Saturday, June 10, 2023

Best Debt Growth Rate

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is 💀 feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is 💀 feeling , day 1064...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
update (512 + 22 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung halos umabot na sa Php 14 Trillion kaagad ang utang ng bayan noong April 2023 pa lamang
  • yung sinabi na pinakamaganda daw ang economic growth rate ng bayan kumpara sa buong mundo, samantalang umabot na kaagad sa halos Php 14 Trillion ang utang ng bayan
  • yung pahayag na hindi daw gagamitin na pondo para sa Maharlika Investment Fund ang pera ng GSIS, SSS, at Pag-IBIG, pero malaya daw yung mga institusyon na iyon na magpasok ng investment
  • yung halos inabot ng 1 taon bago nakapili ng magiging Secretary ng Department of Health

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Quezon City, yung lalaking pulis at asawa niya na kinasuhan dahil sa investment scam nung babae
  • sa Angeles City, Pampanga, yung 7 pulis na sinibak sa puwesto matapos na masangkot sa ilegal na pag-aresto at pangingikil

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • (no entry yet)

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung mass promotion o pagpapasa ng mga estudyante sa mga paaralan, kahit pa hindi naman talaga deserving yung iba
  • yung mga smuggled na sibuyas na nasabat daw noong 2019 pa, pero nalusaw na nang lubusan nitong 2023
  • sa Nueva Ecija, yung oversupply naman ng kalabasa
  • sa DPWH sa Western Visayas, yung 4 na opisyales nila na kinasuhan sa Ombudsman dahil daw sa depektibong flyover
  • sa Presidential Electoral Tribunal (PET), yung nasilip ng COA na hindi pa nila isinasauli na unutilized cash deposit ng mga kandidato na naglaban sa protesta sa pagka-Vice President noong 2016
  • yung mind-conditioning na ginagawa ng Secretary ng Department of Finance, yung lagi niyang pinapalabas na mas maganda daw ang lagay ng pananalapi ng bayan sa kasalukuyan at sa nakaraang administrasyon, kumpara sa Aquino administration
  • yung Secretary ng Department of Finance na naggiit na pwede daw magpasok ng investment sa Maharlika Investment Fund ang GSIS at SSS kahit pa ipinagbawal na iyon ng Senado
  • yung Senador na hindi alam ang gagawin sa kanilang pagpupulong
  • yung ang aga pa, pero nagbabangayan na kaagad ang matataas na pinuno na nag-claim noon na nagsusulong kuno ng pagkakaisa

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga panatiko na isinisisi parati sa iba ang ginagawang pagwasak ng kanilang mga pinuno sa bayan
  • yung modus daw ng sindikato ng mga pulubi na may GCash account para sa pagtanggap ng mga limos
  • yung bentahan ng mga online account sa panahon ngayon, particularly mga financial account na nakapag-undergo na ng verification process
  • sa Bulacan, yung mga Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng pinekeng sikat na brand daw ng tsinelas
  • yung 3 Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga pekeng pain relief rub
  • sa Bonifacio Global City sa Taguig, yung Imperial citizen na nakabangga ng SUV na mukhang driving under the influence of alcohol daw
  • sa Santa Rosa, Laguna, yung 2 lalaking Imperial citizen na dawit daw sa pagdukot sa 1 babaeng Imperial citizen
-----o0o-----


June 3, 2023...

sa Bonifacio Global City sa Taguig..
yung Imperial citizen na nakabangga ng SUV..
mukhang driving under the influence of alcohol daw yung banyaga...

is feeling , okay lang.. sa kanila naman 'tong bayan...

---o0o---


June 4, 2023...

sa Angeles City, Pampanga..
yung 7 pulis na sinibak sa puwesto matapos na masangkot sa ilegal na pag-aresto at pangingikil...

is feeling , easy money...

---o0o---


June 5, 2023...

yung halos inabot ng 1 taon bago nakapili ng magiging Secretary ng Department of Health...

is feeling , para lang may masabi sa talumpati...


>
sa Nueva Ecija..
yung oversupply naman ng kalabasa... 🙁

is feeling , the best Secretary...


>
yung Secretary ng Department of Finance na naggiit na pwede daw magpasok ng investment sa Maharlika Investment Fund ang GSIS at SSS..
kahit pa ipinagbawal na iyon ng Senado...

investment..?
pero ang plano ninyo eh para sa infrastructure projects ng gobyerno at para sa pagbibigay ng ayuda..?
paano kikita sa mga 'yon...??

is feeling , we're doomed...

---o0o---


June 7, 2023...

yung sinabi na pinakamaganda daw ang economic growth rate ng bayan kumpara sa buong mundo..?
samantalang umabot na kaagad sa halos Php 14 Trillion ang utang ng bayan...

is feeling , growth rate ng utang ang mabilis, demonyo ka...


>
yung bentahan ng mga online account sa panahon ngayon..
particularly mga financial account na nakapag-undergo na ng verification process...

is feeling , sobrang mapamaraan talaga ng mga lokal na mamamayan...


>
sa community...

sobrang katangahan lang talaga ang pinaggagagawa ng mga panatiko ng mga demonyong pinuno ng bayan..
hindi sila mga bayaran na troll..
pero talagang mga panatiko lang sila na likas na masasama ang ugali, base na rin sa maya't maya nilang pakikipag-away doon sa community...

pinapalabas kasi nila na ang sitwasyon ngayon ng bayan..
ang mga kapalpakan sa pamunuan at ang mga katiwalian..
eh kasalanan daw ng media, ng mga Kakampinks, at ng mga rebelde...

seriously..?
mga tiwaling tauhan ng pamunuan..
mga pag-abuso sa kapangyarihan ng mga armadong empleyado..
ang pagpapabaya sa agrikultura..
ang pagbubulag-bulagan tungkol sa smuggling..
ang manipulasyon sa ekonomiya..
at lahat-lahat ng mga kabobohan ng mga pinuno..
so kasalanan lahat yun ng ibang mga tao...??

is feeling , kailangang maubos ang mga panatiko sa bayan na ito.. iyon lang ang magiging pag-asa para sa matinong kinabukasan...


>
yung mind-conditioning na ginagawa ng Secretary ng Department of Finance...

yung lagi niyang pinapalabas na mas maganda daw ang lagay ng pananalapi ng bayan sa kasalukuyan at sa nakaraang administrasyon, kumpara sa Aquino administration...

is feeling , eh magkano na ba ang pinagsamang naipong mga utang ng mga amo mo...??

---o0o---


June 8, 2023...

yung 3 Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga pekeng pain relief rub..
lokal na mamamayan ang may gawa nung brand nung pain relief rub, pero pinirata at pineke daw sa Imperyo...

is feeling , mga demonyo talaga...


>
sa Bulacan naman..
yung mga Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng pinekeng sikat na brand daw ng tsinelas...

is feeling , mga demonyo talaga...


>
sa DPWH sa Western Visayas..
yung 4 na opisyales nila na kinasuhan sa Ombudsman dahil daw sa depektibong flyover...

is feeling , build, build, build kasi mahuhuna ang itinayo...


>
hindi sa imposible ang idea ng Sovereign Wealth Fund sa panahon ngayon..
maliit pa nga yung projected dito sa bayan na 8% na return..
kasi posible ang at least 5% after every few days kung tutuusin...

papaano..?
provided na magiging legal ang cryptocurrency sa buong mundo..
then kayang-kaya ng Sovereign Wealth Fund na mag-act bilang whale..
kahit around Php 165 Million na pondo lang, kaya nang mag-trigger ng mataas na pump..
walang kailangang gawin ang mga whale kundi i-monitor yung mga asset na mabababa ang supply, maghintay ng disenteng bottom, mag-check kung walang masamang balita, tapos ay pump na...

is feeling , yun lang, madami pang mga panggulo gaya ng SEC sa panahon ngayon...

---o0o---


June 9, 2023...

yung ang aga pa..
pero nagbabangayan na kaagad ang matataas na pinuno sa UniThieves...

is feeling , scam ninyo bulok...


>
sa Presidential Electoral Tribunal (PET)..
yung nasilip ng COA na hindi pa nila isinasauli na unutilized cash deposit ng mga kandidato na naglaban sa protesta sa pagka-Vice President noong 2016...

is feeling , anong klaseng sistema 'yan...??


No comments:

Post a Comment