Saturday, October 16, 2021

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of October 2021 (Lineup Shuffling)

Loveless Story


October 10, 2021...

mukhang 1 na lang yung regular na bahagi nung sindikato..
pero may 1 pa ring kasama..
kaso hindi ganito ang gusto kong klase ng hustisya.. 🙁
hindi yung ibang mga tauhan ang masasama..
wala silang kinalaman sa sinapit kong masamang kapalaran..
kundi yung mga tao sa likod nila na nagmamanipula sa lahat...

kaya naman totoong katarungan ang mas gusto ko..
yung mapahiya sila..
yung mahuli sila..
at yung makulong sila...

is feeling , ang pangit naman kung mahihinto lang sila dahil wala na silang kinikita...

---o0o---


October 11, 2021...

sobrang unfair talaga ng mundo...

bakit may mga ganung klase ng tao..?
iginigiit na wala silang pera..
pero ang dami-daming nabibili... 🙁

is feeling , tumanaw man lang sana ng utang na loob...

---o0o---


October 13, 2021...

[Medical Condition]

wala eh..
hindi bumubuti ang lagay ng mundo..
tsaka, ito na daw kasi yung pinaka-lamang sa mga vaccine base sa research..
kailangang magsakripisyo para sa ikatututo ng mga tao..
artificial evolution...

sa ngayon, nananakit lang yung spot na tinurukan sa akin..
pakiramdam ko rin na parang mainit yung katawan ko mula sa loob, pero hindi naman according sa thermometer..
sana lang ay hindi maging pang-6-digit worth ng gamutan ang magiging reaction ng katawan ko...

para sa safety ni YAM..
at para hindi na ako gumastos ng Php 4,000 sa swab test..
in case magkakaroon pa ng pag-asa na mabuo kong muli yung Dream Date...


>
nagbura ng mga memories..
bakit..?
tapos na ba sila..?
o para lang itago ang katotohanan...??

is feeling , mga nagsisinungaling tungkol sa pera...

---o0o---


October 14, 2021...

[Medical Condition]

unti-unting tumataas ang body temperature ko simula kahapon..
mula sa 36.4 degree Celsius..
pumapalo na siya ngayong hapon sa 37.1 degree Celsius...

nilalamig ang pakiramdam ko..
kahit wala pa namang sakit..
ayoko munang uminom ng gamot, dahil baka kontrahin lang yung epekto nung vaccine...

ang hirap ng virus na 'to..
pero kailangan niyang mag-blend sa katawan ko..
ewan ko kung may kinalaman yung depression ko sa mahinang resistance ng katawan ko..
pero basta, hindi pa ako pwedeng mamatay ngayon...

is feeling , fusion...

---o0o---


October 15, 2021...

[Medical Condition]

akala ko normal na ang katawan ko paggising ko kaninang umaga..
ayos na kasi ulit yung body temperature ko..
halos wala na rin yung pananakit nung area na tinurukan sa akin...

pero pagkagaling ko sa siesta ngayong hapon..
muli kong naramdaman na mainit ang katawan ko..
at pumalo din sa pang-may lagnat yung body temperature ko...

is feeling , blend well...

-----o0o-----


October 9, 2021...

[Game]

kanina..
napansin ko kung paanong binastos ng Soothing Song card ang mataas na defense ng Aqua ko.. 🙁
kaya tuloy napabalik ako sa pag-aaral tungkol sa mga Debuff...

at heto ang malagim kong natuklasan ngayon lang tungkol sa pinakamalalakas na Debuff:
- Fear - attack will wiss, pwedeng pang-counter sa Soothing Song
- Stun - kung aatake ang victim attack will miss, pero kung aatakehin ang victim eh mai-ignore ang shield niya
- Sleep - ignore shield

at sa ngayon, pinakabastos nga na card yung Soothing Song..
sa case kasi ng Chomp eh hindi natagos sa shield yung damage nung card, at nai-inflict nga lang yung Stun kapag tinamaan na ang kalaban..
pero sa case kasi ng Soothing Song, yung mismong damage nung card ay tatagos kahit hindi pa naman under ng Sleep yung target..
tapos from 50 lang na damage dati, eh itinaas pa siya sa 80..
just imagine kung gaano kalakas ang isang team na may multiple Soothing Song users... 🙁

buwisit na buwisit ako sa laro na 'to bilang investor..
Php 23,000 per Axie, pero parang basic na lang yung sa akin ngayon..
samantalang yung malalakas na Axie ngayon eh kayang mabili sa Php 15,000..
sobra-sobra akong na-scam... 🙁

is feeling , ano pang silbi ng shield sa laro na 'to ngayon...??

---o0o---


October 10, 2021...

[Game]

sa tinagal-tagal ko nang nagpapakahirap sa paglaban sa mga Terminator Reptile..
yung most basic type na ang gamit ay Sticky Goo, Chomp, Mystic Rush, at Allergic Reaction..
eh matagal na palang may solusyon sa cards ko...

ang options:
scenario 1 - 2 Axie versus 1 Terminator, 5 or more Energy versus 2 Energy, basta i-burst na lang kapag mas mabilis pa rin yung Mid kesa dun sa Terminator
scenario 2 - 1 Aqua versus 1 Terminator, 5 or more Energy versus 3 or less Energy, mag-conserve ng Energy habang binabawasan din nang kaunti yung kalaban, basta kailangan parating may Swift Escape sa depensa para mawalang bisa yung effect ng Mystic Rush

tapos heto naman ang mga Axie na kino-consider ko pagtama ko sa Lottery...

pure plant stats - 61/31/31/41
- Bulkwark, Carrot Hammer, Wooden Stab, Zigzag - 61/32/31/40

pure aqua stats - 45/57/35/27
- Swift Escape, Crimson Water, Clam Slash, Chitin jump - 45/57/35/27
- Swift Escape, Soothing Song, Clam Slash, Water Sphere - 44/57/35/28
- Swift Escape, Crimson Water, Hero's Bane, Gravel Ant - 45/54/35/30

kundangan naman kasi..
nabigyan na ako ng pagkakataon noon na bumili ng pampalakas na Axie..
pero dahil hindi ko pinag-aaralan ang mga Debuff, eh mali tuloy ang napili ko... 🙁

is feeling , Lottery na lang ang pag-asa ko...

---o0o---


October 13, 2021...

ngayon ko napatunayan na hindi sapat ang ginagawang pag-aaral ng gobyerno tungkol sa COVID-19... 🙁

bakit hindi nila inire-record ang blood type ng mga binabakunahan..?
eh paano kung posible ngang may mga blood type nga na mas malakas ang resistance..?
blood type na mas mahina ang resistance..?
at pati blood type na nagre-result sa kakaibang reaction doon sa vaccine...?

kasi kung mapatunayan nila 'yon..
edi sana mas mapapakilos na nila yung mga taong may resistant na blood type at wala namang mga karamdaman...

is feeling , kulang-kulang...


>
[Game]

ano ba 'to..?
hindi ko alam kung maganda ba ang nangyayari o hindi...

mali-mali na yung bilang ng SLP ko..
nangyari yung una after nung huli kong cash out..
yung pangalawa naman eh ngayong araw lang, na natiyempo sa araw ng maintenance..
meron akong bagong 37 SLP na hindi ko alam kung saan ba nanggaling o kung paanong nakuwenta ng system...

matatanggap ko kung ano man ang mangyari..
basta ba hindi mawawala yung actual na bilang ng SLP na patas kong nakuha...

is feeling , sobrang laki na ng discrepancy...

---o0o---


October 16, 2021...

[Game]

lagot na..
simula na ng purge sa Axie Infinity..
tatanggalan na nila ng karapatan ang mga players na nasa 800 MMR and below na kumita ng kahit na anong SLP... 🙁

tuluyan na ngang nagiging scam yung laro para sa ibang mga players..
kahit kasi hindi magaganda ang cards ng Axie, eh in most cases ay may katumbas pa rin ang mga iyon na ETH investment..
at para tanggalan ang player ng karapatan na mabawi yung investment niya para doon sa laro, eh sobrang brutal...

oo, makakatulong 'yon sa pagbabawas ng mini-mint na SLP sa bawat araw..
pero kasi, sila itong nangako na play-to-earn ang kanilang laro..
kaya parang isang malaking panloloko ang mga ginagawa nilang developments o adjustments lately...

is ⚠ feeling , cryptocurrency scammers...


No comments:

Post a Comment