Saturday, March 16, 2024

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of March 2024 (Cryptocurrency Bubble Trap)

Loveless Story


March 10, 2024...

[Game]

nakaipon na ng sapat na libreng assets..
katumbas din yun ng USD 10, although hindi naman kasi naibebenta palabas..
kaya ginastos ko na sa pagbili ng bagong libreng peste..
yung Noir..
para sa Bubbles at Taunt...

is feeling , sana naman makatulong...


>
kahapon..
naka-duty daw si Attendant Ry according sa management..
ganun din ngayong araw, since siya mismo ang nagpo-post..
surprising, kasi Sunday pero naghahabol siya ng work...

kaso..
wala pa ring response para sa akin... 🙁

is 💔 feeling , 3 beses na kaming nag-meet noon.. ibig bang sabihin na banned na din ako sa kanya...??

---o0o---


March 13, 2024...

yung pangarap mong makasubok ng Okamoto 001..
pero kaya pala magkakaiba ang packaging..
at kaya mura lang yung iba..
eh kasi counterfeit pala yung mga 'yon..
at tino-tolerate lang sila sa online shopping, para sa ngalan ng pera... 🙁

mas mahirap pa kesa sa mahirap ang Dream Date na 'to... 🙁

is 💔 feeling , 7-Eleven naman kasi eh...

---o0o---


March 14, 2024...

[Gadget-Related]

mabuti na lang may bumili ng bagong phone dito sa bahay..
salamat sa Tecno Mobile..
yun nga lang, Imperial company na naman..
bayad ng mga foreigner, eh katumbas ng mga nagiging armas nila mula sa mga buwis... 🙁

anyway, may earphones na ulit ako para sa computer ko..
kapalit ng hindi naman nagagamit noon, pero nasira ng panahon, na earphones ng Nokia 2730c ko..
maririnig ko na ulit lahat ng mga kailangan kong marinig...

is feeling , smartphone na may wired earphones...

-----o0o-----


[V-League]


PVL All-Filipino Conference 2024


March 12, 2024...

Creamline versus Strong Group, para sa kanilang 4th match...

Set 1, ginawang starters sina Gumabao, Pons, at BDL, lumayo ang Creamline sa bandang kalagitnaan, tapos bench time na kaagad para sa kanila, nakuha nila lahat ng scoring stats na dinagdagan pa ng 7 errors ng Strong Group..
Set 2, Team 1 naman pero kasama pa din si BDL dahil wala sa lineup si Panaga, maaga nang nakalayo ang Creamline, nakuha nila ang set dahil sa kanilang 16 attacks plus 7 errors na naman ng Strong Group..
dikitan sa simula ang Set 3, pero unti-unti namang umagwat ang Creamline sa kanilang kalaban...

at nagawa din ngang manaig ng halo-halong balasahan ng Creamline laban sa Strong Group...

is  feeling , para kay Galanza.. at kay Morado pa rin...

---o0o---


March 16, 2024...

Creamline versus Chery Tiggo, para sa kanilang 5th game...

dikitan sa simula ang Set 1, hanggang sa nakalamang ang Tiggo at napangalagaan nila iyon, nanaig sila dahil sa kanilang blocking plus 6 errors ng Creamline..
nagsimula ulit na dikitan ang Set 2, hanggang sa nakalamang na naman ang Tiggo, mababaliktad na sana ng Creamline ang laban pero sinabotahe sila ng sarili nilang coaching staff, nakuha ng Tiggo ang set dahil sa kanilang 3 kill blocks plus 13 massive errors ng Creamline..
una namang nakaagwat ang Creamline sa Set 3, pero habol nang habol ang Tiggo at sila nga ulit ang nanaig sa bandang dulo...

3-0, walang nagawa ang Creamline laban sa banta ng Chery Tiggo..
wasak na ulit ang kanilang record..
off na nga ang laro ni Binibining Gumabao..
tapos nilason pa ng sariling coaching staff ang comeback nila para sa Set 2..
partida pa na hindi kabilang ang Chery Tiggo sa mga team na may foreign players para sa conference na ito...

ang totoong malalakas na players ay mga off the block specialists...

Creamline's Green Card - 3

is 💔 feeling , wala eh.. nilaglag ng team si Galanza sa sariling bayan niya, kahit pa maganda naman ang ipinakita niya sa laban.. sorry, Galanza at Morado...

-----o0o-----


March 9, 2024...

[Trade]

ang taas na ng naabot ng AST..
USD 362 sana iyon para sa akin kung nasakyan ko lang yung bottom nila last March 7, tapos pump hanggang USD 0.25...

nasa USD 26 naman ang sablay ko sa BTTC kaninang umaga..
nagdalawang isip kasi ako na pumasok sa kanila dahil mas mataas na ang level nila ngayon...

is feeling , mas madami talagang mami-miss sa lahat ng pagkakataon...


>
[Trade]

day 88 mula sa pagkalugi...

sa COTI..
USD 40 yung 2nd pump nila kagabi..
USD 20 naman yung 3rd pump..
after that, nag-dip pala sila dahil sa Bitcoin, pero kinapos ng baba para sa buy bid ko..
USD 51 sa 4th pump..
USD 60 sa 5th pump..
USD 28 sa 6th pump..
USD 31 sa 7th pump..
USD 40 sa 8th pump..
umaabot sa USD 270 ang napakawalan kong opportunity sa COTI... 🙁

dahil masyado na ngang tumaas ang COTI..
nag-try naman ako sa QI, since kasali pala ulit sila sa event..
kaso sa bawat pag-angat nila ay pabalik-balik naman sila sa entry point ko..
ang mga na-miss ko sa QI, USD 3, 5, 11, 7, at 6 hanggang sa mga oras na ito..
nasa USD 32, lagpas na naman sana sa daily requirement ko... 🙁

is feeling , QI, pump naman, please...

---o0o---


March 10, 2024...

[Trade]

day 89 mula sa pagkalugi...

nag-pump na naman ang Bitcoin...

sablay ang gising ko sa QI..
nakababa na mula sa high point..
ang mga na-miss ko..?
USD 4..
USD 5..
USD 19 noon ngang morning pump na hindi ko inabutan..
USD 9..
tapos USD 29 nang gumawa ng big pump ngayong hapon..
total ng USD 66... 🙁

USD 9 na lang ang nakuha ko pag-exit ko sa QI, na-short pa ng USD 2 dahil bumaba pa ang palitan mula sa inabutan kong palitan pagkagising ko..
tapos sumubok ulit ako sa VANRY..
short sell ng USD 6..
USD 7 naman sa ikalawa, pero nasurpresa ako na sumabog ulit ang VANRY kaya ako nakabenta..
USD 75 sana iyon para sa akin, kaso hindi ko talaga in-expect since kagagaling lang nila sa mataas na level.. 🙁
so ayun, naka-cover naman ako ng USD 22 ngayong araw...

is  feeling , nagawa ko ulit makalagpas sa daily target ko...

---o0o---


March 11, 2024...

[Trade]

day 90 mula sa pagkalugi...

zero ulit..
lagpas 24 hours kasi akong nagbantay sa ospital...

gumawa ng pump ang Bitcoin, lagpas USD 70,000..
kung yung bottom sana ng BTTC ang nasakyan ko, USD 34 sana 'yon para sa akin...

is feeling , unti-unti nang nauubos ang March...

---o0o---


March 12, 2024...

[Trade]

day 91 mula sa pagkalugi...

missed opportunity kaninang umaga..
USD 10 sana kung nag-exit ako sa 179 na palitan..
kaso inisip ko na baka magawa pang mas tumaas ng BTTC..
sayang tuloy...

is feeling , pump naman, BTTC...

---o0o---


March 13, 2024...

[Trade]

day 92 mula sa pagkalugi...

mali nga ako..
kasi bumaba ulit ang BTTC sa level 165, dahil sa dip ng Bitcoin..
sa mga oras na ito eh USD 35 sana yung kinita ko kung nag-exit ako kahapon at bumalik sa level 165 naman... 🙁

tapos sumabog din ulit ang VANRY ngayong araw..
eh bumaba pa naman sila sa safe level na USD 0.18 kahapon ng hapon..
USD 540 sana iyon para sa akin kung nasakyan ko lang... 🙁

is feeling , BTTC naman ang pasabugin ninyo...

---o0o---


March 14, 2024...

[Trade]

day 93 mula sa pagkalugi...

wala talagang nagpa-pump sa BTTC..
ang mga sablay ko sa kanila..?
USD 11 mula sa kagabi..
tapos USD 16 kaninang tanghali..
total ng USD 27, pasok na naman sana sa daily requirement ko...

is feeling , BTTC, mag-pump ka na.. lilipat pa ako sa 1000SATS...

---o0o---


March 15, 2024...

[Trade]

day 94 mula sa pagkalugi...

Bitcoin crash..
sablay na naman ako..
naghintay ng pump nang matagal, pero nahila lang lalo pababa ng crash.. 🙁
hindi gumawa ng pagkontra ang BTTC...

USD 5,000 ang nalagas sa kanila noong una..
nasa USD 5,000 ulit noong bandang tanghali..
pero nasundan pa iyon ng nasa USD 3,000 nitong hapon... 🙁

ang mga na-miss ko sa pag-dip ng BTTC..?
USD 8, 8, 20, 12, 9, 12..
total ng USD 69.. 🙁
lagpas na naman sa daily requirement ko...

sayang din kasi nasa safe zone na ang 1000SATS para makagawa sana ng nasa 30% na recovery...

is feeling , nasa 38% pump na tuloy ang kailangan ko para lang makatakas sa BTTC...


No comments:

Post a Comment