okay..
dahil sobrang naaasar ako sa kinahahantungan ng kagustuhan kong magparami ng mga budgies..
eh are, nag-decide akong sumugal sa huling pagkakataon - provided na totoong mga babaeng budgies nga yung huli kong mga nabili...
as of April 16, 2014...
heto si Yellow-Albino..
i think albino siya kasi pula yung mga mata niya..
siya rin yung pinaka-maliit sa mga ibon ko sa ngayon kahit na mukhang lampas na ng 1-year old yung mga nabili kong bago...
heto naman si Yellow-Brown..
nagustuhan kaagad siya ni Yellow-Girl (na eventually eh lumabas na lalaki naman pala), so i hope na totoong babae nga areng natipuhan niyang maging kaparehas...
at are naman, as of April 23, 2014...
binisita ko ang mga budgies ko noong umagang iyon..
hindi ko pa kaagad napansin na may duguan na pala sa kanila..
una ko pang napansin na parang may maliit na red marking sa bandang likuran ng kulungan ng mga ibon..
akala ko wala lang iyon, pero nang mailibot ko ang paningin ko eh saka ko napansin na andami pala nung nagkalat na dugong iyon..
pinagmasdan ko ang bawat budgie ko, at nadiskubre ko nga na may dugo sa may kanang pakpak ni Yellow-Girl..
may pagka-agresibo rin silang dalawa noon ni Yellow-Boy habang habol sila nang habol sa halos bagong salta lamang na si Yellow-Brown..
inakala ko noon na titigil o tumigil na sila sa kanilang bangayan, so pumasok na muna ako sa loob ng bahay para magpalit ng kanilang inuming tubig...
pero laking gulat ko nang balikan ko na sila..
dahil mukhang nagsimula na ulit magdugo yung sugat ni Yellow-Girl, at medyo marami na rin nga yung mga patak nito sa may ilalim ng kanilang kulungan..
at wala na namang tigil sa bangayan ang mag-batchmate na sina Yellow-Girl at Yellow-Boy..
though hindi ko naman talaga nakita kung sinong kumagat sa pakpak nung isa (siya pa naman yung pinakamalaking budgie sa kanilang apat sa ngayon)..
dahil dun, nag-decide ako na paghiwalayin na muna ulit ang mga ibon ko..
sina Yellow-Girl at Yellow-Brown sa may left side ng kulungan, at sina Yellow-Boy at Yellow-Albino naman sa may right side..
sana lang tama na yung ginagawa ko this time...
matigil na sana ang mga kamalasan ko sa buhay na idinadamay maging ang mga alaga ko... T,T
No comments:
Post a Comment