Loveless Story
November 1, 2023...
[Medical Condition]
lumala ang Hypertension ko kanina dahil sa Binance.. 🙁
parang susuko na ang katawan ko sa pagtingin pa lang sa mga chart crash...
pinainom ako ng Catapres..
from 140/100 na BP ay naging 140/90 at 130/100 lang..
walang naging epekto para sa akin... 🙁
is 💀 feeling , katapusan ko na.. dahil hindi nagagamot ang mga kamalasan...
---o0o---
November 2, 2023...
[Gadget-Related]
lagot na..
hindi ko mabuksan ang online bank account ko..
walang natatanggap na OTP yung updated mobile number ko..
pero kapag kina-cancel ko na yung OTP menu, eh saka naman nagse-send sa phone ko ng text alert na kesyo may nagtangka daw na mag-log in sa account ko... 🙁
is feeling , ano na naman bang kalokohan 'to...??
>
[Medical Condition]
nag-undergo ng blood chemistry test ngayong araw..
para magkaroon ng ideya kung ano na ang kalagayan ko ngayon...
mataas nang kaunti ang cholesterol..
sobra-sobra sa bad cholesterol..
kulang sa good cholesterol..
at medyo mataas ang uric acid...
is 💀 feeling , financially speaking, hindi ko kakayanin na mag-maintenance medicine...
---o0o---
November 3, 2023...
[Gadget-Related]
3rd day na wasak ang online banking..
gumagana na yung OTP request menu..
pero ang problema naman this time, eh kahit mag-reply doon sa SMS verification, eh wala pa din namang isini-send na OTP..
ang mas malala pa this time..?
may bayad ng Php 1.00 yung bawat reply, pero wala din naman silang ise-send na OTP...
ano 'to, scam na para mang-ubos ng prepaid load...??
is feeling , sobrang malas ko talaga...
-----o0o-----
[V-League]
PVL All-Filipino Conference II 2023
October 31, 2023...
nairaos na rin ng Creamline ang kanilang Game 4 para sa kanilang 4th win..
pero hindi birong kalaban ang Farm Fresh..
hindi maganda ang record nila sa standing, pero malalakas ang batang players nila, both Setter and Attackers..
at maganda ang naging performance nila laban sa Creamline...
is feeling , para kay Galanza.. at Morado pa rin...
-----o0o-----
October 28, 2023...
[Trade]
sumablay ng nasa USD 13 sa FIDA kagabi... 🙁
tapos, hindi nangyari yung inaasahan ko sa chart ng OAX..
biglang nanghila ang Bitcoin bago pa ang midnight..
ayun, nagpalugi na muna ako ng USD 4 ngayong araw...
is feeling , atras na naman...
---o0o---
October 29, 2023...
[Game]
tapos na ulit yung treasure hunt para sa mga SLP..
as usual, hindi talaga ako makakuha ng at least nasa libo ang quantity... 🙁
pero dahil sa hunting, eh napunta naman ako sa maayos na katatayuan para sa pagtatapos ng Epic Era..
pumalo ako kanina hanggang 6,000 plus lang sa ranking..
dahil iyon sa 8 win streak na highest yata sa record ko..
nasurpresa din nga ako dahil mga Poison team pa yung mga una kong nadaanan..
at dahil nga dun ay nagtapos ako ngayong araw sa 7,000 plus na ranking..
9 Stars ang palugit ko para manatili sa Dragon division..
kaya sa tantsa ko eh safe naman akong manatili sa top 10,000 para sa 6 matches na kailangan kong laruin hanggang sa Tuesday...
tapos, nag-pump ang SLP hanggang 30% simula kaninang madaling araw..
kaya minabuti kong papalitan na sa USDC yung 1,787 na SLP na pwede ko nang i-withdraw..
nasa Php 160 lang ang halaga nun dati, pero nai-exit ko nang nasa Php 210 dahil sa pump...
is feeling , parking mode...
>
[Trade]
walang mapasukan na asset..
ang tataas ng level ng mga target ko...
umangat ulit ang FIDA kagabi..
USD 10 din sana iyon para sa akin...
tapos nagawa ding mag-pump ng OAX ngayong hapon dahil sa hila ng Bitcoin..
USD 13 yung napakawalan ko dahil dun..
USD 0.1801 ang buying point ko, pero hanggang USD 0.1803 lang ang ibinaba... 🙁
is feeling , ano ba..? USD 600 pa yung kailangan ko na ma-recover...
---o0o---
October 30, 2023...
[Trade]
sablay na naman ako..
laging kapos ang pagbaba ng OAX..
tapos nag-reverse pa sila kumpara sa Bitcoin..
baba nang baba ang Bitcoin kanina, pero hindi na sila nahihila..
at unti-unti nga silang umakyat sa maghapon..
meaning, walang saysay yung pagpapalugi ko ng USD 4 noong isang araw, dahil posible pa pala akong kumita ng USD 13 mula sa entry point ko noon..
at nasa USD 23 nga yung napakawalan ko ngayong araw... 🙁
is feeling , patapos na ang October.. USD 4 pa lang ang nare-recover ko...
---o0o---
October 31, 2023...
[Trade]
ang daming na-miss sa FIDA kagabi..
USD 9 sa unang akyat..
USD 11 sa ikalawa...
sunud-sunod din ang sablay ko sa OAX simula pa kaninang umaga..
USD 14 sa unang akyat..
USD 11 sa ikalawa..
USD 11 ulit sa ikatlo...
pumasok ako sa FIDA dahil mukhang gaganda yung chart nila..
pero biglang kumontra at nanghila pababa ang Bitcoin..
OAX na ulit ang naka-reverse sa Bitcoin noong mga oras na iyon..
dahil dun ay nagpalugi na muna ako ng USD 3 sa FIDA, kaya umabot na ulit sa USD 7 ang lugi ko..
pumasok nga ako sa OAX..
pero lalo lang akong natadtad ng mga kamalasan pagpasok ko sa kanila... 🙁
is feeling , USD 56 na sablay hanggang tanghali.. at hindi pa doon nagtapos iyon...
>
[Trade]
at heto nga ang naging OAX tragedy, na naman, para sa akin.. 🙁
USD 4 sana yung chance ko na maka-exit kaagad kanina, dahil nag-dip ang OAX matapos kong pumasok sa kanila..
after that ay paulit-ulit na silang nagbaba-taas, pero below lang siyempre ng entry point ko..
USD 9 sa unang baba-taas..
USD 9 sa ikalawa..
USD 19 sa ikatlo..
USD 8 sa immediate recovery...
sa sobrang malas ko, by the time na naka-exit ako ay USD 9 pa din yung napakawalan kong kita dahil nagbaba ako ng selling point..
na-recover ko lang yung pinalugi kong value kaninang umaga..
nagpa-pump ang OAX noong mga oras na iyon..
so pumasok ulit ako sa USD 0.2 na entry point..
pero dahil sa ginawa ko ay nag-dip ulit kaagad ang OAX hanggang USD 0.194... 🙁
is feeling , USD 49 naman na sablay.. plano nila akong tapusin sa pamamagitan ng stress at depression...
>
[Trade]
3 level ng kamalasan sa loob lang ng 1 araw... 🙁
kaninang umaga, may chance sana ako na pumasok sa OAX sa USD 0.1895..
umakyat 'yon hanggang USD 0.2030..
at noon na nagsimula ang panibagong manipulasyon ng FATE laban sa akin... 🙁
sa FIDA ako unang pumasok..
pero matapos iyon ay kaagad na naging pababa ang direksyon nila... 🙁
dahil milyun-milyon na ang dumadagdag sa trading volume nila..
nag-decide ako na lumipat sa OAX sa USD 0.20..
pero biglang bumaba ang palitan below sa entry point ko..
nang mag-declare ako ng mababang selling point, at habang nagdi-dinner ako..
eh sa kung paanong paraan eh bigla na lang siyang pumalo sa USD 0.2060..
bagay na hindi ko na-maximize... 🙁
dahil sa panibagong paltok ng trading sa OAX, eh naloko ako ng FATE na mas tataas pa ang palitan..
muli akong bumili sa USD 0.20..
ang target ko lang ay USD 0.2020, pero dahil sa puwersa ng maligno eh hinding-hindi naabot ang palitan na iyon..
hanggang sa nag-dip na lang ulit ang OAX hanggang USD 0.194... 🙁
nag-dip ang Bitcoin..
at this time eh sinabayan na siya ng OAX sa bayolenteng level..
dahil dun ay nag-crash na ang OAX hanggang USD 0.1850..
at sa ganung paraan ay naibaba na ulit kaagad ng FATE ang pondo ko by USD 25... 🙁
is feeling , walang coincidence.. planado ang lahat para sa aking pagkawasak.. ultimo 'tong 150/100 na BP eh plano ng FATE para tapusin na ako...
---o0o---
November 1, 2023...
[Game]
gumana naman yung parking na ginawa ko..
pasok sa below 8,500 na ranking sa katapusan ng Epic Era..
kaso lalabas na yung mga Mystic na equipment..
sana kayanin hanggang next week..
para maka-secure din naman ako ng kalahating AXS...
is feeling , kailangang kayanin na below 20,000 in 3 weeks...
>
[Trade]
trap nga ang lahat laban sa akin..
bandang 8:00 PM kagabi nagsimulang mag-crash ang ibang cryptocurrency..
ang OAX nagsimula kaagad matapos akong bumalik sa trade.. 🙁
isang anomaly..
konti lang ang ibinaba ng Bitcoin, pero malaki ang naging hila sa marami...
dahil dun..
bumagsak ang OAX hanggang USD 0.177.. 🙁
bumagsak ang FIDA hanggang USD 0.165..
mabababang level na may 1 week na nilang hindi nababalikan..
napaniwala ako ng FATE na papataas ang market..
pero plano lang nilang lugihin ulit ako sa itaas, tapos ay sudden crash...
hindi magka-crash ang mga asset habang nasa fiat ako..
magka-crash lang sila nang malala kapag pumasok na ako sa mataas na level ng trade... 🙁
nawala na naman lahat ng mga pinaghirapan ko..
USD 31 na naman ang itinapon ko..
ang natapon dahil sa taglay kong kamalasan... 🙁
is feeling , depression na pinalala ng Hypertension...
>
[Trade]
madaming gumawa ng recovery matapos ang anomalous crash kagabi..
yung FIDA 2 level kaagad ang iniakyat..
USD 32 sana iyon para sa akin..
nabawi ko sana lahat ng mga nawala sa akin...
is feeling , pero bumalik lang sila kaagad sa dati.. ayaw na nilang mag-crash dahil alam nilang nalugi na ako...
---o0o---
November 2, 2023...
[Trade]
noong araw na nalugi ako..
pumasok ako sa FIDA sa USD 0.1785, pero nag-exit ako dahil bumaba kaagad ang market nila..
pero kagabi lumagpas na sila sa USD 0.21..
ibig sabihin na kumita sana ako ng USD 61 kung hindi nila ako naloko ng OAX... 🙁
kanina, nag-pump ulit kaagad ang FIDA..
USD 32 sana iyon para sa akin... 🙁
ganun din ang OAX..
USD 21 naman sana iyon para sa akin... 🙁
sa LINA naman..
nagpakawala kaagad ako ng nasa USD 11 na recovery..
pagkakataon din sana iyon para makapasok ako sa mas mababang entry point...
is feeling , LINA na lang ang pag-asa ko.. kailangan ko ng USD 0.17 sa paggising ko bukas...
---o0o---
November 3, 2023...
[TV Series]
Batang Quiapo
yung mga action stunts nila hindi na basta-basta pang-TV series lang..
nilalagyan talaga nila ng effort...
pero grabe din talaga si Tanggol..
hindi sapat para sa kanya ang implied nudity..
ngayon lang ako nakakita ng local TV series na gumamit ng blurring para sa nude scenes...
is feeling , ang hilig talaga ni Tanggol...
>
[Trade]
USD 11 na recovery sana sa OAX..
USD 13 na recovery sana sa FIDA...
patuloy sa panghihila pababa ang Bitcoin..
bukod sa mga dormant account na biglang nag-cash out..
eh may banta pa ngayon ng announcement ng Hezbollah..
nasa 4th dip na ngayong araw..
at damay ang LINA dahil mahina ang resistance nila... 🙁
is feeling , pero heto ako.. USD 50 na ulit ang layo sa huling recovery level ko...
---o0o---
November 4, 2023...
[Game]
delikado..
ang bilis mag-move ng level ng ranking sa pagpasok ng Mystic Era..
dati safe na sa rank 10,000 and below ang Dragon IV division..
pero ngayon, kailangan nang nasa at least Dragon III para lang manatili sa ganung range...
is feeling , 4 days left.. pero 300 ranks na lang ang allowance ko...
No comments:
Post a Comment