Saturday, December 24, 2022

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of December 2022 (Prospect Taken)

Loveless Story


December 17, 2022...

SIM card registration...??

so kailangan kong i-register ang:
- financial Globe number ko
- temporary loan shark number ko, hanggang sa makasingil na mula sa masamang babae
- bagong Smart alternative number
- at pamalit na ninja Globe number
- bawal din dapat ang Imperial SIM

so kailangan ko ng 2 pang bagong mobile number..
at kailangan kong i-update lahat ng contact number ko sa pamunuan..
bukod doon, eh kailangan ko ring masigurado na wala ng expiration ang mga SIM card since ire-register na nga sila...

is feeling , mamatay na ang mga papalpak...

---o0o---


December 18, 2022...

walang kuwentang buhay talaga..
yung naghahabol ka ng trabaho..
para makatapos ka ng project bago matapos ang taon..
tapos biglang nagkaroon ng power interruption..
kung kailan ni hindi na nga umuulan...

sayang na naman ang araw ko...

sige pa, pagtulung-tulungan nyo pa ako..
kulang pa...

is feeling , 43 pages left.. 13 days left...

---o0o---


December 19, 2022...

may nag-send ng e-mail sa akin..
may husband daw siya..
pero ang sabi niya, i want to have sex with you...

put*ng ina..
minsan na nga lang may magnasa sa akin sa buong buhay ko..
tapos link bait lang naman ng mga scammer... 🙁

is 💔 feeling , ang saklap ng buhay...

---o0o---


December 21, 2022...

180 days daw ang palugit para sa SIM card registration..
pero sa April 2023 na kaagad ang tentative na deadline...??

alam mong palpak ang sistema kung sa pagbibilang pa lang eh hindi na sila magkakatugma... 🙁

anyway..
may problema na kaagad ako sa puwersahang SIM card registration..
ilang beses ko nang in-update ang contact number ko para sa PayPal..
pero hanggang ngayon eh sa lumang SIM ko pa rin sila nagse-send ng OTP..
ibig sabihin, mapapahamak ang account ko kapag na-expire na yung more than a decade old na SIM...

is feeling , put*ng inang level ng kamalasan 'to.. wala ng katapusan...

---o0o---


December 22, 2022...

Php 10,000..
Php 60,000..
Php 21,000 na may nakatengga pang Php 16,000..
at USD 858...

paulit-ulit akong inilalayo mula sa Dream Date..
sa halip na napapalapit ako sa tuwing may pumapasok na asset sa akin..
eh mas nawawalan ng value yung mga asset..
at lalo din nga akong napapalayo sa pagtupad ko sa Dream Date...

lahat na lang eh hindi pwede para sa akin..
baka kamatayan na lang nga talaga ang tanging bagay na pwede kong makuha sa buhay... 🙁

is 💔 feeling , ang walang kuwentang buhay ng taong nabuhay lang para mamatay...

---o0o---


December 23, 2022...

aaminin ko nakaramdam ako ng konting kirot.. 🙁
ewan ko ba..
low morale na naman ako..
distracted..
wasak pa nga ang tulog ko eh...

kagabi, ginamit ko ulit ang Tracking Fangs ko..
dahil may mga bagay akong napansin nitong December..
pero sa halip na link, eh iba ang nadiskubre ko..
unfortunately, napatunayan ko na may boyfriend nga sa ngayon si Attendant Ry..
siya yung kasama niya sa Palawan last October..
ibig sabihin na nagsinungaling siya sa akin noong sinabi niya na ate niya at boyfriend ng ate niya ang nagsama sa kanya doon..
not a big deal though, dahil kusa naman siyang nagkuwento sa akin..
matagal na rin yata sila nung lalaki..
at least 2 and 1/2 years..
at threat yung lalaki para sa Dream Date ko..
ibig sabihin na kailangan kong makipag-unahan sa kanya, bago pa siya makapag-propose para sa kasal..
pati pangalan nila eh tugma para sa isa't isa... 🙁

surprisingly, bata pa naman siya..
kung tama ang pagka-decode ko, eh lumalabas na 22 y/o lang pala siya sa ngayon..
hindi ko inasahan, dahil mukhang nasa mid 20's na siya..
that means na menor de edad pala siya noong nag-start siya sa industry...

ano ba yan..?
nananatili sa 20's ang mga nagugustuhan kong tipo ng babae..
yung pinaka-last na formally na naligawan ko, nasa 7 years ang tanda ko..
pakiramdam ko noon na sobrang tanda ko na..
yung manggagamit na mangungutang naman, umaabot sa 10 years ang tanda ko sa kanya..
tapos malalaman ko ngayon na 14 years pala ang tanda ko sa babaeng prospect ko para sa Dream Date..??
samantalang patuloy naman ako sa pagtanda..
at sa pagkawasak... 🙁

is 💔 feeling , kailangan kong lumugar.. at kailangan ko na ding makumpleto yung budget...

-----o0o-----


December 17, 2022...

[Trade]

so yung audit company na Mazars naman ang dahilan ng muling pagbagsak ng cryptocurrency market..
tumigil daw sila sa pagtatrabaho para sa lahat ng mga kliyente nila...

sobrang lakas na kademonyohan..
ano bang meron sa kapalaran ko..?
bakit basta pumasok ako sa investment, eh guaranteed na bumabagsak ang market..?
perpekto ang mga timing..
paulit-ulit lang na ganun..
yung desisyon ko, laging apektado ang desisyon ng marami in a bad way, na nagiging dahilan ng pagbagsak ng buong market..
napakalakas ng Reverse Midas ko, kasing-lakas ng Curse Release...

is feeling , mawawasak ang lahat kung hindi ko sila palalayain mula sa kamalasan na taglay ko...

---o0o---


December 18, 2022...

[Trade]

wala pa rin..
hindi pa rin maka-recover...

samantalang nag-pump na ulit ang FIDA..
by 37% din..
USD 50 din sana iyon para sa latest na level ko...

pero hindi na ako makawala sa ATA eh...

is feeling , ano ba 'to..? Satan is my sheperd...??

---o0o---


December 20, 2022...

[Game / Scam]

gago talaga ang mga Axie developers...

diniktahan nila ang gastos sa breeding base sa malaking rewards na ibinibigay nila..
diniktahan nila ang presyuhan ng mga Axie base din sa malaking rewards na iyon..
at nakikinabang sila sa porsyento nila sa bawat Axie na nabebenta sa market...

tapos ang mga pakulo na lang nila lately eh tungkol sa pagpapakawala ng maraming mga Axie..
ginawa nilang basura ang mga mamamahalin naming Axie... 🙁

is 💀 feeling , malapit na ang katapusan...

---o0o---


December 21, 2022...

[Trade]

hindi 'to maganda..
maysa-demonyo...

nakaangat ng konti ang Bitcoin, at stable naman sa ngayon..
pero patuloy lang sa pagbaba ang palitan ng ATA..
mukhang gusto na talaga ng FATE na gawing zero ang investment ko..
atat na atat na makumbinsi ako na magpakamatay na...

is feeling , walang kalaban-laban sa demonyong tadhana...

---o0o---


December 22, 2022...

[Trade]

Bitcoin mining company naman ang nanganganib ngayon na ma-bankrupt..
sunud-sunod ang mga delubyo... 🙁

nag-airdrop na rin ng padalawang rasyon ng LUNA..
kaso sobrang liit na lang ng fraction na natanggap ko..
ang daming zero pagkatapos ng decimal point..
ginawa ko na lang tuloy na BNB...

is feeling , hindi bubuti ang lagay ng mga bagay-bagay hangga't hindi ako nagbebenta nang palugi...


No comments:

Post a Comment