Friday, March 27, 2020

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Full Week of March 2020 (COVID-19 Goals)

Loveless Story


March 26, 2020...

kung nasaan man sina Miss Racal at Miss Pl..
sana lang malusutan rin nila ang delubyo na 'to..
sana hindi sila madapuan ng Imperial virus..
o madali ng gutom...

si Miss Co kaya..?
mapapabalik kaya siya sa mundong iyon ng hinayupak na trahedya na 'to...??

kailangan muna nilang maka-survive kung gusto ko pa silang makita..
iyon eh kung makaka-survive din ako...

is ðŸ’” feeling , konting patas na tadhana.. kahit na konting-konti lang...

---o0o---


March 28, 2020...

wala pa rin akong nakikita sa kanila sa mga panaginip ko... :(

is feeling , ang kaparusahan ng mga wasak na pangarap...

-----o0o-----


March 22, 2020...

konti na lang at matatapos na yung project #15..
6 pages at cover..
at 4 na support materials...

is feeling , working aimlessly...

---o0o---


March 25, 2020...

may symptoms na ako..
pero hindi ko alam kung symptoms ng ano...

mild na sipon at ubo...

at ang hirap masabi kung ano mismo yung rason..
last week ako huling lumabas para mamili, though since January Taal incident naman eh parati na akong naka-mask kapag lumalabas..
yung biological father ko, adik sa sigarilyo, at natural na sa kanya yung umuubo kahit na nasa harapan pa kayo ng pagkain..
parati ring pumupunta yun sa kung saan-saan kahit na may lockdown na..
yung biological mother ko, galing sa isang ospital sa NCR sa simula ng March, dahil hindi matiis yung kapatid niya na naospital kahit na may COVID-19 threat na nga..
yung biological brother ko, may travel history rin sa NCR this March, at kahit na may declaration na eh pabiro pa rin na nag-uubo sa mismong harapan ko noong nagsisimula pa lang ang delubyo ng quarantine..
yung in-law ko, medical personnel siya at nai-assign na rin sa mga suspected carriers, pero kahit na ganun eh nakikisalamuha pa rin siya sa amin..
tapos may palitan pa ng klima this March, mainit during the day, samantalang malamig sa madaling araw..
tapos may mga kliyente pa nga ako sa pagre-retail ko, at hindi ko alam kung saan-saan ba galing yung mga pera nila, at hand sanitizer lang yung proteksyon ko...

heto nga at gusto nang ipatigil ng mga kasama ko sa bahay yung pagbebenta ko..
lalo na yung magaling na nakikitira dito kahit na may sarili na silang bahay..
lahat sila eh may mga violation, nagawa pa nga nilang magbiro eh, tapos ako yung kailangan na isakripisyo..??
bakit hindi sila ang tumigil na sa paglipat-lipat dito sa bahay namin..??
edi bayaran nila ako ng Php 10,000, para tumigil na lang ako...

tapos problema pa yung pera na pampa-ospital kung saka-sakali... :(

nagsisimula pa lang ang totoong Wano Arc..
hindi pa ako pwedeng mamatay..
lalong hindi dahil sa kapabayaan ng mga hinayupak na pinuno na piniling isakripisyo ang buong bayan kesa sa international travel lang...

is feeling , under observation...


>
last 2 pages..
at para sa iisang setting na lang..
tapos support materials...

is feeling , para saan pa ba ang lahat ng ito...??

---o0o---


March 27, 2020...

tapos tinakot pa nga ako kanina ng biological mother ko..
binasahan ako ng divine entry..
tungkol sa mga natural calamities at digmaan... :(

severe na katapusan daw ang dadanasin ko... :(

eh ano bang magagawa ko..?
simula't sapul hindi ko naman nagustuhan ang buhay..
sobrang malas ko na nga sa buhay eh..
tapos isusumpa pa ako ng ganun...??

gusto ko lang naman matapos ang alamat ng One Piece..
ang makita pa si Miss Racal..
ang makita si Miss Pl..
at siguro pati si Miss Co..
bago man lang sana ako kunin ng kapalaran..
pero may pag-asa pa ba...??

is feeling , nakakalungkot mabuhay sa panahon na 'to...

---o0o---


March 28, 2020...

[Piracy]

ang masama sa nangyayaring ito..?
aktibo pa rin ang mga online pirates hanggang ngayon..
ibig sabihin na may pera pa rin na nagsi-circulate sa pagnanakaw na ginagawa nila..
at hindi sila tinatamaan ng COVID-19... :(

is feeling , buhay pa rin sila...


No comments:

Post a Comment