Loveless Story
February 17, 2024...
[Pests]
6th day ng pakikipaglaban sa mga dagang kanal..
wala na akong makita na activity nila ngayong araw...
naubos na kaya namin sila...??
is feeling , ano kayang nangyari na sa mga 'yon...??
>
araw na naman ng singilan...
lagot na..
so iniwan niya ang kapatid niya para sumalo sa mga messages ko, kahit pa obvious naman na may smartphone siya ngayon..
hindi ko nga lang pwedeng ipamukha sa kanya na alam ko ang bagay na iyon...
16 months na siyang walang ibinabayad.. 🙁
Php 16,000 pa ang utang niya..
samantalang nagsabi siya noong December na by January eh may trabaho na siya..
parang balak na ngang magtago eh, naghihintay na lang ng tamang tiyempo...
is feeling , mukhang kailangan ko nang lumapit sa kapatid niya na nasa showbiz...??
---o0o---
February 18, 2024...
[Pests]
7th day..
umaga noong makita ko labas ng bintana ang bangkay nung nag-iisa na grayish na malaki..
buong araw ay wala na rin akong nakita na kahit na anong activity ng mga kalaban...
s feeling , sana nga ay naubos na sila ng Racumin...
---o0o---
February 21, 2024...
[Game]
malas talaga... 🙁
4 attempts para mag-Craft..
umabot na sa 200 SLP ang na-sacrifice ko..
pero for 7 official seasons..
wala pa rin akong nagagawa na pwedeng ibenta nang mahal... 🙁
bukod pa dun..
nabanatan din ako ng 12 losses ngayong araw... 🙁
is feeling , basura ako pagdating sa lahat ng bagay.. at lahat ng basura ay dapat lang na itapon...
-----o0o-----
February 17, 2024...
[Trade]
day 67 mula sa pagkalugi...
gusto ko lang mabawi lahat nung USD 943 ko..
kapalit ng capital..
kapalit ng lahat ng oras..
kapalit ng lahat ng effort..
kapalit ng lahat ng stress na in-absorb ko...
pero wala akong alam na asset na kayang mag-300% pump sa ngayon..
posible yung MDT kung base lang sa circulating supply at palitan, kaso wala sa matagal na nilang history na umabot sila sa mataas na level..
ang FIDA naman mas mababa pa dati by 70 Million ang circulating supply noong nakakaabot pa sila sa USD 1.00 na palitan...
is feeling , 12 days left.. may magagawa pa ba ako para makabawi...??
---o0o---
February 18, 2024...
[Trade]
day 68 mula sa pagkalugi...
dahil wala ako sa loob ng trading..
malaki man ang ibinaba ng Bitcoin kagabi, eh mahina lang naman ang naging hila nila sa mga asset..
hindi katulad kapag may investment ako..
na sa konting dip lang ng Bitcoin, eh ang lalaki kaagad ng nalalagas sa pondo ko...
lalo pa ngang nag-pump ang MDT..
USD 72 sana iyon para sa akin... 🙁
ang FIDA eh tumaas din ng level...
kahit ang AI ay nag-pump na din ulit..
USD 106 naman sana iyon para sa akin... 🙁
is feeling , 11 days left...
---o0o---
February 19, 2024...
[Trade]
day 69 mula sa pagkalugi..
bastos na araw...
tumaas na naman ang pesteng Bitcoin... 🙁
gumawa din ng pump ang MDT..
USD 45 sana iyon para sa akin... 🙁
is feeling , 10 days left.. wala na yata talaga akong pag-asa na makabawi pa...
---o0o---
February 20, 2024...
[Trade]
lahat ng mga bagong asset matataas ang circulating supply..
pero mas tumataas ang palitan nila kumpara sa mga dati nang asset, kahit pa with less circulating supply ang mga iyon, dahil lang talaga sa hype...
nag-decide na akong sumugal ulit..
kagaya nang ginawa ko noon sa BONK..
para sa asset na naka-promo hanggang early March...
NFP, pausap na..
huwag kayong magpapaapekto sa Reverse Midas ko..
kailangan ko ng USD 1.00 na pump...
is feeling , maawa naman kayo sa akin...
>
[Trade]
day 70 mula sa pagkalugi...
sumablay nga kaagad ako sa bagong pasok na asset sa Binance..
hindi ko inasahan na malalagpasan pa ng PIXEL yung immediate peak nila..
USD 155 sana iyon para sa akin... 🙁
ang MDT naman na-trigger na din nung promo..
USD 76 sana para sa akin yung unang pump..
USD 57 naman yung ikalawa...
is feeling , 9 days left...
---o0o---
February 21, 2024...
[Trade]
wala talagang sablay ang Reverse Midas ko..
automatic na bumabagsak ang mga asset sa tuwing pumapasok ako sa investment... 🙁
gumawa ng konting pump ang ARDR dahil sa dip ng Bitcoin..
USD 59 sana iyon para sa akin... 🙁
is feeling , sobrang lakas ng kagustuhan ng mga makapangyarihan na durugin ako gamit ang depression...
>
[Trade]
day 71 mula sa pagkalugi..
day 60 na din para sa extended kong pagkalugi... 🙁
unang araw ko sa NFP..
pero wala pang 24 hours at mabilis lang na nalagas na naman ang pondo ko..
pumasok ako sa USD 0.75..
pero dahil sa dip ng Bitcoin ay nag-crash sila hanggang below USD 0.65.. 🙁
sa sobrang malas ko, first significant digit pa talaga yung kaagad na gumalaw paibaba..
nasa USD 44 kaagad ang nalugi sa akin dahil sa dala-dala kong Reverse Midas...
USD 0.65 to 0.76..
kung iyon sana ang nasakyan kong bottom ng NFP..
eh USD 56 sana iyon para sa akin... 🙁
naka-2 crash kaagad ang Bitcoin dahil lang sa pagbabalik ko sa trading... 🙁
is feeling , 8 days left...
>
[Trade]
sa lahat ng assets na mino-monitor ko..
RNDR talaga yung sumabog nang husto..
nang tuluy-tuloy...
nag-crash sila hanggang USD 0.28 noong mid 2022..
kung nagamit ko lang sana yung bottom nila na iyon, hanggang sa USD 6.50 na level nila ngayon..
eh sana ay nasa USD 5,455 na pala ako.. 🙁
at mula lang ito sa pondo na nalugi hanggang USD 235...
is feeling , rendering services pala ang malakas...
---o0o---
February 22, 2024...
[Trade]
day 72 mula sa pagkalugi...
tamang asset ang NFP..
naka-3 pump na nga sila simula noong pumasok ako sa kanila..
pero puros mali lang talaga ang nangyayari para sa akin.. 🙁
kinapos ng akyat ang NFP kaninang umaga..
konting baba ng Bitcoin pero crash ang naging katumbas para sa kanila..
USD 41 sana kung nagamit ko ulit yung huling bottom nila... 🙁
kung nasakyan ko naman yung baba nila hanggang USD 0.70 matapos yung morning pump..
eh USD 54 sana iyon para sa akin... 🙁
ang masama pa sa nangyari..
napamura yung benta ko kanina dahil sa takot ko na mahila lang ulit pababa..
USD 16 din yung napakawalan ko na additional na kita, mas malaki pa kesa sa naging tubo ko... 🙁
is feeling , 7 days left...
---o0o---
February 23, 2024...
[Trade]
day 73 mula sa pagkalugi..
dahil bumalik ako sa trading eh nagsimula na namang masira ang lahat... 🙁
nag-dip ang Bitcoin kagabi..
kaso mahina ang hila sa NFP, kaya naman nagawa pa tuloy nila na umangat..
USD 23 sana para sa akin yung from USD 0.75 to 0.80... 🙁
sa second pump naman kaninang umaga..
USD 27 yung napakawalan ko... 🙁
at naulit nga ang trahedya na dinanas ko sa BTTC at QI.. 🙁
inakala ko na magtutuluy-tuloy sa pagtaas ang NFP..
pero pagpasok ko eh nalugi kaagad sila..
at nagpaulit-ulit pa nga sa pagbaba ang Bitcoin...
FIDA ang isa sa nagawang umangat habang pababa ang Bitcoin..
USD 44 sana 'yon para sa akin nitong hapon...
is feeling , 6 demonic days left.. ako talaga ang requirement para bumagsak ang ano mang asset...
No comments:
Post a Comment