Friday, April 19, 2019

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of April 2019 (Plain Resolve)

Loveless Story


April 19, 2019...

[Movie]

The Shack

kung konsepto lang nga ang lahat..
ang tama at mali..
ang mga kasalanan..
ang lahat-lahat..
pati ang sakit..
ibig sabihin na parang laro nga lang talaga ang lahat para sa mga diyos..
na kahit ano na lang eh pwedeng mangyari sa buhay..
walang patas at hindi patas..
dahil ang mga konsepto eh produkto lang naman ng mga tao...

ang sakit at kamatayan ay natural na bahagi ng pagiging buhay..
naging komplikado lang ang mga kasalukuyang pamamaraan dahil na rin sa pagiging malikhain ng isip ng mga tao..
pero basically, isang resulta lang naman ang kinahihinatnan...

kung ganun ang kalibre ng enlightenment na kailangan para maunawaan ang buhay..
eh magiging katanggap-tanggap nga ang kahit na anong ibabato ng kapalaran..
magiging napakadali ng pagpapatawad, maging sa mga krimen..
pero medyo mahirap nga lang gawin, dahil sa pagkakaroon ng emotion at sensation ng mga tao..
ang 2 bagay na iyon at ang kakayahan na mag-isip, ang mga bagay na nagbibigay ng ilusyon na kesyo mas mahalaga ang buhay ng mga tao kumpara sa iba...

pero ang totoo..
ang buhay ng mga tao ay kapantay lang ng buhay ng lahat ng mga nilalang...

is feeling , hindi na matitimbang o mahuhusgahan ang buhay sa ganung point of view...


>
ang kumain, uminom, huminga, at sumilong..
yun lang ang mga natural na kailangan sa buhay..
yun ang basic sa laro ng survival...

hindi natural na maghabol sa mga konsepto na tulad ng yaman o success..
ang paghahangad ng kaginhawaan sa buhay ay bahagi lang ng pagiging tao...

siguro yun lang talaga ang kailangan kong matutunan para matanggap ko ang lahat..
na walang espesyal na kahulugan ang buhay, maliban sa ang maranasan ang battle for survival..
though sa henerasyon na ito ng sangkatauhan, masasabi ko na ultimo yung basic needs eh naging mahirap nang ma-avail dahil sa sistemang matagal nang nabuo ng mga lipunan...

is feeling , ang mabuhay nang payak na katulad ng lahat ng nilalang...

---o0o---


April 20, 2019...

[Strange Dream]

napanaginipan ko na ulit siya..
hindi ko alam kung nag-meet ba kami, o kung by accident lang..
nasa isang unfamiliar place daw kami, na may upper floor..
may iba pang tao doon sa lugar na hindi ko makilala..
hindi ko rin masabi kung kami ba yung nagtrabaho o kung may katrabaho siyang iba..
bumaba siya sa may hagdan na parang nag-aayos pa..
lumapit siya sa akin, hinalikan ako sa aking pisngi, at mabilis na lumabas sa pintuan ng lugar na iyon para umalis na...

naisip ko pa daw kung susundan ko ba siya o ano..
hoping na mata-track ko na siya..
pero hindi ko ginawa..
at doon na nagtapos yung panaginip ko...

is feeling , kahit sa panaginip, hindi siya sweet sa akin...

-----o0o-----


[V-League]


UAAP Season 81 Women's Volleyball - Eliminations (Round 2)


April 13, 2019...

AdU versus UE

Set 1, 14-25, lamang sa simula ang Adamson pero na-activate ang blocking ng UE, hanggang sa nag-substitute ang Adamson sa small lineup nila, nakuha ng UE ang set dahil sa kanilang 12 attacks and 6 service aces plus 5 opponent errors..
Set 2, 19-25, sina Genesis, Ave, at Perez na muna para sa Adamson, dikitan naman ang laban pero nakaagwat ang UE sa later part, naipanalo nila ang set dahil sa kanilang 15 attacks and 2 blocks plus 8 opponent errors..
Set 3, 22-25, mas masipag lumaban ang small lineup ng Adamson kaso ay kulang naman sila sa firepower, at kinapos nga sila laban sa UE...

3-0, panalo ang UE..
at mananatili na ngang putot ang Adamson this season...

Player of the Game si Baliton with 14 points from 7 attacks, 6 kill blocks, and 1 service ace..
Mendrez scored 15 points from 11 attacks, 1 kill block, and 3 service aces..
Abil with 11 points, plus 18 digs and 19 excellent receptions..
Bendong with 24 excellent sets, plus 5 points na may 4 service aces..
nagpakawala ang UE ng 10 service aces in just 3 sets..
para naman sa Adamson..
si Flora lang ang umabot sa double digits with 10 points..
Dacoron with 7 points..
Ave with 6 points...

mas malinis ngayon ang laro ni Igao in terms of the actual setting..
kinulang nga lang siya sa active spikers...


ADMU versus DLSU

makakaya na ba ng parang sobrang lakas na Ateneo na matalo ang Champion na La Salle...??

Set 1, 17-25, nakalayo nang husto ang La Salle nang ipasok si Luna, nakuha nila lahat ng stats..
Set 2, 13-25, maagang nakalayo ang La Salle, muli nilang nakuha ang lahat ng stats, at 3 attacks lang ang nagawa ng Ateneo..
Set 3, 23-25, madalas pa ring lamang ang La Salle, at kinapos na rin nga ang Ateneo...

3-0, panalo ang La Salle..
sobrang ganda ng coverage nila laban sa Ateneo..
at hindi pa rin nga nananalo ang generation ni Wong laban sa generation ni Cobb..
simula yun nang iwan nina Morado at Fajardo ang UAAP stage..
yung team na sa pangalan pa lang ng kalaban eh natatalo na kaagad...

Player of the Game si Saga with 21 digs and 14 excellent receptions..
Dela Cruz scored 14 points na may 11 attacks..
Clemente with 10 points from 8 attacks and 2 kill blocks..
Ogunsanya also with 10 points..
Luna with 9 points off the bench..
para naman sa Ateneo..
Gaston scored 7 points..
Tolentino, Madayag, and BDL with only 6 points each..
at surprisingly, wala man lang nagawang kill block ang Ateneo laban sa La Salle...

mas maganda kung #3 seed ang makukuha ng UST..
mas maige kung mapapabagsak na nila ang La Salle sa Semifinals pa lang..
tapos bahala na kung sinuman ang magcha-champion..
ang importante ay mabasag ang 4-peat attempt ng La Salle..
kesa naman umasa sa Ateneo at FEU na walang kakayahan na talunin ang Champion team..
may pag-asa pa rin naman ang UP kung wala ng makukuhang panalo ang FEU..
pero yun ay kung makukuha nila yung huli nilang 2 laro nang puros 3 sets lang..
basta kailangan nila ng mas magandang quotient compared sa FEU...

is feeling , good year for UE.. samantalang wala pa ring maaasahan sa Ateneo.. walang kuwenta ang maging #1 seed kung hindi nila kayang matalo ang Champion team...

---o0o---


April 14, 2019...

UP versus NU

Libero pa rin ang laro ni Dorog..
mababawian ba ng UP ang NU para makakapit pa sila sa Final Four...??

ang 12th 5-setter match ng Season 81..
5th na para sa UP..
2nd naman para sa NU..
at 2nd time nilang magharap sa isang 5-setter...

Set 1, 21-25, nakaagwat ang NU, nanaig sila sa kanilang 11 attacks and 5 service aces..
Set 2, 24-26, madalas na lamang ang UP, pero naka-check ang mga outside spikers nila, nakadikit ang NU at naagaw pa nga ang set, nakontra nila ang 12 errors nila ng 12 attacks and 5 blocks..
Set 3, 25-17, nakaagwat ang UP, lumamang sila sa kanilang 3 service aces plus 11 opponent errors..
Set 4, 25-23, off ang laro ni Lacsina, nakatulong naman si Rosier sa UP, dikitan at nakalayo lang ang UP sa bandang dulo, nanaig sila dahil sa kanilang 11 attacks..
Set 5, 15-17, dikitan na na-extend pa...

3-2, panalo ang NU..
same result gaya ng sa Round 1..
and worse - pinalaglag nila sa tsansa para sa Final Four ang UP...

Player of the Game si Nierva with 27 excellent receptions and 30 digs..
Robles with 20 points na may 18 attacks, plus 17 digs and 9 excellent receptions..
Paran with 15 points..
Doria with 12 points..
nakagawa ang buong team ng NU ng 10 kill blocks and 11 service aces..
para naman sa UP..
Caloy scored 18 pure attack points..
Estrañero with 24 excellent sets, plus a huge 11 points para sa isang Setter..
Molde and Buitre with 9 points each..
naglabanan sa errors ang 2 team, 45 para sa NU at 40 naman para sa UP...

yung role ng UP for this season eh parang kagaya ng sa Adamson last Season 80..
isang Dark Horse..
parang ang lakas-lakas ng dating, considering na binalewala lang nila ang Champion team..
pero hindi naman sila naging consistent para makapasok sa Final Four...


UST versus FEU

battle of the handicapped challenger teams..
makakabawi ba ang UST laban sa FEU...??

Set 1, 25-23, ang daming errors ng UST, lumamang sila sa kanilang 19 attacks and 3 service aces kontra sa sarili nilang 13 errors..
Set 2, 25-18, nakalayo ang UST, nakuha nila ang set dahil sa kanilang 13 attacks and 3 service aces..
Set 3, 25-23, gumawa ng late huge chase ang FEU pero kinapos na rin sila...

3-0, panalo ang UST..
nakabawi naman sila sa FEU, at #3 na sila ngayon sa ranking...

Player of the Game si Rondina with 21 points from 17 attacks, 1 kill block, and 3 service aces..
may plus 15 digs and 12 excellent receptions pa siya, lahat ng yun in just 3 sets..
Laure with 17 points, plus 14 digs..
para naman sa FEU..
si Guino-o lang ang umabot sa double figures with 14 points...

is feeling , laglag ang kaisa-isang team na hindi magawang matalo ng La Salle.. hindi rin makakaasa sa FEU na matutulungan na maging #2 seed ang UST...

-----o0o-----


April 16, 2019...

yung mga istupidong magulang na pagkunsinti ang alam na paraan sa pagha-handle ng Autism..
tapos puros saka nagagalit kapag may naperwisyo o may nasira na...

parati na lang na kesyo "hayaan mo lang siya"..
"bigyan mo siya ng kalayaan"..
pero puros nagagalit din naman kapag masama ang kinahinatnan ng pagpapabaya nila...

bakit ba hindi pwedeng i-regulate ang ugali ng taong may Autism..?
bakit ba hindi sila pwedeng sawayin sa tuwing mali na ang ginagawa nila..?
puwerket kasi may Autism sila, pakiramdam ng mga kamag-anak nila na hindi na sila dapat control-in..
purong kalayaan..
puros gastos, puros paninira..
sa gitna ng kahirapan...

p*tang ina..
parati na lang ako ang mali..
samantalang wala sila dapat sa bahay na 'to...

is feeling , kailangan ko na talagang mawala sa bahay na 'to...

---o0o---


April 17, 2019...

[TV Series]

Ang Probinsyano

nasa NGO Queen Arc na pala yung istorya..
though hindi directly na ganun yung setup..
pero basta may sisipsipin na impluwensiya..
at may ire-redirect na mga pondo...

is feeling , ang palabas na sobrang dami ng pasuwelduhin...

---o0o---


April 18, 2019...

[Medical Condition]

nakaka-depress isipin na gumastos ako nang malaki, pero mauulit pa rin yung sakit..
at sa mabilis na antas - yata...

yung una dinala ko for more than 12 years..
hanggang sa nalagay na ako sa masakit na alanganin dahil sa Sepsis...

hanggang kailan ko kaya makakayang dalhin yung susunod..??
sobrang hirap ng buhay para lang magtrabaho para labanan ang mga sakit... :(

is 💀 feeling , forever cursed...


>
[Emo]

hindi ko na alam kung paano pa ako ngingiti sa buhay...

naalala ko yung nangyari sa mother ng kaisa-isang Ninong ko..
matanda na siya..
pero yung mga kaanak niya, binalak pang ipaputol yung mga paa niya para lang mabuhay pa siya - nang mas matagal..
Sepsis ang pumatay sa mga paa niya, and eventually eh sa kanya na mismo..
so yung blood infection eh hindi dapat minamaliit lang..
sa tingin ko, masuwerte siya na namatay na rin siya bago pa man naisakatuparan yung madamot na plano na yun..
hindi ko ma-imagine yung pahirap ng pagiging mahina dahil sa katandaan, tapos gagawin ka pang disabled...

ayokong dumating yung point na ibang tao ang magde-decide kung mabubuhay ba ako o hindi... :(

ayokong doktor ang magsabi ng mga gagawin..
na kesyo kailangan akong buhayin at all cost..
una, bilang karagdagang experience sa panggagamot..
ikalawa, bilang source of income...

ayoko rin na blood relatives ko ang magdikta sa sitwasyon..
na kesyo kailangan akong subukang buhayin at all cost dahil hindi kakayanin ng mga konsensya nila kung wala silang gagawin..
dahil ano..?
dahil sa paniniwala nila na kasalanan ang suicide..?
dahil sa paniniwala na kasalanan ang Euthanasia..?
kaya kahit na maging lumpo pa ako eh wala silang pakialam...

hindi ko kakayanin na mabuhay pa na hindi na kagaya ng matagal ko nang nakasanayan..
considering na lumagpas na rin ako sa half-life, at humihina na rin ang ginagamit kong katawan..
masyado nang naging malungkot at mahirap ang buhay para sa akin, para lang mas palungkutin pa ng ibang tao...

is 💀 feeling , nakakainggit ang mga high level na kriminal.. kasi nakukuha at nagagawa nila lahat ng gusto nila.. pero hindi sila basta-basta pinarurusahan ng mga diyos...


>
isip ako nang isip kung anong word o emoticon ang ise-send ko..
para lang hindi naman magmukha na hindi ko binasa yung mga messages..
lalo na para dun sa mga Messenger lang ang active...

kaso..
hanggang sa punto na 'to ng buhay ko..
hindi ko pa rin alam kung paano ako magre-respond...

is feeling , basta sana.. hindi ako makahawa ng kamalasan...

---o0o---


April 20, 2019...

officially tigil na sa pagbibigay ng loading service para sa publiko..
pero pwede pa rin naman para sa buong household..
lalagyan ko na lang ng charge para hindi naman nakaka-discourage...

tapos..
naka-1 taon na rin ako sa bangko ko...

is feeling , wala akong magagawa kundi saksihan pa ang mga susunod na mangyayari, hanggang sa hindi ko na kaya...


No comments:

Post a Comment