Loveless Story
April 9, 2023...
last time na uminom ako ng alak, lagpas 2 years ago na..
last time na nakita ko ang mga kaibigan ko, lagpas 1 year ago na..
tapos hard kaagad ang ininom... XD
is feeling , ang bilis lumipas ng panahon...
---o0o---
April 10, 2023...
pagod na pagod na ako..
ang sakit-sakit na ng ulo ko..
pilit kong iniintindi ang kamalignuhan ng kamalasan na nakabuntot sa akin..
pero hindi ko rin kayang ipaliwanag..
basta harap-harapan na lang na nangyayari ang mga kamalasan na para bang inilaan ang lahat ng iyon para sa akin... 🙁
gusto kong makalaya sa kung ano man 'tong sumpa na 'to na bumabalot sa akin..
wawasakin niya ang lahat..
at paulit-ulit na hahadlangan ang mga bagay na binubuo ko..
hindi ko naiintindihan kung anong klase ng entity sila..
pero heavily orchestrated lahat ng ginagawa nilang pagpapalubog sa akin..
kalkulado lahat ng masasamang pangyayari sa buhay ko..
ang mga karamdaman..
mga utang na ayaw nang bayaran ng mga utak-kriminal..
mga pagkalugi sa investment..
rare na pagkasira ng computer..
pati ang pag-ban sa akin ng mga babae...
is 💔 feeling , hanggang kailan ko ba malalabanan ang tadhana ko na burahin ang sarili kong existence...??
>
tried doing an advance booking..
kaso wala si Attendant Ry today...
ang dami na namang anomaly..
una, hindi nag-reply sa akin ang management nila tungkol sa hinihingi kong pag-alalay..
may naglabas din ng review tungkol kay Attendant Ry, pero ni hindi nila sinagot yung taong iyon...
is feeling , ano ba talagang nangyayari...??
---o0o---
April 11, 2023...
ang dumi-dumi ng kapalaran ko..
parang wala talaga akong karapatan na mabuhay dito sa mundo..
parang inabala lang nila ako na mabuhay, para lang panoorin na araw-araw na malasin... 🙁
is 💀 feeling , pagod na pagod na ako kakaisip kung bakit puros masasamang bagay na lang ang nangyayari sa akin...
>
nag-online si Attendant Ry today..
pero wala naman siya sa lineup..
dahilan kaya imposible na mag-request ng follow up mula sa management..
at ni hindi na naman niya binuksan ang message ko..
taliwas sa sinasabi ng iba na sobrang bilis lang niya parating kausap... 🙁
titingnan bukas kung papasok na siya..
kapag hindi na naman..
eh mukha ngang ako ang target niyang iwasan... 🙁
pero bakit..?
ano ba talaga ang nagawa ko laban sa kanya...??
is 💔 feeling , paano kang nagagamit ng FATE nang ganito laban sa akin...??
---o0o---
April 12, 2023...
alam na alam ng FATE kung sinu-sino at anu-ano ang mahahalaga para sa akin..
at automatic na sila ang sinisira ng kamalasan na dala ng tadhana ko..
either literal na wawasakin..
o di kaya eh ilalayo... 🙁
is 💀 feeling , wala na.. matatapos na ang lahat nang ganito na lang.. na wasak na wasak ako...
>
3rd day..
pero wala pa ring nangyayari.. 🙁
di pa rin siya pumapasok...
nagkamali ako..
nag-send kaagad ako sa kanya ng message noong Monday..
mukhang iyon ang dahilan kung bakit siya umiiwas ngayon..
dahil nakita niya yung notification, pero hindi lang niya binubuksan yung message...
o posible bang dahil sa maling balita sa kanilang lugar..??
pero bakit yung kabarkada naman niya, patuloy pa rin sa pagpasok...?
is 💔 feeling , bakit paulit-ulit ko 'tong nararanasan...??
---o0o---
April 13, 2023...
ang bagal nang magproseso ng utak ko.. 🙁
puros problema na lang ang laman..
ni hindi ko na magawang umiyak ngayon..
pati yata luha eh naubusan na ako...
is 💀 feeling , bakit..? bakit perpekto ang pagka-organize ng masasamang pangyayari sa buhay ko...??
>
4th day..
at isinama na ng management si Attendant Ry sa lineup..
naghintay pa ako ng 2nd post, for confirmation..
tapos saka ako humingi ng tulong sa management para sa follow up...
ni-resend ko din lahat ng messages ko for her..
pero wala talagang nangyari..
purong dedmahan lang.. 🙁
it's either unread ang messages ko o naka-block talaga ako..
diniretsa ko pa ang management kung may issue ba sa pagitan namin ni Attendant Ry..
tapos by 4:00 PM eh inalis na siya sa lineup..
maalin sa nakakuha siya ng booking for the day o itinago lang ulit nila siya...
i also tried talking to Attendant M..
nag-reply naman siya..
pero talagang parehas na ang nangyayari sa kanilang 2 ni Attendant Ry..
na pinababayaan na unread lang ang mga messages ko..
walang reply, at ni hindi nga binubuksan... 🙁
is 💔 feeling , wala na.. imposible na ang Dream Date sa ganitong level ng pagmamanipula ng FATE.. mabubura ang existence ko nang hindi nararanasan na maging tao...
---o0o---
April 14, 2023...
nasa lineup siya kaninang madaling araw..
pero wala mismo ngayong araw...
inulit ko yung tanong sa management..
kung may issue ba sa pagitan namin ni Attendant Ry..
para kako maayos ko naman if ever meron nga..
sinabihan nila ako na uulitin daw nila yung mensahe para sa empleyado nila..
at saka humingi sa akin ng pasensya...
hapon naman..
i tried asking her friend..
may business na daw kasi si Attendant Ry..
on-call na lang daw kasi ang kaibigan niya, so that means na hindi na siya nag-i-stay sa establishment nila..
rumaraket na lang siguro kung kailan niya maisipan...
a few minutes after naming mag-usap nung kaibigan niya, si Attendant Ry naman mismo ang nag-reply sa akin..
naka-leave daw siya ngayong araw, kaya sorry daw sa late reply..
i'm not sure kung sinong nagsabi sa kanya na i-message ako..
either ang management o yung kaibigan niya..
but i still don't believe her..
halos isang buwan yung dumaan from March 15 to April 14..
pero pinabayaan lang niya na unread yung messages ko..
nag-duty din siya kahapon, nag-resend pa ako ng messages, pero talagang hindi niya ginalaw...
siya nga kaya yung tinutulungan nung kliyente..?
yung aware yung kliyente na hindi naman pwede na maging sila...??
is 💔 feeling , nailatag nila nang husto ang mga dahilan.. so checkmate na ako...
>
hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may ganitong klase ng kamalasan..
paulit-ulit..
at tuluy-tuloy lang ang daloy..
isang purong losing streak sa buhay..
para lang makamit ang sapat na level ng depression na kailangan para mabura ako sa mundo...
ganito na lang magtatapos ang buhay ko..
nabubulok ang katawan..
sira ang computer..
wala ng trabaho..
hindi mabawi ang mga pera..
at hindi kailanman makukumpleto ang Dream Date... 🙁
napakatanga ko para maniwala sa buhay..
na kung makakaya kong lumaban, na baka may matupad pa ako..
gusto kong makalaya..
pero imposible pala..
sunud-sunod..
paulit-ulit..
kung ano mang mga nilalang sila..
perpekto ang kamalasan na inilaan nila para sa akin... 🙁
is 💔 feeling , walang kawala.. perfectly doomed...
-----o0o-----
April 8, 2023...
[Trade]
minor pump na naman ngayong araw..
sa PNT, hanggang USD 0.2095..
kaso nag-dump din kaagad ang mga tanga..
samantalang sa papaganda sana ang daloy nung graph kung sakaling itinuloy nila ang pag-pump hanggang gabi...
is feeling , USD 700 pa ang kulang ko.. mga t*ng ina kayo...
---o0o---
April 9, 2023...
[Trade]
palpak na naman ako.. 🙁
2 beses nag-mini pump ang PNT..
isang hanggang USD 0.214..
at isang hanggang USD 0.215..
pero hindi ko pa rin kinagat..
tapos pinabagsak nga ulit nila sa USD 0.201 lang...
base sa graph mula noong March 25..
kung nagpalugi sana ako sa USD 0.22 level..
eh nasa USD 300 plus na sana ako ngayon kung tinayaan ko lahat ng pagkakataon na bumagsak ang PNT hanggang USD 0.2 at 0.201...
pero hindi ko magawa..
dahil sa history ko..
na tuwing nagbebenta ako nang palugi, eh bigla na lang nagme-mega pump ang asset..
exactly right after the time na nalugi ako..
para lang ipamukha sa akin ang kamalasan na taglay ko... 🙁
is feeling , sa palala lang ang sitwasyon...
---o0o---
April 10, 2023...
[Trade]
isa na namang araw na puno ng mga kamalasan... 🙁
una kong napakawalan yung minor pump hanggang USD 0.218 pagkagising ko..
last time na nalugi ako, USD 205 na hinayaan kong maging USD 200 na lang..
pero this time, ibinagsak ko ang USD 215 ko hanggang USD 190..
USD 25 nang pagkalugi... 🙁
at dahil nagbenta ako nang palugi, eh nangyari na nga ulit..
ang Curse Release..
nag-decoupling ang PNT mula sa Bitcoin..
napakawalan ko yung double pump..
USD 0.213 to 0.2195..
at USD 0.213 to 0.233..
mabilis din na nadoble ang trading volume niya matapos nila akong mapatalsik..
USD 7 lang sana ang nalugi sa akin sa level USD 0.233 na palitan..
pero hindi magpa-pump ang kahit na anong asset hanggang hindi ako nagpapalugi... 🙁
ang panibagong problema..?
ayaw nang bumaba ng PNT sa bagong exit point ko..
sinisugurado nila na kung bibili man ako ulit ay sa papalugi na naman ako... 🙁
sobrang sakit na..
kapag bumili ako ng nasa average price, biglang bumabagsak nang husto ang presyo..
kapag nagbenta naman ako nang palugi, eh umaangat naman nang husto ang palitan..
wala na talaga akong pag-asa..
madalas natatanong ko, bakit hinding-hindi nangyayari yung mga pump sa tuwing nasa loob pa ako nung asset..?
at ang tanging sagot na may sense ay dahil sa taglay kong perpektong kamalasan... 🙁
is 💀 feeling , buburahin nila ako sa mundo gamit ang depression na araw-araw nilang ipinaparanas sa akin...
---o0o---
April 11, 2023...
[Trade]
pati Bitcoin nakisali na rin sa Curse Release..
saka lang nakabalik ang Bitcoin sa USD 30,000 level matapos akong magpalugi sa bentahan..
plano talaga nila na ma-evict ako mula sa trading.. 🙁
lalo na tuloy ayaw bumaba ng PNT ngayon...
alam mong malas ka..
kapag matapos kang magbenta ng asset..
eh hindi na bumababa ang palitan kumpara sa naging selling price mo...
is feeling , nagsabwatan na silang lahat para patindihin pa ang depression ko...
---o0o---
April 13, 2023...
[Trade]
nag-crash ang Bitcoin ng ilang daan kagabi..
pero di gaya ng level ng hila niya sa PNT noong umaga ng araw na iyon, eh hindi niya pa rin nahila ang PNT sa mas mababang level..
tapos nag-decoupling pa ang PNT para makalayo kaagad mula sa luma kong buying point...
nakabawi naman ng USD 5 ngayong araw..
pero simula kahapon, eh nasa USD 9 na kaagad yung napakawalan ko na dagdag kita...
is feeling , USD 15 pa...
No comments:
Post a Comment