Anne got home by 5:32 PM..
habang may kliyente ako noon para sa load...
ini-add ko na rin silang dalawa ni Jem sa Facebook...
magte-testing mag-Amerikana..
hindi blonde na pokpok ha, kundi yung suit..
haaay..
nakakatamad..
nakakaasar dumalo sa kasal ng may kasal, lalo't alam kong hindi ko naman mararanasan yung ganun..
kung hindi lang dahil sa mga utang na loob eh...
at doon na nga mauubos ang rasyon ko sa pagsali sa mga seremonyas ng mga simbahan..
naubusan na ako ng para sa sarili ko eh...
— feeling , tae na - i must die...naubusan na ako ng para sa sarili ko eh...
---o0o---
October 12, 2014...
isang Sunday..
by 9:29 AM..
nakita kong nagsasampay si Anne sa loob ng kanilang bakuran...
by 12:41 NN naman..
Anne went out alone nang naka-ordinary...
by PM naman..
nakita ko si Jenerose na sa isinumpang tindahan na rin sa tapat bumibili ng yelo, at kasama pa si Kyat-Kyat..
ansakit..
magta-traydor na nga lang sila at iiwas sa akin, pero dito pa sila sa tapat namin bumibili..
bakit hindi na lang sila doon sa malapit sa kanilang tindahan mamili...?
isang buwan na rin simula noong lumayas ako sa amin..
at hindi ko na ulit nakita sina Anne at Aciel na bumalik sa poder namin simula noon...
sa ngayon, mabigat na mabigat lang yung loob ko..
magta-traydor na nga lang sila sa akin tapos eh dito pa sila bibili sa kinamumuhian kong tindahan ng Iglesia sa tapat..
ba't hindi na lang sa lugar nila kung saan hindi ko sila makikita..?
parang nang-aasar pa sa pagdayo nila dito eh...
pesteng tindahan 'to - hindi na ulit ako bibili sa kanila..
pababagsakin ko sila nang hindi ko na makitang dumadayo sa kanila ang mga nagtraydor kong kliyente...
— feeling , yun ba ang parusa ko dahil nagka-interes ako sa isa nilang kaanak...?pababagsakin ko sila nang hindi ko na makitang dumadayo sa kanila ang mga nagtraydor kong kliyente...
---o0o---
October 13, 2014...
Anne out by 6:52 AM..
kaso nahuli naman ng gising ang alaga ko, hindi tuloy namin siya naabangan sa labas ng bahay..
hindi na rin lumabas sina Jem at ang mga bata sa araw na 'to...
---o0o---
October 14, 2014...
Anne went out ulit by 6:52 AM..
nasa labas kami noon ng kabilang bahay..
pero dedma na lang ulit sa pagdaan niya...
mukhang night shift na si Ate PKI Puti, kaya naiba tuloy ang morning routine nina Jem at ng mga batang inaalagaan niya...
---o0o---
October 15, 2014...
Anne went out before 7:00 AM siguro..
sa likod ko siya dumaan eh..
pinatambay kasi kami ni Ate PKI Puti sa bakuran nila, para siguro may kalaro si Yuan..
si Jem naman nagpatulong magpa-drawing ng Sandara Project niya para sa subject niya na M.A.P.E. (meron pa pala nun sa high school XD)..
ewan..
bigla na lang niyang na-open yung ganung topic eh..
bigla na lang niya akong natanong kung marunong ba daw akong mag-drawing..
eh mukhang medyo troubled nga siya dahil sa project niyang iyon..
so naisip ko na tulungan na rin nga siya...
before 10:00 AM..
bago ako pumunta noon sa mall..
pinuntahan ko ulit si Jem sa kanila para i-check kung tapos na ba siyang mag-research at magpa-print ng artista na gusto niyang ipa-drawing..
at nadatnan ko nga siya na sinusubukang gawin yung project niya sa isang illustration board..
nahiya siya siguro na sadyain ako sa bahay namin para sa bagay na yun (para ngang nabigla rin lang siya na mag-request sa akin ng ganun noong umaga eh)..
mukhang frustrated siya..
tinanong ko siya kung ano bang mga kailangan kong gawin..
at kinuha ko na yung mga gamit matapos niyang magpaliwanag..
pero mukhang may iniinda pa rin siya noong mga oras na iyon..
na para bang iniisip niya kung magkano naman kaya ang sisingilin ko sa kanya pagkatapos ko sa project niya..
natanong ko na rin siya sa wakas kung ano bang pangalan niya..
at 'Aimee' o 'Amy' daw eh..
bakit naman Aimee..? nasaan yun sa Jemberly...??
honestly..
i had doubts about that project noong simula..
kinabukasan na kasi yun kailangang i-submit..
at meron pa akong babysitting job..
so i had to rush things nang kailangan ko pa ring i-consider yung quality nung work..
nakakahiya naman, dahil para na rin nga akong nag-volunteer eh..
well, hindi naman gayang-gaya yung kinalabasan nung Sandara Project niya..
halos 4 hours ko lang kasi siya trinabaho gamit ang isang full-black reference image..
pero kahit papaano eh nadaan naman ang lahat sa grid technique at sa shading...
at are na nga sa itaas ang kinalabasan ng pina-drawing ni Aimee..
ang Sandara Project..
pasensya naman, rush kasi eh...
before 8:00 PM..
past 7:00 PM na daw kasi ang labas niya noon sa school..
eh na-deliver ko na yung Sandara Project niya sa bahay nila..
pero andun pa rin yung worried look sa mukha niya..
medyo nagtaka siya nang makitang hindi nagalaw yung illustration board niya..
pero noong nakita na niya yung laman nung A3 bond paper na ako yung nag-provide, eh nasorpresa na siya..
ang ganda daw..
at magkano naman daw ang singil ko para doon (sabi ko na nga ba at yun yung inaalala niya eh), haha! XD..
sinabi kong libre lang naman yun..
at sinabi ko rin na pagtiyagaan na lang niya yung kinalabasan ng trabaho ko..
mukhang natuwa naman siya sa ginawa ko..
at bago ako tuluyang umalis, eh sinabi pa niya na magaling daw akong mag-drawing...
well, yun na lang yung magagawa ko para sa mga dati kong kliyente..
or siguro i'm also trying to win them back sa ibang paraan..
anyway, sana nga nakatulong yun sa kanya kahit na papaano...
---o0o---
October 16, 2014...
Anne out by 6:56 AM...
hanggang before 7:40 AM naman eh naglaro sa playground..
kasama sina Abby and Yaya..
at si Jenerose naman ang bagong kasama ng anak niyang si Kyat-Kyat at ni John-John na medyo masama ang pakiramdam noon..
may labada daw kasi noon ang Papa ni John-John..
at ang napansin ko..?
medyo kinakausap na ako ni Jenerose, tungkol nga lang sa alaga ko...
by PM naman..
hanggang 5:00 PM eh tambay na ulit sa playground..
at talagang kinakausap na nga ako ni Jenerose...
and lately they're suddenly talking to me..
teka, ano bang meron..?
ano na bang nangyayari sa earth...?
— feeling , huh...?
si Aciel naman eh night shift na pala ulit..
pero hindi pa rin talaga ulit siya napapadpad dito sa bahay for any transaction eh...
---o0o---
October 17, 2014...
Anne went out by 6:58 AM na..
andun kami noon sa tapat ng bahay ng mananahi eh..
dedma na lang ulit, habang pinakikiramdaman ko kung iiwas ba siya..
pero hindi siya umiwas o nag-abala pang lumipat sa kabilang side ng kalye eh..
ano na kaya ang iniisip niya ngayon...?
tapos tambay na ulit sa playground hanggang before 8:00 AM..
si Jenerose pa rin ang bantay ni Kyat-Kyat, at kasama na ulit ni John-John ang Papa niya..
nakakatuwa si Kyat-Kyat dahil sanay na rin siyang maglalapit sa amin kahit mag-isa lang siya...
ang hinihintay ko na lang na pagkakataon eh yung ma-open ko naman kay Aimee yung paliwanag ko tungkol dun sa nangyari sa amin ni Anne..
wala lang..
nagbabakasakali lang na may alam tungkol dun yung High School Student..
para lang malaman ko kung ano nga ba yung dating ko na ngayon kay Anne..
kung isa ba akong threat o wala lang...?
by noon..
napilitan na yung Tatay nung Babaeng Peke Ang Kilay na personal na magpa-load sa akin sa mga number niya..
nagkunwari pang sa kumander niya yung mga number na yun..
no choice na siya, wala yatang kasama sa bahay nila eh, tapos na rin kasi yung mga construction worker sa renovation ng bahay nila..
at mukhang yung pagiging dual-SIM ng cellphone niya ang dahilan kung bakit sa kanya lang nagloloko yung paglo-load ko..
na kesyo hindi daw nadating, kahit na nakaltasan na ako..
andami ko na kayang lugi sa kanya, dahil lang sa hindi siya nagpapakita sa akin nang personal...
No comments:
Post a Comment