Loveless Story
August 12, 2023...
ini-reveal na din ng management sa public ang account ni Attendant Ry matapos siyang mag-decide na kailangan na niya ulit gamitin yung account niya for posting...
is feeling , ano ba..? sobrang tagal bumalik ng mga pera ko...
---o0o---
August 13, 2023...
[Lottery]
yung 2 beses DAW na napanalunan ang jackpot sa 6/58..
back-to-back draws..
lokohan na talaga 'to..
gaguhan..
ginagawa na nilang gatasan ang Lottery...
is feeling , ang hirap mabuhay sa panahon ng mga magnanakaw...
>
akala ko na kapag nagawa ko na yung trabaho na gusto ko talaga..
na posibleng maging feasible naman ang buhay ko sa nalalabi kong more than 2 years dito sa mundo..
pero hindi..
paulit-ulit lang ang masasamang pangyayari sa araw-araw.. 🙁
na para bang kinubabawan talaga ako ng demonyo...
from miserable..
to more miserable..
sa tingin ko puros kademonyohan na lang ang pwede kong maasahan sa basurang buhay ko sa huli kong mga buwan sa mundo... 🙁
is 💔 feeling , ilang ulit na akong nakalapit sa Dream Date.. pero lagi din siyang nagiging imposible...
---o0o---
August 14, 2023...
lahat ng solusyon sa mga problema ko puros pera... 🙁
para makabalik ako sa trabaho, kailangan ko ng pera para makabuo ng panibagong mas advanced at mas matibay na computer..
para makumpleto ko yung Dream Date; kailangan ko ng pera para sa pang-date, para sa ka-date, para sa chaperone ng ka-date, at pang-hire ng sasakyan at ng driver...
pero ni walang isa sa mga pera ko ang bumabalik sa akin.. 🙁
halos zero na rin ako sa pagbebenta ng mga project ko..
yung platform na lang yung gumagana para sa akin..
at nasa below Php 2,000 na lang ako kada buwan... 🙁
is 💔 feeling , lahat sila gusto akong patayin nang mas maaga.. mas maaga sa katapusan ng One Piece.. ang sabwatan ng lahat ng maysa-demonyong FATE...
---o0o---
August 15, 2023...
namili na rin nga ako ngayong araw ng mga gagamitin ko sa Capital..
kahit pa wala namang kasiguraduhan ang pagpunta ko doon..
ngayon ko na rin lang naranasan ulit na mabasa sa ulan...
ang bagal ng desisyon tungkol sa show money.. 🙁
dapat naaasikaso ko na this week yung mga booking ko..
kaso indefinite pala yung desisyon kaugnay nung show money...
is feeling , kung makakatrabaho ko si Kawai Asuna sa Japan, baka pa maengganyo ako na sumama...
---o0o---
August 16, 2023...
[Lottery]
kahit ngayon lang..
kahit ngayong gabi lang..
ganun pa din naman ang deal..
tatapusin ko pa rin ang sarili ko sa 2025..
wala akong balak na masaksihan pa na lalong mabulok ang sarili kong katawan...
pero kahit ngayon lang talaga..
gusto kong kumpletuhin lahat ng mga bagay na kailangan kong tapusin..
gusto kong maranasan na mabuhay bago man lamang ako mawala...
is 💀 feeling , infinite losing streak...
>
bumalik na si Attendant Y sa establishment nila..
nahirapan siguro sa pagiging independent...
samantalang ako..
hindi pa rin maka-secure ng booking..
ni hindi ko alam kung kailan maibabalik sa akin yung pondo ko para sa Dream Date...
is 💔 feeling , laging wasak ang lahat.. kailangan ko lang ng isang pagkakataon para mabuo...
---o0o---
August 17, 2023...
untikan na ang biological mother ko kanina...
nadapa siya at nagpagulung-gulong daw sa highway..
dahil sa hindi pantay na aspalto sa daan..
mabuti na lang at wala pang masyadong dumadaan na mga sasakyan noon, lalo na yung mga kareristang motor...
is feeling , pinatunayan lang nun kung gaano ako kawalang kuwenta.. nauubos ang oras ko sa trabaho.. kulang pa nga ang tulog ko sa gabi.. pero wala naman akong kinikita...
>
araw ng paniningil..
10 months na walang hulog..
pero ni wala na namang paramdam..
at mukhang nag-outing na naman ang p*ta... 🙁
kapag namatay na ako..
sasabihin ko sa future e-mail ko na ikaw ang p*ta na sumira sa lahat ng mga plano ko..
na sinira mo ang mga plano ko, para lang ikaw ang makinabang sa pera na para sana sa Dream Date..
ipapadala ko sa lahat...
is feeling , kayo ang mga demonyo na pinadala sa akin ng mga nilalang na nagmamanipula sa lahat...
>
kagabi nabalik na sa akin yung majority ng pera ko na ginamit para sa show money..
kaya naman sinubukan kong mag-asikaso na ng reservations ngayong araw...
si Attendant Ry, nagpatay na ulit ng seen status niya..
kaya mas mahirap na naman siyang basahin..
parehas naman nila akong kinausap ni Attendant C..
kaso on and off talaga ang usapan..
at wala pa akong nakuhang malinaw na sagot mula sa kanilang 2...
is 💔 feeling , pahirapan na naman 'to...
---o0o---
August 18, 2023...
[Strange Dream 18+]
sa loob ng isa kong panaginip..
nakita ko daw sa isang wall-mounted monitor ang video recording ng grupo na madalas kong makatrabaho noon..
mga sumasayaw daw sa party..
hindi yung version nila ng high level na party, pero yung tipo ng pagsasayaw na parang nasa bar lang..
nakita ko daw sina Miss H at Miss C na kabilang sa mga sumasayaw..
nakasuot lang daw sila ng mga sexy na lingerie na see-through ang bandang dibdib...
is feeling , ano bang nanyayari sa mundo..? sa papawasak na ang lahat...
>
may kakaibang ginawa si Attendant Ry kahapon..
maaga siyang nag-post noong umaga ng mga ads niya..
pero around 2 hours matapos naming magkausap ng ilang beses ay hindi na siya inilabas ng management sa lineup nila para sa buong araw...
so ako ba ang dahilan ng pag-iwas niya..?
pero bakit nag-react pa siya ng puso sa isa sa mga message ko para sa kanya...??
may problema siya sa reviews tungkol sa kanya..
for some reason eh lumang reviews ang ginagamit nila, yung mga galing pa sa sister establishment nila..
patunay na naghahabol siya ng raket...
is 💔 feeling , bakit mo sinabi na "see you soon"...??
---o0o---
August 19, 2023...
ay sumuko na sa pagbebenta nung mali kong nabili na graphics card.. 🙁
wala na talagang pag-asa..
hindi ako nakadisenyo para maka-survive sa basurang mundo na 'to..
at kailangan kong tanggapin 'yon..
kahit na ano pang gawin ko, papatayin at papatayin lang ako ng FATE...
is 💀 feeling , tanggapin na natin ang katapusan.. isang bayolente at mabagal na paraan ng kahirapan...
-----o0o-----
August 12, 2023...
[Trade]
nakagawa na ang DREP ng recovery..
nasa 20%..
kahit na gaya ng OAX, asset under monitoring siya...
sana lang may mag-pump na din sa OAX..
awa na...
is feeling , alam kong gusto ninyo akong patayin.. pero hindi pa pwede ngayon...
---o0o---
August 13, 2023...
[Game]
so naging inutil nga ulit ang team ko.. 🙁
samantalang ang ibang team eh puros nasa 100 plus ang damage kada skill..
no choice..
nalaglag kaagad ako sa below rank 10,000..
kailangan ko nang tumigil sa paglalaro ulit nang seryoso..
hanggang 3 matches per day na lang..
at aasa na kakayanin ng team ko na manatili sa top 20,000 hanggang sa matapos na ang season...
is 💀 feeling , wala na talaga.. pinagagalaw nila ang market sa pamamagitan ng skills imbalance...
---o0o---
August 15, 2023...
[Trade]
nag-pump ang OAX ngayong hapon..
habang wala ako para makapag-monitor..
kaso kapos sa USD 0.16..
at lalo namang kapos sa target ko na USD 0.20... 🙁
ano ba..?
gawin nyo na..
ngayong madaling araw..
isang malaking pump, para lang makatakas na ako...
is feeling , puros gulo ang napapasok ko...
---o0o---
August 16, 2023...
[Trade]
hindi 'to maganda..
nag-delist na naman ang Binance ng mga asset..
yung SONM madalas na ma-pump dati kahit Bitcoin lang ang ka-trade..
yung YFII naman, ilang daang dolyar ang halaga..
parehas din na mababa lang ang supply nilang 2...
nakakatakot tuloy na baka mapag-initan nila ang OAX..
samantalang sila itong nag-red-tag dun sa asset...
is feeling , huwag naman.. bagong add lang nila yung OAX, kaya di nila dapat wasakin...
>
[Trade]
mali na naman ako.. 🙁
dapat nagbenta na ako nang palugi kahapon para makalabas sa OAX...
nag-decoupling ang maraming assets mula sa Bitcoin..
hindi malaki ang ibinaba ng Bitcoin, pero nalagas ang maraming assets..
malaki ang naging crash ng OAX kaninang umaga..
kahit pa naging active ang trading sa kanya kahapon..
kaninang umaga, lumagpas na sa USD 0.02 ang layo ko mula sa entry point ko... 🙁
pero hindi pa doon nagtapos ang mga kamalasan..
sa ngayon malapit na din ang OAX sa USD 0.04 na paglayo mula sa entry point ko..
di pa napunta sa ganung level ang OAX simula noong tanggapin sila sa Binance..
more than USD 60 na ulit tuloy ang nawawala sa akin... 🙁
samantalang ang AST eh konti lang ang ibinaba...
nasa 60% na recovery na ang kailangan ko ngayon..
pero delikado kung bababa pa ang Bitcoin, dahil mas lalakas ang hila niya laban sa OAX...
is 💀 feeling , pagod na pagod na akong maging sheperd si Satanas...
---o0o---
August 17, 2023...
[Trade]
lalo pang bumaba ang OAX kaninang umaga..
dahil sa hila ng Bitcoin... 🙁
lagpas USD 0.04 na ang layo ko mula sa aking entry point..
at USD 80 na ang nalalagas sa pondo ko..
lahat ng pinaghirapan ko noon, nawawala na naman...
is 💀 feeling , sobrang lakas ng demonyo na nakakubabaw sa akin.. perpekto...
---o0o---
August 18, 2023...
[Trade]
mega crash..
ilang libo ang nalagas sa Bitcoin..
sa kabila ito ng ilang good news, pero may kasabay din na mga bad news...
gaya nga ng sinabi ko..
lalo pang malulubog ang OAX sa oras na manghila na nang malakihan ang Bitcoin..
lagpas USD 0.06 na ang layo ko mula sa aking entry point..
kaya naman umaabot na sa USD 124 ang nawawala sa pondo ko... 🙁
samantalang ang AST eh halos USD 0.02 pa lang ang ibinababa...
is 💀 feeling , hindi titigil ang mga demonyo hangga't hindi nila ako nakukumbinsi na tapusin na ang lahat...
No comments:
Post a Comment