Saturday, February 17, 2024

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of February 2024 (Misfortune Mystery)

Loveless Story


February 10, 2024...

[Game]

dahil luging-lugi na ako sa Binance..
ipinasok ko na yung mga kinita kong asset noong Off Season 6..
rounded off na lang sa USD 16..
2 RON na mas mababa kesa sa USD 2 ang palitan, dahil malas ako.. 🙁
yung palugi kong napagbentahan sa isa sa mga latest kong peste..
at lagpas USD 6 na halaga ng mga SLP..
hindi na kasali yung lagpas USD 2 na nagastos ko para sa Ascension scam...

dahil dun eh umakyat na sa USD 943 ang kailangan kong mabawi mula sa Binance...

t*ng inang buhay 'to..
simula early 2022, pasok ako nang pasok ng mga kinikita kong asset mula sa demonyong game na iyon..
nagtitiis ako ng pagod at stress..
pero sa tuwing napupunta na sila sa Binance, palagi lang naman akong naliligo sa mga kamalasan... 🙁

is feeling , wala na akong patutunguhan dahil ibinasura na ako ng mga makapangyarihan...

---o0o---


February 11, 2024...

sobrang malas ko talaga..
2 power interruption sa loob lamang ng 1 araw..
parehas na unscheduled...

gustung-gustong wasakin ang UPS ko..
mapupuyat pa dahil atrasado lahat ng mga gawain...

darating pa kaya ang punto sa buhay ko na posibleng hindi ako makaranas ng kamalasan...??

is feeling , ang pinakamalas na pwedeng maranasan ng isang nilalang ay ang basurang pangako ng eternal life...

---o0o---


February 14, 2024...

[Gadget-Related]

February 2024 na nga pala..
ibig sabihin..?
1 taon na akong hindi nakakapagtrabaho sa 3D... 🙁

modular ang disenyo ng mga desktop para posible ang mga upgrade at repair nang hindi pinapalitan ang buong computer unit..
pero kung motherboard ang madidisgrasya eh pwedeng mawalan na din ng silbi lahat ng surviving parts..
sobrang malas ko lang talaga na nag-iisa lang ang slot ko para sa graphics card..
at mga pin pa nun ang nasira... 🙁

is feeling , sobrang malas ka kapag rare ang nagiging pagkasira ng mga gamit mo..


>
[Game]

nakapasok na ako sa Dragon division kahapon..
10 wins, plus 3 bonus para sa streak..
dahil dun nagtapos naman ako nang nasa top 11,000 plus...

nakagawa din naman ako ng okay na Rune bago matapos ang Epic Era..
yung para sa team shield plus damage to all enemies..
so far, iyon pala ang pinakamahal na Epic Rune...

is feeling , kailangan kong makagawa ng mamahalin na pangbenta sa Mystic Era...

---o0o---


February 15, 2024...

[Pests]

4 na araw nang nakikipaglaban sa mga malalaking dagang kanal..
ayaw nang tumambay sa may karinderya..
ayaw nang tumambay sa may manukan..
ang gusto na eh sa likod bahay ng kapitbahay namin titira..
at sa lalagyan namin ng mga organic na basura manghihinain... 🙁

ewan..
nasa 5 ang nabilang namin..
3 malalaki, 2 medium..
2 malalaking black, 1 malaking grayish, 1 medium na black, at 1 medium na grayish...

ayaw gumana ng mga trap ko..
malas talaga eh.. 🙁
kaya ginamitan na namin ng Racumin pellets..
after 4 days, parang mabagal na ang kilos ng 1 malaking black at 1 medium na black..
hapon ko pa huling nakita yung 1 medium na black..
samantalang 2 malalaki na lang yung nakikita ko ngayong gabi...

is feeling , gumana nga kaya yung Racumin o hindi...??

---o0o---


February 16, 2024...

[Pests]

5th day ng pakikipaglaban sa mga dagang kanal..
kahapon, napansin ko na hindi na ganung kaliksi ang galaw nung 1 medium na black noong hapon..
ganun din yung 1 malaki na black noong gabi..
sa buong maghapon naman para sa araw na ito ay wala kaming namataan ni isa dun sa 5..
tapos yung 1 grayish na malaki na lang ang solo na kumilos ngayong gabi...

sana nga gumana yung Racumin..
sana natodas na yung iba dahil sa internal bleeding at dehydration...

is feeling , sana naubos na ang malalaking halimaw na dumadaan sa bakuran namin...

-----o0o-----


February 10, 2024...

[Trade]

may 2-way approach ang mga demonyong makapangyarihan para palalain ang depression ko gamit ang Binance..
una, ang ipamukha sa akin lahat ng mga kamalasan ko dahil sa dami at laki ng mga halagang naipapalugi ko..
ikalawa, ang ipamukha sa akin na marami sa mga nadaanan kong asset ay kayang gumawa ng major pump, provided na mawawala muna ako sa poder nila...

demonyo ang mga makapangyarihan..
lahat ng mga makapangyarihan ay demonyo..
kaya sana mawala na silang lahat sa universe...

is feeling , hinding-hindi ko kailan man matatalo ang mga demonyo...


>
[Trade]

matapos akong lugihin ng BONK..
kahapon ng hapon ay nagsimula na silang umangat lagpas sa entry point ko..
Curse Release mula sa akin..
ibig sabihin na hindi ko naman pala kinailangan na magpalugi sa kanila..
at sana ay kumita pa ako ngayong araw hanggang USD 431... 🙁

hindi ako tumakas kaagad sa BTTC, nalugi ako..
hindi ako tumakas kaagad sa QI, malaki ang nalugi sa akin..
tumakas naman ako kaagad sa BONK, at nag-pump sila para pagtawanan lang ang mga kamalasan ko... 🙁

demonyo ang buhay ko..
kapag umaasa ako na makakabawi ako, lalo lang akong nalulugi..
kapag naman natakot ako na malugi at umatras, eh saka naman nagpa-pump ang mga put*ng inang asset..
isang demonyong buhay na manipulado ng mga makapangyarihan... 🙁

is feeling , basura ang buhay na nababalot lang ng mga kamalasan...


>
[Trade]

day 60 mula sa pagkalugi..
ibig sabihin, 2 buwan na akong tuluy-tuloy na naliligo sa mga kamalasan.. 🙁
bukod pa sa 2 years na akong puros kamalasan lang talaga sa loob ng Binance...

gusto ko lang naman makatakas sa Binance bago sila wasakin ng demonyong SEC ng bayan na ito..
dahil wala akong pambayad sa mga proxy server..
masama ba na maghangad na mabawi ko naman lahat ng mga pinaghirapan ko for more than 2 years..?
masama ba na maghangad na may mapala naman ako kapalit ng paulit-ulit na stress at depression na idinulot sa akin nung demonyong NFT game...?

minalas na ako sa nakilala kong p*ta na babae..
minalas na ako sa 3D, parehas sa online piracy at sa hardware..
minalas na ako doon sa game..
pero pati ba naman sa Binance eh tadtad ako ng mga kamalasan na para bang gustung-gusto na akong tapusin ng buong put*ng inang mundo...?? 🙁

planado ang lahat para lang wasakin ako..
sunud-sunod ang mga kamalasan para sa ikalalala ng depression ko... 🙁

is feeling , 19 days left...

---o0o---


February 11, 2024...

[Trade]

minalas din ulit sa SLP... 🙁

noong ipinasok ang RON sa Binance, kasama nilang bumagsak ang SLP..
nitong nag-Imperial New Year, hindi nag-pump hanggang Php 0.20 ang SLP..
so nagpapalit na ako ng mga naipon kong SLP kahapon around Php 0.17 na palitan...

tapos ayun..
dahil wala na akong hawak na SLP..
eh pumalo na kanina ang kanilang palitan sa Php 0.20... 🙁

is feeling , basta may hawak ako na kung anong asset, tiyak na babagsak ang halaga nun.. magpa-pump lang ang asset sa tuwing nagbebenta na ako nang palugi...


>
[Trade]

day 61 mula sa pagkalugi...

ayaw bumagsak ng market dahil nasa labas na ako ng trading..
ang importante lang naman talaga para sa mga makapangyarihan ay ang malugi ako at sumuko na sa depression..
baka magtuluy-tuloy na ang pag-angat ng lahat hanggang sa Bitcoin Halving sa April basta hindi ako mag-i-invest sa kahit na anong asset...

lahat ng 3 assets na nagpalugi sa akin ay puros gumawa na ng pump..
nauna ang BTTC..
sumunod ang BONK..
at nag-pump na din nga ngayon ang QI..
USD 66 sana para sa akin yung una..
at USD 39 naman sana yung ikalawa...

maging ang AI ay natupad na din yung target ko na USD 1.30, at nilagpasan pa nga nila iyon..
naka-recover na sana ako hanggang USD 435 dahil sa naging pump nila hanggang USD 1.40 nitong gabi...

is feeling , 18 days left.. mga demonyo kayong lahat...

---o0o---


February 12, 2024...

[Trade]

day 62 mula sa pagkalugi...

pagkabukas ko ng computer ko noong umaga, eh mabilis na umakyat ang Bitcoin..
pero naging pababa din naman ang majority ng direksyon nila matapos iyon...

bumaba ka na..
ibagsak mo ang MDT..
o di kaya ang ARDR...

is feeling , 17 days left...


>
[Trade]

kapag wala ako sa asset, madalas na nagkakatotoo ang mga projection ko sa kanila..
pero sa tuwing nasa tamang asset naman ako..?
parang required na bumaba palagi ang palitan mula sa entry point ko..
parang required na laging nasa baba lang ng entry point ko ang palitan...

is feeling , misteryo ng kamalasan...

---o0o---


February 13, 2024...

[Trade]

day 63 mula sa pagkalugi...

ayaw nang bumagsak ng Bitcoin dahil nasa labas na ako ng trading.. 🙁
pumalo pa sila sa USD 50,000...

sisiguraduhin nila na wala akong mapapasukan na asset..
gamit ang takot na idinulot sa akin ng nalagas kong USD 433 since July 2023... 🙁

is feeling , 16 days left...

---o0o---


February 14, 2024...

[Trade]

day 64 mula sa pagkalugi...

kinapos sa dip ang Bitcoin..
mababaw lang ang ibinaba..
nagsimula din naman ulit umakyat kaninang madaling araw...

ang MDT, sa halip na bumagsak eh gumawa pa ng pump..
USD 49 sana iyon para sa akin... 🙁

ang AI naman nagpatuloy pa sa pag-abot ng mas matataas pang level mula sa entry point ko noon na USD 1.07..
pumalo na siya sa lagpas sa 66% increase..
USD 219 sana iyon para sa akin... 🙁

unfortunately, mas tumaas pa ngayon ang level ng Bitcoin..
kontrang-kontra sa lahat ng galaw ko... 🙁

is feeling , 15 days left.. bumagsak naman kayo...

---o0o---


February 15, 2024...

[Trade]

day 65 mula sa pagkalugi...

hindi na nga yata talaga bababa ang market hanggang mag-Bitcoin Halving na..
hindi sila babagsak hangga't hindi ako pumapasok ulit sa investment..
magka-crash lang ang market kung meron na ulit akong ipapalugi na pera...

is feeling , 14 days left...

---o0o---


February 16, 2024...

[Trade]

day 66 mula sa pagkalugi...

tumaas pa ang SLP..
umabot na sa Php 0.22..
sinubukan kong sulitin yung palitan kanina..
pero matapos kong magpapalit eh mas tumaas pa yung actual na palitan nila sa Binance...

ang LIT eh naabot na rin yung target ko sa kanila na USD 0.80 to 1.00..
25% din yun..
so USD 83 sana iyon para sa akin..
nag-pump na ang FIDA..
USD 50 sana iyon...

pati MDT eh nag-pump na din..
USD 45 naman iyon...

lahat sila yumayaman..
lahat ng target ko para sa possible na 100% or more pump eh iniiwanan na ako..
samantalang wala na akong kinikita for 66 days... 🙁

is feeling , 13 days left.. kailangan kong bumagsak ang Bitcoin...


No comments:

Post a Comment