Loveless Story
November 5, 2023...
wala na ang account ni Attendant M sa listahan ng kanilang establishment..
although active pa din naman ang account niya..
yung communication app nga pala niya, lagpas 1 buwan niyang hindi binuksan noon...
ang dami talaga nilang pagkakaparehas ni Attendant Ry..
pero busy naman sa pagtatago ang isang 'yon...
according naman sa isang kliyente, naka-graduate na daw si Attendant Y..
pero nagdu-duty pa din naman siya...
so given ang sitwasyon ng nawasak kong katawan..
mukhang wala na talaga akong matitirang kandidata para sa Dream Date... 🙁
is 💔 feeling , mababaon na lang sa hukay na kasama ko...
---o0o---
November 7, 2023...
[Gadget-Related]
4 na araw na yung inquiries ko sa bangko ko..
Php 3.00 na prepaid load na yung nakakaltas sa akin, pero ni minsan wala akong natanggap na OTP..
put*ng inang sindikato 'yan ng (02) 25660... 🙁
is feeling , huwag ko lang malalaman na nanakawan na ang bank account ko...
>
so bumalik din nga si Attendant Ry sa kanilang mother establishment..
lately, madalas nga na may nagbubukas ng kanyang account..
madalas din siyang nagche-check ng kanyang messaging app..
then ngayong araw nga ay gumawa na siya ng panibagong mga post...
tapos ayun..
nagsira na din pala siya ng ibang social media accounts niya.. 🙁
kawawa naman talaga...
minabuti ko ding kausapin yung isa sa mga manager nila..
na matulungin sa akin..
binigyan ko siya ng ideya sa mga nangyayari..
at nag-iwan na din ako ng mga payo na pwede nilang gawin para protektahan ang privacy ng bawat isa sa kanila...
is 💔 feeling , iba ang harassment kumpara sa intel gathering...
---o0o---
November 9, 2023...
[Gadget-Ralated]
inatake ng high blood kaninang umaga habang gumagawa ng reklamo sa e-mail... 🙁
yung nag-suggest yung bangko ng mga pwedeng gawin na solusyon..
pero wala namang gumana..
at nanakawan lang ulit ako ng mga load... 🙁
FATE at its finest...
is feeling , kung palpak ang OTP system, eh tanggalin na lang.. mga demonyo kayo...
-----o0o-----
[V-League]
PVL All-Filipino Conference II 2023
November 10, 2023...
5th match ng Creamline, laban sa Angels..
ginabi na sila dahil 4 ang match ngayong araw..
3-2, nabawi ng Creamline ang laban...
ang lakas ng opensa ng Angels, pero nalason lang sila ng sarili nilang errors sa Set 1..
kulang sa puwersa si Baldo laban sa Angels, si Galanza lang din ang gumagawa ng attacking role para sa Middle, nanaig ang blocking ng Angels sa Set 2..
nakuha ng Angels ang Set 3 dahil sa combined attacks at blocks nila..
Caloy at Pons mula umpisa ng Set 4, mga galing sa pahinga laban sa mga pagod na, biglang lamang na lamang ang Creamline pagdating sa attacks..
kinapos na ang Setter ng Angels sa Set 5, maging si Sabete, kaya naman naagaw pa nga ng Creamline ang laro...
tapos..
may issue ng hindi daw nababayaran na suweldo para sa ibang team... 🙁
is feeling , para kay Galanza.. at Morado pa rin...
-----o0o-----
November 4, 2023...
[Trade]
ang usual na pangyayari..
nakakulong ako sa ibang asset, habang kumikita na ang iba... 🙁
sa OAX..
USD 15 sana hanggang kaninang madaling araw... 🙁
sa FIDA..
USD 13... 🙁
sa AST..
USD 27 yung una.. 🙁
USD 18 naman ngayong gabi... 🙁
is feeling , lagpas USD 110 na naipalugi in less than 4 months...
>
[Trade]
samantalang ako..
nasa LINA..
hinding-hindi nila malagpasan yung entry point ko..
kasi ginawa na yung peak ng FATE... 🙁
is feeling , sistematikong pag-atake ng walang awang kapalaran...
---o0o---
November 5, 2023...
[Trade]
sa OAX..
USD 11 sana hanggang sa mga oras na ito... 🙁
sa FIDA..
USD 15 sana hanggang kaninang hapon... 🙁
pero wala..
hindi talaga naaabot ang selling point ko..
masyadong malakas yung maligno na laging nakatambay sa mga balikat ko..
ilang araw na akong nakakulong... 🙁
is feeling , kahit ulit-ulitin, parehas lang ang resulta.. isang walang patutunguhan na laban sa buhay...
---o0o---
November 6, 2023...
[Trade]
sa OAX..
USD 9 na recovery after ng Bitcoin dip kagabi...
tapos 2 na ang sablay ko sa pag-exit sa LINA..
ang dami ko nang nasasayang na recovery..
USD 11..
USD 17..
USD 12..
USD 6..
USD 14..
at umaabot na yun sa USD 60 simula noong nakulong ako...
then tumataas sana ang LINA kaninang umaga..
kaso nanghila na naman pababa ang Bitcoin...
is feeling , puros pagsasayang...
>
[Trade]
so naka-exit na ako sa LINA ngayong araw..
biglang nag-pump during dinner, kaya naman hindi ko na-maximize..
nasurpresa na lang ako pagkabalik ko sa harapan ng computer nang makita ko na nasa USD 0.0106 plus na yung nakasulat sa tab ng LINA...
USD 8 lang ang natira para sa akin na recovery..
hindi ko na-maximize yung USD 13...
is feeling , mag-crash ka na ulit sa USD 0.0099...
---o0o---
November 7, 2023...
[Game]
mas malakas ang galawan sa ranking nitong Mystic Era..
good thing nakapanalo ako ng 1 ngayong araw, out of 3 iyon..
sa tulong ng winning streak ko noong mga nakaraang araw eh naka-park na ako ngayon nang may 700 na palugit sa ranking...
base sa kuwenta ko..
nasa 300 plus ang paggalaw ng ranking hanggang early morning..
so sana nga maging sapat ang kinalalagyan ko ngayon..
sapat para manatili sa top 10,000 hanggang bukas pasado 12:00 NN...
is feeling , sana maging sapat...
>
[Trade]
sa OAX kagabi..
USD 9 yung napakawalan ko..
ngayon namang hapon..
USD 19..
at mukhang may susunod pa...
sa FIDA naman..
USD 15 sana yung nagawa kong recovery...
pero humina naman ang hila ng Bitcoin sa LINA ngayong araw.. 🙁
hindi katulad noong nasa loob pa ako ng trade market nila..
hindi tuloy ako makapasok sa USD 0.0099..
tapos ngayong hapon eh nakagawa na siya ng USD 18 sana na recovery para sa akin...
is feeling , lagi akong nasa maling katatayuan...
---o0o---
November 8, 2023...
[Game]
mas naging bayolente ang movement ng rankings kagabi..
sa isang magdamag ay 436 kaagad yung naging paggalaw..
294 na lang ang palugit ko pagkagising ko kaninang umaga...
pero nagtagumpay naman ulit ako sa parking..
kahit papaano eh nanatili sa lagpas 250 ang allowance ko kahit na 6 na oras yung lumipas simula noong morning check ko..
at dahil dun eh lagpas na sa kalahati ang AXS ko for Season 6...
is feeling , 3 matches a day...
>
[Trade]
nag-pump ang OAX simula noong gabi hanggang madaling araw..
USD 28 din sana iyon para sa akin...
nakapasok naman ako sa LINA noong madaling araw gamit ang auto-buy..
tama lang yung entry point ko..
then pagkagising ko noong umaga ay maganda na ang palitan..
kaya naman minabuti ko na munang magbenta..
USD 15 din ang naging recovery ko mula dun...
dahil dun eh nakabalik na ako sa dating level ng pondo ko bago ang pagkalugi..
so back to zero lahat ng effort matapos magtapon ng more than USD 110... 🙁
is feeling , sana maulit muli.. yung USD 0.0099...
---o0o---
November 9, 2023...
[Trade]
naiwan na ako ng LINA..
kaya pasok muna sa savings mode habang mataas ang interest rate..
at habang naghihintay ng dip...
so patuloy nga sa pag-akyat ang Bitcoin..
USD 20 ang napakawalan ko hanggang sa peak ng LINA ngayong araw...
is feeling , USD 1.00 naman sana para sa RON...
---o0o---
November 10, 2023...
[Trade]
kagabi sa LINA..
umabot pa sana sa USD 13 ang posibleng kitain bago yung market dip...
konting baba ng Bitcoin, pero ang laki ng hila sa iba..
nagpahuli ako ng pasok kaninang umaga dahil sa savings..
below USD 0.0098 sana sa LINA, kaso mas pinili ko yung USD 0.06 na interes..
napamahal tuloy ako sa entry by USD 0.00035, samantalang bumalik din naman sa USD 0.0099 ang palitan.. 🙁
USD 13 yung napakawalan ko sa unang pag-akyat..
tapos USD 11 nitong hapon...
is feeling , USD 24 sana.. pero ako pa ngayon yung nasa lugi na naman na katatayuan...
>
[Trade]
so na-trap na naman nga ako ng FATE.. 🙁
habang naghahabol ako kaninang umaga ng entry point, eh patuloy lang sa pag-akyat ang Bitcoin kasabay ang LINA..
kaya tuloy napamahal ako sa pasok..
tapos biglang ginawang peak ang entry point ko, para wala akong kitain...
bandang hapon, bumaba ang Bitcoin..
at ang laki nga ng hila sa LINA...
tapos ngayong gabi eh maysa-demonyo na yung trend..
sa bawat pag-akyat ng Bitcoin, eh mahina lang ang hila sa LINA..
pero sa bawat konting pagbaba ng Bitcoin, eh crash nang crash sa luma kong entry point ang LINA...
is feeling , paulit-ulit na lang ang masasamang kapalaran...
No comments:
Post a Comment