Saturday, June 14, 2014

Budgies Update: June 12 & 14, 2014 - Eggs (Part 1)

well..
alam kong hindi pa panahon para magsaya ako..
pero hindi ko maiwasan na matuwa na eh...


by June 12, 2014..
umaga ko na nakita sa pugad iyong itlog..
the day before eh wala pa naman yun doon, hanggang mga bandang 5:00 PM..
so posible pa rin na June 11 yun lumabas, basta hindi pa masyadong accurate sa record ko yung araw ng pangingitlog ni Yellow-Brown...

at ayan na nga..
ang first egg nina Yellow-Brown at ng partner nitong cock na si Yellow-Girl..
masaya ako kasi for the second time eh nakita kong mangitlog o magka-itlog ang mga alaga kong budgie..
at sa kauna-unahang pagkakataon eh mukhang healthy naman itong hen, at hindi niya sinapit yung katulad ng nangyari noon kay White na nagkaroon ng prolapsed cloaca na parehas na delikado para sa inahin at sa itlog nito..
at dahil doon, umaasa ako na mas maganda na yung kalalabasan ng pagbi-breed ko sa pagkakataon na ito... :)


by June 14, 2014..
medyo tama ang hinala ko..
healthy ngang hen si Yellow-Brown..
kaya heto, nailabas na nga niya yung padalawa nilang itlog ni Yellow-Girl...

alam kong maling bilangin ang sisiw, hangga't hindi pa napipisa ang mga itlog..
pero sa itlog pa lang - eh maligaya na ako.. :D
makakailan kaya ang pares na 'to..
mga 4 to 6 eggs daw kasi ang average ng mga budgies eh...

---o0o---


tapos ginawan ko na naman ng mga pagbabago doon sa kulungan nareng mga ibon..
nag-alala kasi ako na baka kulangin sila sa mga nutrients ngayon pa namang panahon na ng pangingitlog, kaya naisip ko na magpasok ng mga bagong pagkain (prutas) sa kulungan nila..
pero madalas nato-trauma yung mga ibon sa tuwing nakakakita sila ng panibagong mga 'item' sa loob ng kulungan nila..
kaya naman para maiwasan na maging uncomfortable sila sa ganitong panahon, eh inalis ko na muna ulit yung ibang pagkain..
saka na lang siguro kapag lumabas na yung mga inakay...

tapos si Yellow-Albino naman eh parang naging threat na rin doon sa pares..
lately kasi eh lumalapit na siya doon sa mismong entrance ng pugad ni Yellow-Brown, na para bang gusto niyang pumasok o sumilip dito..
dahil doon eh tumataas yung alert level nina Yellow-Brown at Yellow-Girl, na parating bantay-sarado kay Yellow-Albino sa tuwing lumalapit ito sa pugad nila..
kaya naman nag-decide ako na muling lagyan na ng divider yung kulungan ng mga budgies ko, at dahil doon eh mag-isa na lang si Yellow-Albino sa isang portion noong kulungan..
i just hope na makaya pa niyang maghintay ng makakapares niya, at hindi naman mamatay sa lungkot...


No comments:

Post a Comment