Saturday, October 9, 2021

Protection by Numbers

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



okay..
so basura nga din yung [Name of Profession]..
hindi 'to tungkol sa away-pamilya, na gaya ng gusto nilang palabasin parati..
tungkol 'to sa mga krimen na ginawa noon na hindi pa rin pinagbabayaran hanggang sa ngayon..
hindi lang nung angkan, pero ng lahat ng mga umabuso noon sa kapangyarihan dahil sa pagbubusal nila sa katotohanan..
mga magnanakaw, rapist, at mamamatay tao..
tungkol 'to sa pagpigil sa historical revision, na unti-unti na nilang nagagawa gamit ang mga kaalyansa at mga alipores nila...

bukod dun..
tungkol din 'to sa pagpigil sa mga bagong katiwalian na ginagawa ng alyansa ng kasamaan hanggang sa ngayon...

kung walang naging biktima sa mga kapamilya o mga kakilala ninyo..
eh put*ng ina, huwag kayong mag-demand ng pagmo-move on..
ipaabuso, ipapatay, at ipawala nyo muna sa kanila yung mga mahal ninyo sa buhay bago kayo magyabang tungkol sa pagpapatawad... 🙁

is feeling , kamatayan para sa lahat ng taksil sa bayan...

---o0o---


walang perpektong mga pinuno..
pero sa ngayon..
mas mahalaga na labanan ang nagbubugaw sa bayan para sa mananakop..
mas mahalaga na alisin ang mga tao na kusang nagpapapasok ng bioweapon sa loob ng bayan..
at lalong mahalaga na pigilan ang mga tao na kasabwat ng katiwalian...

is feeling , 2 ang kalaban.. ang mga karibal, at ang banta ng pagpapanggap na may magiging failure...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

sana magtagumpay na sa paggawa ng vaccine ang AstraZeneca..
at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is 💀 feeling , day 455...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2021/06/gauging.html

update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 502 + 304 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pangako ng sako-sako ng pondo para sa kanyang mga kasamahan
  • yung kagustuhan na payagan na ang gambling operation sa isla ng Boracay, sa kabila ng mga pagkukunwari noon
  • yung kagustuhan na armasan ng mga baril ang mga civilian volunteer, samantalang iyon ngang mga trained personnel eh may kakayahan na umabuso
  • yung pwede na daw magdala ng baril ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP)
  • yung ang mahalaga lang para sa kanila ay iyong maganda sa mata ang Dolomite project, at wala nang pakialam sa pagkasira ng kalikasan na dinulot ng minahan nun
  • yung naaasar sa sariling kakampi dahil sa mga binubusisi nitong mga katiwalian
  • yung pambabastos sa alaala ng isang namayapang pinuno, na kesyo ni hindi daw siya at sila mananalo kahit para lang sa Barangay Captain na posisyon sa Cagayan de Oro
  • yung paghahangad ng immunity gamit ang mataas na katungkulan, na para bang guilty siya
  • yung abogado yung matanda, pero hindi alam na wala palang immunity yung hinahabol niyang katungkulan
  • yung pagsasabi sa mahalagang pag-uulat na may kung anu-ano na siyang nararamdaman, pero talagang naghahabol pa sa katungkulan na maaaring maging substitute
  • yung kagustuhan na ipaaresto na ang mga ayaw magpabakuna, na para bang sapat ang kanilang naipo-provide
  • yung planong gamitin na ang kapulisan para lang ipagpilitan sa mga tao ang vaccination program nila, para lang mapakinabangan yung mga palpak na Imperial vaccine
  • yung kagustuhan na patalsikin ang mga empleyado ng gobyerno na hindi nagpapabakuna
  • yung diskriminasyon laban sa mga hindi pa bakunado, yung may plano na i-ban na sila mula sa paglabas sa kanilang mga tahanan
  • yung bintang na kesyo Walking Spreader daw ang mga wala pang bakuna, na para bang automatic na mga carrier ang mga mamamayan na hindi pa bakunado
  • yung hindi kayang aminin ang nagawa niyang pagkakamali sa pananakot sa mga mamamayan
  • yung paglilipat ng sisi para sa kaguluhan na kanyang idinulot sa isang lokal na opisyal
  • yung naninira gamit ang mga sexy photos, na para bang wala siyang ginagawang kabastusan at ang kanyang mga kasamahan
  • yung body shaming laban sa isang Senador, puwerket may nabibisto ng mga katiwalian
  • yung banta laban sa isang Senador na bababuyin daw siya hanggang sa mamatay
  • yung banta laban sa mga Senador kapag nag-file sila ng contempt laban sa mga tauhan na ayaw niyang payagang makipagtulungan sa imbestigasyon
  • yung luho para sa kanya ang steak pero hindi ang mga luxury car, bukod pa yung hindi daw produkto ng agriculture ang steak
  • yung panawagan sa mga mamamayan, na kesyo huwag daw susuportahan sa eleksyon yung mga Senador na lumalaban sa katiwalian
  • yung reporter o mga reporter na pinag-alis na lang ng face mask at face shield sa press conference
  • yung pwede na daw mamasyal ang mga bakunado, na para bang walang ebidensya na pwede pa ring maging carrier ang mga fully vaccinated
  • yung may video pala kung saan kasama siya sa pakikipag-deal doon sa kaduda-dudang kompanya na nakakuha ng malaking deal sa PS-DBM
  • yung palusot na kesyo nakipag-deal sila doon sa kaduda-dudang kompanya para maengganyo ang mga foreign investors
  • yung paspas na pagtatanggol na naman doon sa negosyanteng Imperial citizen na dati nang binigyan ng katungkulan, dahil sa kaugnayan nito doon sa kaduda-dudang kompanya na nakakuha ng malaking deal sa PS-DBM
  • yung pagtatanggol sa miyembro ng kaduda-dudang kompanya na inaresto ng Senado
  • yung muling pagtatanggol sa pinuno ng DOH, at ang COA pa talaga ang napagalitan dahil sa mga napupuna ng mga ito na iregularidad
  • yung naasar na rin dahil sa imbestigasyon na ginagawa ng Senado tungkol sa mga iregularidad na nasisilip ng COA, dahil sa mga lumalabas na findings
  • yung planong pigilan ang Gabinete sa pagdalo sa mga imbestigasyon sa Senado
  • yung gumamit na ng memorandum para opisyal na pigilan ang mga Cabinet members sa pagdalo sa imbestigasyon ng Senado
  • yung gustong ipatigil ang imbestigasyon na ginagawa ng independent na Senado, para hindi nagkakabistuhan
  • yung pagbabanta laban sa mga Senador na nag-iimbestiga tungkol sa mga maanomalyang deal na pinasok nila
  • yung pinapalipat yung kaso laban sa kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH sa opisina na tutol sa pagsasagawa ng lifestyle check at sa pagsasapubliko ng mga SALN
  • yung bintang na mala-Martial Law daw yung pag-iimbestiga na ginagawa ng Senado laban sa kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH
  • yung utos sa mga pulis at sundalo na huwag tutulong sa imbestigasyon na ginagawa ng Senado
  • yung gusto daw kuno na mag-focus sa pandemic response, pero abalang-abala at naka-focus naman sa pag-aabogado para sa mga kahina-hinala, at ganun din sa paninira
  • yung binabatikos na lumang PPE deal, pero lehitimo naman pala yung kompanya at dumaan at nanalo talaga noon sa bidding process
  • yung binabatikos na lumang PPE deal, pero hindi naman pala nasita ng COA noon
  • yung biglang inuungkat yung mga dating naging issue din sa COA, na para bang may napatunayan sila matapos ang maraming taon
  • yung paggamit sa papalapit na election period, para palabasin na paninira lang lahat ng mga napupuna sa mga mali nilang ginagawa sa itaas
  • yung pagso-sorry para doon sa 4 na Imperial citizen na napatay sa engkuwentro sa Zambales nang dahil sa bilyones na halaga ng ilegal na droga
  • yung pag-uulit sa isang mahalaga dapat na pag-uulat na kesyo utang na loob daw sa Imperyo ang mga bakuna, kahit na tinatamaan pa rin ng COVID-19 yung ibang mga naturukan na ng ganun
  • yung pagyayabang na kesyo madali lang daw mapaalis ang mga barko ng Imperyo sa pinag-aagawang teritoryo, samantalang nandun pa rin naman sila
  • yung pagiging balimbing na naman dahil sa pagharap sa international community, dati nang itinuring na basurang papel lang yung pagkapanalo sa Arbitral Tribunal, tapos ngayon eh palalabasin na naman na gusto niyang igiit yung pagkapanalo na iyon

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Davao Occidental, yung SK Chairman na nahuli sa buy-bust operation, bukod sa ilegal na droga ay may nakuha rin daw na baril mula sa kanya
  • sa Iloilo, yung Barangay Kagawad na naaresto sa isinagawang buy-bust operation
  • sa Sultan Mastura, Maguindanao, yung Barangay Kagawad at isang kasabwat na nahulihan ng nasa mahigit Php 3 Million na halaga ng hinihinalang shabu
  • sa Davao City, yung 28 y/o na government employee na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Makati City, yung dating sundalo na huhulihin lang sana dahil sa sumbong tungkol sa ilegal na pagsusugal nito, pero ay nahulihan din ng ilegal na droga
  • yung kawani ng Makati City Hall, na hinuli dahil daw sa pangingikil laban sa mga establishments na naipasara dahil sa paglabag sa mga COVID-19 protocol
  • sa MTPB, Manila Traffic and Parking Bureau yata 'yon, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong daw gamit ang mobile app
  • sa tapat ng Camp Crame sa Quezon City, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil sa pangingikil daw laban sa isang aplikante sa PNP
  • sa Legazpi City, yung pulis na pinaiimbestigahan ngayon dahil daw sa paglalaro ng kanyang ari sa harapan ng isang saleswoman sa isang mall
  • sa Mariveles, Bataan, yung pulis at marshal na hinuli dahil sa reklamong rape laban sa isang babae na nahuli nila dahil sa paglabag sa quarantine protocol
  • sa isang barangay hall sa Tondo, Maynila, yung kaawa-awang delivery rider na aksidenteng napatay ng isang iresponsableng pulis, matapos na pabiro nitong inilabas ang kanyang baril
  • sa Manila Police District headquarters sa Ermita, yung pulis na namatay sa pamamaril ng lasing at nag-amok daw na kapwa pulis
  • sa Sulu, yung Sulu PNP Provincial Director na binaril at napatay ng kapwa niya pulis sa isang quarantine checkpoint
  • sa Palayan City, Nueva Ecija, yung sinunog na bangkay ng isang online seller ng mga alahas, kung saan suspek sa pagpatay ang nasa 5 pulis
  • sa Pastrana, Leyte, yung 1 magsasaka na napatay at 1 sugatan dahil sa pamamaril ng suspek na isang Barangay Chairman
  • sa Jose Reyes Memorial Medical Center sa Santa Cruz, Manila, yung security guard na pinatay sa pamamaril ng binabantayan daw niyang pasyente na isang Barangay Kagawad
  • sa Dumarao, Capiz, yung senior citizen na magsasaka na napatay ng isang Barangay Tanod sa pamamaril
  • sa Maynila, yung Barangay Tanod na namaril at nakapatay sa isang may problema sa pag-iisip sa oras ng curfew
  • sa PNPA, yung kadete na napatay ng kapwa niya kadete matapos daw suntukin ng 5 beses sa tiyan
  • sa San Antonio, Zambales, yung kadete ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) na nakapatay ng kapwa niya kadete dahil daw sa panununtok
  • sa Zamboanga City, yung isang miyembro ng Philippine National Police na natuklasan na miyembro daw ng Abu Sayyaf Group

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • sa Surigao del Sur, yung 3 Lumad na namatay sa pamamaril ng mga sundalo, kung saan 12 y/o lamang ang isa sa mga biktima
  • sa Albay, yung 2 aktibista daw na sangkot sa paggawa ng graffiti sa may tulay, na laban sa pinuno, na napatay ng mga pulis matapos DAW na manlaban
  • sa Biñan, Laguna, yung kaso nung 16 y/o na lalaki na kasama sa mga napatay ng mga pulis sa isang anti-illegal drugs operation, nakakapagtaka na may mga claim na napadapa na DAW iyong biktima at nakaposas na rin DAW

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung pag-amin ng DOH na may mga fully vaccinated na na mamamayan na tinatamaan pa rin ng COVID-19
  • yung kalokohan at mayabang na naging claim ng DOH na low risk na daw ang bayan laban sa COVID-19
  • yung ngayon lang late July 2021 inamin na may local transmission na ng Indian variant ng COVID-19
  • yung mga nagsasabing malapit na daw makamit ang herd immunity, samantalang wala namang immunity dahil ultimo mga fully vaccinated eh tinatamaan pa rin nga ng COVID-19
  • yung karamihan daw sa mga tinatamaan ngayon nung virus eh mga hindi pa bakunado, pero kini-claim din nila na hindi masyadong malalala ang mga nagiging kaso lately dahil daw sa vaccination
  • yung may apela na gawing single dose vaccine ang Sputnik V, pero may ginagawa ring patakaran na gawing 3 weeks ang interval nung 1st at 2nd dose
  • yung mga pahamak na nagpapanukala na iklian ang pagitan ng pagtuturok ng 1st at 2nd dose ng vaccine, samantalang ayon pala sa research eh mas kakaunti lang ang napo-produce na antibody kapag mas maikli lang ang interval
  • yung mga pinuno na isinusulong ang hindi pagre-require ng paggamit ng face shield in public places puwerket wala daw ganung mga patakaran sa ibang mga bansa
  • yung mga pinuno na naghahanap pa ng scientific basis sa paggamit ng face shield, samantalang ginagamit nga ang mga ganun sa medical field
  • yung pinuno na inirereklamo na mahal daw ang face shield samantalang may mura lang naman at pwede ding gamitin nang paulit-ulit basta't idi-disinfect lang
  • yung biglang pagluluwag na ulit ng borders sa panahon naman na may Colombian variant na
  • yung opisyales na naggigiit na kasing-bisa din ng mga Western vaccines ang Imperial vaccines, samantalang may mga ulat na nga sa ibang mga bansa na tinatamaan pa rin yung mga vaccinated ng Imperial vaccine nung virus
  • yung patuloy na pag-order ng Imperial vaccine kahit na hindi na ito masyadong mabisa laban sa mga variants
  • yung hindi na ire-require ang testing sa mga domestic travelers na fully vaccinated na, na para bang hindi na tatamaan ng virus ang mga ito at hindi na rin pwedeng makapanghawa pa ng iba
  • yung mapanganib na kagustuhan na idiretso na lang sa home quarantine ang mga uuwing OFW kahit na batid nila na maraming mga pasaway na mga mamamayan
  • yung pagiging pasaway ng Cebu sa pagsunod sa national quarantine protocol
  • yung planong payagan na kaagad ang mga OFW na makatanggap ng COVID-19 booster shots, sa kabila ng problema sa supply at kahit na wala pa namang patakaran para sa ganun
  • yung hiling na ipatupad na ang diskriminasyon, na bigyan na daw ng kalayaan ang mga fully vaccinated lang para tumakbo ang ekonomiya
  • yung hiling na isama na rin kaagad ang mga bilanggo sa priority list ng mga babakunahan, samantalang pwede namang higpitan na lang muna ang mga kulungan para hindi mapasok nung virus
  • sa Cebu, yung mandatory na pagpapagamit ng mga personal air purifier sa mga driver at konduktor, kahit pa wala namang patunay na epektibo yung mga ganun laban sa virus ng COVID-19
  • yung problema sa kawalan ng uniform at naka-link sa centralized database na COVID-19 vaccination record
  • yung problema sa kawalan ng paraan para matukoy kung sinu-sino na ang mga bakunado, na dahilan kung bakit may mamamayan na rin na nakakuha na ng COVID-19 booster shot
  • sa Quezon City, yung barangay na may No Vaccine, No Quarantine Pass policy
  • yung kung kailan ipinagmamalaki na madami-dami na silang mga napabakunahan, eh saka naman tumataas ulit yung mga kaso ng COVID-19
  • yung may banta na rin ngayon sa supply ng oxygen, yung mga nasa tank, dito sa bayan
  • yung banta ng pagre-resign ng mga health workers dahil sa kawalan ng pagpapahalaga sa kanilang mga sakripisyo
  • yung patuloy na mga protesta ng mga inaabusong health workers
  • yung ibang benefits daw para sa mga health workers na binawi ng DOH at tinapyasan ng nasa 70%
  • yung pagdating sa mga items na binibili nila, eh ayos lang na overpriced kasi kesyo kailangan, pero pagdating sa mga health workers eh hirap na hirap maglabas ng pondo
  • yung kalokohang luho para magtayo ng memorial wall para sa mga pumanaw na health workers, gayong baon na baon na nga sa utang ang bayan, at ni hindi nga nila maibigay ang benepisyo na nararapat para sa mga maliliit na health workers
  • sa Quezon, province siguro 'yon, yung halos 80 na nurse na nag-resign na daw dahil sa pagod at pambabarat sa kanila
  • sa Cebu, yung mga health workers na tinamaan pa rin ng COVID-19, kahit na 95% na daw sa mga iyon ang vaccinated na
  • sa Cavite, yung pagpapatigil muna ng pagbabakuna sa ilang sites kasi mismong mga kabilang sa vaccination team ang tinamaan ng COVID-19 kahit mga fully vaccinated na daw sila
  • yung nasa 36 na health workers na nasabugan ng COVID-19 sa Lung Center of the Philippines
  • sa Ospital ng Biñan sa Laguna, yung nasa 24 na COVID at suspected COVID patients na nasa parking lot na lang
  • sa San Roque Cathedral, yung guest priest daw na namatay, na naging COVID-19 carrier kahit na kumpleto na daw siya sa dose ng Imperial vaccine
  • yung nasa 82 na pulis ng Quezon City Police District na nasabugan ng COVID-19 sa panahon ng mga variant, at mga fully vaccinated na daw ang mga ito
  • yung nasa 50 plus na carrier na mga pulis na i-d-in-eploy sa nakaraang State of the Nation Address, kahit na hindi pa lumalabas ang kanilang mga swab test result
  • yung Representative na 4 na beses na kaagad nabakunahan, samantalang madami pa ang hindi
  • yung problema pa rin pala hanggang sa ngayon ang mabagal na pagtukoy sa kung anong variant ang tumatama sa mga carrier
  • sa Makati City daw, yung nakunan ng video na insidente sa vaccination drive kung saan naisaksak naman daw yung pang-injection, kaso ay hindi naiturok yung lamang vaccine
  • sa Muntinlupa City, yung mga hindi na ginamit na COVID-19 vaccines dahil sa naging pagbabago sa temperature sa kanilang storage facility
  • sa Bulacan, yung COVID-19 carrier na naiburol at napaglamayan pa ng mga tao dahil sa hindi pagsunod sa tamang protocol sa ospital
  • sa Butuan City, yung mga tripulante ng isang sasakyang pandagat na dumaan sa Indonesia na may mga COVID-19 carrier pala, na nagawang makapaggala
  • yung extended na yung Bayanihan 2 kung tutuusin, pero hanggang ngayon ay may bilyun-bilyon pang piso na pondo ang hindi nagagamit
  • yung na-expire na nang tuluyan yung Bayanihan 2, at nasa Php 9 Billion daw na budget yung hindi nagamit
  • yung matagal nang hindi pag-uulat ng tungkol sa mga ginagawa sana para sa Bayanihan 2 bago pa man iyon nag-expire, nakasaad daw iyong papel na iyon doon sa mismong patakaran
  • yung nasilip ng mga budget checker na posible daw na overspending noon sa Bayanihan 1, as compared daw sa kuwentahan nila ng mga katumbas na gastusin
  • yung pagkaipit daw ng pondo sa Department of Budget and Management kung kailan papalapit na ang panahon ng eleksyon
  • yung namamahalan DAW ang mga OFW sa gastusin habang nasa quarantine, samantalang may mga reklamo at request ng budget para sa pagsuporta sa kanila
  • yung babaeng Indian variant carrier na nagawang magpabalik-balik sa Occidental Mindoro at Metro Manila kahit positive na pala siya, para subukang mag-OFW sa Hong Kong
  • sa Quezon City, yung OFW na na-detect na Indian variant carrier, na galing sa Saudi Arabia at dumating sa bansa noon pa daw June 24
  • yung napasok ng Indian variant ang Antique, 2 kaso na from May pa daw ng mga unvaccinated carrier na walang history ng international travel
  • yung napasok na rin ang bayan ng Peru variant, kaso ay wala daw history ng international travel yung carrier
  • sa Camarines Sur, yung pagsabog ng COVID-19 sa Regional Training Center 5 Annex ng Philippine Public Safety College at National Police Training Institute, kung saan nasa 60 plus na carrier ang na-detect mula sa mga police trainee at staff
  • sa Baguio City, yung pagpapahinto sa training ng PNP dahil sa pagsabog ng COVID-19 sa mga trainees, nasa 26 daw yung latest na nadagdag sa bilang ng mga carrier eh
  • sa Baguio City ulit, yung nasa 68 na trainees ng Bureau of Fire Protection na nasabugan din ng COVID-19
  • yung kung paanong nakabiyahe yung mga COVID-19 carrier na sundalo na sumakay sa nawasak na eroplano sa Sulu
  • yung paglabag sa cremation protocol para sa COVID-19 carrier na sundalo na namatay sa nawasak na eroplano sa Sulu
  • sa Zamboanga City, yung 8 pulis na parurusahan dahil sa paggamit ng mga pekeng swab test result
  • sa Dumaguete City, Negros Oriental, yung pagdagsa ng mga mamamayan para sa Pfizer vaccination
  • sa Hagonoy, Bulacan, yung vaccination program na sobra-sobrang dinumog ng mga mamamayan sa panahon ng mga variant
  • sa Maynila, yung dinumog at nagkagulo na sa vaccination site sa panahon ng Indian variant ECQ, kung saan pinauwi na ng mga pulis yung maraming mga nagpunta
  • sa Las Piñas, yung vaccination site na dinumog sa oras pa lang ng curfew, sa panahon ng Indian variant ECQ
  • sa Davao City, yung vaccination site na dinumog ng mga mamamayan
  • yung panibagong exodus ng mga tao mula sa NCR, dahil sa banta ng panibagong ECQ na dulot ng paghahanda laban sa Indian variant
  • yung pagdagsa ng mga tao sa MECQ areas para sa voter registration, sa panahon ng mga variant
  • yung siksikan ng mga pasahero para sa EDSA Carousel sa panahon ng COVID-19 variants na ikinagulat ng LTFRB
  • yung mga transport operators na kinontrata ng gobyerno sa panahon ng COVID-19 na hindi pa rin daw nababayaran ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation, Franchising, and Regulatory Board (LTFRB)
  • yung iregular daw na ginawa ng DOH na paglilipat ng nasa Php 42 Billion nilang pondo para ang Department of Budget and Management - Procurement Service (DBM-PS) ang mamili para sa kanila, kung saan lumalabas na overpriced daw yung mga biniling personal protective equipment (PPE) at iba pang supplies
  • sa imbestigasyon ng Senado, yung kaduda-dudang contractor na nakuha ng Department of Budget and Management (DBM), dahil 2019 lang naman daw naging incorporated iyong contractor
  • sa imbestigasyon ng Senado, yung kaduda-dudang contractor na nakuha ng Department of Budget and Management (DBM) na hindi gumamit ng tamang address para sa kanilang mga documents
  • yung wala daw tax clearance mula sa BIR yung kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH, samantalang requirement iyon para makasali sa bidding
  • yung meron ngang maraming buwis na hindi pa binabayaran iyong kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH
  • yung dati palang election lawyer ng kilalang pinuno yung nabigyan ng katungkulan sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM), at siya rin yung nangasiwa sa mga kaduda-dudang transactions ng DBM para sa DOH
  • yung wanted daw sa Taiwan yung ibang opisyales nung kaduda-dudang kompanya na naging ka-deal noon ng PS-DBM
  • yung pinautang daw nang bilyun-bilyon nung dating presidential economic adviser iyong kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH
  • sa kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH, yung milyunan daw ang halaga ng mga pag-aaring luxury vehicles, pero ni wala pang Php 1 Million ang declared capital noon
  • sa kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH, yung nasa Php 33 Million daw na worth ng mga donasyon na goods pero wala namang maipakitang patunay, kaya yung ganung kalaking halaga samantalang wala pang Php 1 Million ang declared capital noon
  • sa kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH, yung kuwestiyonableng pagbabayad daw ng mandatory benefits ng mga empleyado nila, September 2019 nga naman sila nag-apply sa SEC, pero November 2020 na lang nakapagsimulang magbayad ng mga contributions base sa records
  • yung kaawa-awang local manufacturer ng face mask na nalugi dahil sa PS-DBM, mas mababa ang alok na presyo nung local manufacturer kumpara sa kaduda-dudang kompanya na piniling maka-deal ng PS-DBM, pero mas pinili nga yung mas mahal na dadaan pa sa importation
  • yung overpriced din daw yung mga nabiling COVID-19 test kits ng PS-DBM para sa DOH through Pharmally Pharmaceutical, nakakabili na daw noon ang iba ng nasa USD 15 lang samantalang nasa USD 30 daw ang benta nung kompanya
  • yung nabisto ng mga Senador, yung nag-deliver kaagad ng nasa 500,000 na face masks iyong kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH, kahit na wala pa naman palang purchase order
  • yung dati daw tauhan sa PS-DBM, na umamin na pinapirma sa inspection report kahit wala pa namang dumarating na mga produkto
  • yung nasa Php 550 Million daw na nasayang dahil sa pagbili ng PS-DBM para sa DOH ng mga expired na COVID-19 test kits through Pharmally Pharmaceutical
  • yung testimonya ng isang dating empleyado sa warehouse nung kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH, yung pagpapalit ng date sa mga expiration document ng mga medical supplies
  • yung testimonya din ng isang dating empleyado sa warehouse nung kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH, yung pagre-repack daw ng mga yupi, marumi, at lumang face shield
  • yung pag-amin ng opisyales nung kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH tungkol sa ilang pandaraya na kanilang ginagawa
  • yung ginawang perjury laban sa Senado
  • yung tila nagbabasa na lang yung protektadong opisyales nung kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH sa pagdinig sa lower House
  • sa lower House, yung tila pagpabor sa naging transaksyon doon sa kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH, kahit pa marami nang kahina-hinala ang nasilip ng mga Senador
  • yung Representative na ipinagtatanggol yung kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH, kahit sobrang dami nang nakitang iregularidad, wala daw mali kahit na sobrang liit lang nung kapital nung kompanya kumpara doon sa halaga nung transaksyon
  • yung mga nawawalang documents patungkol doon sa kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH
  • yung hindi na ma-contact yung opisyales nung kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH na umamin sa mga pandaraya na kanilang ginagawa
  • yung pag-atake sa website ng Senado
  • yung nasilip ng COA sa DOH, yung hindi daw nito pag-comply sa mga existing laws and regulations para sa paggamit nung nasa Php 67 Billion na pondo na panlaban sa COVID-19
  • yung nasita pa rin ng COA, sa regional office naman ng DOH sa Western Visayas, yung gastos nila para sa pagkain para sa kanilang online meetings na umaabot ng Php 1 Million
  • yung nasilip ng COA sa Philippine International Trading Corporation (PITC), yung kaduda-duda daw nitong pagbili ng mga personal protective equipment (PPEs) mula sa isang Davao firm, nasa Php 186 Million plus daw yung pondo, samantalang meron namang mas mababang bidder, at nakatipid sana ng nasa Php 2 Million plus
  • yung nasilip pa rin ng COA, sa DSWD, yung hindi daw nagamit na nasa Php 780 Million na pang-ayuda sana sa panahon ng COVID-19
  • yung napuna naman ng COA sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), yung pagbili daw ng mga ito ng nasa mahigit Php 1.2 Million na halaga ng mga items mula sa construction and trading company, kung saan overpriced daw yung ibang items
  • yung nasilip ng COA, sa Bureau of Fire Protection naman for the year 2020, yung nasa Php 605 Million plus daw na doubtful purchases para sa COVID-19 response nila
  • yung nasilip ng COA sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), yung nasa Php 1.36 Billion daw na hindi nito nakokolektang kita mula sa mga POGO
  • yung nasilip ng COA sa DOLE, yung nasa mahigit Php 1 Billion daw na unliquidated cash advances
  • yung nasilip ng COA sa DepEd, yung nasa Php 8 Billion plus na pondo na kulang daw sa mga supporting documents
  • yung napuna ng COA sa Department of Information and Communications Technology (DICT), yung pagbili daw ng mga ito ng nasa Php 170 Million na halaga ng mga gadgets mula sa construction firm
  • yung nasilip ng COA sa National Electrification Administration (NEA) naman, yung pagkakaroon daw nito ng 2 bank account na undisclosed noon na nasa Php 290 Million daw ang laman
  • yung nasilip ng COA sa Pag-IBIG naman, yung pagbili daw nito ng nasa 21 na sasakyan para sa mga opisyales nila nang walang permiso, nasa Php 36 Million ang inabot ng mga nagastos para doon sa mga sasakyan
  • yung nasilip naman ng COA sa People’s Television Network Inc. (PTV), yung nasa Php 189 Million daw na pasuweldo na kulang sa mga supporting documents, kuwestiyonable din daw yung nasa Php 8 Million na rice subsidies at educational assistance para sa mga officers and employees gayong kailangan muna dapat ng permiso para magawa iyon
  • yung nasilip ng COA sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), yung kuwestiyonable daw na nasa Php 1.57 Million na halaga ng travel expenses, maging mga reimbursement ng movie tickets
  • yung nasilip ng COA sa Tourism Promotions Board, yung overstocking daw ng promotional materials na umaabot sa Php 52 Million
  • yung napuna ng COA sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), yung paglilipat daw ng mga ito ng nasa Php 160 Million na pondo para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC)
  • yung pagkukumahog ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa paggamit ng budget na na-allot para sa kanila, nasa Php 4 Billion daw in just 2 weeks yung na-liquidate kaagad nila eh
  • yung nasilip ng COA sa Supreme Court, yung nasa mahigit Php 5 Billion daw na hindi nagamit nang husto para sa pagpapatayo ng mga court buildings
  • yung nasilip ng COA sa PNP, yung nasa halos Php 500 Million daw na hindi nagamit na anti-insurgency na pondo na in-allot sa kanila ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para sa taong 2020
  • sa COA pa rin, yung nasilip nila sa AFP at PNP, yung mga bilyun-bilyong halaga ng mga hindi naisakatuparan na mga kontrata
  • yung nasilip ng COA sa Bureau of Corrections (BuCor) naman, yung nasa Php 639 Million daw na unutilized na pondo at yung nasa Php 176 Million daw na bayad para sa catering services na kulang sa documentation
  • yung nasilip pa rin ng COA, sa National Irrigation Administration (NIA) naman, yung mga iregularidad daw sa paggamit nito ng nasa Php 6 Billion plus na pondo, na kulang daw sa mga dokumento at may mga lihiman pang nangyayari
  • yung nasilip ng COA sa sarili nitong ahensya, yung nasa lagpas Php 12 Million daw na unliquidated foreign and local travel allowances para sa kanilang mga opisyales at empleyado
  • sa PCSO, yung mga nagbitiw na special bids and awards committee (SBAC) officials, dahil pinayagan na ang isang Imperial company na dati nang na-reject na mag-bid para sa project
  • yung kawalang silbi ng Department of Energy sa pag-regulate sa presyuhan ng gasolina at kuryente sa panahon ng pandemya, habang abala ang kanilang pinuno sa pulitika
  • yung mabilis na pagbibigay ng franchise para sa iba
  • yung kagustuhan na buwisan ang mga players ng mga cryptocurrency-based games, sa kabila ng pagiging volatile ng cryptocurrency market at ang mga nagtataasan na transaction fees
  • yung nasa Php 10.4 Billion daw na nawawala sa Social Amelioration Program, na kaugnay daw ng paggamit ng hindi kilalang e-wallet na Starpay
  • sa Maynila, yung Barangay Chairman, Kagawad, Ex-O, at isang dating Tanod, na hinuli dahil sa pagnanakaw daw sa cash aid na galing sa Social Amelioration Program (SAP)
  • yung naimbestigahan ng NBI, yung 7 opisyales at empleyado ng PhilHealth at 3 daw ospital, na nagsabwatan at ginawang COVID-19 patients ang mga nag-negative naman sa test, para lang makakuha ng claims
  • yung nabisto ng NBI sa ilang mga ospital, tungkol sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM) ng PhilHealth na para sana sa panahon nitong pandemya, ginamit daw yung mga pasyente na mula 2019 pa para makakuha ng mga claims, at dawit din daw ang ilang mga tao sa PhilHealth
  • hindi ako sigurado, pero ito yata yung pamahalaan kung saan pinakamadami ang bumagsak na sasakyang panghimpapawid kahit na wala namang labanan na nangyayari
  • yung naka-recover na DAW ang bayan mula sa recession, at sobrang taas pa
  • yung kagustuhan ng BIR na magpa-register na kaagad ang mga gamers na kumikita mula sa online games sa panahon ng mga variants, kahit hindi din naman pasok yung kinikita nila para sa pagbabayad ng buwis
  • sa DepEd, yung panibagong isyu sa learning module kung saan gumamit ng masyadong mahalay o bulgar na pananalita
  • yung suggestion ng pinuno ng DOLE para sa Professional Regulation Commission, na kesyo alisin na lang daw sa sistema ang mga licensure exam
  • yung pag-apila para sa anti-endo na patakaran na ibinasura na noon, ngayong papalapit na ang eleksyon
  • sa Valenzuela City, yung ginawang pangangampanya sa inauguration ng isang mega COVID-19 vaccination site
  • yung ang nakuhang logistics service provider ng COMELEC ay may kaugnayan sa isang malaking campaign contributor, na may kaugnayan din sa mananakop na nasyon
  • yung pag-aalok ng Department of Finance (DOF) ng nasa Php 900,000 plus na kontrata bilang social media strategist sa nabisto dati na nagpapatakbo ng madaming kaduda-duda na social media accounts
  • yung pagtatalaga sa isang iresponsableng Red-Tagger sa National Security Council
  • yung pag-hire daw ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ng mga contractual na trabahador na ginastusan nila ng nasa Php 70 Million
  • sa Nagtahan Bridge sa Manila, yung armored vehicle ng Presidential Security Group na nakabangga ng truck na nakapila lang
  • yung kriminal na half-Imperial na nanggulo na noong 2017 at nahulihan na ng ilegal na droga, na muling nanggulo sa Metro Manila ngayong July 2021 dahil pinalaya pa dati
  • yung ayon sa DOJ ay balik na sa duty yung mga Bureau of Immigration personnel na isinasangkot sa Pastillas modus, na kabaliktaran sa pinagsasasabi nung pinuno
  • yung maling show cause order ng DILG para sa Mayor ng Manila, na ini-withdraw din naman nila
  • sa Sorsogon City, yung ginawa ng PNP na branding sa mga potential rapists, kabilang na ang mga teacher
  • yung pastor na 3 buwan daw na nakulong dahil sa ilegal na pagkakaaresto sa kanya, na related daw sa aktibismo
  • sa Cubao, Quezon City siguro, yung pulis na inireklamo ng kanyang mga ka-compound dahil sa madalas na nakakabulahaw na inuman at party kasama ng kanyang mga kaibigan sa panahon ng mga variant
  • sa La Union, yung kaso nung babaeng artist na nagpakamatay DAW, kung saan mabilis na pinalaya ang isang posibleng suspek kahit na may cocaine na natagpuan doon sa venue at nag-positive din sa paggamit nun yung tao
  • yung unti-unti nang napapawalang sala yung mga sangkot sa paggamit ng pondo ng bayan para sa mga kaduda-dudang NGO noon
  • yung pagpo-protekta sa SALN ng isang mataas na pinuno
  • yung panibagong pagpoprotekta sa mga SALN, kesyo bawal daw dapat magpahayag ng opinyon tungkol sa mga SALN, kung ilalabas man
  • yung pagtuturuan ngayon sa pagre-request ng public copy ng SALN, ayon sa Office of the Ombudsman eh humingi muna ng permiso sa may-ari nung SALN, ayon naman sa may-ari ng SALN eh Office of the Ombudsman na ang bahalang magpasya
  • yung pinuno na nagsasabing dapat daw ma-extend yung panunungkulan ng kanilang pinuno kung pwede lang sana
  • yung paggamit ng isang partido sa resources at TV channel ng pamahalaan para sa pasimpleng pangangampanya
  • yung pinuno na ginamit ang sariling kapalpakan, para lang palabasin na inaatake siya
  • yung paghingi ng suporta para sa taong kaalyado ng Imperyo, pero ang gusto eh Western vaccines lang ang ipapagamit sa kanilang lugar
  • yung malaki na naman ang alokasyon para sa Davao City, nasa Php 1.6 Billion daw mula sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), para sa mga barangay doon
  • yung opisyales na nagsasabi ng claim tungkol sa isang anak, na kabaliktaran ng dati nang sinabi nung ama
  • yung opisyales na nagsinungaling tungkol sa pagkaalis ng Vice President mula sa pagiging Cabinet member nito noon, na para bang wala siyang pinakawalan na text message dati
  • yung opisyales na nagsabi na pampagaan lang daw ng konsensya ang pagdo-donate ng vaccines na ginagawa ng mga bansang may kakayahan
  • yung opisyal na sinisita yung mga nananakot daw na kesyo hindi na pwedeng lumabas ang mga hindi bakunado, samantalang pinuno niya ang nagsabi nun sa TV
  • yung opisyales na sinasabi na walang mali sa pakikipag-deal sa mga banyaga na wanted sa ibang bansa dahil din sa kanilang mga ginagawa sa negosyo
  • yung leaked video ng isang opisyales kung saan binatikos niya ang pakiusap ng mga doktor tungkol sa quarantine policy, na para bang hindi nila ipinagtatanggol ang mga kaduda-duda sa mga hakbang na ginagawa nila
  • yung mga opisyales na nagkukunwari na ginawa nila ang lahat para igiit ang nakuhang panalo para sa teritoryong inaagaw, samantalang sila ang nagtratong papel lang doon sa panalong iyon
  • yung pambabaliktad DAW sa mga sumbong ng mga mangingisda para lang mapalabas na walang problema sa karagatan na inaagaw ng Imperyo
  • yung pagtanggi ng mga nasa itaas na may nangyayari na oil exploration sa Scarborough Shoal, kahit pa may mga ulat na tungkol sa mga kagamitan ng Imperyo na nakita doon

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Bicol, yung pami-pamilya ang nagiging hawaan ng COVID-19
  • yung pagiging pasaway ng maraming mamamayan sa Naga City sa panahon ng COVID-19 variants, kahit na nasa MECQ yata sila
  • yung mga makasariling mamamayan na mas inuuna ang pagbabakasyon, kumpara sa pag-iingat sa panahon ng pandemic
  • yung 2 OFW na pabalik na daw sana sa Middle East, na nahuli dahil sa paggamit ng mga pekeng documents kasama na rin ang pekeng swab test result
  • sa Baguio City, yung 6 na nahuli dahil sa paggamit ng mga pekeng swab test result para sana sa TESDA assessment na requirement nila sa pag-a-abroad, tapos eh lumabas pa na COVID-19 carrier ang 1 doon sa 6
  • sa Quezon City, yung kumbento na nasabugan ng COVID-19 sa panahon ng mga variant, nasa mahigit 114 na daw yung mga naging carrier
  • sa Lapu-Lapu City, yung home care na nasabugan ng COVID-19, kung saan nasa 31 daw na mga bata ang tinamaan kahit na wala naman daw sa mga ito ang lumalabas sa lugar nila
  • yung napasok din ng COVID-19 ang isang team sa PBA
  • yung mga naging tumpukan ng mga mamamayan dahil sa panonood ng international boxing match ng isang kilalang idolo sa panahon ng mga variants
  • yung mga kaganapan sa kamatayan ng isang dating pinuno na dinumog ng mga tao sa panahon ng COVID-19 variants
  • yung mga hakot na mamamayan sa panahon ng paghahain ng mga Certificate of Candidacy, sa panahon ng mga variant
  • yung text alert na for emergency kuno, pero campaign material naman talaga
  • yung delikadong protesta ng mga mamamayan sa panahon ng Indian variant
  • sa General Trias, Cavite, yung religious procession na dinaluhan ng mga tao na lumabag na nang husto sa health protocol, mga wala ng face mask at face shield
  • sa Cagayan de Oro, yung 4 na Indian variant carrier na na-trace na may common birthday party na dinaluhan
  • sa Davao City, yung nasa 20 bisita na hinuli dahil naaktuhan sa isang birthday party sa panahon ng mga variant
  • sa Metro Manila, yung mga pasaway na nag-celebrate ng Fathers' Day 2021 sa mga pampublikong pasyalan, na marami ay may kasama pang mga bata
  • sa Manila Bay, yung pagdagsa ng mga pamilya dahil sa naging permiso para sa paglabas ng mga batang kaya nang magsuot ng mga mask
  • sa Pasig City, yung events place na ipinapasara matapos na magpadaos ng birthday party sa panahon ng Indian variant ECQ, kung saan 41 na katao daw ang hinuli dahil sa paglabag
  • sa Davao City, yung 2 resort na ipinapasara dahil sa kawalan ng business permit at dahil sa pagtanggap ng mga ito ng mga social events sa panahon ng GCQ
  • sa Quezon City, yung Korean Restaurant na nagpunuan sa panahon ng COVID-19 variants
  • sa Quezon City, yung nabisto na bar at mga customers nito na nagpapasaway sa panahon ng COVID-19 variants
  • sa Makati City, yung bar na nahuling nag-o-operate at may mga guests sa panahon ng MECQ sa panahon ng mga variant, nasa 52 na katao daw yung na-ticket-an lamang
  • sa Pasay City, yung KTV bar na sinita dahil sa sumbong na nag-o-operate ito sa panahon ng mga variant para sa mga banyagang customer
  • sa Tondo, Manila, yung tumpukan ng mga tao sa panahon ng mga variant na nag-ugat dahil sa pag-aaway ng 2 may-ari ng tindahan
  • sa Camarines Sur, yung fraternity party ng mga pasaway sa panahon ng COVID-19 variants
  • sa Calauag, Quezon, yung tila naging street party ng mga kabataan sa panahon ng COVID-19 variants
  • sa Parañaque City, yung 9 na kabataan na nahuli dahil sa paglabag sa curfew sa panahon ng mga variant, nahuli daw na naglalaro sa isang computer shop
  • sa Caloocan City, yung nakunan ng CCTV camera na riot ng mga basurang kabataan sa panahon na pwede na silang lumabas sa mga bahay nila, kung saan may bata na nawalan ng malay dahil daw napalo ng kahoy sa ulo ng isang 12 y/o na kriminal
  • sa Naga City, yung nakunan ng video na rambulan ng mga kabataan sa panahon ng COVID-19 variants
  • sa Tondo, Manila, yung riot ng mga basurang kabataan sa panahon ng mga variant, kung saan isang 18 y/o na babae ang nadamay at napatay dahil daw tinamaan ng sumpak
  • sa Davao City, yung 14 na bikers na hinuli dahil sa paglabag sa mga health protocol, sa panahon ng mga variant, mga wala daw face mask at may nakumpiska pa na bote ng alak na malapit nang maubos
  • sa Barangay Tambo, Parañaque City, yung nasa 270 na katao na na-ticket-an dahil sa paglabag sa physical distancing dahil magkakasama daw sa cockpit arena para sa online sabong
  • sa Nueva Ecija, yung nasa 54 na katao na nahuli dahil sa participation nila sa ilegal na online sabong, sa panahon ng mga variant
  • sa Batangas, yung pampasaherong barko na RoRo na nasabugan ng COVID-19
  • yung 8 ospital na nagbebenta daw ng mga overpriced na Remdesivir sa panahon ng COVID-19 variants
  • yung mga abogado na nagtatanggol sa mga bahagi ng kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH, na nagbabanta pa laban sa Senado
  • yung kapalpakan ng Globe sa pagsunod sa Mobile Number Portability na patakaran, considering na ilang taon na yung idea
  • yung ilegal na rebranding ng mga modem ng isang telecommunications company bilang modem ng isang Imperial company
  • sa Maynila, yung Imperial citizen na may-ari ng isang walang permit na gadget shop na nagpapadala ng bato bilang kapalit ng mga items sa pamamagitan ng mga courier
  • yung nasabat ng BOC, na nasa Php 10 Million na halaga ng smuggled na sibuyas mula sa Imperyo
  • yung problemang kinakaharap ng mga local farmers ng carrot, dahil daw sa pagpasok ng mga smuggled na imported carrots na galing sa Imperyo
  • yung mga magtitinda ng gulay na pinipiling suportahan ang mga smuggled na gulay mula sa Imperyo dahil sa pagiging mas mura ng mga iyon
  • sa Tondo, Maynila, yung nasa Php 4.7 Million na halaga ng mga smuggled na imported na gulay na ibinebenta sa palengke
  • sa Cebu, yung nasa Php 90 Million na halaga ng pekeng mga sigarilyo na sinira ng Bureau of Customs na dumating daw bilang 2 magkahiwalay na shipment na mula sa Imperyo
  • sa Bukidnon, yung winasak na nasa Php 50 Million na halaga ng misdeclared na mga sigarilyo na mula sa Imperyo, na pinalabas ng mga kriminal bilang office furniture
  • yung 2-in-1 na demolition and promotion approach sa social media, kung saan sinisiraan ang pangalan ng isang namatay na tao sabay mention din naman sa pangalan ng mga ini-endorse nila
  • yung miyembro ng isang masamang angkan na binigyan ng award para sa pagpo-promote ng mabuting ugnayan ng bayan at ng Imperyo
  • yung Imperial citizen na tumakbo nang nakahubo't hubad sa riles ng MRT
  • sa Ilagan, Isabela, yung nasa 23 na Imperial citizen na nahuli dahil sa paglabag sa travel protocol at sa pamemeke ng swab test result
  • yung Imperial citizen, nurse, at medical technologist na nahuli ng NBI dahil sa ilegal na pagbebenta ng Imperial vaccines, madalas daw na Imperial citizens ang mga buyer nila
  • sa Angeles City, yung nasa 14 na Imperial citizen na nahuli dahil sa illegal gambling sa panahon ng mga variant
  • sa Mandaluyong City, yung lalaking Imperial citizen na nahulihan ng nasa Php 500,000 na halaga ng hinihinalang shabu
  • sa Novaliches, Quezon City, yung nasa Php 860 Million plus na halaga ng hinihinalang shabu na nasabat mula sa 3 suspek na mga Imperial citizen
  • sa Balagtas, Bulacan, yung Imperial citizen na napatay sa buy-bust operation kung saan may nasamsam na nasa Php 500 Million na halaga ng hinihinalang shabu
  • sa Zambales, yung nasabat na nasa Php 3.4 Billion daw na halaga ng ilegal na droga, kung saan 4 daw na Imperial citizens ang napatay sa engkuwentro
  • sa Cavite, yung nasa mahigit Php 1 Billion na halaga ng shabu na nasabat sa buy-bust operation, kung saan Imperial citizen daw ang operator
  • sa Parañaque City, yung 5 daw Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan, na nahuli matapos ang tangkang pagdukot sa isang POGO worker na Imperial citizen din
  • sa Pasay City, yung 2 Imperial citizen na mga POGO workers at 1 lokal na mamamayan na inaresto dahil daw sa kidnap-for-ransom laban sa couple na mga Imperial citizen din
  • sa Parañaque City, yung 8 Imperial citizen at 1 babae na lokal  na mamamayan, na hinuli dahil sa illegal detention laban sa isa ding Imperial citizen dahil daw sa pagkakautang nito
  • yung Imperial research ship na pumasok at namataan malapit sa may Zambales
  • yung pagpapadala ng Imperyo ng 56 na jets sa airspace ng Taiwan
  • yung banta daw ng Peru variant ng COVID-19
  • yung banta nung COVID-19 Colombian variant na kaya daw ibalewala ang bisa ng mga vaccine
  • yung Olympic qualifier na sprinter na fully vaccinated na ng Pfizer brand, pero naging carrier pa rin ng COVID-19
  • yung napasok ng COVID-19 ang Olympic Village para sa Tokyo Olympics
  • yung British na 10 buwan nang sunud-sunod na nagpo-positive sa COVID-19
  • sa Indonesia, yung mahigit 350 na medical workers na tinamaan pa rin ng COVID-19 kahit na naturukan na sila ng Imperial vaccine
  • yung mga bansa na umasa sa Imperial vaccine, pero ngayon ay humaharap sa surge nung virus
  • yung November 2019 pa daw merong nagbabala tungkol sa pagkalat ng COVID-19 mula sa Imperyo
-----o0o-----


October 2, 2021...

sa Tondo, Manila..
yung tumpukan ng mga tao sa panahon ng mga variant..
na nag-ugat dahil sa pag-aaway ng 2 may-ari ng tindahan...

is feeling , walang katapusang delubyo...

---o0o---


October 3, 2021...

[Natural Calamities] 

doon ulit sa bandang gitna..
nasa Magnitude 5.6 na lindol naman..
sa may area ng Occidental Mindoro...

is feeling , patas-patas.. bumaba ka...

---o0o---


October 4, 2021...

sa Tondo, Maynila..
yung nasa Php 4.7 Million na halaga ng mga smuggled na imported na gulay na ibinebenta sa palengke...

is feeling , mga traydor na.. sa ilegal pa...


>
protektado na ng mga Chunin yung Anomaly official.. 🙁
ang kapansin-pansin ngayon..?
kagaya na rin siya nung mga testigong preso dati..
laging nagbabasa...

is feeling , protection by numbers...

---o0o---


October 5, 2021...

yung opisyales na nagsabi na pampagaan lang daw ng konsensya ang pagdo-donate ng vaccines na ginagawa ng mga bansang may kakayahan...

hindi tama na isisi sa kanila ang pamemeste na sinimulan ng mga put*ng inang kaibigan ninyo... 🙁

is feeling , hindi nila kasalanan kung walang marunong sa bayan mo na mag-develop ng vaccine...


>
yung ginawang perjury laban sa Senado...

sobrang mamahal ng mga sasakyan nila..
eh yung mga testimonya kaya nila, magkano ang presyo...??

is feeling , ang gagaling magbasa...


>
sa Pasay City..
yung KTV bar na sinita dahil sa sumbong na nag-o-operate ito sa panahon ng mga variant..
mga banyaga daw ang mga kliyente, kaso wala namang naabutan yung mga awtoridad noong sumalakay sila, maliban sa mga tauhan nung bar...

is feeling , may mali sa ginawa nila...


>
yung pagpapadala ng Imperyo ng 56 na jets sa airspace ng Taiwan... 🙁

is ⚠ feeling , ganyan ba ang gawain ng problemado sa bioweapon...??


>
sa kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH..
yung kuwestiyonableng pagbabayad daw ng mandatory benefits ng mga empleyado nila..
September 2019 nga naman sila nag-apply sa SEC, pero November 2020 na lang nakapagsimulang magbayad ng mga contributions base sa records...

is feeling , hinintay pa yata yung malaking deal eh...


>
ang matino at tapat na pinuno at sistema..?
siguro yung may kakayahan na i-disclose kaagad sa publiko lahat ng mga pinagkakagastusan nila in details..
sa official website at sa mga official social media pages nila..
para lang madaling nasisilip ng mga mamamayan ang mga ginagawa nila, at hindi na umaasa lang sa post audit ng COA...

is ⚠ feeling , hindi na dapat maulit yung wala pang Php 1 Million ang puhunan ng katransaksyon, pero bilyunan ang iniaasa nilang deal...

---o0o---


October 6, 2021...

so kapag hindi nanalo ang kasamaan eh mangangahulugan iyon na may selection sabotage...??

is ⚠ feeling , gunggong ka.. nagma-mindset ka na naman ng mga Panatikong Zombies ninyo...


>
yung gumamit na ng memorandum para opisyal na pigilan ang mga Cabinet members sa pagdalo sa imbestigasyon ng Senado... 🙁

sobrang sama..
katiwalian ang iniimbestigahan dito..
1) kung paanong ipinagkatiwala nila ang bilyones na deal sa isang kaduda-duda at baguhang kompanya na wala pang Php 1 Million ang puhunan?
2) kung paanong nabigyan ng permit yung kompanya noong 2019 sa kabila ng paggamit ng maling address na from 2018 pa?
3) kung bakit sila nagtiwala doon sa kompanya kahit na November 2020 lang ito nagsimulang magbayad ng contributions para sa iilang mga empleyado nila?
4) kung bakit hindi sila dumiretso sa mga manufacturers para makamura sana, at talagang dumaan pa sa middleman?
5) kung bakit hindi nila pinili yung mga kompanya na may mas murang iniaalok na mga katumbas na produkto?

is feeling , ganito ba nila busalan ang katotohanan...??


>
yung text alert para sa mga Diktador..
emergency kuno, pero campaign material naman talaga...

baka doon sa Imperial company pinadaan...??

is feeling , pigilan ang kasamaan.. pigilan ang historical revisionism...


>
yung pag-atake sa website ng Senado... 🙁

is feeling , nagtatrabaho na ang mga masasamang tao...

---o0o---


October 7, 2021...

yung gusto daw kuno na mag-focus sa pandemic response..
pero siya naman itong abalang-abala at naka-focus sa pag-aabogado para sa mga kahina-hinala..
at ganun din ang pagiging abala niya para sa demolisyon... 🙁

is feeling , ang demonyo na pinili ng mga tao upang wasakin ang bayan na ito...


>
yung banta laban sa mga Senador kapag nag-file sila ng contempt laban sa mga tauhan na ayaw niyang payagang makipagtulungan sa imbestigasyon... 🙁

is feeling , batas diktador...


>
so lumalabas na yung babala tungkol sa posibleng mga manggugulo, ay patungkol sa plano nilang gawin..
in case na lumabas na mas lumalamang ang kabutihan laban sa mga nagbubulag-bulagan at sa kasamaan..
eh plano nilang palabasin na dinadaya ang alyansa ng kasamaan at na may mga nanggugulo, para lang makagamit sila ng puwersa..
gagawin nila iyon para mas makakapit sila sa kapangyarihan... 🙁

is ⚠ feeling , nakahanda silang ulitin ang maduming kasaysayan para lang hindi na muling mahalungkat ang kanilang mga krimen...


>
yung kapalpakan ng Globe sa pagsunod sa Mobile Number Portability na patakaran..
considering na ilang taon na siyang idea...

pero to be honest..
kalokohan ang Mobile Number Portability in terms of prepaid accounts..
madami na kasing prepaid loading services ngayon ang dependent doon sa prefix para sa automatic na detection ng network..
kaya dahil sa Mobile Number Portability eh posibleng bumalik na naman ang lahat sa manual input..
at unli-allnet na ang magiging safe na unli promo...

is feeling , sapat na kasi dapat yung habambuhay mong pwedeng gamitin yung parehong number under a particular network.. yun lang naman talaga yung mahalaga eh - ang hindi agawin sa'yo o pa-expire-in yung mobile number na matagal mo nang iniingatan...


>
sa Valenzuela City..
yung ginawang pangangampanya sa inauguration ng isang mega COVID-19 vaccination site... 🙁

is feeling , makinarya...

---o0o---


October 8, 2021...

[Natural Calamities]

sa itaas..
nasa Magnitude 5.2 na lindol..
sa area ng Batangas...

is feeling , maganda doon sa ibaba...


>
hindi kapayapaan ang sinisimbolo nun..
hindi rin ang Playboy...

iyon ay ulo na may 2 sungay..
isa sa mga demonyo..
na sinusuportahan ng mga kapwa demonyo...

is ⚠ feeling , simbolo ng revisionism...


>
again..
hindi na opinyon o kalayaan sa pagpili ang pagsuporta sa mga proven na na mga kriminal..
ang tawag dun..?
eh pagiging kasabwat... 🙁

is feeling , mandarambong na naman ang gusto ninyong pinuno...??


>
naghahanda ang kasamaan para sa substitution..
mayabang sila dahil walang mawawala sa sakripisyo nila...

pero hindi dapat..
mas maganda kung makikialam na lang ang kamatayan para sa hanay nila...

is feeling , mas maganda yung mga mas siguradong Karma...

---o0o---


October 9, 2021...

teka..
so anti-FAKE news pala si Binibining Gumabao..
posible kayang sumanib siya sa kasamaan, para makahanap ng paraan upang matiktikan ang mga social media farms...??

is feeling , deep penetration agent...??


>
dapat kasi sa sistema ng mga partido eh bawal nilang gawing opisyal at bawal ilahok sa eleksyon yung mga wala pang 1 year bilang miyembro nila..
kumbaga may 1 year of residency muna dapat, para masabi man lang na kinakatawan talaga nung tao yung partido..
kaya dapat magawan ang COMELEC ng ganung klase ng batas..
para hindi nagagagago ang buong sistema...

may deadline nga para sa pagkandidato..
pero bukod naman yung deadline para sa mga substitution..
kaya para lang nilang niloloko ang sistema... 🙁

is feeling , ang tagal nang walang pangil ng COMELEC...


No comments:

Post a Comment