Loveless Story
February 3, 2024...
after almost 5 years..
bago pa ang pandemic..
ngayon na lang ulit ako nakakumpleto ng monthy quota sa Google...
pero dahil lubos ang taglay kong kamalasan..
ayun at tinanggal na nila ang Western Union sa mga payment channel..
yung PayPal eh matagal na nilang tinanggal..
kaya hindi ko alam ngayon kung saan ko padadaanin ang pera dahil wala naman akong dollar bank account...
is 💀 feeling , lahat sa buhay ko wasak...
---o0o---
February 4, 2024...
testing na ng refrigerated Almonds..
okay naman..
walang pinagkaiba sa hindi refrigerated..
para din yung mga Almond na binalot sa chocolate na naka-store sa ref..
ganun pa din ang texture at lasa..
nakatulong pa na ma-preserve sila...
is feeling , hindi ko na pala dapat ini-repack...
>
kagaya ng buhay ng mga batang Egyptian na pinagpapaslang daw noon according sa mga turo nila..
dahil lang sa kanilang mga pinuno..
ang buhay ay kasangkapan lang talaga para sa mga makapangyarihan..
pwede nilang gawing basura ang kahit na sinong naisin nila... 🙁
is ⚠ feeling , tapos may banta pa ng eternal life...
---o0o---
February 5, 2024...
[Manga]
One Piece
put*ng ina..
mga Pacifista Mark III bilang puwersa ni Bonney...
tapos dumating pa ang Giant Warrior Pirates..
bilang sinugod dati ng Iron Giant ang Marijoa, kakampi kaya ito ng Sun God o kalaban din..?
at bilang ally ng Red Hair Pirates ang original Giant Warrior Pirates, kakampi ba sila ngayon ni Luffy o hahabulin din nila ang ulo niya...?
o magiging kakampi ba silang lahat ng Sun God para sa isang napakalaking puwersa na lalaban sa kasamaan ng World Government...??
is feeling , naiyak na naman ako...
>
after several months..
tinapos na ni Attendant Ry ang stealth mode ng kanyang account...
nagpa-sample pa kaagad ng twerk..
na-miss ko tuloy siya..
naalala ko na naman ang hinding-hindi ko matapos na Dream Date... 🙁
minus yung pondo na contribution ng mga supporter ko para makabuo ako ng panibagong 3D computer..
lumalabas na nasa Php 55,900 na pala ang naipon ko ulit na pondo..
kulang na lang ng Php 4,100 para mabuo ko ulit yung Php 60,000 na budget..
pero walang chaperone na kasama sa ganung amount..
tapos sa ganung level eh kukumbinsihin ko pa ang kaawa-awang babae na mag-bus at tricycle lang papunta doon sa resort... 🙁
is 💘 feeling , bukod pa sa ilalagay ko sa alanganin ang sarili kong puso...
-----o0o-----
February 3, 2024...
[Trade]
day 53 mula sa pagkalugi...
lahat na lang ng umaga ko ay pangit..
nanatili nga ang BONK below sa entry point ko para manatili lang ako na nalulugi.. 🙁
at sa ganung range nga sila paulit-ulit na nagtaas-baba from 1040 or 1050 to 1080...
samantalang ang QI ay nakaakyat na ng 2 beses mula sa naging bottom nila..
USD 20 sana para sa akin yung una..
at USD 20 din yung padalawa...
kung tutuusin, nasa dip na noon ang BONK nang pumasok ako sa kanila..
pero dahil nga nag-invest ako, eh dapat na maging miserable pa ang sitwasyon..
wala dapat akong mapalang mabuti sa basurang mundo na ito..
nilikha lang ako para maging miserable at para mayakap ko ang depression... 🙁
tapos mas bumaba pa ang level ng BONK sa maghapon... 🙁
is feeling , 26 days left.. araw-araw na kamalasan.. sana mawala na ang lahat ng mga makapangyarihan...
---o0o---
February 4, 2024...
[Trade]
day 54 mula sa pagkalugi..
4 na araw na akong nagigising sa pangit na umaga..
paano nga bang may mangyayaring maganda..?
eh ako yung nagdudulot ng kamalasan sa lahat ng asset na pinapasok ko... 🙁
kung sa OM pala ako pumasok noong nasa USD 535 na ako late last year..
edi sana nasa USD 5,082 na ako ngayon... 🙁
mas bumaba pa nga ang level ng BONK ngayong araw..
kahit pa sa halos the same level lang naman naglalaro ang palitan ng Bitcoin nitong mga nakaraang araw..
lumagpas na ulit sa 1 level ang layo ko sa entry point ko.. 🙁
para lang sa kagustuhan ng mga makapangyarihan na bumigay na ang puso ko dahil sa depression...
is feeling , 25 days left.. put*ng ina mo, BONK, mag-pump ka naman ng 20%.. pausap na...
---o0o---
February 5, 2024...
[Trade]
day 55 mula sa pagkalugi...
Bitcoin dip na naman ang sumalubong sa paggising ko kaninang umaga..
nasa magandang level na ulit sana ang AST at QI..
pero napunta pa sa mas malagim na level ang BONK, dahilan para lalong hindi ako makatakas..
kung makakaya lang sana ng BONK na mapalaya na ako mamayang madaling araw, magagamit ko yung pagkakataon para makabalik sa AST o QI...
na-realize ko din na tama pala sana yung naisip kong gawing sugal sa OM last February 3..
kung ginawa ko lang sana iyon..
edi nakaakyat sana ako sa USD 506 noong pumalo sila hanggang USD 0.19 kahapon..
tapos umakyat pa sana iyon sa USD 627 dahil sa dip then pump nila kaninang madaling araw...
is feeling , last 24 days.. at nasa 27% pump na ngayon ang kailangan ko para lang makalaya na ako...
---o0o---
February 6, 2024...
[Trade]
so ipinasok na nga pala nila ang RON sa Binance..
mula sa lagpas sa USD 3 eh bumagsak kaagad ang palitan ng RON...
mabuti sana kung magagawa nilang mapaabot ang RON sa USD 100 gamit ang hype..
kahit papaano may nakatabi akong mga RON sa farming na pwede kong i-convert para ma-recover ang majority ng mga nawala kong pera..
pero ang problema ay..?
pwedeng sirain ng mga bear ang value ng RON sa binance...
is feeling , sana nga.. magawa nilang sumipa sa USD 100 para makatakas na ako sa isinumpang laro na 'yon at ganun din sa Binance...
>
[Trade]
day 56 mula sa pagkalugi...
nag-pump ang Bitcoin kagabi..
inakala ko naman na paangat na nga sila..
pero yung huling level pala na nasaksihan ko bago ako nagpatay ng computer, eh yun na yung peak..
then nag-dump na sila matapos iyon..
dahil dun ay bumalik sa ibaba ang QI..
muling nawasak ang BONK..
samantalang nanatili lang na matatag ang AST...
kahit konting awa lang sana... 🙁
is feeling , 23 days left...
---o0o---
February 7, 2024...
[Trade]
day 57..
7 araw na akong nakulong at minalas sa BONK..
puros bad news din dahil sa iba pang bagong meme coins.. 🙁
na-scam lang talaga ako ng pa-event ng Solana...
maganda pa din ang level ng AST..
at nasa safe entry level pa rin naman ang QI..
samantalang more than 1 level away sa entry point ko ang BONK...
medyo mataas ang level ng Bitcoin..
pero patuloy nga lang sa pagbaba ang BONK..
kaya naman nag-decide na akong magtapon na naman, ng USD 37 this time..
umaabot na ngayon sa USD 433 ang nalalagas sa akin simula noong July 2023 lamang..
samantalang USD 314 na lang ang natira sa akin.. 🙁
wasak na wasak na ako...
paglipat ko ng asset, medyo nag-dip ulit ang Bitcoin para lang malugi ako kaagad..
pero simula noong hapon, eh kumontra na ang AI sa chart ng Bitcoin..
USD 15 kaagad ang napakawalan ko ngayong araw...
is feeling , AI.. kailangan ko ng USD 1.3, please...
>
[Trade]
nawasak ako ng BTTC..
nawasak ako ng QI..
nawasak ako ng BONK..
3 sunud-sunod na pagkawasak..
USD 433 kaagad ang natapon ko sa loob lamang ng 7 buwan..
nasa Php 23,815 na halaga ng pagtatapon... 🙁
tapos..
winasak na ng mga bear ang RON..
at dahil parent chain sila ng SLP, eh damay din tuloy sa pagbaba ang SLP... 🙁
is feeling , AI 22 days left...
---o0o---
February 8, 2024...
[Trade]
day 58 mula sa pagkalugi...
dahil lumabas ako sa trading..
again, iniwanan na ulit ako ng Bitcoin..
kahit pa may mga bad news, kasama na yung tungkol sa mining sector..
malamang na naghahanda na naman sila ng trap sa mataas na level laban sa akin... 🙁
wala naman akong intensyon na lumabas talaga sa trading kagabi..
nagkamali kasi ako ng buying point..
nag-reset yung in-edit kong price, kaya naman napa-bid ako sa current market price..
kaya ginusto kong itama ang entry point ko matapos na medyo umangat ang palitan..
pero hindi na ako nakapasok sa sumunod kong bid...
puros trahedya lang talaga ang buhay ko..
laging sa papalugi sa tuwing tumataya..
at napag-iiwanan naman kapag takot sumugal... 🙁
is feeling , Curse Release ng Reverse Midas...
>
[Trade]
ang ganda ng akyat ng AST..
kahit ang BONK eh nakaakyat din, kaya USD 19 yung lumabis kong naipalugi sa kanila..
nakaalis naman sa safe entry point ang QI..
pero nanatili lang bagsak ang Ronin ecosystem, malamang dahil may assets ako sa kanila... 🙁
hanggang kaninang umaga, nasa USD 26 ang napakawalan kong kita sana sa AI... 🙁
kung nakapasok naman sana ako sa ID kahapon..
eh nasa USD 616 na sana ako ngayon... 🙁
sa BTTC naman ngayong hapon..
eh hanggang USD 453 sana ang na-recover ko... 🙁
is feeling , 21 days left.. bumagsak kayong lahat...
---o0o---
February 9, 2024...
[Trade]
day 59 mula sa pagkalugi...
mas umakyat pa lalo ang demonyong Bitcoin...
kung sa AST sana ako nakapasok bago bumagsak ang market noon..
nasa USD 456 na sana ako kagabi..
kaso hindi ko nagawa dahil nakulong ako sa BONK..
matapos naman ang pump ng AST eh bumaba na siya at nag-flat na lang sa USD 0.11...
nagsimula naman ulit umangat ang OM..
di tulad ng ibang mga sinugalan kong asset, hindi pa bumababa nang malakihang porsyento ang OM..
most probably dahil natatakot nga akong tumaya sa kanila.. 🙁
umabot na sana ako sa USD 743 kung nasakyan ko lang ang muling pag-angat nila...
put*ng inang malas na kapalaran 'to..
nagpalugi na nga ako..
tapos wala pa akong kinikita ngayon dahil sobrang taas na ng market...
is feeling , 20 days left.. mga demonyo kayong lahat.. ibagsak nyo na ang market...
No comments:
Post a Comment