Saturday, June 3, 2023

Investment Loophole

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is 💀 feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is 💀 feeling , day 1057...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
update (512 + 8 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung halos umabot na sa Php 14 Trillion kaagad ang utang ng bayan noong April 2023 pa lamang
  • yung pahayag na hindi daw gagamitin na pondo para sa Maharlika Investment Fund ang pera ng GSIS, SSS, at Pag-IBIG, pero malaya daw yung mga institusyon na iyon na magpasok ng investment

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Quezon City, yung lalaking pulis at asawa niya na kinasuhan dahil sa investment scam nung babae

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • (no entry yet)

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung mass promotion o pagpapasa ng mga estudyante sa mga paaralan, kahit pa hindi naman talaga deserving yung iba
  • yung mga smuggled na sibuyas na nasabat daw noong 2019 pa, pero nalusaw na nang lubusan nitong 2023
  • yung Senador na hindi alam ang gagawin sa kanilang pagpupulong

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung modus daw ng sindikato ng mga pulubi na may GCash account para sa pagtanggap ng mga limos
  • sa Santa Rosa, Laguna, yung 2 lalaking Imperial citizen na dawit daw sa pagdukot sa 1 babaeng Imperial citizen
-----o0o-----


May 29, 2023...

yung modus daw ng sindikato ng mga pulubi na may GCash account para sa pagtanggap ng mga limos...

eh Bitcoin na limos, pwede...??

is feeling , daig pa ako.. yung account ko nga eh demoted sa pinakamababang unverified level...

---o0o---


May 30, 2023...

yung Senador na hindi alam ang gagawin sa kanilang pagpupulong... 🙁

is feeling , tinarantado ng mga makina ang bayan...


>
yung mga smuggled na sibuyas na nasabat daw noong 2019 pa..
pero nalusaw na nang lubusan nitong 2023..
as in walang naiwang bakas...

is feeling , magic...


>
sa Quezon City..
yung lalaking pulis at asawa niya na kinasuhan dahil sa investment scam nung babae...

is feeling , madami pa rin ang mga naloloko...

---o0o---


May 31, 2023...

yung halos umabot na sa Php 14 Trillion kaagad ang utang ng bayan sa ilalim ng 2 bulok na administrasyon.. 🙁
pero may pang-invest sila...

is feeling , gumawa lang sila ng mga panibagong pasuwelduhin...

---o0o---


June 1, 2023...

sa Santa Rosa, Laguna..
yung 2 lalaking Imperial citizen na dawit daw sa pagdukot sa 1 babaeng Imperial citizen...

is feeling , sila-sila...


>
yung pahayag na hindi daw gagamitin na pondo para sa Maharlika Investment Fund ang pera ng GSIS, SSS, at Pag-IBIG..
pero malaya daw yung mga institusyon na iyon na magpasok ng investment...

is feeling , ito mismo yung plano.. kunwari magkukusa yung mga institusyon na magpasok ng pera...

---o0o---


June 2, 2023...

yung mass promotion o pagpapasa ng mga estudyante sa mga paaralan.. 🙁
kahit pa hindi naman talaga deserving yung iba...

unfortunately, totoo yung ganun..
matagal na kung tutuusin..
sa lower section pa lang sa amin dati eh kaduda-duda na kung paanong ka-batch pa rin namin yung mga pasaway na basag-ulo lang ang hanap...

is feeling , wala dapat pasang-awa para sa mga utak-kriminal...


No comments:

Post a Comment