Loveless Story
December 5, 2022...
every time na nakikita ko na naka-bikini si Attendant Ry..
hindi ko maiwasang isipin na siya na lang ang yayain para sa Dream Date..
well, hindi nga malambing ang dating ng boses niya..
hindi din siya masyadong malambing humalik o makipagtinginan..
pero sinusubukan naman niyang gawin karamihan ng mga hinihiling ko at maasikaso din siya sa akin...
yung body type na 'yon..
halos ganun yung pangarap ko sanang makasama habambuhay..
kaso kailangan na consistent...
problema nga lang talaga yung chaperone..
alangan namang Php 1,000 per hour..?
so Php 24,000 yung 1 day..??
grabe naman..
pang-Lottery winner na level lang yung ganun eh... 🙁
eh kung si Attendant Y kaya ang i-hire ko na chaperone..?
parehas pamatay mag-bikini yung 2 na 'yon..
mahilig pa namang sumayaw si Attendant Y..
yun nga lang, sa tuwing nakatalikod lang ako sa kanya...
is feeling , Lottery, Binance, ano ba..? sobrang tanda ko na..? hindi nyo pa rin ba ibabalik sa akin ang mga pinaghirapan kong pera...??
---o0o---
December 8, 2022...
after almost 2 years..
ipinaputol ko na ulit ang buhok ko...
partly dahil sinasabihan ako ni Attendant Ry na magpagupit..
at para rin sana sa Dream Date...
tapos ayun..
nag-inquire ako kay Attendant Y a few days ago tungkol sa chaperone details niya..
after 3 days, eh saka lang siya nagbukas ng messaging app niya..
welcome din naman sa kanya yung idea..
friends pa rin naman daw sila ni Attendant Ry, kaya okay lang na magsama sila..
kaso nakakagulo lang talaga sa plano ko yung part ng pagko-commute...
t*ng ina..
panggulo talaga sa buhay ang pagiging mahirap..
konti na nga lang yung pangarap mo..
pero nagkakaaberya pa rin dahil lang sa wala ka namang sasakyan..
dadagdag pa sa gastos ang service... 🙁
ang sigurado ako eh lalong nagiging komplikado yung Dream Date habang tumatagal...
is 💔 feeling , ano ba..? bakit ka paulit-ulit na lumalayo sa akin..? malapit na akong mamatay, pero iwas ka pa rin nang iwas...
---o0o---
December 9, 2022...
[Strange Dream]
nasa kung saang kama daw ako, na nasa tabi ng pader na may bintana sa left side niya..
habang nagba-browse ng parang laptop..
pasimple daw akong nagpapapalit-palit ng tab sa browser dahil batid ko na may member nung grupo na malapit sa akin at binabantayan ang ginagawa ko..
nagche-check daw ako ng mga latest pictures nila..
and i was surprised nang makita ko na may mga pictures si Miss C kasama yung new generation members...
then parang bigla kaming tumalon sa panahon..
the same setting though..
andun pa rin yung member na kanina pang nagbabantay sa akin, hanggang sa huli ay hindi ko na-recognize kung sino nga ba siya..
may kasama din ako na lalaki, isa sa mga kaibigan ko..
pero biglang nandun na rin daw at kasama na namin si Miss C..
naka-green siya na party dress, nakahiga doon sa kama, habang nakikipagkuwentuhan sa amin..
nagkukuwento daw siya tungkol sa mga bagong rules nila..
at nabanggit din niya na may 32 members daw sila sa ngayon..
bagay na ipinagtaka ko dahil hindi naman umaabot sa 32 yung mga naka-advertise..
is feeling , anong ibig sabihin nun...??
-----o0o-----
December 6, 2022...
[V-League]
PVL Reinforced Conference 2022
tricky ang naging daloy ng conference na ito..
hindi pabor sa amin ng Creamline, pero talaga namang interesante...
pagdating ng Semifinals ay pinabagsak ng #3 at #4 teams ang #1 at #2 mula sa Elimination round..
maganda man overall ang performance ng Creamline, pero sadly ipinahamak sila ng sarili nilang maraming errors sa laban nila sa Cignal..
nakita din sa conference na ito na hindi sobrang reliable ng import ng Creamline, dahil tinatalo siya maging ng mga local players..
then unfortunately, nanalo man sila sa laban nila sa Chery Tiggo, kaso ay naparami ang sets ng laban nila dahilan para sila pa ang malaglag mula sa top 2..
nakuha naman ng Creamline ang Bronze..
samantalang Petro Gazz na ulit ang Champion para sa Reinforced Conference...
nakakatawa lang..
2 teams lang kasi ang nakatalo sa Creamline para sa conference na ito; F2 at Cignal..
yung F2 hindi naman nakaabot sa Semifinals..
at yung Petro Gazz, hindi nila nagawang talunin ang Creamline, pero 3 beses na sunud-sunod naman nilang tinalo ang Cignal na nagawang tumalo sa Creamline...
na-injure pa si Baldo bago pa man nila natapos ang laban nila for Bronze..
at parehas silang nakakuha ng individual award ni Morado sa conference na ito...
is feeling , wala, nakagulo lang yung import...
-----o0o-----
December 4, 2022...
[Trade]
sumablay ako sa FIDA kahapon..
hindi ako nakasakay..
i was hoping na mas babagsak pa ang palitan dahil sa latest na hacking scandal..
pero hindi nangyari eh..
USD 26 din yung napakawalan kong pagkakataon...
is feeling , ibig sabihin matatagalan na naman bago ko siya ma-timing-an...
---o0o---
December 5, 2022...
[Game]
Ending the Devil's Game
nag-exit na ako doon sa demonyong laro..
hindi ko na talaga kinaya yung bias na ipinatutupad nila..
ibinato ko yung smartphone kanina matapos ang sunud-sunod kong pagkatalo..
mabuti na lang at sa tira-tirahan at pasabog nang phone naka-install yung basurang laro na iyon...
nilikha ng mga demonyo yung laro..
demonyo yung mga developers..
bumili ka ng lagpas Php 20,000 na halaga per Axie, tapos ano..?
ginawan nila yung mga piling Axie ng skill kung saan halos hindi na makalaro yung kalaban at tumatanggap na lang ng mga atake..
sa V2, kahit papaano eh may particular body parts o attack category lang na nadi-disable..
pero sa basurang Origins eh talagang ginagawa nilang inutil yung ibang Axie para lang maibenta nila yung mga pinapalakas nila...
pagod na pagod na ako..
pagod na ako sa pakiramdam na ginipit na nga ako..
tapos eh patuloy pa nila akong ginigipit..
kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko na ibato yung smartphone kanina...
malas lang na nakasama sa mga nawasak yung latest achievements ko..
Tiger II with no star para sa Season 1..
Dragon I with 6 or 7 stars para sa Off-Season, at pasok sa top 10,000 players...
pero ayoko na..
ibinibenta ko na ngayon lahat ng mga basurang Axie ko..
sana nga lang eh may bumili talaga..
sa current level ko eh kaya ko na ulit kumita ng nasa Php 500 na extra kada buwan..
pero nakakasakit na talaga ang bias na ipinapatupad nila doon sa demonyong laro nila..
demonyong laro kung saan may pakialam lang sila para sa mga elite na guild players..
kaya naman pababayaan ko na lang na nagpa-farm ng RON yung account ko, hanggang kung kailan man may makukuha mula sa mga put*ng inang scammers na iyon...
is feeling , gagamitin ko na lang lahat ng natitira kong asset para subukan na makabalik sa USD 838 plus...
---o0o---
December 8, 2022...
[Trade]
at talagang naulit na naman..
wala na talagang katapusan 'to para sa akin..
bumagsak na naman ang market dahil nag-invest ako... 🙁
nakakatawa lang..
obvious na obvious na sila..
noong nasa FIDA ako, kapag bumagsak ang Bitcoin eh bumabagsak din ang FIDA..
noong nasa RSR ako, kapag bumagsak ang Bitcoin eh bumabagsak din ang RSR..
pero ngayong nasa ATA ako, bumabagsak siya kapag bumabagsak ang Bitcoin, pero hindi nakaka-recover kasabay ng recovery ng Bitcoin..
bukod doon, eh hindi na nahihila ng Bitcoin ang RSR at FIDA...
is feeling , nagiging mali lang ang mga bagay kapag involved na ako sa kanila...
---o0o---
December 9, 2022...
[Trade]
naka-recover nga kanina ang ATA..
lagpas pa sa entry point ko..
pero tumataas kasi yung trading volume niya kaya naisip ko na baka may mangyayari pa na maganda...
kaso ayun..
biglang tinamaan na naman ng pagko-collapse ang Bitcoin..
kaya nakokontra niya tuloy yung akyat ng ATA...
is 💀 feeling , hindi nila ako hahayaan na makatakas sa impiyerno...
No comments:
Post a Comment