Loveless Story
March 9, 2020...
ano ba 'tong nangyaring ito sa akin...?
nandun ako noong ibinalita yung pinakaunang kaso ng COVID-19 sa bayan na dala ng mga Imperial citizen..
i was already so close to Miss Racal..
pero sinira nilang lahat noon yung mga pinaghirapan ko..
it was supposed to be a reward after more than 1 year ng pagtitiis... :(
pero hindi lang sira..
dahil halos wasak na wasak..
para akong naholdap para sa wala..
tapos nasa 25% lang yung napakinabangan ko... :(
tapos ganito pa nga ang mangyayari ngayon..?
kumakalat na yung virus dahil pumalya ang mga nagmo-monitor...
sobrang brutal na kapalaran..
nandun na ako..
konting oras na lang sana..
pero nasira pa talaga ang lahat..
tapos ngayon eh matinding virus na yung magiging hadlang sa pagbawi ko kay Miss Racal...??
is 💔 feeling , Love in the Time of COVID-19...
---o0o---
March 11, 2020...
2 bagong retirement..
73rd (71st) at 74th (72nd)..
mga medyo matagal na rin sa industriya...
dahil kaya sa COVID-19..??
alanganing pagkalas dahil kalagitnaan pa lang ng 3rd month eh...
kahit hanggang April pa..
konti pang palugit Miss Racal..
medyo pahupain lang natin ang sumpa ng Imperyo...
is 💔 feeling , mga buwisit na Imperyalista yan...
---o0o---
March 13, 2020...
mukhang katapusan na ulit ng goal ko... :(
logical lockdown para sa NCR..
that means na depende sa magiging desisyon ni Miss Racal, posibleng ma-ban na muna siya doon sa lugar kung magde-decide siya na lumabas na muna..
maba-ban siya dahil wala namang ID yung trabaho niya..
hindi na rin ako pwedeng pumasok doon sa lugar dahil wala na akong oras, at wala rin talaga akong ID para doon...
1 buwan na palugit..
tapos depende pa kung anong magiging development sa kalokohan na ginawa na ito ng pamunuan..
ni hindi na ako magtataka kung lahat man ng mga offshore workers na ipinasok nang patraydor dito sa probinsya eh hindi naman talaga namo-monitor ng pamunuan..
gaya nga ng sinabi ng Hokage na Mahilig - eh malinis ang offshore deal nila..
meaning ganun na lang ang level ng pagtatakip nila sa hinayupak na Imperyalismo...
put*ng ina..
ang sakit na nga nung nangyari sa akin na bait-and-switch..
tapos pinalala pa ng COVID-19 yung paghihirap ko..
ano ba 'to, maximum power na ng bad FATE laban sa akin...??
basta..
kung lilipas man nga ang viral imperialism na ito..
kapag nagkataon na bumalik siya matapos ang 1 buwan..
t*ng ina, ii-infiltrate ko na yang NCR na yan..
para makita ko lang yung ngiti at high heels na yun ni Miss Racal...
is 💔 feeling , Love in the Time of COVID-19 - Chapter 2...
-----o0o-----
[V-League]
UAAP Season 82 - Women's Volleyball (Round 1)
March 7, 2020...
UP versus UE
Set 1, 25-23, nakuha ng UP..
Set 2, 25-20, nakuha ng UP..
Set 3, 18-25, nakuha ng UE..
Set 4, 25-17, nanaig ang UP...
3-1, panalo ang UP...
Player of the Game si Molde with 24 points from 18 attacks, 4 kill blocks, and 2 service aces..
Caloy with 15 points..
malaki ang naitulong sa UP ng kanilang 12 kill blocks..
para naman sa UE..
Mendrez with 21 points from 19 attacks and 2 service aces, plus 10 digs..
Lana with 17 points...
ADMU versus DLSU
Set 1, 17-25, nakuha ng La Salle dahil sa kanilang 18 attacks and 2 kill blocks kontra sa sarili nilang 10 errors..
Set 2, 25-17, nakuha ng Ateneo sa tulong ng 8 big errors ng La Salle..
Set 3, 17-25, nakuha ng La Salle dahil sa kanilang 10 attacks and 4 kill blocks..
Set 4, 15-25, nanaig ang La Salle...
3-1, panalo ang DLSU...
Player of the Game si Tiamzon with triple-double performance; 17 points from 14 attacks, 2 kill blocks, and 1 service ace, plus 12 digs and 13 excellent receptions..
Dela Cruz with 13 points..
Gagate with 10 points na may 5 kill blocks..
Cruz with 9 points..
Ogunsanya and Soreno with 8 points each..
balanced scoring naman ang La Salle, pero nakapagpakawala pa rin sila ng 33 huge errors in 4 sets..
para naman sa ADMU..
Nisperos with 13 points from 10 attacks, 2 kill blocks, and 1 service ace..
Maraguinot with 9 pure attack points..
Middle Blockers nga pala talaga ang nawala para sa Ateneo, bukod pa sa walang nagawa si Tolentino sa laban na 'to...
halos sariling errors din lang nila ang kinalaban ng La Salle...
is feeling , hindi pa rin magawang talunin ng Ateneo ang La Salle matapos na mawala si Morado...
---o0o---
March 8, 2020...
kagaya last season, bigo na naman ang season na ito na ipakita yung buong potensyal ng mga teams..
mas maraming key players ang wala this time dahil sa iba't ibang rason, mostly eh dahil sa mga injury bago pa man mag-start yung tournament...
NU versus AdU
debut match ng bagong Adamson, ang mga PVL Champions..
may bago silang female coach..
trainer na rin nga nila si Coach Tai..
no Permentilla dahil sa injury.. :(
Coach Tai versus Sato...
Set 1, 26-24, nakuha ng NU dahil sa kanilang 5 kill blocks plus 11 huge opponent errors..
Set 2, 25-14, nakuha ng NU dahil sa kanilang 6 kill blocks and 7 service aces plus 6 opponent errors..
Set 3, 25-21, nanaig ang NU...
3-0, panalo ang NU...
Player of the Game si Paran with 15 points from 10 attacks, 2 kill blocks, and 3 service aces..
Mutshima with 13 points from 7 attacks, 3 kill blocks, and 3 service aces..
Lacsina with 9 points..
Sato with 8 points na may 4 kill blocks..
Nierva with 11 digs and 10 excellent receptions..
lamang na naman ang NU sa kanilang blocking, with 13..
para naman sa Adamson..
Genesis with 12 points from 11 attacks and 1 service ace, plus 11 digs..
Toring with 11 points from 6 attacks, 2 kill blocks, and 3 service aces..
pero nadali din ang Adamson ng 25 errors nila in just 3 sets...
na-realize na siguro ng Adamson ngayon na iba talaga ang kalibre kapag purong mga UAAP teams ang kalaban nila...
UST versus FEU
hindi rin nga pala nakabalik si Alessandrini para sa UST...
Set 1, 25-20, nakuha ng UST dahil sa kanilang 16 attacks and 2 service aces..
Set 2, 25-16, nakuha ng UST dahil sa kanilang 14 attacks..
Set 3, 25-18, nanaig pa rin maging ang bench ng UST...
3-0, panalo ang UST...
Player of the Game si Eya Laure with 16 points from 12 attacks, 3 kill blocks, and 1 service ace..
may plus 14 digs and 8 excellent receptions din siya..
EJ Laure with 12 points from 10 attacks and 2 service aces..
Viray with 9 points..
wala namang umabot sa double figures para sa FEU..
Villareal and Carandang with 7 points each..
Agudo with 6 points..
nalimitahan naman si Ebon sa 4 points lamang...
nakuha talaga ng UST ang laban na 'to sa attack points...
is feeling , panalo parehas ang mga pambato kong team for this season...
-----o0o-----
March 9, 2020...
[Gadget-Related]
ang worst combination ng problema sa smartphone..
palpak na battery na hindi tumatagal ng 24 hours..
at palpak na power button na hindi kaagad nakakabuhay nung phone lalo na kapag galing sa battery empty...
tapos may tendency pa na mag-discharge kapag sinubukang i-charge habang may natitira pang laman... :(
---o0o---
March 11, 2020...
[Gadget-Related]
ito na nga ba ang sinasabi ko eh..
dahil pinapauso yung permanent log-in sa mga online account, kami tuloy mga traditional users ang napagkakamalan na kuwestiyonable..
napapadalas tuloy ngayon yung mga verification process gamit yung mobile number... :(
hindi ba nila naiintindihan kung gaano kadelikado kung maaagaw yung mga gadget ng mga professional hackers..??
puros sila ease of access at comfort lang ang iniisip... :(
number ko ang may hawak sa mga financial account ko..
kaya malaking problema kapag bumigay yung SIM card o yung keypad-phone... :(
is feeling , kung tama lang sana yung sistema...
>
[Online Marketing]
dahil sa opinyon ng isang kapwa artist..
60% daw ng sales niya eh doon dumadaan sa 3rd store..
eh nag-decide ako na sumugal na rin nga sa 3rd store...
kagaya siya nung platform na gamit ko..
hindi limitado ang audience at may filtering process lang..
halos kagaya rin nito yung 1 ko pang natitirang option...
mas malawak yung market na hawak niya..
hindi subscription yung process, kaya mas malaya yung mga customer na gumawa ng mga desisyon kung kailan man nila naisin..
at marami ring tinatanggap na payment option..
so sana naman nga, makahanap ako ng mas malaki-laking bahagi ng market para sa sarili ko...
is feeling , wala namang mawawala dahil na-pirate na rin naman lahat ng mga produkto na ilalabas ko doon...
>
[Online Marketing]
done setting up the 3rd store..
ini-release ko na kaagad dun lahat ng mga napirata na dati, tutal nga eh wala naman nang mawawala..
mabilis lang ang submission process..
at ni wala ngang screening kung tutuusin...
bawal sa akin yung hope..
pero madalas, hindi ko pa rin mapigilan yung paggamit ng salitang 'sana'...
is feeling , 60% would be really great...
---o0o---
March 13, 2020...
sana lang magawang pangalagaan ng Japan ang National Treasure na si Oda..
walang dapat mangyaring masama kay Oda hangga't hindi pa tapos ang istorya ng One Piece...
is ⚠ feeling , so ano na ang battle cry ngayon..? Bangon Earth..? excluding the Empire...??
No comments:
Post a Comment