at hindi ko alam kung may makakaintindi pa ba sa point of view ko...
gusto kong malaman kung naging ano ba talaga ako para sa kanya..
kalabisan na ba yun para sa side ko..?
hindi naman kasi sa akin nanggaling yung isyu nung 'crush' na yun eh..
at oo, 'noon' gusto kong panghawakan yun bilang daan para mapalapit sa babaeng nagugustuhan ko..
at sa ngayon, gusto kong malaman pa rin kung gaano katotoo yung tungkol dun..
dahil matapos ang lahat ng nangyari sa pagitan namin..
matapos ang lahat ng masasakit na nangyari sa akin - eh baka yun na lang yung magandang alaala na pwede kong panghawakan about her..
kahit na gaano pa kasimple o kababaw yung meaning nung 'feeling' na yun para sa kanya..
magiging masaya na akong malaman na minsan naman akong na-appreciate ng babaeng minsan ko nang pinahalagahan at minahal nang sobra-sobra..
o siguro makakabalik rin yun ng respeto ko para sa sarili ko kahit na papaano...
gusto kong malaman kung naging anong klase ba ako ng lalaki sa paningin niya..
kung ano ba yung mali sa pagkatao ko, dahilan para hindi na niya ako hayaang mapalapit sa kanya..
yung dahilan kung bakit hinding-hindi niya ako magawang papasukin sa buhay niya..
ano ng nangyari dun sa 'crush'..?
did it just fade away sa paglipas ng panahon, or did 'i' make it fade away..?
dahil ba sa HINDI ko pagiging isang Iglesia..?
o dahil ba obvious na wala naman akong maipagmamalaki sa buhay..?
kaya ba niya sinabi na kesyo kung magbo-boyfriend man siya eh yung tipong mapapangasawa na rin niya (dapat Iglesia, at stable sa buhay)..?
(bakit yung iba namang lalaki na nagpaparamdam sa kanya - mga naka-connect naman sa kanya sa Facebook, at minsan nga eh binubura pa niya yung mga cheesy na post ng mga ito para lang mawala ang mga 'ebidensya' ng paglandi ng mga ito sa kanya..)
(tapos ako eh bawal na bawal..)
ayaw na niya akong umasa 'PA'..?
ibig bang sabihin na sinadya nga niya akong paasahin noong nagbigay siya ng 'okay' na sagot..
bakit nga ba parang biglang nagbago na lang ang pakikitungo niya matapos kong makausap yung parents niya..?
sila ba yung nagdikta sa kanya at sa mga half-siblings niya, at maging sa mga sarili nila na huwag nang lumapit pang muli sa akin..?
gaano ba talaga ako nakakatakot..?
gaano ba talaga ako nakakadiri..?
o takot ba siya na mapalapit sa akin dahil alam namin parehas na wala rin yung patutunguhan kapag nagkataon...?
gusto kong malaman ang mga bagay na yun..
natatakot kasi ako na baka nga puros na lang 'mali' yung pagkatao ko..
na baka hindi lang siya yung babaeng ganun ang tingin sa akin..
na baka kailanman eh wala na talagang magawang tumanggap at magmahal sa akin na gaya ng inaasam ko..
eh yun ngang Category B lang na kagaya niya eh nagagawa akong i-dispatsa nang basta-basta eh..
eh paano pa kaya yung mga Category A o S na posible ko pang makilala sa hinaharap..?
baka tapak-tapakan na lang nila ako kapag nagkataon..
yung pakiramdam na naging basura na lang ako ng taong pinaka-nagustuhan ko at one point in my life - hindi ko na gugustuhing maramdaman pa ulit yun...
pero anong ginawa niya..?
to actually ask yung mga kakilala niya para i-ignore na lang yung pakiusap ng taong nasaktan niya nang labis..
bakit ba niya kailangan pang subukang i-manipula ang iba..?
napaka-cruel - para naisin mo na mas masaktan pa yung taong nasaktan mo na..
to think that i have always been honest to her about my feelings, at na wala naman akong naging kasalanan sa kanya..
tapos babalewalain na lang niya yung pakiusap ko na palayain naman niya ako nang 'maayos'..?
maiintindihan ko pa kung hindi siya nagbigay ng mga maling pahiwatig mula umpisa eh..
'wala namang magagalit', 'okay lang'..
tapos may mga banat pa na kesyo 'edi kausapin mo ang Tatay ko'..?
pinaasa niya ako o napaasa niya ako nang hindi niya sinasadya..?
alin man dun - eh nasaktan na niya ako..
hindi man lang ba niya ako pwedeng ituring nang tama, at sagutin na lang niya lahat ng mga nakabinbin na katanungan sa Inbox niya...?
---o0o---
i think i made a mistake dahil nga dun sa graduation gift ko sa kanya..
i guess it gave her the impression na nalalaman ko lahat ng mga ipino-post niya..
kaya as a result - eh bihira na lang siyang mag-post ng mga patungkol sa lovelife niya lately...
---o0o---
ang mga data na 'to..
ano ba talagang ibig sabihin nila..?
sino ba ang pinatutungkulan nila..?
yung Luckiest Guy on Earth mo ba na secret boyfriend mo na for 2 years..?
pero bakit parang masyado naman silang nag-coincide sa sarili kong istorya...?
Phase 1
>> dates before pa tayo nagkakilala ng personal
- April 4, 2013 (habang nagwawalis ako sa may terrace at napadaan kayo sa kalye sa tapat) (ang banat ni Half-Sister): bili na ng yelo...
- April 8, 2013 (hapon noon, kauuwi nyo lang, at saktong labas ko ng bahay para pumunta sa tindahan) (ang banat ni Half-Brother): ayun yung crush mo...
>> noong ni-reject mo na ako sa unang pagkakataon
- May 3, 2013 (morning after kitang sabayan sa may labasan at after kong ibigay ang cellphone number ko sa'yo): Hindi okay. Sorry pero hindi ako intresado sayo eh. Kung pwede din wag mo na akong kulitin.
>> 6 days after kong ma-reject
- May 9, 2013: mamanugangin daw ng Tatay mo.. may crush daw sa'yo yung anak ni [Name ng Kalapit-Bahay]... (nai-kuwento sa akin ng biological mother ko)
>> one month after nating magkakilala
- May 22, 2013 [12:38 PM]: Hindi ko na kaya.
- May 22, 2013 [02:51 PM]: Natapos na. [sad face]
>> sa araw ng birthday mo, kung kailan nag-PM ako ng greeting ko sa'yo
- May 29, 2013 [10:33 PM]: But, I only want you [smiley face]
>> a day after your birthday, at matapos mong solo na tumambay sa may tindahan for a few hours
- May 30, 2013 [11:37 PM]: It's over.. everything's gonna be alright. [smiley face]
>> a day after mong makita o mabasa yung desperado kong PM sa'yo na may mga kasamang tanong para malinaw ko lahat ng mga nangyari
- June 23, 2013 [09:45 PM]: Nakakapagod na!! - feeling tired.
>> a day after mong mag-decide na reply-an na yung June 22 ko pang PM sa'yo
- July 7, 2013 [07:46 PM]: Teknayan!!! - feeling angry.
- July 7, 2013 [07:53 PM]: Ganun na lang yun? Ayos!!! - feeling tired.
>> noong araw na mag-reply ka na nga sa PM ko, na nakakapagtakang 16 days matapos mong makita at mabasa yung PM ko
- July 8, 2013 [12:34 AM]: Hindi kita gusto. Wag ka ng mag chachat sakin. Pausap.
>> noong araw na nagsimula ka na ulit bumili sa amin ng yelo, which was approximately 09:00 PM, pero hindi naman ako yung nagbenta sa'yo
- August 15, 2013 [08:31 PM]: Sakit pre! :(
- August 15, 2013 [10:02 PM]: "Magaling naman at nakatipid ako."
- August 15, 2013 [10:36 PM]: Sakit sa dibdib!
>> a day after mong bumili na ulit sa amin ng yelo
- August 16, 2013 [05:41 PM]: Sana lang naiintindihan mo kung bakit ganito.
>> a day after noong Rose Incident noong September 27, 2013
- September 28, 2013 [09:01 PM]: Wag masyadong mapanghusga.
>> dates with uncertain connection sa istorya ko
- December 15, 2013 [08:43 PM]: Matangkad pa sa'yo ang pride mo. [grin]
- December 17, 2013 [07:24 AM]: Sometimes, you have to act like you don't care even when you do care, a lot. - feeling meh.
- December 18, 2013 [11:51 PM]: [image post] "Don't cry because it's over, smile because it happened. - Dr. Seuss"
Phase 2
>> noong simulan ko na ulit na lapitan ka sa personal
- January 12, 2014 [~08:12 PM]: echos lang yun... (sagot niya sa tanong na kung bakit hindi siya inihahatid ng boyfriend niya)
>> noong araw na nagparamdam ako sa'yo na gusto ko na ulit na subukang ilapit ang sarili ko sa'yo
- January 18, 2014 [~09:30 AM]: wala naman... (sagot niya sa tanong ko na kung may magagalit na ba kung lalapit na akong muli sa kanya, maliban sa kanya at sa Tatay niya)
- January 18, 2014 [~09:30 AM]: kausapin mo ang Tatay ko... (sagot niya noong itanong ko naman kung magagalit ba ang Tatay niya kung sakali)
>> a day after kong kausapin ang parents mo tungkol sa feelings ko para sa'yo, after ka nilang kausapin tungkol sa ginawa kong iyon, at after noong umaga na kumustahin kita dahil sa mga nangyari
- January 25, 2014 [04:05 PM]: Goodbye na ba ito? - feeling sad.
- January 25, 2014 [05:19 PM] (comment ng biological brother niya): ay ikaw. hahaha. andto lang si [Name of Guy]. hahaha
>> day na may uncertain connection sa moves ko, at day before yung event nila sa campus
- February 27, 2014 [03:53 PM]: Goodbye.
- February 27, 2014 [09:07 PM] (comment ng classmate niya na ni-LIKE pa niya): iloveyou, goodbye?????? awwwwyeeeaaa!
- February 27, 2014 [04:20 PM]: [image repost] "Don't cry because it's over, smile because it happened. - Dr. Seuss"
>> after noong umaga na sinubukan ko siyang kausapin, pero may pupuntahan daw siya
- March 3, 2014 [08:37 PM]: Full of regrets!
>> tas a day after
- March 4, 2014 [06:55 AM]: >_< [image post] "Delete my feelings for you. Error! The file is too big.."
>> and a day after
- March 5, 2014 [03:12 PM]: :| Do you miss him? - Everyday.
>> 7 days after noong huli naming pag-uusap
- March 10, 2014 [05:19 PM]: The truth is, if i could be with anyone I'd still choose you.
>> noong araw na sinubukan ko nang hingin yung cellphone number niya
- March 26, 2014 [~10:09 AM]: sa isang araw na lang ha, aalis pa ako eh... (yung sinabi niya noong hinihingi ko na nga yung number niya)
- March 26, 2014 [10:54 PM]: this! hahahaha! [image post] "Potassium. Pota na nga. Assuming pa!"
- March 27, 2014 [09:07 PM] (comment ng biological nephew niya): 19. Potassium - K
>> noong huling araw na subukan kong makuha ang cellphone number mo
- March 28, 2014 [~01:22 PM]: wag na. hindi pwede... (yung sagot niya noong ulitin ko yung sinabi/pangako niya noong March 26)
>> at noong araw na tuluyan na niya akong binasted
- March 29, 2014 [~05:48 PM]: huwag na. hindi pwede... (sagot niya sa balak kong panliligaw)
bakit ganito ang mga data na 'to..?
hindi mo man lang ba yun pwedeng ipaliwanag sa akin...?
No comments:
Post a Comment