwing average na trabaho lang yung ginagawa ko..?
na dapat ko bang unahin pa yung mga baryahan at pa-Php 7.50-7.50 lang na mga raket kung ikukumpara dun sa libuhan...?
pero sa level ko ngayon, kailangan ko talagang i-appreciate lahat ng pumapasok na pera eh...
is feeling , kailangan kong maging greedy para sa'yo...
---o0o---
June 21, 2018...
sana dumating yung araw na 2 na lang ang kailangan kong gawing trabaho..
3D graphics..
at gumawa ng manga...
is feeling , puros kayo utos.. puros kayo rush...
>
9 days left para sa buwan ng June..
9 days left para paghandaan ang buwan ng July...
okay lang na ini-stress nyo ako kapag naghahabol ako ng deadline kung bibigyan nyo lang sana ako ng swerte sa Lotto eh...
nami-miss ko siya sa tuwing dumadaan ang July... :(
is feeling , anniversary na ulit...
-----o0o-----
[V-League]
PVL Season 2 - Reinforced Conference (Quarterfinals)
June 16, 2018...
3 games pero hindi televised yung last match..
naka-revenge-mode ang lahat ng may talo mula sa Round 1...
Fighting Warays versus Iriga Navy Oragons
ang 9th 5-setter match ng season...
Set 1, overkill ng Oragons, tinapos nila yung set, 25-9..
Set 2, medyo dikitan yung laban, nag-struggle si Whyte sa kanyang opensa, nakabawi ang Warays, 25-21..
Set 3, lumamang ng medyo malaki ang Warays, pero nakahabol ang Oragons sa tulong ni Whyte, pero nanaig pa rin naman ang Warays sa huli, 28-26..
Set 4, pumanig naman ang laro sa Oragons noong later part, nakuha nila ang set sa 25-21..
Set 5, maagang nakalayo ang Oragons, pero naging dikitan ulit yung laban sa bandang dulo, at natapos ng Oragons yung laban sa isang service ace, 15-13...
3-2, sa wakas nakakuha na ulit ng panalo ang Iriga Navy Oragons at nabawian na nila ang Fighting Warays..
nanaig sina Ubben at Whyte laban kina Hyapha at Sangmuang, at nagbunga na ang pagpupursige nila..
Player of the Game si Ubben...
Pocari-Air Force versus BanKo
Set 1, 25-19, in favor of BanKo..
Set 2, nasa BanKo pa rin ang malaking kalamangan, muli nilang nakuha yung set, 25-14..
Set 3, Pocari-Air naman ang nakalamang this time, pero nakahabol ang BanKo at naagaw pa ang set sa 25-22...
3-0, panalo ang BanKo at nabawian rin nila ang Pocari-Air Force..
certified na sila na tumatalo sa mga top teams..
nanaig sina Montripila at Bright laban kina Love at Palmer sa tulong ng mga local players..
Player of the Game si Bright with 19 points...
Angels versus BaliPure-NU
Set 1, nabaliktad ng Angels yung laban, nakuha nila yung unang set sa 25-23..
Set 2, naiwan na ng Angels ang BaliPure, tinapos nila yung set sa 25-18..
Set 3, at itinuluy-tuloy na ng Angels ang kanilang panalo, 25-14...
3-0, panalo ang Angels at nabawian rin nila ang BaliPure-NU..
nanaig sina Trach at Lymareva laban kina Johnson at Mathews sa tulong na rin ng mga local teammates nila..
Player of the Game si Saet with 21 excellent sets...
is feeling , sweet revenge...
---o0o---
June 20, 2018...
Pocari-Air Force versus BaliPure-NU
ang 10th 5-setter match ng season..
rematch ng Bagyong Pablo versus new generation NU..
Blue versus Blue...
Set 1, 29-27, in favor of Pocari-Air..
Set 2, 25-20, in favor of BaliPure..
Set 3, 25-19, in favor of BaliPure..
Set 4, 26-24, in favor of Pocari-Air..
Set 5, 15-13, in favor of Pocari-Air...
3-2, panalo ang Pocari-Air Force..
pero talagang pinahirapan sila ngayon ng BaliPure-NU..
nanaig sina Love at Palmer laban kina Johnson at Mathews..
Player of the Game na naman si Semana with 42 excellent sets...
BanKo versus Iriga Navy Oragons
ang 11th 5-setter match ng season...
Set 1, 25-17, in favor of BanKo..
Set 2, 25-23, in favor of the Oragons..
Set 3, nabaliktad pa ng BanKo yung 24-19 na kalamangan ng Oragons, tinapos nila yung set sa 28-26..
Set 4, 25-22, at naituwid naman ng Oragons yung nagawa nilang kapabayaan sa 3rd Set..
Set 5, at kinapos na ang effort ng Oragons sa 15-12...
3-2, panalo ang BanKo..
panibagong upset loss para sa Oragons dahil sa pagkaagaw sa kanila nung Set 3..
nanaig sina Montripila at Bright laban kina Ubben at Whyte..
Player of the Game si Montripila with 36 points na may 30 attacks at 6 blocks...
is feeling , 10 sets...
-----o0o-----
June 16, 2018...
lagot ako...
dahil umalis na sa [Name of City] yung utangan nung matandang lalaki para sa mga kapritso niya..
eh araw-araw na ang ginagawa niyang pangungutang sa akin..
nauubos na yung listahan ko dahil sa paulit-ulit na kauutang niya..
at dagdag pa yun sa mga nakakalito sa akin...
putang ina mo!
ang dami na ngang ibinibigay na pera sa'yo nung 2 mong anak..
tapos idadamay mo pa ako kahit na ang dami ko pang kailangan na bayaran na mga utang ko..?
ang kapal ng mukha ninyo, akala ninyo eh may naitulong kayo sa akin para sa kasalukuyan kong raket...
is feeling , either matuto kang mag-budget - o di kaya eh mamatay ka na...
---o0o---
June 17, 2018...
from 1995 hanggang nitong araw na 'to ng 2018..
wala pa akong nae-encounter na 1 centavo na mula sa BSP Coin Series (1995-2017)..
at kagabi ko lang nalaman na may ganun pala...
sa dami ko nang napapalitan na 5 at 10 centavo coins sa mga supermarket, ni isa nung 1 centavo coin na yun eh wala pa akong nahahawakan... :(
is feeling , anong klaseng city naman 'tong [Name of City]...??
---o0o---
June 18, 2018...
untikan na naman magdigmaan kahapon...
nakatanggap kahapon ng tawag sa telepono yung matandang lalaki..
pero yung mensahe ay para sa pangalawa niyang anak (galing dun sa pamilya nung panganay)..
nag-relay ng tanong yung matandang lalaki..
sumagot naman kaagad yung pangalawa niyang anak na 'okay' daw..
pero dahil selective na bingi yung matanda, eh hindi niya kaagad nakuha yung sagot..
naintindihan naman nung pangalawa niyang anak na mahina nga ang pandinig nung matanda, kaya nilaksan niya yung sagot niya..
'okay' daw..
pero dahil likas na malisyoso kung mag-isip yung matandang lalaki, ay pabalang kaagad siya na nagmura..
narinig ko at ng biological mother ko yung sinabi ng pangalawang anak, kaya alam namin na hindi naman siya nagmura..
simpleng one word nga lang yung sinabi niya eh..
pero nagtatalak na yung matandang lalaki; kesyo ano daw, kesyo alam naman daw na mahina ang tainga niya, kesyo putang ina daw eh bakit daw siya minumura kaagad...?
siyempre nainis yung pangalawang anak..
nilaksan niya lang yung boses niya para mag-adjust para sa kanyang ama..
tapos bigla na lang siyang mumurahin ng taong binibigyan niya ng pang-maintenance, healthy juice, at ng allowance weekly..
dahil ano..?
dahil nag-adjust yung anak niya sa kahinaan ng pandinig niya...??
pero hindi pa dun natapos ang lahat..
pagalit pa na lumapit yung matandang lalaki, habang paulit-ulit na isinisigaw nung pangalawang anak yung sagot niya na 'okay'..
tapos nagalit na naman yung matanda dahil daw minumura siya at idinamay na yung biological mother ko sa murahan...
napuno na yung pangalawang anak kaya nagtapon na siya ng mga gamit sa bahay (namin)..
pero mabuti na lang at kahit papaano eh hindi na lumala pa yung giyera dahil magsisimba na noon yung pamilya nung pangalawang anak...
is feeling , yung tao na pabigat na nga sa buhay.. pero may kapal pa ng mukha na bastusin yung mga tao na bumubuhay sa kanya.. at may tendency pa na magsimula ng mga giyera sa bahay...
>
[Natural Calamities]
yung latest na lindol sa Japan..
nasa Magnitude 6.1 daw eh...
please po, ingatan ninyo ang mga national treasure ng Japan..
sina Eiichiro Oda..
at si Megu Fujiura...
is feeling , hindi ba pwedeng sa Bestfriend Empire na lang lumindol - parati...??
---o0o---
June 20, 2018...
[Lottery]
unang jackpot sa lotto ng pool ko ngayong 2018..
inabot ng June bago makakuha ng purong jackpot...
is feeling , sablay pa rin ang pusta...
>
[Music]
hindi ko talaga gusto yung lyrics (message) nung mas popular na version (yung male version) nung kantang Hayaan Mo sila..
una, kasi parang nag-generalize na sila ng mga kababaihan, na pinapangit na nila yung imahe ng lahat ng mga babae (auto-b*tching)..
ikalawa, kasi wala naman akong kakayahan na gawin yung Hayaan Mo Sila move...
pero gustung-gusto ko talaga yung ibat-ibang estilo ng pagra-rap na ginamit nila dun sa kanta..
lalo na yung version na may JRoa pa...
is feeling , ayun.. napa-download na rin nga...
---o0o---
June 22, 2018
[Manga]
teka..
posible kaya na Devil Fruit User si Shanks..?
kaya wala siyang masyadong nagawa noong iniligtas niya si Luffy..?
napahina kaya siya ng tubig-dagat noon..?
kaya umabot pa siya sa punto na naisakripisyo niya ang kanyang isang braso...??
o sadyang mas bagito pa lang siya noong mga panahon na iyon...??
is feeling , posible nga kaya...?
No comments:
Post a Comment