Friday, May 15, 2020

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of May 2020 (Flowers & Vines Clue)

Loveless Story


May 13, 2020...

magtu-2 months na..
pero wala pa rin akong makita sa mga hinahanap ko..
at base sa mga nangyayari eh mukhang vaccine pa nga ang hinihintay namin... :(

napakahusay talaga ng ginawa ng Kuhol ng Asya... :(

sa kung sino man ang kayang gumawa ng milagro sa wasak na mundo na 'to..
pausap na ho..
gusto ko lang naman mahanap yung mga taong hinahanap ko..
dahil baka hindi na talaga kami magkita kahit na kailan base sa itinatakbo ng mga pangyayari sa ngayon...

is feeling , hindi ko kailangan ng mga mutual.. ang kailangan ko eh mapagana ulit yung recognition...

---o0o---


May 14, 2020...

[Strange Dream 18+]

short and simple lang..
na medyo pang-18 plus...

sa isang masikip na light room yung location..
pahaba ang estilo, na nasa lagpas 1 meter lang yung width..
parang nasa form of transportation naman yung dating nung eksena..
magkatabi daw kami ni Miss Y sa right side nung room..
right side mula sa entrance..
at parang kausap niya yung guy na katapat niya..
naka-white tee shirt siya, at jeans yata..
nakaupo kaming lahat sa lapag lang..
yung left arm ko eh nakatuon sa sahig..
wala naman daw akong pakialam sa presence ni Miss Y, kasi hindi naman siya ang hinahanap ko..
tsaka hindi naman matulungin ang isang iyon pagdating sa akin..
para sa kanya, business is business...

anyway..
unti-unti daw napapalapit sa akin yung babae..
hanggang sa yung braso ko eh tuluyan nang napunta sa likod niya..
nakaikot na sa may baywang niya..
tapos eh tumatama na daw yung kamay ko sa side nung kaliwang dibdib niya..
eh malalaki pa naman yung dibdib nun kahit na matanda na..
tapos eh patingin-tingin lang daw siya sa akin...

is feeling , siya kaya ang clue..? nasa kanya ba yung right path...??

---o0o---


May 15, 2020...

paano na ba yan, Miss Racal..?
wasak na wasak na ang Loveless Story nating dalawa... :(

January 2020..
itinakda..
pero hindi itinadhana... :(

dahil sa mga Imperyalista..
dahil sa mga put*ng inang mayayabang na pinaboran lang nang pinaboran ang pagta-travel sa kung saan-saan..
dahil sa mga basurang expert na parang bacon na brief ang luwag ng pa-safety measure sa mga borders..
at dahil na rin sa magagaling na travelling carrier na nakisali pa sa pangmamaliit dun sa virus... :(

intindihin ang sitwasyon kung kailan malala na ang lahat..?
mga put*ng ina ninyo, sana sa simula pa lang inintindi nyo na talaga yung threat ng sitwasyon.. :(
mamatay na sana kayong lahat na nag-contribute sa pagkalat ng salot na yan...

sobrang lungkot ng buhay..
malaking parusa na nga na maging buhay..
tapos tatamaan ka pa ng sandamakmak na mga kamalasan dahil sa katangahan ng ibang mga tao.. :(
at wawasakin yung mga natitira mong source ng kaligayahan...

may pag-asa pa ba na makita ko yang ngiti mo sa personal..?
may pag-asa pa ba na makita kita na suot yang high heels sandals mo..?
wala akong ibang gusto sa ngayon, kundi makita at makasama lang kayo, Miss Racal...

is ðŸ’” feeling , Love in the Time of COVID-19 - Chapter 5: Downgrade...

---o0o---


May 16, 2020...

birthday na ulit ni YAM..
padalawa simula noong makilala ko siya...

kaso..
hindi ko naman siya pwedeng batiin pa..
mahirap na..
baka ma-block lang...

sana mag-update naman siya...

is feeling , wala pang lecheng vaccine...

-----o0o-----


May 10, 2020...

[Business]

dati..
kahit 8:00 AM pa ako umalis ng bahay..
nakakabalik pa rin ako ng bandang pasado 9:00 AM...

pero ngayon..
kailangan kong maglakad kahit wala pang 7:00 AM..
at sa malapit lang na supermart ako makakapunta..
pero yung balik ko ng bahay eh pasado 9:00 AM din... :(

pangit mang isipin..
pero pang-mayaman na delubyo 'tong pinapasok nina Tatay Gunggong sa bayan..
mga may sariling sasakyan lang ang makagagalaw nang mas komportable sa isang bayan kung saan lahat na lang eh tinatrato bilang COVID-19 carrier... :(

kung dati..
kaagad kang makakapasok sa pamilihan para ma-check kung anu-ano ang meron..
sa panahon ngayon..
ang tagal mo na nga sa pila, tapos huli mo pa malalaman kung meron ba o wala na nung item na ipinunta mo sa pamilihan..
parang isang malaking surprise para sa pagsasayang mo ng oras sa pagpila... :(

tapos yung mantika eh terible na.. :(
Php 213 yung last kong bundle bago ang trahedya..
Php 240 naman yung una kong nakuha sa panahon ng trahedya..
tapos ngayon eh nasa Php 255 na kaagad after 2 weeks..
ang sakit..
ang bigat na ngang buhatin pauwi..
ang bigat na nga sa bulsa nung presyo..
tapos eh hindi pa entitled para sa points...

is feeling , salamat sa lahat ng supporters ng hindi pagpapatigil ng mga international travel noong may tsansa pa sanang mas makaligtas ang bayan...


>
nagpokpok kayo dahil sa pera, di ba..?
dahil gusto ninyo ng malaking pera, sa mabilisang paraan...

tapos biglang hindi ninyo naiintindihan yung nararamdaman ng mga taong naghahabol ng kita mula sa trabaho nila..?
siguro nga mas malaki kesa sa karaniwan yung kita nung mga pinagtatawanan at binubusalan ninyo ngayon..
pero tama ba na i-generalize na okay lang na mawalan na sila lahat ng mga trabaho, samantalang hindi naman pantay-pantay ang kita nila...?

kung makapagmalinis kayo..
akala naman ninyo eh ninakawan kayo ng pera ng mga taong yan..
samantalang wala namang access sa gatas yang mga yan...

kung hindi ko nasaksihan yung prosesong dinaanan, baka pa irespeto ko yung nangyari:
- yung plano na patayin ang analog signal at lumipat sa digital terrestrial television technology kahit butas-butas pa ang mga patakaran nila
- tinulugan ang apila sa loob ng mahabang panahon
- ginamit ang kompanya para sa isang international event, at may kasama pang bolahan sa harap ng international community
- muling tinulugan ang apila, sa tulong na rin ng isang bulkan
- pinangakuan ng iba't ibang hanay
- tapos biglang patraydor na ipinasara, sa tulong na rin ng COVID-19

tapos hindi ninyo maintindihan kung bakit ganun na lang yung galit at takot nila..?
ginamit sila at pinaikot lang..
kagaya kung paanong patraydor na inilibing yung Diktador na yun..
pinuntirya sila dahil sa motibo ng amo ng Solicitor Assassin, dahil sa history nung kompanya...

kagagaling ninyong manlait kasama ng mga personal na kakilala ninyo eh..
ano bang ipinagyayabang ninyo ngayon..?
yung pera ng mga nobyo ninyo..?
kaya niyuyurakan nyo na lang at isinusulong ang pagkawala ng trabaho ng iba..?
kaso nga lang eh ang dami nyo pang naiwan na nude advertisements online..
yung iba eh nasa ibang bansa pa ang mga host..
katatalino nyo eh..
ano kayang mararamdaman ng mga nobyo at ng mga kakilala ninyo kapag nalaman nila kung ano ang kaya ninyong gawin para sa pera...??

is feeling , walang perpektong malinis.. pero hindi ako susuporta sa nagbabalik na alyansa ng kasamaan...

---o0o---


May 14, 2020...

ikalimang ayuda ng goods..
mula pa rin sa city..
para sa mga bawal sa cash aid..
mukhang company goods 'to, na donasyon..
pang-partner sa bigas...

hindi ulit nagbahay-bahay... :(

below Php 500 yung worth..
so nasa Php 1,945 to 2,275 na kami...

is feeling , basta cash na danyos yung makatarungan para sa akin...


No comments:

Post a Comment