Saturday, February 15, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of February 2025 (Molds)

Loveless Story


February 9, 2025...

kinulang pa rin sa tulog..
may movie pala kasi kagabi..
tapos nag-install naman ng mga ginawa kong lalagyan ng naphthalene balls sa ilang drawer ko ngayong araw..
para lang talaga hindi naman nakadikit nang husto yung substance sa mismong mga damit ko..
panglaban sa molds...

is feeling , tigilan nyo na akong mga peste kayo...

---o0o---


February 11, 2025...

3rd day ng pagpapatuloy ng inspection ng mga gamit..
2020 pa pala noong huling beses akong nakapag-check..
at hindi nga maganda ang nadiskubre ko... 🙁

umaga..
nakapag-check ng 1 container ng Star Wars..
3 unit ang nagkaroon ng molds dahil pare-parehas na may cloth part...

hapon..
nakapag-check ng 1 pang container..
6 ang tinamaan ng molds..
surprisingly, 1 dun ay wala namang cloth part..
samantalang yung 1 naman ay na-dissolve ang rubber band part ng kasuotan...

vinegar sana ang mabisang pampatay ng molds..
kaso collectible yung mga item ko... 🙁

is 💔 feeling , sana naging mayaman ako para maprotektahan lahat ng mga koleksyon ko...

---o0o---


February 12, 2025...

4th day ng inspection..
nag-check lang ng maliit na partition ng container..
3 unit naman ang na-detect na may molds..
2 ang may cloth, na madali-dali namang linisin kahit papaano..
at 1 na wala ulit cloth part...

matutulog muna sa hapon..
magbabawi ng pahinga..
dahil sa kondisyon ng katawan ko, eh kulang na kulang ang 6 na oras lang ng tulog kung para sa sunud-sunod na araw...

is feeling , babawi muna ng lakas...

---o0o---


February 13, 2025...

5th day ng inspection..
ang last day..
bale, inaabot na pala ngayon ng 5 araw ang inspection ng mga koleksyon ko..
at hindi pa mabusisi yung iba dun...

ch-in-eck ko yung pinakamalaking kahon ko ng Star Wars..
di pala kaya ng isang umaga o ng isang hapon lang..
23 units ang nakitaan ko ng molds..
9 yung tinamaan ng major..
14 yung kahit papaano eh minor lang..
surprisingly, 15 dun ang walang cloth part..
pero nakakatuwa din naman na merong mga may cloth part na hindi nadali ng molds...

is feeling , pabigat talaga ang mga kamay ko.. pawis na pawis madalas...

---o0o---


February 14, 2025...

[Manga]

sobrang sama mo, George Morikawa..
hindi ka pa nakuntento sa pagkatalo ni Mashiba..
ginawa mo pa siyang comatose...

sadistic ang script mo..
binalewala mo yung pagtulong ni Ippo kay Mashiba..
binalewala mo yung consistent na training nung tao, habang pa-easy-easy lang at nakulong pa yung World Champion..
nandun din yung nahirapan yung katawan nung Champion dahil sa sapilitang pagbabawas ng timbang..
gusto mong palabasin na mas malakas pa rin ang mga mandaraya..
binalewala mo pati yung pagbabagong buhay ni Mashiba at ang pagpili niya sa patas na paraan ng pakikipaglaban..
lahat ng mabuting nangyari sa chapter ni Rosario, ibinasura mo at tinanggalan mo ng halaga... 🙁

is feeling , gusto mong palabasin na walang kuwenta ang pagsusumikap at pagiging patas.. na mas mabuti pa ang mandaya na lang ang lahat...

-----o0o-----


[V-League]


PVL All-Filipino Conference 2025


February 11, 2025...

Creamline versus Farm Fresh..
di ko nakita si Binibining Gumabao..
hindi daw 100% ang kondisyon ni Tubu...

Set 1, Galanza-Caloy-Pons triangle muna para sa Creamline, una silang nakalamang hanggang sa nakalayo pa sila, nakapagpasok pa tuloy sila ng bench, nanaig ang Creamline dahil nakuha nila lahat ng scoring stats kontra sa sarili nilang 9 big errors..
Set 2, Baldo-Galanza-Caloy triangle naman, una ulit silang nakalamang pero nahabol sila ng Farm Fresh, nakalamang naman muli ang Creamline hanggang sa tuluyan nang lumayo, nanaig sila dahil sa kanilang 17 attacks..
Set 3, same triangle for Creamline, una namang nakalamang ang Farm Fresh, naging palitan ng kalamangan ang laban hanggang sa bandang dulo, na-extend yung set pero kinapos pa rin ang Farm Fresh...

3-0, panalo ang Creamline..
Player of the Game si Galanza with 15 points from 12 attacks, 1 kill block, and 2 service aces...

is  feeling , salamat, team.. para kina Morado at Galanza...

-----o0o-----


February 8, 2025...

[Trade]

day 424...

USD 29 yung huling na-recover ng AST bago muling nahila ng Bitcoin pababa... 🙁

samantalang lalo namang nagdudulot ng pagyaman ang LIT..
USD 74 yung una nilang na-recover mula kahapon..
USD 84 yung mataas na akyat..
USD 55 naman yung patatlo...

is feeling , pwede ba akong magising bukas sa isang maayos na umaga...??

---o0o---


February 9, 2025...

[Trade]

day 425...

green ang karamihan sa market ngayong araw..
surprisingly, LIT pa talaga yung hindi nag-pump..
siguro dahil na rin sa malapit na silang i-delist muna...

kakaiba kasi nasa mas mababang level ang Bitcoin..
pero saka naman umaangat ang karamihan...

is feeling , sana nga ito na 'yon.. sana magising na ako bukas sa magandang umaga nang pag-exit sa pagkalugi...

---o0o---


February 10, 2025...

[Trade]

ay tumigil na muna sa pagbabantay ng mga cryptocurrency news..
wala na rin namang silbi kasi..
kahit pa may masamang balita na lumabas..
eh wala na din naman akong kakayahan na maka-exit sa mababang level..
mauulit lang nang mauulit ang masasamang pangyayari..
kaya wala na talaga akong pagpipilian kundi maghintay ng long term..
maghintay na maabot ng AST ang selling point ko..
o maghintay na makabalik ang AST sa entry point ko para mag-exit na...

is feeling , aasa na lang sa bahala na...


>
[Trade]

day 426...

bumaba na rin nga ang AST simula kagabi..
USD 69 sana iyon para sa akin, bago sila muling bumaba sa level 70... 🙁

USD 49 naman ang na-recover ng ARDR..
at patuloy lang sila sa pagtaas ng level...

is feeling , ang pangarap ng isang magandang umaga...

---o0o---


February 11, 2025...

[Trade]

day 427...

umaabot na sa USD 67 ang panibagong nare-recover ng AST habang green ang market...

is feeling , sige na, please.. magising na sana ako sa isang magandang umaga kung saan naka-exit na ako mula sa AST...

---o0o---


February 12, 2025...

[Trade]

day 428...

medyo bumaba ang level ng AST ngayong araw...

bukas na din ang swap ng LIT sa HEI sa Binance..
kung bumaba lang sana ulit sila noon sa level 50, pwede pa akong sumugal sa 100% pump..
kaso nakadikit lang sila noon sa level ng AST...

is feeling , wala bang Valentine's Day pump...??

---o0o---


February 13, 2025...

[Trade]

day 429...

tumaas ang market...

so far, BNB pa lang yung nagawang lagpasan yung dati kong entry point ko..
dahil dun eh minabuti ko na munang mag-exit nang may USD 3 na patubo..
risky kasi yung level 680 nila..
kailangan kong mas bumaba ng entry point...

USD 41 ang naiakyat ng AST..
USD 54 naman ang sa ARDR...

samantalang ang laki kaagad ng naiakyat ng HEI, na dating LIT, sa unang araw nila sa Binance..
lagpas sa inasahan kong magiging pump nila..
nasa 100% na recovery..
so mas tama sana na nag-exit ako sa AST at lumipat sa LIT bago sila nag-swap..
sa tantsa ko nasa USD 400 din ang kinita ko sana sa unang pump nila ngayong araw...

is feeling , AST, SLP, samantalahin nyo naman ang market...

---o0o---


February 14, 2025...

[Trade]

day 430...

USD 145 yung padalawang na-recover ng HEI kagabi bago sila muling bumaba...

samantalang halos stable naman ang level ng AST..
yun nga lang, walang silbi para sa akin ang stable sa ilalim ng entry point ko...

is feeling , tapusin nyo na ang pagkakamali ko...


No comments:

Post a Comment