Saturday, December 3, 2022

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Days of November 2022 (Happy Memories Done)

Loveless Story


November 26, 2022...

after 16 days..
nakatapos na din ako sa wakas sa pagsusulat ng mga happy memories...

is feeling , umpisa na ulit ng impiyerno...


>
anong bang nangyayari sa Facebook..?
yung mga nasa Reels panay dibdib ng kung sinu-sinong mga babae..
yung mga video naman sa feed, maliban sa mga Anime clip, eh clean cut mula sa mga Hentai at JAV...

is feeling , mapanghusga ka, Facebook...

---o0o---


November 29, 2022...

dati, 5:00 AM pa lang eh nakakapagsimula na akong magtrabaho..
may mga pagkakataon pa nga na 4:00 AM ako gumigising para lang masigurado ko na makakapagtrabaho na ako by 5:00 AM..
pero simula noong naglaro ako nung maysa-demonyong laro, hindi ko na magawa yung mga nagagawa ko dati..
ultimo para sa 7:00 AM eh nale-late pa ako...

is feeling , matanda na talaga ako at malapit na ring mamatay...


>
[Online Marketing]

thank you sa international community para sa biglang pag-boost ng support doon sa platform ko..
sana lang hindi iyon ma-convert sa attack laban sa mga projects ko..
first time kong ma-experience na makasahod ng nasa 5 digits mula doon sa platform sa loob lamang ng 1 buwan..
pero sana nga ay magpatuloy din ang pagpoprotekta nila para sa mga content ko...

can't say na magiging consistent na ang lahat..
since kailangan din nung mga bagong kliyente na bumaba mula sa USD 100 hanggang USD 2 na lang..
kaya sana nga ay may iba pang makahanap sa akin..
para naman maging feasible sana ang mga natitira kong panahon dito sa mundo...

is ๐Ÿ’Œ feeling , may Dream Date pa ako na kailangang tapusin.. at kamatayan na kailangan din ng budget para hindi na ako maging pabigat...

---o0o---


November 30, 2022...

na-attract na naman sa data..
managed to find 6 new connections, plus 1 suspected link..
kaso panay hindi na naman mahalaga...

is feeling , overtime...

---o0o---


December 2, 2022...

[Gadget-Related]

mukhang katapusan na nga talaga ng Lenovo tablet ko..
sinubukan ko siyang i-charge ulit kanina..
kaso ni hindi na lumalabas yung charging battery na icon, nagbi-blink na lang yung screen..
hanggang sa eventually eh nawala na talaga ang display..
hindi rin gumana yung hard reset button..
kaya naman mukhang sumuko na nga siya...

more than 8 years..
after 794 charges..
sa halagang Php 6,000, na may pisong sukli..
so parang less than Php 62 per month yung nagastos ko sa kanya...

nakakalungkot lang..
kasi bukod sa imposible ko nang malinis yung storage niya for factory reset..
eh nawalan na rin ako ng madali at mahusay na video downloader...

is feeling , dapat mas mahaba pa sa 8 years...

---o0o---


December 3, 2022...

breastfeeding..?
sa Facebook..?
pero bakit kita parehas, pati yung isa na hindi naman okupado...??

no complaint here..
basta ang masasabi ko lang, lugi kayo dyan..
mapanganib na lugar ang internet...

is ⚠ feeling , just saying...

-----o0o-----


November 27, 2022...

[V-League]

PVL Reinforced Conference 2022

put*ng ina..
ngayon ko na lang ulit nakita ang mga ulo ng Creamline.. T,T
lumalaban na rin talaga ang mga audience sa basurang bioweapon ng Imperyo...

is feeling , konti pa, Creamline...

-----o0o-----


November 28, 2022...

[Trade]

sumablay din nga ako, sa RSR na ulit..
nasa USD 10 yung una kong na-miss..
at nasa USD 12 naman yung sumunod...

tumataas talaga sila sa tuwing lumalabas ako..
nagpa-pump..
tapos saka iniaangat yung low point, para hindi na ako makabalik pa sa pag-i-invest...

talagang may mali sa akin..
lumaki ang trading volume ng RSR matapos akong mag-exit at hindi na nga makabili ulit...

is feeling , Curse Release...

---o0o---


November 30, 2022...

[Trade]

wala..
sa akin lang talaga may mali... ๐Ÿ™

noong may bad news tungkol sa FIDA, at napa-exit ako dahil sa auto-sell..
eh pumaltok pa paitaas yung FIDA sa halip na malugi...

ngayon naman..
2 exchange na ulit ang nagloko matapos ang kalokohan ng FTX..
pero sa halip na bumagsak ang Bitcoin eh umangat pa siya ngayong araw..
at nasa USD 10 na yung una kong napakawalan na naman na posibleng tubo...

t*ng ina..
ako lang ang inaabangan ng mga demonyong ito eh..
dahil sa tuwing papasok ako sa investment, eh saka nangyayari ang mga delubyo sa buhay ko... ๐Ÿ™

is ๐Ÿ’€ feeling , t*ng inang scripted na buhay 'to...

---o0o---


December 3, 2022...

[Trade]

may bagong hacking incident na naman..
6 quadrillion token daw yung na-produce nung mga attacker..
lagpas-lagpas pa iyon sa totoong supply nung asset na na-exploit...

ang kapabayaan sa sistema ng bawat asset..
mga bagay na naglalagay sa buong cryptocurrency market sa peligro...

is ⚠ feeling , hindi ganap na secured ang blockchain technology...


No comments:

Post a Comment