Loveless Story
March 26, 2023...
[Gadget-Related]
nagbagal ang computer ko ngayong araw..
nagsimula sa error sa internet browser..
tapos may error na ang buong sistema...
is feeling , hindi gusto ng FATE na maka-survive ako...
>
namigay ako ng Php 10,000 sa isang p*ta..
namasahe ako ng nasa Php 6,000 para lang makipagkita dun sa p*ta..
nagbayad ako ng Php 35,000 para sa service na below Php 15,000 lang ang halaga..
at nagpautang pa ako ng Php 21,000 na ayaw nang ibalik ang Php 16,000..
tapos ang latest naman ay yung pagbili ko ng Php 11,000 worth ng component na hindi ko naman pala magagamit kasi rare ang depekto ng computer ko..
Php 63,000 na halaga ng pagtatapon ng pera..
bukod pa yung more than Php 30,000 na nalugi ko sa Binance..
kaya nasa Php 100,000 na ang halaga ng mga nasasayang kong pera... 🙁
kung hindi din naman ako makaka-recover financially..
then sana man lang magkaroon ako ng kakayahan na makaganti sa mga tao..
gusto kong gumanti..
gusto kong burahin sa mundo ang existence ng lahat ng mga tao na tumarantado sa akin..
pero hindi ko magawa..
dahil nasa kanila ang pabor ng demonyong FATE... 🙁
gusto kong magkaroon ng kakayahan na puwersahang bawiin sa kanila lahat ng kinuha nila sa akin..
habang binubura ko na rin sila sa mundo...
is 💀 feeling , ang walang kuwentang kakayahan na maging malas sa lahat ng bagay...
---o0o---
March 27, 2023...
[Gadget-Related]
dahil kina-cancel ko yung pag-i-scan ng disk kahapon..
naka-experience tuloy ng Windows Stop Code error ang computer ko kaninang umaga..
ayaw mag-boot nang tama..
mabuti na lang at kaya na ng mga version ng Windows na mag-scan ng mga corrupted file at mag-repair..
naka-recover pa din naman siya..
pero nasira na yung data sa reliability history..
nawala na yung mga nakaraan na bagsak na grado nung system...
is feeling , walang balak na itirang pag-asa ang FATE...
>
2 weeks na siyang nawala dati..
simula noong nagpadala ako ng proposal..
bukod pa nga sa nag-stealth siya ng messaging app niya after that...
tapos 1 week na ulit siyang nawala nitong nakaraan..
at mukhang mae-extend pa yata...??
bukod sa mga lumang files kung saan kasama siya, wala na talaga siyang activity lately..
inactive ang account niya, pero hindi pa naman suspended..
wala na siya sa ranking for the past week..
wala siya sa mga lineup na pino-post ng management nila..
at ultimo yung latest review tungkol sa kanya ay hindi na nila ipino-post...
ano na bang nangyayari..?
bakasyon lang ba 'to para sa paparating na okasyon..?
eh hanggang next week pa yun eh..
o siya ba talaga yung tinutukoy nung kliyente na aalisin na nun mula sa loob ng industriya..?
o nabuntis ba siya ng boyfriend niya sa bakasyon nila sa Thailand...??
is 💔 feeling , bakit ganito lagi ang nangyayari..? pipili ako ng prospect, tapos biglang nagugunaw ang lahat...
---o0o---
March 28, 2023...
[Gadget-Related]
umulit pa rin yung error kahit na nag-repair na kahapon..
nag-check disk at repair simula mag-boot sa panibagong araw..
possible daw na may problema na ang hard drive...
ano ba 'to..?
umabot ng 7 years si Unit 01..
ano, Unit 02..?
less than 6 years para sa PCIe slot..?
at nasa 6 years lang para sa hard drive..?
ano, nahiya lang ba ang FATE sa mga benefactor ko..?
kaya nila hinayaan na matapos yung 5-year contract bago nila ako paliguan ng ganitong sunud-sunod na mga kamalasan...?? 🙁
hindi titigil ang kasamaan ng buhay hangga't hindi nila nabubura ang existence ko..
such a Satanic life..
a miserable garbage... 🙁
is feeling , tama na.. huwag ka nang uulit bukas...
>
isa siguro sa mahirap na klase ng buhay..
ay yung napapaligiran ka ng mayayaman at may kaya sa buhay..
habang lahat ng ginagawa mo ay pumapalpak lang..
it makes you feel more hopeless... 🙁
is 💀 feeling , inutil...
---o0o---
March 29, 2023...
[Gadget-Related]
3rd day..
nag-boot naman na nang maayos si Unit 02...
is feeling , sana nga magtuluy-tuloy na ang pagiging okay niya...
>
bumalik na si Attendant Ry sa lineup ngayong araw..
pero hindi pa rin niya ginagamit ang kanyang account..
unang ibinalik yung latest review para sa kanya..
tapos isinama na din siya sa promotion ng management...
sino ba talagang iniiwasan mo..?
ako ba..?
pero sa anong dahilan..?
o nagkataon lang ba na nag-stealth ka sa messaging app matapos kong sabihin na lilipat na ako doon..?
nagkataon din lang ba na hindi mo na sinasagot yung iba kong messages lately...?
si Attendant Nc naman..
ngayong araw na lang siya nagbigay ng rate niya..
nag-increase na ng Php 500 per package..
grabe naman...
is 💔 feeling , bakit niya ako iiwasan..? dahil lang ba sa purong kamalasan na dala-dala ko...??
---o0o---
March 30, 2023...
kanina na lang ulit ginamit ni Attendant Ry yung account niya..
after exactly 14 days...
ang kakaiba..?
siya na ang gumawa ng sarili niyang promotion..
samantalang sa promotion naman siya ng management tinanggal..
pero anong rason..?
are they encouraging her na gawin ang trabaho niya at huwag umasa lang sa kanila...??
pero siguradong nasurpresa na naman siya sa dami ng notifications na iniwan ko para sa account niya..
bukas makikita ko kung may ginawa siya laban sa account ko..
kapag naging invisible siya sa akin, at hindi para sa mga drone ko, then ibig sabihin na kumikilos nga siya ng laban sa akin..
para iwasan ako...
is feeling , huwag na huwag mo yung gagawin...
---o0o---
March 31, 2023...
kung masisingil ko lang sana yung Php 16,000 na pautang ko sa demonyo..
o kung mabebenta lang sana yung nasa Php 9,000 plus na graphics card..
pwede ko na sanang ikasa yung Dream Date kahit pa mas mapamahal...
kaso..
perpekto talaga ang pagiging basura ng buhay na inilaan para sa akin ng mga namamahala...
is 💔 feeling , mga demonyo kayong lahat...
-----o0o-----
[V-League]
PVL All-Filipino Conference 2023 (Finals)
March 26, 2023...
talo ang Creamline sa Game 1..
ngayon ko lang nakita ang lineup ng Angels, at panay Ace Player pala ang first 6 nila..
si Palma lang siguro ang hindi masyadong pang-Ace ang laro...
malinis ang depensa ng Angels simula sa blocking hanggang sa coverage..
samantalang madalas na nahihila ang depensa ng Creamline sa harap, kaya masyadong butas ang kanilang likuran..
bukod pa sa lamang na naman sila pagdating sa errors...
is feeling , delikado 'to.. posibleng matalo na naman ang Creamline dahil sa dala-dala kong kamalasan...
---o0o---
March 28, 2023...
nakabawi naman ang Creamline sa Game 2..
bukod sa dumami ang errors ng Angels..
activated din lahat ng attackers ng Creamline..
mas lumawak ang coverage ni Atienza..
may mga service error man ulit, pero nakadami naman sila today ng service aces..
at sobrang na-activate ang blocking nila...
nakakatakot yung Set 1 dahil sobrang init kaagad ng laro ng Angels..
ganun din ang Set 4 dahil kinontra ng 10 errors ng Creamline ang madami nilang attack points..
pero nagagawa nga nilang manaig sa tuwing malinis ang laro nila...
is feeling , consistent attack, defense, at service ang susi para maging Champion...
---o0o---
March 30, 2023...
luko-luko 'tong Creamline..
natalo na naman sa Set 1..
nakakatakot tuloy yung simula nung laban...
pero Champions na ulit sila..
ang Team AVC ng bayan..
Team AVC ng Creamline...
game changer si Sato..
all-around ang naging contribution niya kahit na substitute player lang siya...
pang-Finals' MVP naman ang naging performance ni Galanza..
na siya ding tumapos sa laban..
triple-double performance na ulit..
with 19 attacks, 16 digs, and 11 excellent receptions...
talo si Morado ni Cheng sa puntusan ng mga Setter..
pero ang importante ay na-activate ni Morado lahat ng attackers niya...
Creamline Awards:
- Best Setter - Morado
- Best Outside Spiker - Galanza
- Best Outside Spiker - Caloy
- Best Opposite Spiker - Binibining Gumabao
- Conference's MVP - Caloy
- Finals' MVP - Morado
is feeling , salamat...
-----o0o-----
March 25, 2023...
[Trade]
saglit pang nakagulo kagabi ang Binance..
nag-suspend ng spot trading..
mukhang nagka-glitch daw...
is feeling , hanggang kailan na naman ako malulugi nito...??
---o0o---
March 27, 2023...
[Trade]
hindi talaga magawang sumipa ng PNT..
dahil sa kamalasan na dala-dala ko... 🙁
samantalang ang DREP..
hindi pa man siya bumababa sa dati niyang level..
pero heto at siya pa talaga ang naunang umangat sa 3 binabantayan ko...
is feeling , laging umiiwas ang magandang kapalaran.. para makasigurado sila na magdudulot sila ng depression...
---o0o---
March 28, 2023...
[Trade]
bagsak na naman ang PNT.. 🙁
bumagsak ang Bitcoin dahil nagkaroon ng kaso ang Binance...
is feeling , kailangan ko lang ng isang matinong whale pump...
---o0o---
March 29, 2023...
[Game]
first time kong nakapasok sa Top 20,000 sa 2 magkasunod na ranking era..
partida pa na mahina lang ang team ko..
isang malaking patunay na madami na ang umaalis doon sa game..
gumana naman yung huling parking na ginawa ko, kahit pa naparusahan ako ng decay..
ilang daan na lang yung naging allowance ko, mula sa 17,000 plus na stagnant ranking for almost 3 days...
dahil dun eh naka-secure na ulit ako ng nasa 75% ng AXS...
kaso naglalaro na ulit ako sa ganitong level..
nabawasan lang ako ng 8 Stamina, so mas mababa na kumpara noong nasa Classic pa ako..
pero wala na din naman akong trabaho sa ngayon eh, kaya hindi na din masama na maglaro...
is feeling , nagpapatay ng oras sa more than 2 years na nalalabi sa buhay ko...
---o0o---
March 30, 2023...
[Trade]
nag-pump ang Bitcoin hanggang sa USD 29,000..
kaso hindi talaga magawang makalagpas ng PNT sa USD 0.218..
most probably dahil sa Reverse Midas ko... 🙁
tapos nangyari nga ang kamalignuhan sa PNT noong hapon..
after ng pump and dump ng Bitcoin sa USD 29,000 na level..
biglang nag-dip ang PNT kahit na umaangat naman ulit ang Bitcoin... 🙁
is feeling , ang purpose ng FATE ay wasakin ang loob ko...
---o0o---
March 31, 2023...
[Manga]
One Punch Man
Saitama versus Tornado..
naubusan ng lakas si Tornado kakasubok na tapusin si Saitama...
is feeling , buwisit na laban 'yan.. no match ang S-Class Rank 2...
No comments:
Post a Comment