Friday, June 20, 2014

Budgies Update: June 15 to 19, 2014 - Eggs (Part 2)

ang blog entry na are ay related sa blog entry na ito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2014/06/budgies-update-june-12-14-2014-eggs.html


by past 4:00 PM of June 15, 2014..
lumabas na rin ang egg #3 nina Yellow-Brown at Yellow-Girl..
at tama nga ang hinala ko - mali yung una kong observation period..
mukhang June 11 talaga siya ng bandang hapon nagsimulang mangitlog...


by past 5:00 PM of June 17, 2014..
(pasensya na sa picture, makulimlim kasi ang kalangitan noong araw na iyon at wala namang flash ang cellphone ko XD)..
nakaka-4 ng itlog sina Yellow-Brown at Yellow-Girl...


by past 4:00 PM of June 19, 2014..
5 eggs na..
sa puntong ito eh mas agresibo na rin si Yellow-Brown sa pag-protekta sa mga itlog niya, heto nga't kinailangan ko nang itarak sa tabi niya iyong pang-ipod ko sa kanya na barbecue stick para lang makunan ko ng picture ang lahat ng itlog..
(sana lang hindi mabugok yung mga itlog dahil sa radiation nung cellphone ko :p)..
after June 21, magkakaalaman na kung hihinto na siya sa pangitngitlog o kung lalabis pa siya sa average ng mga budgies na 6 eggs...

---o0o---


by June 17, 2014..
kumuha ako ng picture ni Yellow-Albino dahil weird na yung behavior niya..
ito ay makailang araw lang matapos ko siyang i-isolate sa pares na sina Yellow-Girl at Yellow-Brown..
nagsimula siyang magtitigil sa iisang sulok nung portion niya nung kulungan, tapos eh medyo malalaki na o mahahaba iyong iniiipot niya..
noong una eh parang kinalbo lang nang ayos iyong bandang puwitan niya, preparation siguro para sa pakikipag-mate..
pero simula noong i-isolate nga siya eh nagsimula na itong maging dumihin, na parating may malalaking ipot (poop) na nakakakabit sa balahibo niya na mahirap matanggal..
siyempre nag-aalala ako sa kondisyon niya..
pero sa tuwing kinukulit ko naman siya eh mukhang may lakas pa rin siya upang gumalaw..
bukod dun, parang nagiging matipid na rin siya sa kanyang pagkain at pag-inom...

at nitong June 21 ng umaga..
napansin ko na lang na nasa loob na siya nung nest box sa parte niya ng kulungan..
hindi ko talaga sigurado kung anong nangyayari sa kanya..
gaya ng nasabi ko na noon, mas mura pa ang bumili ng panibagong ibon kumpara sa pagkonsulta sa isang avian vet..
pero siguro (sa palagay ko lang, base sa mga online readings ko)..
posibleng nagsisimula na siyang mangitlog ng unfertilized egg(s) (posible daw kasi talaga iyon - na mangitlog ang budgie hen kahit na wala naman siyang kapares na cock), pero sa sobrang dami ng ipot na lumalabas sa katawan niya eh mukhang nahihirapan siya sa pagpapalabas nito..
posibleng hindi siya malusog, o hindi pa talaga siya fit na gawin iyon dahil sa maliit niyang pangangatawan..
pero kung anuman ang pinagdadaanan niya - sana lang talaga eh malampasan pa niya ito, at makapaghintay pa siya ng makakapares niya...


No comments:

Post a Comment