short bad dream..
nadatnan ko na lang daw yung 2 ko pang natitirang budgies isang umaga, na nakasalpak na yung mga nguso sa food bowl nila..
as in patusok yung dating ng mga naninigas nilang katawan doon sa food bowl na may laman pang bird seeds, na tila nag-dive sila doon..
nang i-check ko na sila nang malapitan..
eh nakakilos pa naman daw sila at nakabalik pa sa pagtayo..
pero hinang-hina na yung dating nila na para bang malapit na rin silang mamatay...
— feeling , bad...
---o0o---
June 23, 2014...
early morning dream talaga noong June 23..
parang sa garahe sa kabilang bahay yung setting eh, na parang nagiging yung garahe din ng mga blood relatives ko sa bayan..
umalis daw yung pamilya nung Babaeng Peke Ang Kilay, habang kumakain naman kami sa dining table na nasa garahe..
hindi ko na masyadong maalala kung sino yung mga kasama ko..
minsan parang yung biological mother at demon sperm-donor ko, pero minsan parang yung biological demon sperm-donor ko lang..
nang biglang may sabihin daw itong biological demon sperm-donor ko na sinabi daw ni Stepmom..
siyempre na-curious ako, pero hindi ko siya lubusang maintindihan eh..
kesyo parang pagpasensiyahan na daw yung anak-anakan niyang peke ang kilay..
na parang nagiging 'matigas' daw ito..
na parang hindi nila makumbinsi...
kaso bigla daw bumalik mag-isa yung Babaeng Peke Ang Kilay..
at dahil sa konsepto ng mixed-world sa dream world, eh doon sa garahe namin siya tumuloy at pumasok, na parang taga-doon siya..
tas parang dumaan pa siya sa may likuran ko..
no choice ako noon kundi pigilan yung matandang lalaki sa pagkukuwento niya...
tapos noong libre na ulit para mag-usap..
eh sinubukan kong buksan ulit yung topic na iyon..
pero dahil hindi naman kami close eh hindi ko daw magawang diretsahin yung matanda..
na parang maligoy daw yung dating ng mga tanong ko..
at hindi na nga niya ako sinagot...
siguro napanaginipan ko yun dahil interesado pa rin nga ako sa katotohanan..
siguro isa pang dahilan eh dahil nabanggit din ng biological mother ko yung pangalan ni Stepmom noong isang araw...
No comments:
Post a Comment