Loveless Story
February 2, 2025...
nakabili na ulit ng 1 kilogram Almonds mula sa trusted pantry ko sa Lazada..
Php 580..
plus kung magkano man yung shipping fee na iyon..
pero Php 20 lang ang binayaran ko..
Php 18.50 nga lang yung inabot, actually...
is
feeling , salamat, LazRewards.. para sa nalalabi kong taon sa mundo...

---o0o---
February 3, 2025...
ngayong araw ko lang na-realize..
2014 pa pala yung huling beses na bumili ako ng Star Wars action figure..
naging busy sa mga adventure simula noong 2015..
hindi ko na tuloy namalayan na almost 11 years na pala ang nakalipas...
is 💔 feeling , at mas mahal na yung kailangan kong items sa panahon ngayon...
>
[Manga]
One Piece - Harley
ang lahi ni Im..
nang-alipin sila ng mga tao at nagmina ng enerhiya mula sa ilalim ng mundo..
nakagawa sila ng mga industriya at mga sasakyang pandigma tulad nung nangwawasak ng mga isla..
hindi malinaw kung anong papel ng mga Lunarian para sa lahi ni Im..
pero nilabanan yung serpent of hellfire ng creature na may pakpak..
yung parang dragon kaya ang mga Tenryuubito at Sea Kings naman yung pahabang creature...??
mukhang nakapaloob naman sa The Second World ang pagkatalo ni Joy Boy..?
iyon nga ang dahilan ng pagkabali ng pangako ni Joy Boy sa mga Fishman na may kinalaman sa Noah na Ship of Promise..
ang lahi kaya ni Im ang Forest God...??
sa The Third World, mangyayari ang malaking digmaan laban sa mga Tenryuubito..
mako-control nila ang araw..
magtutulungan naman sina Nika, Iron Giant, Ancient Giant, mga Giant, mga Fishman at sea creatures, ang Kingdom of Arabasta, mga Samurai ng Wano, mga Mink, mga Tontatta, iba pang lahi, at mukhang pati mga Lunarian..
o yung mga Shandian kaya iyon...??
is
feeling , bakit alam ng mga ancient na tao ang mangyayari...??

>
ang halaga ng mga bayarin ko for 2025...??
almost Php 9,200 para sa SSS..
at Php 6,000 naman sa PhilHealth..
total ng Php 15,200... 🙁
kumpara kung..
nasa Php 5,600 lang ang SSS sa 15% of Php 3,000 minimum na rate..
at Php 4,800 lang ang sa PhilHealth..
total ng Php 10,400...
bale nasa Php 4,800 sana ang matitipid ko...
is
feeling , anong kagaguhan ba ng gobyerno itong napasok ko...??

>
[Game]
umaabot na sa Php 96,650 lahat ng pera na naipasok ko doon sa laro..
mula sa original na Php 70,000..
yung ibang halaga eh sa retrieval operation ipinasok..
Php 84,000 pa lang yung nailalabas kong kita..
pero unfortunately, Php 18,000 nga yung ibinalik ko sa trading dahil sa XRP..
meaning Php 66,000 pa lang talaga yung nababawi ko..
at hanggang sa basurang panahon na ito eh nasa Php 30,650 pa rin ang hindi ko nababawing halaga mula doon sa demonyong laro na iyon... 🙁
akala ko noon na makakatulong yung game para mapalago ko naman yung kinikita ko dati sa 3D..
pero bukod sa scam na nga yung game..
eh na-trap pa ako ng kamalasan na taglay ko sa loob ng trading... 🙁
is
feeling , dala-dala ko lahat ng kamalasan na hindi basta-basta nakakabura ng existence.. isang marahan at sadistic na katapusan through depression...

---o0o---
February 5, 2025...
so natukso akong bumili ng Scarif Stormtrooper through Lazada..
pumapatak kasi na almost Php 1,100 lang ang bawat piraso doon sa set of 4..
tapos kung magagamitan ko pa ng 20% discount, eh mapapababa ko pa hanggang Php 875 per piece..
na hindi na masama since karamihan ngayon ng Star Wars collectors' item eh pumapalo na talaga sa lagpas Php 1,000 bawat isa...
kaso matapos kong mag-clarify..
eh sinabi nga nung shop na nagkamali lang daw pala sila sa pricing..
itinaas nila sa almost Php 6,400 yung presyo..
so masakit 'yon na Php 1,600 per unit... 🙁
is 💔 feeling , nagtse-check pa naman na ako ng mga kahon ko dahil sa pag-asa na may mabibili na ulit akong bagong mga unit...
>
sinubukan ko ngang mag-inspection ng mga gamit ko ngayong araw..
bakit..?
dahil yung mga damit sa taguan ko eh palagi na lang nadadali ng mga mold... 🙁
kaso hindi ko kinaya..
kulang na kulang kasi sa tulog dahil galing sa general cleaning kahapon...
ang masakit na natutunan ko this time..?
huwag gumamit ng rubber band para sa mga koleksyon..
dahil posible silang matunaw dahil sa Climate Change...
is 💔 feeling , magtatapon na ulit ng mga gamit na pinahalagahan ko noon...
---o0o---
February 6, 2025...
2nd day ng pag-inspect ng mga gamit..
nagtanggal ng mga battery, since sobrang luluma na nung mga nasa gamit ko..
ng mga rubber band, 2 na yung nakita ko na bumigay..
ng mga itlog, parehas na merong mula sa butiki at ipis..
padaan lang na inspection..
di tulad dati na bawat pahina ng mga drawing ko at bawat piraso ng card eh sinisilip ko talaga...
bale 4 na lalagyan pa ng Star Wars ang natitira para i-inspect..
yun ang pahirapan na task..
lalo na para sa taong sobrang pawisin ang kamay...
is
feeling , kailangang i-schedule for February...

---o0o---
February 7, 2025...
[Anime/Manga]
breast curtains..
sa wakas..
alam ko na yung tawag dun sa pinakamagaling at matipid na costume na na-develop sa Anime..
yung design na matagal ko na ring ginagamit sa mga character ko dati, pero hindi ko lang alam kung anong tawag...
is
feeling , ang lilikot...

>
[Game]
malungkot na balita para sa akin..
simula nitong 2025, nag-adjust na ang Lazada sa rewards nila..
wala na yung Php 27 na nakukuha ko every 2 to 3 days mula doon sa isang laro..
mas tricky na sila ngayon pagdating sa mga event nila..
sinisigurado nila na gagastos ang mga customer...
hindi 'to makakatulong para sa Almond diet ko...
is
feeling , ganun talaga.. mahirap nga naman na wala talagang ibinabayad ang mga customer...

-----o0o-----
[V-League]
PVL All-Filipino Conference 2025
February 6, 2025...
Creamline versus Tiggo..
pero hindi pa nila makakalaban si Sato sa pagkakataon na ito...
Set 1, Galanza-Gumabao-Pons triangle muna, unang nakalamang ang Tiggo, Caloy for Gumabao, nabaliktad ng Creamline ang kalamangan sa bandang kalagitnaan, at nagawa pa nga nilang iwanan ang Tiggo dahil sa kanilang 15 attacks and 3 service aces..
Set 2, Baldo-Galanza-Caloy triangle naman, una ulit nakalamang ang Tiggo, muling kumalas ang Creamline sa bandang kalagitnaan, nanaig nga sila dahil sa kanilang 2 kill blocks and 3 service aces..
Set 3, same triangle para sa Creamline, una pa ring nakalamang ang Tiggo, Gumabao for Caloy, bandang kalagitnaan ulit nang baguhin ng Creamline ang takbo ng laban, hanggang sa tinapos na nga nila ang match...
3-0, panalo ang Creamline...
is
feeling , salamat, team.. para kina Morado at Galanza...

-----o0o-----
February 2, 2025...
[Trade]
day 418...
nag-quick pump kagabi ang AST hanggang level 85..
USD 25 yung napakawalan ko dun.. 🙁
tapos nagising ako sa isa na namang maysa-demonyong umaga kung saan hila-hila ng Bitcoin ang halos buong market paibaba..
ang aga pa pero nasa level 75 na kaagad ang AST...
walang masyadong hila laban sa BTTC..
ganun din sa ARDR...
mabuti pa ang LIT na mas sumabog pa kagabi..
lagpas 100% na pump..
bale halos 200% pala mula sa latest bottom nila..
USD 728 sana iyon para sa akin.. 🙁
lagpas pa sa hawak kong pondo sa ngayon...
is
feeling , ako naman muna sana.. balewalain nyo muna yung d*e will be done laban sa akin...

>
[Trade]
sa level 85 kagabi, eh USD 449 sana ang mababawi kong pondo..
USD 80 na mas mababa kumpara sa dati kong level..
pero kung naitaya ko naman iyon sa LIT..
eh nakaakyat na sana ako sa USD 1,067.. 🙁
nakalaya na sana ako sa demonyong dulot ng Reverse Midas ko sa loob ng Binance...
is
feeling , perpekto ang taglay kong kamalasan...

>
[Trade]
at nagdagdag pa nga ng panibagong USD 317 ang LIT... 🙁
ayoko na..
pagod na pagod na ako..
kahit gaano ko pa pag-aralan ang trading..
automatic din naman na magiging mali lahat ng mga desisyon ko.. 🙁
kaya nga naging mali ako sa loob ng halos 3 taon...
gusto ninyo akong malugi at ibaon sa depression..?
sa inyo na..
yung USD 948 ko sa Binance, kasama na yung USD 20 ko sa LUNC at USD 40 sa BNB..
yung USD 130 ko sa Ronin..
at USD 40 na panibago kong isinugal sa Coins..
gusto ninyong i-zero lahat..?
gawin nyo na..
wala na akong pakialam..
mga demonyo kayong lahat...
bukod pa yung Php 45,000 na na-scam nung p*ta..
at yung Php 16,000 na ayaw na ayaw niyang bayaran... 🙁
is
feeling , around Php 126,000 ng natapon na pera.. mga demonyo kayo...

---o0o---
February 3, 2025...
[Trade]
day 419...
nag-pump pa rin ang LIT kagabi para sa USD 95 na increase sana para sa akin..
bago sila bumaba hanggang level 84...
nag-pump naman ang AST at naka-recover ng USD 35..
at saka sila muling nagpahila sa Bitcoin hanggang below level 70 na... 🙁
ang SLP naman ay malapit na sa critical level nila na Php 0.12...
is
feeling , bahala na kayo...

>
[Trade]
USD 383 yung panibago at mabilis na recovery ng LIT..
mula sa crash na idinulot ng pesteng Bitcoin at ng siraulong presidente ng USA...
bumagsak na ng 40% ang AST mula sa entry point ko... 🙁
ang SLP eh bumagsak pa below Php 0.12..
49% na ang crash nila mula sa entry point ko... 🙁
yung dati kong target sa BNB na USD 500 na re-entry point eh natupad na din... 🙁
titigil kaya ang pagbagsak ng lahat kapag nagpalugi na ulit ako...??
is
feeling , mabuti pa yung LIT.. kumita na nang kumita ng daan-daang dolyares sa ganitong kasamang panahon...

---o0o---
February 4, 2025...
[Trade]
day 420...
USD 96 yung unang na-recover ng AST mula sa crash kahapon..
USD 86 naman para ngayong araw, bago sila muling bumaba... 🙁
USD 96 para sa ARDR..
USD 64 ang na-recover ng BTTC..
USD 126 ang sa LIT, bago sila muling bumaba sa mas mababang level...
is
feeling , umaabot na ngayon sa USD 13,000 ang napakawalan kong potensyal na kita simula noong 2024 Imperial New Year...

---o0o---
February 5, 2025...
[Trade]
day 421...
USD 53 ang na-recover ng AST ngayong araw... 🙁
USD 131 yung unang na-recover ng LIT..
USD 102 naman yung sumunod...
is
feeling , mabuti pa ang LIT...

---o0o---
February 6, 2025...
[Trade]
day 422...
USD 99 naman ang na-recover ng LIT ngayong araw..
araw-araw na lang talaga sila...
kahit 1 beses lang sana..
na makagaya ang AST sa ginagawa ng LIT..
gusto ko lang talagang makalaya na...
is
feeling , konting awa lang sana...

---o0o---
February 7, 2025...
[Trade]
day 423...
USD 57 yung panibagong na-recover ng LIT ngayong araw...
samantalang ang AST at SLP eh malalayo pa sa entry point ko...
ano ba talagang klase ng buhay ito..
nasa Php 10,000 yung panibago kong isinugal sa pag-asa na may mangyayaring maganda noong Imperial New Year..
pero nasa impiyerno na naman silang lahat...
is
feeling , kahit 1 araw lang sana talaga na walang kamalasan...

No comments:
Post a Comment