Loveless Story
February 17, 2025...
panahon na naman ng paniningil..
46 months ng mga utang..
28 months na walang inihuhulog..
14 months na walang communication...
nag-send ng reminder..
parehas sa kapatid at sa isa niyang kaibigan..
idinamay ko yung kaibigan niya para maalarma naman siya..
c-in-ontact nga ako ng ate niya, pero b-in-lock din naman kaagad ako..
nagbigay nga sa akin ng mobile number, pero ni minsan ay hindi naman nag-reply...
so far wala pa akong natatanggap na sagot mula sa maalin man dun sa 2...
is
feeling , maagnas sana 'yang peke mong ilong ng mangkukulam...

>
2021 pa ako nakikipaglaban sa mga scam..
sa scam nung p*ta na hinihingi pala yung mga inuutang niyang pera..
sa scam ng Axie Infinity..
sa scam ng kamalasan ko sa Binance...
wala nang natapos sa mga scam na hinaharap ko..
ang dami nang dumaan na pagkakataon sa Binance para makatakas ako..
pero ni isa eh wala akong nasakyan... 🙁
ganito ba talaga ako kasama..?
higit pa sa lahat ng masasamang tao dito sa mundo..?
walang natatapos sa mga problema ko..
lalo lang lumalala dahil sa bulok na gobyerno ng bayang ito...
is
feeling , nasa Impiyerno na ako.. hindi pwedeng sa Impiyerno din ako ipatapon sa oras na mawala na ako sa mundo...

---o0o---
February 19, 2025...
naghabol na muna ng mga di pa napapanood na movies simula kahapon..
1 from 2022..
at 1 from 2023...
is
feeling , saka na ulit itong mga magiging movies from 2025...

---o0o---
February 20, 2025...
walang mababang punto ng buhay para sa isang taong malas..
kahit akala mo na pumasok ka sa isang mababang punto..
at na makakaangat ka mula doon kahit papaano..
basta malas ka, eh patuloy ka lang bubulusok sa mas mabababang level... 🙁
is
feeling , ganun ang buhay na nababalot ng matinding kamalasan na dala ng d*e will be done...

-----o0o-----
[V-League]
PVL All-Filipino Conference 2025
February 15, 2025...
Creamline versus PLDT..
ang padalawang Import challenge laban sa Creamline..
at malalim ang bench ng PLDT..
madaming live audience kahit pa concert ng Bini ngayong araw...
Set 1, Galanza-Caloy-Pons triangle muna, unang nakaagwat ang PLDT dahil maganda ang floor defense nila, ipinasok sina Baldo at Gumabao at nakadikit sila sa bandang dulo, na-extend ang set at nagkaroon ng palitan ng set point, hirap na maka-score si Galanza, at nanaig nga ang PLDT dahil sa kanilang 21 attacks..
Set 2, Baldo-Caloy-Pons triangle naman, una ulit nakalamang ang PLDT pero maaga namang nakahabol ang Creamline this time, naging palitan ng kalamangan ang laban, Galanza for Pons, Bernardo for Panaga, naiwanan sila sa bandang dulo, at nanaig nga ulit ang PLDT dahil sa kanilang 15 attacks..
Set 3, Galanza-Caloy-Pons triangle na ulit, activated na si Galanza, agwat sila nang agwat mula sa PLDT, double substitution with Gumabao at activated na din ang laro niya, nagpatuloy ang banta ng PLDT, pero nairaos naman ng Creamline ang set dahil sa kanilang 6 kill blocks..
Set 4, same triangle, una na ulit nakalamang ang PLDT, nakahabol ang Creamline at sila naman ang nakalayo, nag-cramps daw si Arado, double substitution with Gumabao, nanaig sila dahil sa kanilang 19 attacks and 2 service aces..
Set 5, same triangle pa rin, unang nakaagwat ang Creamline, KKD for PLDT at nakadikit sila, nabuhay ang blocking ng PLDT sa bandang dulo, naghabol ang Creamline at na-extend yung set, pero PLDT ang nanaig sa huli...
3-2, panalo ang PLDT..
ang lakas ng opensa nila...
is 💔 feeling , sayang.. ang unang talo ng Creamline this conference.. hindi pa nila natatalo ang PLDT simula noong All-Filipino Conference ng 2024...
---o0o---
February 20, 2025...
Creamline versus Galeries..
ang huling laban ng Creamline para sa Preliminary Round...
Set 1, Baldo-Galanza-Caloy triangle muna para sa Creamline, sila ang naunang nakaagwat, Gumabao for Negrito sa harap, hanggang sa nag-bench time na sila, nanaig ang Creamline dahil sa kanilang 14 attacks and 2 service aces..
Set 2, unang nakalamang ang Galeries at nagawa pa nga nilang makalayo, gumanda ang blocking nila, Pons for Panaga sa service at back row defense, pahinga muna ang mga Libero nila, naagaw ng Creamline ang kalamangan pero na-extend naman ng Galeries ang laban, pero tuluyang naagaw ng Creamline ang set dahil sa kanilang 18 attacks..
Set 3, same triangle pa din ng Creamline, ngayon na lang ulit ibinabad si Baldo, una na ulit silang nakalamang, Bernardo for Panaga, Gumabao sa double substitution with Bonafe, hanggang sa nag-bench time na ulit ang Creamline, at nairaos nga nila yung set nang si Bonafe ang Setter...
3-0, panalo ang Creamline..
at tinapos nila ang Preliminaries nang sila ang Rank 1...
wala na..
Creamline na talaga ang team na pinakamahusay sa paghahabol ng malakihang kalamangan..
sobrang daming beses na nilang nagagawa...
is
feeling , salamat, team.. para kina Morado at Galanza...

-----o0o-----
February 15, 2025...
[Trade]
day 431...
green pa din naman ang araw..
although kulang pa rin...
patuloy naman sa pagbaba ang HEI..
kagaya lang noong panahon na LIT pa sila..
kung bababa lang sana sila sa level 50 sa ganitong level ng AST..
makakapasok ako sa kanila at makakasugal sa 100% recovery...
is
feeling , nagagawa ng iba, kaya sana naman ay makagaya din ang AST at SLP...

---o0o---
February 16, 2025...
[Trade]
day 432...
bumaba ng konti ang AST noong umaga..
hindi ko alam kung anong rason dahil mahinaan lang naman ang galaw ng Bitcoin kanina...
USD 54 naman ang na-recover ng HEI kanina sa kanilang pagtaas-baba..
pero nahihirapan akong mag-decide patungkol sa kanila..
baka kasi babalik na talaga sila sa level nila noong LIT pa sila..?
baka wala na yung hype...?
is
feeling , AST, SLP, samantalahin nyo na ang pagkakataon para gumawa ng 100% pump...

---o0o---
February 17, 2025...
[Trade]
day 433...
bumaba na naman ang AST nitong araw..
pero naka-recover din naman kahit pa mas bumaba ang level ng Bitcoin...
yung savings ko lang sa USDT ang maganda ang performance sa ngayon..
naging USD 60 plus kasi siya dahil na-auto-subscribe yung naibenta ko sa BNB noong isang araw..
umaabot na ngayon sa Php 0.40 ang interes niya sa bawat araw..
talo pa yung Php 70,000 ko sa mga bank account ko...
is
feeling , AST, SLP, gisingin nyo na ako sa isang magandang umaga bukas...

---o0o---
February 18, 2025...
[Trade]
day 434...
bumaba na naman ang AST mula kagabi..
umepekto na ang hila ng Bitcoin..
lumalapit naman na ulit ang level ng ARDR sa AST...
is
feeling , HEI, kumilos naman kayo.. ang ganda-ganda ng description ninyo...

>
[Trade]
dahil pumapangit na ulit ang level ng Bitcoin..
eh nag-decide ako na lumabas na muna sa AST..
sinira ko na naman ang long term na sugal ko...
pero naulit na naman ang palagi kong bangungot..
nakabenta ako ng ilan..
kaso naiwan ang majority ng AST ko habang lalo pang bumaba ang palitan nila..
from level 77 pababa sa below level 73..
pwede sana akong maka-exit kagabi nang may USD 422..
pero napilitan akong magbenta nang hanggang USD 389 lamang..
lugi na nga ako mula sa USD 529 kong pondo..
tapos nalugi pa ulit ako sa bentahan by USD 33..
USD 140 din ang nalagas mula sa huli kong level... 🙁
pumasok na muna ako sa HEI..
nang may original target na level 120..
pero safe din naman na mag-exit sa level 100 if ever...
is
feeling , lagpas 1 buwan na akong nakakulong noong 13.. kailangan ko na talagang magising sa isang magandang umaga bukas...

>
[Trade]
so nangyari nga kanina sa AST yung palagi kong nararanasan..
nagbebenta ako, pero palaging mas bumababa ang level ng palitan... 🙁
at pati sa HEI ay masama din ang nangyari..
kaagad na-activate ang Reverse Midas ko pagkapasok ko sa HEI..
nasa lagpas level 62 ako bumili..
pero kaagad silang bumagsak hanggang level 58 a few hours matapos kong pumasok sa kanila..
ang anomaly sa nangyari..?
umaakyat na ulit ang Bitcoin..
stable lang ang ibang assets na binabantayan ko..
pero patuloy lang sa pagbaba ang HEI... 🙁
is
feeling , ano na naman ba 'tong nagawa kong nakakahawang kamalasan...??

---o0o---
February 19, 2025...
[Trade]
day 435...
sobrang lakas talaga ng kamalasan na dala-dala ko..
parang hindi talaga pwede para sa akin na makapasok sa bottom ng trading..
palagi na lang gumagawa ng mga additional na pagbagsak lahat ng asset na pinapasok ko..
7 level kaagad ang karagdagang ibinaba ng HEI pagkalipat ko sa kanila kahapon.. 🙁
kaya naman nasa ilalim na naman ako ng entry point ko...
4 na beses..
ganun kadami yung pagkakataon na dumaan para maka-exit muna sana ako sa level 80 ng AST..
may level 82 pa nga kung saan USD 433 sana ang na-recover ko sa pondo ko..
pero pinilit nga ako ng basurang tadhana ko na magpalugi ng exit sa level 73 na lamang..
at HEI nga ngayon ang nilalamon ng dala-dala kong matinding kamalasan... 🙁
is
feeling , imposible akong maka-survive sa mundo na ito kapag nag-iisa na lang ako sa buhay...

>
[Trade]
nitong hapon..
nakabalik na ang AST sa naging exit point ko sa kanila kahapon...
samantalang ang HEI eh nasa ibaba pa rin..
malayo pa mula sa ginawa kong entry point sa kanila...
is
feeling , imposible ba talaga akong magising sa isang magandang umaga...??

---o0o---
February 20, 2025...
[Trade]
day 436...
USD 27 kaagad ang napakawalan ko sa HEI dahil sa pag-pump nila below sa entry point ko.. 🙁
umakyat sa level 60 pero umatras din naman kaagad pabalik sa level 58...
USD 27 din naman ang nagawang recovery ng AST..
at nasa ibabaw na sila ng ginawa ko ngang exit point..
meaning..?
nalugi na naman ako... 🙁
is
feeling , lahat ng desisyon ko ay nababalot ng kabobohan, katangahan, kadiliman, at kamalasan.. wala na akong magagawa sa maysa-demonyong buhay na ito...

---o0o---
February 21, 2025...
[Trade]
day 437...
hindi 'to maganda..
umaangat ang Bitcoin..
nasa lagpas USD 98,000 na sila ngayon..
ibig sabihin..?
baka mangwasak na naman sila ng market in case na muli silang bumagsak sa USD 95,000 or below...
USD 45 ang na-recover sana ng ARDR para sa akin... 🙁
ang nakakatawa sa kapalaran ko..?
so mas lagpas na ngayon ang AST sa ginawa kong exit point..
habang nasa ilalim naman ang HEI sa ginawa kong entry point..
ibig sabihin na medyo malaki sana ang na-recover kong pondo mula sa AST, bago ako pumasok sa HEI sa mas mababang level... 🙁
tapos maging ang SLP ay nasa alanganin na sitwasyon habang nasa mataas na level nga ang Bitcoin.. 🙁
taliwas sa AXS at RON ang kilos nila ngayon...
is
feeling , tigilan nyo na ako sa mga kamalasan ninyo...

>
[Trade]
before lunch, may nangyaring anomaly sa HEI..
malamang na dahil sa kamalasan na dala-dala ko..
wala namang kaganapan noon sa Bitcoin..
hindi rin naman nahihila ang AST at ARDR..
pero nagsariling bumagsak ang level ng HEI from 62 to below 56.. 🙁
6 levels na pagbaba nang walang mabigat na dahilan, maliban sa Reverse Midas ko..
USD 26 yung huling na-recover ng HEI bago nangyari iyon...
base sa watchlist ko..
nag-iisa nga ang HEI na nagpa-red ng sarili nila..
mukhang may gumawa ng sell-off..
bandang pagabi nang mabilis din naman nilang ni-recover yung mga nilagas nilang level...
is
feeling , anong pinaplano ninyo, HEI..? abutin nyo na lang yung exit point ko...

>
[Trade]
kung matutupad lang sana ang aking plano..
yung USD 389 ko ay makaka-recover hanggang USD 740..
USD 529 yung huli kong level, so parang USD 211 ang matitirang kita mula doon..
pero USD 185 ang kailangan ko ding bayaran sa mga ginawa kong investment sa SLP..
magiging USD 26 na lang na net na kita matapos ang lahat ng deductions sa Binance..
pero magiging kita din naman para sa Ronin at Coins yung mga ire-replace ko na pondo by 100%..
so lagpas USD 92 din iyon para dun sa 2 wallet...
bale lagpas USD 110 na recovery pa din iyon..
at makakapagsimula ulit ako ng recovery operation ko simula sa at least USD 639...
is
feeling , kailangan lang talagang mangyari ng mga projection ko...

No comments:
Post a Comment