Loveless Story
August 19, 2023...
ang physical vessel ko, wasak na wasak..
yung computer ko na pang-3D, wasak..
sa Axie scam game, wasak..
sa Binance, wasak..
yung Dream Date, wasak...
lahat ng aspeto ng existence ko puros tumuturo lang sa direksyon ng kamatayan... 🙁
is 💀 feeling , isang perpektong buhay na kontroladong-kontrolado na ng mga demonyo sa itaas...
>
kagabi, lumapit na ako sa management ng current establishment ni Attendant Ry..
ang paliwanag sa akin, by appointment na lang daw talaga ang schedule ng pasok nung isa..
hindi gaya nung 10:00 AM to 10:00 PM na usual na pasok niya dati..
iyon siguro yung dahilan kung bakit may mga pagkakataon na maaga siyang nawawala sa listahan...
sinabihan daw niya si Attendant Ry na mag-reply naman sa akin..
pero walang nangyaring ganun..
hanggang ngayong oras na ito, wala akong natatanggap na reply..
at pati si Attendant C ay hindi na nagre-reply sa akin.. 🙁
ginagamit pa din naman niya yung isa niyang messaging app..
pero iniiwasan niyang buksan yung app na katulad ng ginagamit ko...
is 💔 feeling , mukhang kino-control na naman sila ng mga demonyo...
>
mukhang may construction ngayon sa itaas ng bahay nina Attendant Ry...
is feeling , payaman sila nang payaman...
---o0o---
August 20, 2023...
so direkta akong nag-check ngayong araw doon sa 2 management kung iginawa ba ako ng reservation ng mga attendant nila..
unfortunately, wala nga sa record nila... 🙁
si Attendant Ry, lately madalas na hanggang bandang 5:00 PM na lang nagpapalista sa lineup..
although yung mga lumang reviews niya ipino-post kahit madaling araw na..
day off niya daw kapag Sunday, pero nakalista naman siya for today..
si Attendant C naman ang hanggang gabi ay nasa lineup pa rin nila...
is 💔 feeling , kapag kumikilos ang mga demonyo.. basta-basta.. hindi maipaliwanag.. bigla na lang nagbabago at nawawasak ang lahat...
---o0o---
August 21, 2023...
nakakatawa lang..
kahapon, nag-reactivate ng messaging app niya si YAM..
the one na ginagamit namin noong nagsabi siya na may ire-refer siya sa akin na babae para sa Dream Date ko..
hanggang sa wala ng nangyari, dahil binura na niya yung app...
tapos nag-alarm ang phone ko kaninang umaga..
anniversary pala ng pagkakakilala namin..
sobrang bilis ng panahon..
5 years na rin pala ang nakalipas simula noong naranasan ko yung pinakamasarap at pinakamatipid kong experience na kasama siya...
is 💌 feeling , tinapos ko na dapat yung Dream Date noon pa lang...
>
sayang..
after 3 days, nag-reply na ulit sa akin si Attendant Ry ngayong tanghali..
siguro nasabihan din ng management..
pwede na siya para sa akin sa August 24..
kaso, si Attendant C ang wala talagang reply..
hindi din naman daw niya nakakausap..
bukod pa sa hindi din naka-duty yung tao ngayong araw..
so naging imposible na talaga na magawan ko pa ng paraan yung August 24...
baka daw magkikita sila bukas kasi papasok si Attendant C..
so titingnan ko kung anong mangyayari...
is 💔 feeling , kung hindi pa dadaan sa management, hindi pa ako papansinin...
---o0o---
August 22, 2023...
maagang nagparamdam sa akin si Attendant Ry ngayong araw..
natandaan niya siguro na iko-contact ko sila..
yun nga lang, like her usual, laging umaabot sa punto na bigla na lang siyang tumitigil sa pagre-reply... 🙁
kusa na din nag-reply si Attendant C ngayong araw..
mukhang pumasok din talaga siya..
at mukhang kinausap ng management o ni Attendant Ry, para kausapin na ako..
kaso puros paghingi lang ng apology..
hinding-hindi nasasagot yung mga specific kong tanong..
kesyo nagkaroon daw ng problema, kesyo nakaranas daw siya ng LBM last Sunday..
hindi ko nga maintindihan kung anong kinalaman ng Sunday sa supposed request ko for this Wednesday or Thursday...
is 💔 feeling , anong rason kung bakit nila ako iniiwasan...??
>
tapos isang palabirong member nung community ang nag-reply sa isa sa mga post ko..
palabiro, as in madalas na puros joke lang ang mga pino-post niya..
palabiro na mahusay din pagdating sa intel gathering...
sabi niya madami daw ang nagkakagusto sa akin..
kaso malayo daw ako..
tapos sa sunod niyang reply, nilinaw naman niya na hindi romantic ang tinutukoy niya..
basta kailangan ko daw ulit i-book yung mga babae para malaman ko kung sino sa kanila yung mga tinutukoy niya..
as in madami nga yung tinutukoy niya..
pero hanggang dun na lang daw yung pwede niyang i-share, dahil baka daw mapagalitan na siya nung mga tinutukoy niya...
is feeling , saan naman galing 'yon...??
---o0o---
August 23, 2023...
marami sa mga taga-[Name of City] eh walang utak..
kasi kahit NGCP naman ang may control sa mangyayaring scheduled power interruption, eh yung electric cooperative pa rin ang sinisisi nila...
is feeling , nagbabasa lang ng announcement, pero hindi naman naiintindihan...
>
so nagbigay na ng date at time sa akin si Attendant C, for next week..
siguro tinamaan yung management nila dahil sa post ko..
baka pinilit na yung attendant nila na makipag-usap sa akin...
technically, nakakuha na ako ng schedule sa kanilang 2..
ayun nga lang, wala pa akong napagtutugma... 🙁
at si Attendant Ry naman ang walang naging sagot para sa akin ngayong araw.. 🙁
kailangan kong maghintay hanggang Friday...
is 💔 feeling , makakapiling ko na sana siya ulit bukas.. kaso walang nagtugma...
---o0o---
August 24, 2023...
kahapon, hindi na nga nag-reply si Attendant Ry..
ngayong araw naman, hindi siya sumulpot sa lineup..
to think na ito yung araw na inialok niya sa akin last Monday...
nag-travel kaya sila..?
dahil sa long weekend...??
anyway..
nag-withdraw na din ako sa bangko..
in case na magkabiglaan na naman sa reservations...
kaso ang pangit ng schedule na inialok sa akin..
may scheduled long power interruption kasi sa Sabado..
tapos may trabaho tuwing Monday..
kaya baka ma-stress ako sa preparation kung hindi na naman nila ako bibigyan ng sapat na palugit...
is 💔 feeling , ano na naman ba ang nangyayari sa akin...??
---o0o---
August 25, 2023...
[Manga]
high level infighter..?
may head movement na gaya ng sa Dempsey Roll..?
may pataas na hook na nahahalintulad sa Gazelle Punch..?
at may karanasan na sa paglaban sa Flicker Jab...?
ewan ko sa'yo Ippo..
para kang ang istorya ninyo, ang slow...
is feeling , put*ng ina.. Boxing time na ulit.. matapos niyang ma-injure si Volg noong huling beses, eh si Mashiba naman ngayon ang tutulungan niya...
>
it seems nag-che-check si Attendant Ry ng account niya tuwing madaling araw..
bukod pa sa panay post ang management nila ng mga lumang reviews for her, kahit pa wala naman siya sa lineup nila...
duty siya today..
at sa wakas, na-clear na ni Attendant Ry yung date na i-s-in-uggest sa akin ni Attendant C..
ewan ko kung yung management pa ang nakakumbinsi sa kanya na magbigay ng sagot sa akin..
pero as usual, sweet naman siyang magbigay ng confirmation..
gusto daw niya na maaga, para siya ang makauna sa akin...
sunod namang nagbigay ng confirmation niya si Attendant C..
also, idinaan ko pa sa management...
kaso may konting problema..
sobrang activated ang hormones ko today, dahil sa pag-aasikaso ko ng bookings..
pero wala naman akong sapat na araw for recovery..
ngayong araw ko lang natutunan na pwede palang idaan lang ang Epididymal Hypertension sa exercise...
is 💌 feeling , finally.. pero as usual, walang kasiguraduhan ang lahat hangga't hindi pa kami nagtatagpo...
-----o0o-----
August 20, 2023...
[Trade]
so nag-pump nang malaki ang OAX kahapon..
ang realization...?
kung nag-exit sana ako noon sa USD 0.159..
nakatakas sana ako na may USD 295..
USD 18 lang sana ang nalugi sa akin kung ganun..
then kung nakabili sana ako ng OAX sa USD 0.102 na palitan, at nagbenta sa USD 0.12..
edi sana nasa USD 347 na ako ngayon..
kumita na sana ako ng USD 34 muli sa lagpas 1 buwan na pagtulog ng pondo ko...
tapos may pump din ngayong araw..
nasa USD 365 na sana ako kung nasakyan ko din 'yon...
is feeling , yung masasamang kapalaran lang ang nakalaan para sa akin...
---o0o---
August 21, 2023...
[Trade]
may kasunod pa palang bigger pump yung OAX kagabi..
USD 18 yung mula sa 2nd pump..
USD 31 naman mula doon sa 3rd pump..
nasa USD 396 na sana ako dahil dun...
pero heto..
nasa crashing direction na ulit ngayong gabi ang OAX... 🙁
is feeling , USD 900, pero USD 200 na lang ngayon.. labis-labis na kamalasan na hindi ko kayang pasanin...
---o0o---
August 22, 2023...
[Game]
nakakuha naman ng magandang parking ngayong araw, para bukas..
3 matches, 3 wins..
nagkataon lang na walang overpowered na nakalaban...
katapusan na bukas ng Epic Era..
hindi na kaya ng team ko na makapasok sa top 10,000..
pero sa tingin ko naman ay sapat na yung 11,700 plus bilang safe parking para sa top 20,000...
is feeling , 30 minutes ng paglalaro bawat araw.. yun nga lang, below Php 300 na ang palitan ng AXS...
---o0o---
August 23, 2023...
[Game]
so pasok pa rin nga ako sa top 20,000..
malapit sa top 12,000..
at may lagpas 1 AXS na ako..
yun nga lang, below Php 300 lang yung katumbas nun... 🙁
tapos nag-Craft din ako sakto sa Mystic Era..
2 for 2 Runes..
kaso bukod sa parehas na hindi naman magagamit ng team ko..
eh hindi din sobrang rare ng mga nagawa ko, walang value para sa ibang players... 🙁
nakaakyat din ako sa higher rank ngayong araw..
makakatulong 'yon bilang preparation para sa huling parking, para sa Mystic Era...
is feeling , nadadagdagan ang assets, pero lalo namang naghihirap ang value...
---o0o---
August 25, 2023...
[Trade]
further crash..
nasa USD 0.07 na ang layo ko mula sa aking entry point...
is feeling , USD 0.20 naman na milagro o'...
No comments:
Post a Comment