Sunday, October 26, 2014

The Story of Anne - Third Week of October 2014 (Aciel)

October 18, 2014...

Anne went out by 6:55 AM on a Saturday...

by PM naman..
mukhang dayo pa si Aciel ng pagbili ng kung ano sa may kabilang kalye...

tapos..
5:39 PM nakauwi si Anne sa araw na ito...

---o0o---


October 19, 2014...

by 2:45 PM..
sa tindahan na nga talaga sa tapat namin nabili si Aciel ng yelo..
at sobrang sakit nitong pakiramdam na 'to na para bang iniiwasan talaga ako ng mga tao..
ano, nasira ba ng yelong binibenta ko yung mga tiyan nila kung kaya't kinailangan na nila na sa iba bumili..?
eh parehas lang naman nung tubig na iniinom namin sa araw-araw yung tubig na ginagamit ko sa paggawa ng mga yelo..
na dumaan pa sa Waters Bio Mineral Pot..
and to think na doon pa talaga sila lumipat sa Panot na yun na minsan nang sinubukang impluwensiyahan yung pagpe-presyo ko sa mga yelo ko - pinayuhan niya ako noon na taasan na yung presyo ng yelo ko dahil napaka-mura daw, tapos yun pala eh may balak siyang magbukas ng sarili niyang tindahan (tingin ko ginawa niya yun para magkaroon siya ng tsansa na makipagkompetensiya sa akin)..
basta, asar!
gusto ko na talagang mawala ang lintik na tindahan na 'to dito sa tapat namin...

mga past 5:30 PM..
i finally decided to text Aciel about my apology and explanation na rin..
actually, it took hours bago ko nakumpleto yung buong message na yun na 6 text messages in total na tig- Php 3.00 long each..
i told her yung background kung paano ko napili si Anne bilang prospect, and why she seemed special to me..
i told her kung bakit umabot ako sa punto na ginamit ko pa yung cellphone number niya and compromised her privacy para lang dun sa message na yun for Anne last September 12, 2014..
i told her kung gaano ako nanghihinayang at nalulungkot at nasasaktan na nawalan na ako ng pagkakataon para muli pang makita si Anne nang malapitan bilang isang kliyente, ganun din tungkol sa pagkawala ng iba ko pang kliyente..
and siyempre i asked sorry for violating her privacy and for seemingly using her na parang tulay sa hipag niya, and thanked her para sa lahat..
hindi ko sigurado kung ano ba talaga yung dahilan nila..
pero ang alam ko, everything changed right after that stupid September 12 incident..
lahat ng yun dahil sa sobrang bigat na ng pakiramdam ko at sa pagkainggit ko kay Panot..
pero ni hindi man lang nag-reply si Aciel..
ni hindi ko nga sigurado kung yun pa rin nga yung number niya..
baka kasi nagpalit na siya ng number matapos kong ma-invade yung privacy niya...

by 7:00 PM naman..
yung Kuya Long Hair na ni Anne yata yung bumili ng yelo dito sa bahay..
medyo nailang nga ako, dahil iniisip ko na baka sinadya nilang siya yung papuntahin dito sa bahay..
baka kako dahil sa reklamo ko tungkol sa pagkawala ng mga kliyente ko..
o na kesyo baka sinusubukan nila akong takutin o sindakin sa tulong ng isang brother-material...

---o0o---


October 20, 2014...

unable to spot Anne in the morning...

hanggang 8:00 AM naman sa playground at sa may court..
kasama na ulit namin sina Abby with Yaya, tapos si Aimee na ulit yung bantay ni Yuan that day..
usapang boyfriend yung dalawa sa may swing, at wala pa daw boyfriend si Aimee..
ni hindi ko na siya magawang kumustahin tungkol sa project niya nang dahil sa ginawa kong pag-text kay Aciel..
tapos ayun, magkakaroon na daw ng kapatid si Yuan, isang baby girl - kaya madadagdagan na naman yung mga alagain ni Aimee...

---o0o---


October 21, 2014...

night shift na ba ulit si Anne...?

hanggang 8:03 AM sa may playground..
nakasama na ulit namin si Kyat-Kyat..
pinapapasok na kami ni Aimee sa bakuran nila at medyo kinakausap..
Cecil naman pala yung pangalan nung Yaya ni Abby...

---o0o---


October 22, 2014...

sa court at playground na ulit hanggang 8:00 AM..
kasama sina Aimee at Cecil..
tapos si Jonalyn na yung kasama ni John-John sa araw na 'to, hindi muna daw pumasok sa PKI..
tapos medyo nakitambay din si Long Hair habang nasa may court kami, at nakita pa niyang nadapa at nasugatan yung alaga ko sa ilalim ng aking pangangalaga..
medyo nakakahiya, dahil baka mamaya isipin niyang hindi talaga ako maingat sa bata at chi-ni-chicks ko lang yung mga kababayan nilang mga Ilongga...

kung may makapagpapaliwanag lang sana..
why people tend to hate me..
whenever i tell them that i like them...
— feeling , kusa nang nade-depress ang katawan ko at sinisira ang kalusugan niya...

---o0o---


October 23, 2014...

hanggang 8:07 AM sa playground, pero with Cecil and Abby lang..
masama yung panahon noong mga bandang 7:00 AM pa eh, kaya siguro hindi na rin lumabas sina Aimee..
hindi ko tuloy nagawa yung balak kong pag-interview kay Aimee tungkol sa mga yelo ko...

---o0o---


October 24, 2014...

hanggang 8:05 AM sa playground, kasama na ulit sina Cecil at Aimee sa pag-aalaga ng mga bata..
i believe si Anne yung nakita ko sa loob ng bahay nila habang papauwi na kami nina Kyat-Kyat sa katabing bahay...


No comments:

Post a Comment