Loveless Story
February 24, 2024...
so na-mail na pala yung Google check ko noong isang araw pa..
first time ko 'to..
ni hindi pa ako nakahawak ng check sa buong buhay ko...
saka ko na aalamin kung paano gagawing cash kapag natanggap ko na...
is 💌 feeling , hihintayin pa...
>
saw an update from Attendant M kagabi..
bagay na bihira niyang gawin sa messaging app..
nakita ko na naman yung magandang ngiti niya...
she seems to be doing fine..
although hindi ko makuha kung anong koneksyon ng Tourism sa Culinary..
Hospitality Management courses ang alam ko na may kinalaman sa ilang Culinary subjects..
kaya hindi ko masabi kung nag-aaral pa din ba siya sa ngayon o nagtatrabaho na ba...?
is 💔 feeling , no reply pa rin...
---o0o---
February 26, 2024...
nag-message kay Attendant Ry ngayong araw..
nagtanong tungkol sa pagbabago ng dibdib niya..
kung meron nga...
still considering her para sa Dream Date..
for 3 consecutive years na..
mula 2022 hanggang ngayong 2024...
kaso no reply eh..
hindi yata nagustuhan yung tanong ko... 🙁
is 💔 feeling , lahat ng candidate hindi na nagre-reply sa akin.. matatapos na lang nga yata talaga ang buhay ko nang hindi nakukumpleto iyon...
---o0o---
February 28, 2024...
[Game]
end ng Mystic Era..
nasa rank naman na nasa lagpas 13,000...
nakakarumi lang talaga..
bawat pagbabago na ginagawa ng mga developer..
mas lumalakas pa ang ibang mga peste..
samantalang sa papahina nang papahina yung sa akin..
lalo tuloy akong nawawalan ng tsansa na maibenta sila...
is feeling , kailangan nang may kumilos laban sa demonyong game na 'yon...
>
malas ako..
malamang dahil sa die will be done... 🙁
kapag malas ka..
automatic na bobo ka..
automatic na tanga ka..
kahit na ano pang mga alam mo, eh lagi ka lang magiging mali..
at lagi kang miserable..
bukod pa sa madami kang sakit sa katawan... 🙁
dapat laging tandaan ng mga tao..
pinagpapaslang noon ang mga batang Egyptian na walang kinalaman sa gulo nila..
dahil wala naman talagang halaga ang buhay ng mga tao..
laruan lang ang buhay ng mga nilalang para sa mga makapangyarihan..
at walang pinagkaiba sa mga Egyptian na iyon ang buhay ko... 🙁
is feeling , kailangan nang mawala ng mga makapangyarihan...
>
binuksan ni Attendant M recently yung mga messages ko para sa kanya..
kasama na din yung mga luma..
although hindi pa din naman siya nag-reply...
dahil wala din namang reply si Attendant Ry..
iniisip kong ibalik yung proposal kay Attendant Y..
kaso hindi malambing yung isang 'yon..
pero sumasayaw siya..
ayaw nga lang din niya ng nagko-commute...
is 💔 feeling , perpekto lagi ang pagkasira sa Dream Date.. hindi lang sa Dream Date, kundi sa buong buhay ko pala...
---o0o---
March 1, 2024...
not good..
9 days na simula noong i-mail sa akin yung Google check ko..
pero wala pa din akong natatanggap dito sa bahay..
hindi ako pamilyar sa ganitong proseso nila...
kung yung mga credit card eh nakokopya ng mga sindikato habang nasa courier..
posible kaya na nakawin din ang check ng mga courier...??
is feeling , huwag naman...
-----o0o-----
[V-League]
PVL All-Filipino Conference 2024
February 24, 2024...
Creamline versus Farm Fresh...
iniwan na nga ni Domeng ang Creamline..
lumipat na siya sa Akari, na-offer-an siguro ng mas malaki.. 🙁
dahil dun, hindi na kasing-lakas ng dati ang middle ng Creamline..
at wala pa din si Morado...
mukhang ibinalik sa dati ang sistema ng laro..
at may Green Card na ngayon sa PVL, for fair play...
extended kaagad ang Set 1, grabe yung 36-34, malalakas ang atake ng Farm Fresh, nanaig sila dahil sa tulong ng 11 errors ng Creamline..
napanindigan naman ng Creamline ang Set 2 sa kabila ng kanilang marami pa rin na 10 errors..
Set 3, Gumabao at Pons muna para sa Creamline, maagang nakalamang ang Farm Fresh, pero naagaw naman ng Creamline yung set..
nagawa nang makalayo ng Creamline sa Set 4, with the same lineup from Set 3, at nagkaroon pa ng playing time ang bench nila...
at naitawid na nga ng Creamline ang 1st match nila...
Creamline's Green Card - 1
is feeling , para kay Galanza.. at kay Morado pa rin...
---o0o---
February 29, 2024...
2nd match ng Creamline..
pagsubok kaagad sa kanila laban sa Akari, at kay Domeng...
naglalaro na si Lazaro, dikitan ang labanan sa Set 1, pero naitawid naman ng Creamline dahil sa kanilang 17 attacks at 3 service aces kontra sa sarili nilang 9 big errors..
Set 2, Domeng in, BDL in, naagaw ng Akari ang set dahil sa kanilang 6 kill blocks na dinagdagan pa ng 8 big errors ng Creamline..
palitan ng kalamangan sa Set 3, na-activate ni Maraguinot si Soltones, pero mas nanaig ang Creamline dahil sa lahat ng scoring stats kontra sa kanilang 8 still big errors..
maagang nakaagwat ang Creamline sa Set 4, at hindi na nga nakahabol pa ang Akari...
hindi talaga bagay ang angas ni BDL sa environment ng Creamline..
pero ang mahalaga ay nalagpasan nila ang banta ng bagong team ni Domeng...
Creamline's Green Card - 2
is feeling , para kay Galanza.. at para kay Morado pa rin...
-----o0o-----
February 24, 2024...
[Trade]
day 74 mula sa pagkalugi...
matapos bumagsak ng NFP kahapon, eh nagawa pa din naman nilang umakyat muli..
from USD 0.716 to 0.780..
pero kapos iyon sa ginawa kong entry point..
USD 30 sana 'yon para sa akin, pero sa halip ay sa pagkalugi nga ang sinapit ko, na naman... 🙁
malas talaga..
walang sablay at walang awa ang kakayahan ko na pabagsakin ang Bitcoin..
para lang sa ngalan ng aking pagkalugi..
para lang mabaon ako sa depression..
gagawin lahat ng mga makapangyarihan, para lang igiit sa akin ang kagustuhan nila na tapusin ko ang aking sarili..
para lang sa kanilang entertainment... 🙁
is feeling , 5 demonic days left...
---o0o---
February 25, 2024...
[Trade]
day 75 mula sa pagkalugi...
sa NFP..
matapos nila akong lugihin, eh gumawa na nga sila ng pump sa ilalim ng entry point ko..
gaya ng madalas gawin sa akin ng FATE.. 🙁
USD 48 sana iyon para sa akin kaninang hapon...
ngayon namang gabi..
nakagawa din ng short pump ang NFP..
USD 23 naman sana iyon para sa akin...
sobra na akong narurumi sa kapalaran ko..
masyadong patapon... 🙁
is feeling , 4 demonic days left...
---o0o---
February 26, 2024...
[Trade]
day 76 mula sa pagkalugi...
walang naging pump sa NFP noong madaling araw... 🙁
bandang lunch nang mag-pump ang NFP..
at nalagpasan nila ang entry point ko habang sarado ang browser ko..
USD 35 sana iyon para sa akin kung nasakyan ko lang yung bottom.. 🙁
umasa ako na baka abutin ng pump nila yung target ko..
pero hindi nangyari..
kasi nga naman, ako yung may target eh..
dapat malas lang ako sa lahat ng gagawin ko sa buhay.. 🙁
kinapos nga ang palitan kumpara sa selling point ko..
at napakawalan ko pa ang pagkakataon sana na maka-exit nang may patubo na USD 4 man lang.. 🙁
matapos iyon ay nag-crash na ulit ang NFP, kasabay ng dip ng Bitcoin...
is feeling , 3 demonic days left.. pinagtulung-tulungan na ako ng lahat ng mga masasamang pangyayari...
---o0o---
February 28, 2024...
[Trade]
65 days matapos ang extended kong pagkalugi dahil sa QI...
nakaakyat na ulit ang QI..
lagpas pa sa entry point ko noon na USD 0.26..
kahit pa may issue sa AVAX lately..
ibig sabihin..?
walang saysay yung ginawa kong pagtatapon noon ng USD 196..
dahil naka-recover din nga ang QI..
samantalang hinding-hindi ko magawang makabalik sa USD 535 na dati kong level..
lahat ng ito dahil sa sobrang lagim ng kamalasan na bumabalot sa buong buhay ko... 🙁
is feeling , mga demonyo kayong lahat...
>
[Trade]
day 78 mula sa pagkalugi...
umaga nang magsimulang sumabay sa akyat ng Bitcoin ang NFP..
USD 38 sana iyon para sa akin kung nasakyan ko yung bottom.. 🙁
pagkakataon din sana para maka-exit, pero hindi ko na naman ginawa...
before lunch noong may mag-pump sa NFP lagpas sa entry point ko..
for the 5th time, in 5 days, eh kapos pa din sila sa selling point ko.. 🙁
pero 2 beses naman silang nag-touch sa entry point ko...
dahil nga bumaba sila noong unang pump, eh nag-decide ako na babaan ang selling point ko..
at nagtiis na lang ako sa USD 3 na patubo..
pero anong nangyari matapos kong makapagbenta..?
saka nila mas tinaasan ang pump noong naalis na nila ako sa poder nila..
USD 12 sana yung kinita ko hanggang USD 0.83.. 🙁
at USD 15 naman noong hanggang USD 0.84 na... 🙁
hapon naman nang lalong magpataas ng level ang Bitcoin hanggang level USD 59,000..
pero kumontra na noon ang direksyon ng NFP at nag-dip na...
is feeling , 1 demonic day left.. at ni walang balita sa local TV kung anong magiging kapalaran namin...
---o0o---
February 29, 2024...
[Trade]
day 79 mula sa pagkalugi...
nagkaroon ng Bitcoin crash from USD 64,000 to 59,000 noong madaling araw..
missed opportunity tuloy sa mga binabantayan kong asset...
sa MDT..
USD 50 sana ang kinita ko mula sa immediate recovery nila after nung crash..
USD 46 naman sana yung kinita ko sa kanila noong morning recovery nila...
sa NFP naman..
USD 37 sana yung mula sa immediate recovery..
tapos USD 56 para sa morning recovery nila...
is feeling , 0 day left...
>
[Trade]
BTTC..
QI..
BONK..
lahat nung asset na nagpalugi sa akin sa nakaraang 78 days..
lahat sila nagawa nang mag-pump sa mga naging entry point ko sa kanila noon..
ibig lang sabihan na..?
ako lang naman talaga ang nagpapabagsak sa kanila dati... 🙁
iniisip kong pumasok kaninang umaga sa BTTC sa 110, kasi nasa gitna naman ang level nila..
kaso may mga pababang direksyon ang Bitcoin, kaya naisip ko na mag-adjust hanggang 100..
around lunch time nang magsimula na silang mag-pump..
at nagulat na lang ako na umabot pala sila sa 154..
USD 139 na recovery sana iyon para sa akin.. 🙁
pero hindi ko nga nagawang makapasok sa kanila...
is feeling , ubod ng malas...
>
[Trade]
end of February..
at hindi talaga malinaw ang magiging kapalaran namin sa Binance dahil sa bulok na gobyerno ng bayan na ito... 🙁
7 months after July 2023..
inabot sa USD 433 ang nalagas sa pondo ko, mas malaki pa kesa sa pondo na natira sa akin..
umabot sa USD 1,679 ang mga sablay ko sa mga naging big pump ng mga asset na binabantayan ko..
at umaabot naman sa USD 1,216 lahat ng major and minor na sablay ko simula noong hype ng Imperial New Year...
mga patunay kung gaano kalakas ang taglay kong kamalasan.. 🙁
at kung gaano kalalakas lahat ng assets na under monitoring ko...
is feeling , PORTAL, tulungan ninyo akong makatakas sa cryptocurrency trading...
---o0o---
March 1, 2024...
[Trade]
March 1 na..
pero ni wala talagang lumabas sa local news tungkol sa pagwasak ng local SEC sa amin..
tapos may Senador pa pala na nakikisawsaw sa pagpapa-block sa Binance..
kesyo para daw sa mga nabibiktima ng cryptocurrency scam..
eh hindi naman scam ang Binance..
yung kompanya ng Axie Infinity, yun ang totoong scam...
huwag lang patraydor na iba-block ng mga basurang 'yon ang Binance..
maghintay sila hanggang matapos ang Bitcoin Halving...
is feeling , isusugal na lahat...
>
[Trade]
day 80 mula sa pagkalugi...
muli ngang nag-dip ang Bitcoin noong madaling araw, nasa USD 3,000..
may ginawang pump ang BTTC..
may ginawa ding pump ang MDT...
pero walang naging pababang hila iyon laban sa PORTAL..
anyway, sa kanila na din ako nag-trade ngayong araw..
puros short selling lang..
naka-9 na beses din pala ako..
at umabot ako sa USD 25...
is feeling , gaya ng dating plano.. kailangan kong kumita ng at least USD 20 hanggang sa katapusan ng March.. para siguradong makatakas na ako sa cryptocurrency trading...
No comments:
Post a Comment