Saturday, April 9, 2022

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of April 2022 (Misfortune Streak and the Life Contract)

Loveless Story


Cancel Culture


April 2, 2022...

so si Attendant M nga ang ginagamit laban sa akin ng FATE sa ngayon..
siya ang ginawa nilang bait..
nahulog ako sa trap..
tapos saka binasag yung schedule ko...

hay naku..
problema ko na naman ang pera nito... 🙁

dahil kasi hindi ko siya mae-evaluate sa ngayon..
ibig sabihin eh babalik na naman ako sa susunod para naman sa kanya..
bago ko ma-finalize kung sino nga ba ang yayayain ko para sa Dream Date...

at dahil binasag nga niya ang schedule ko ngayon..
eh magiging Php 90,000 pa din ang target para sa susunod...

is 💔 feeling , gusto ko sana ng kalmadong utak.. pero talagang tuso ang mga kalaban ko para sa torture nila...

---o0o---


April 3, 2022...

[Strange Dream]

had a nightmare...

nasa higaan ko daw ako..
sa itaas ng double deck..
pero katabi ko daw yung p*ta..
hindi ko na maalala kung anong pinag-uusapan namin noon..
baka tungkol sa utang niya..?
pero yakap-yakap ko daw siya noon..
hanggang sa supposedly eh natulog na kami...

pero nasurpresa ako nang biglang may tumayo sa may paanan nung double deck..
si Arjo pala iyon..
so nagtulug-tulugan daw ako, habang pinakikiramdaman kung anong gagawin nila..
naka-third person point of view ako kaya naman kita ko pa rin yung 2 kahit na nakapikit yung katawan ko sa panaginip ko...

lapit nang lapit si Arjo noong umpisa sa paanan na portion nung double deck..
na para bang ipinaparamdam talaga niya ang kanyang presence..
hanggang sa parang kinausap niya yata yung p*ta tungkol sa pera na kinita nila..
gising naman pala yung babae at nagpasalamat ito kay Arjo..
tapos nag-request din daw ito ng pagbibigay ng noodles yata iyon, para sa kung anong charity...

is feeling , kalokohan.. bayaran ninyo ang utang ninyo sa akin.. mga pasarap buhay kayo...


>
perfectly destroyed..
absolute depression... 🙁

t*ng ina..
hindi ako sumama sa bonfire..
tapos ganito...?? 🙁

put*ng ina mo, FATE..
lahat na lang talaga..
wawasakin mo ang lahat, basta makumbinsi nyo lang ako na magpakamatay na... 🙁

t*ng ina ninyo..
wala akong kalaban-laban sa inyong mga power tripper kayo...

is 💔 feeling , t*ng ina, paubos na ang Endorphins ko...


>
dahil wasak naman na ulit ang lahat..
kukuha na lang muna ako ng COVID-19 booster shot this week..
tutal eh baka punitin na ang mga vaccination card para lang makapaglabas naman sila ng pondo para sa mga booster card...

is feeling , kamatayan para sa lahat ng mga power tripper...


>
nangyari na nga ulit... 🙁

akala ko na si Attendant M lang yung nawala sa akin..
pero hindi pa doon tumigil ang FATE..
kanina, c-in-ontact ako ni Attendant Ry para ipaalam sa akin na baka hindi na siya makapunta sa appointment namin... 🙁

ang sakit..
ang sakit-sakit..
Arianny Celeste 'yon..
pero winasak na naman ng FATE..
lahat ng mahalaga para sa akin na nade-detect ng FATE, automatic na winawasak nila... 🙁

ang bigat-bigat sa pakiramdam ng kamalasan na 'to..
itong Reverse Midas na kayang wasakin lahat ng mga gusto kong mangyari..
i'm being destroyed repeatedly..
continuously, through life... 🙁

mukhang may lalaki na siya..
huwag naman sana..
hindi pwedeng yung lalaki na 'yon ang maging dahilan ng pagreretiro niya..
hindi pwedeng ngayon..
hindi dapat ngayon..
ngayon pa talaga kung kailan nahanap ko na siya..
hindi pwedeng maging The One That Got Away ko din siya... 🙁

according kay Attendant Y..
may problema daw sa family..
ayon naman mismo kay Attendant Ry, eh nasa bakasyon siya..
3 Maxvit na yung nasayang ko..
wala naman pala akong pinaghahandaan... 🙁

is 💔 feeling , kung lalaslasin ko na ba ang pulso ko, hahayaan nyo na bang maging maayos na ulit ang mundo..? papatayin nyo ba lahat ng masasamang tao kasabay nang pagkawala ko...??


>
so may nagagawa din palang makabuluhan 'tong Facebook..
naintindihan niya ang pagta-Tagalog ko at nag-alok ng tulong...

pero ano bang magagawa nila..?
mga diyos ang kalaban ko..
anong magagawa ng mga mortal laban sa mga power tripper...??

is feeling , hindi natin malalabanan ang FATE...


>
sa sobrang sama ng nangyari..
hindi ko na alam kung ano pang planong gawin ng FATE sa susunod...

pero..
gagamitin ko na rin lang yung pagkakataon para i-pursue yung totoong goal..
sobrang limitado na ng mga resources ko..
hindi ako dapat paulit-ulit na nagkakamali..
kailangan kong ma-evaluate sina Attendant Ry at Attendant M nang isang padaan lang...

is feeling , mahina ako.. malakas ang kalaban.. pero walang ibang option...

---o0o---


April 4, 2022...

sumagot kanina si Attendant Ry sa pabor na hiningi ko sa kanya..
ang sabi ko kasi kung kaya ba niyang i-promise sa akin na imi-meet naman niya ako kapag bumalik na siya sa trabaho..?
at sinabi niya na oo naman daw...

is 💌 feeling , tama na yung may nag-iisa lang akong The One That Got Away.. hindi na 'yon dapat na madagdagan pa...

---o0o---


April 5, 2022...

nagpa-COVID-19 booster shot na..
kahit na masama pa ang panahon ngayong araw...

una..
para makabawas naman sa mga mabubulok na vaccine sa July..
sayang ang trilyones na inutang kung itatapon lang o di kaya eh ipapamigay sa ibang mga bansa..
habambuhay tayong magbabayad ng mas matataas na tax rate para lang masubukan na makabayad..
but then, parati namang may mga nauupo sa kapangyarihan na ibinabaon tayo at kumi-kickback gamit ang mga projects...

na-hold pa ako ang mga taga-kuha ng BP..
natakot sila dahil 120/80 ang BP ko bago ako maturukan..
pero 3 beses nila akong kinunan ng BP..
at 140/100 hanggang 150/100 lang yung nakukuha nilang resulta..
nagpa-discharge na rin naman ako dahil wala naman talaga akong nararamdaman..
tsaka may trabaho pa ako eh..
tapos nagpakuha din ako ng BP pagkauwi ko sa bahay, pero totoo nga yung nakukuha sa akin na resulta...

bukod doon..
ginawa ko na din ito para kina Attendant Ry, M, at Y..
dahil gusto kong maging ligtas sila mula sa akin..
dahil responsibilidad ko iyon sa kanila...

is feeling , COVID-19 pa rin 'to.. COVID dick, huwag na huwag kang gagana sa akin.. hindi ako otso-walo-eight para bawasan pa ng 1 and 1/2 inch...

---o0o---


April 6, 2022...

ka-date ko na sana si Attendant Ry ngayong gabi..
ang Arianny Celeste na 'yon..
kasama si Attendant Y..
pero nawasak pa talaga ang lahat...

wala namang nawala sa akin..
kaya pwede ko pa ulit subukan..
kailangan nang umubra sa susunod..
kailangang mapagtugma ko sila ni Attendant M...

is 💔 feeling , bawal ang mga The One That Got Away...

---o0o---


April 7, 2022...

una nilang kinuha sa akin si Attendant M..
available daw siya noong unang beses akong nagtanong ng schedule..
pero noong may na-set na akong date, eh bigla siyang minanipula ng FATE..
ilang araw siyang nawala..
at pagkabalik niya eh hindi na daw siya pwede sa itinatanong kong date... 🙁

sunod nilang kinuha si Attendant Ry..
nakakuha ako ng schedule sa kanya..
pero hindi ko mai-reschedule nang mas maaga para tumugma kay Attendant M..
then si Attendant Y naman ang nag-request ng reschedule..
nadamay pa si Attendant C sa bagong appointment..
pero a few days bago kami magpana-panagpo, eh minanipula na rin ng FATE si Attendant Ry para mag-cancel sa akin... 🙁

tapos ginamit nga ng FATE ang SLP at Axie Origin sa latest nitong pag-atake sa akin..
alam nilang aasa ako doon sa event para ma-boost sana ang palitan ng SLP..
kaya naman minanipula nila ang market para bumagsak ito bago pa man i-release ang Origin... 🙁

lahat kontrolado ng FATE..
gusto talaga nila na magpadala na ako sa depression na dulot ng mga ginagawa nila laban sa akin..
kailangan ko ng matinding depression para magawa kong tapusin na ang sarili ko...

is 💔 feeling , wala na ba talaga akong magagawa kundi magpakamatay na lang...??

---o0o---


April 8, 2022...

wala na..
pumirma na ako doon sa insurance... 🙁

ibig sabihin..?
naka-lock na ako sa isinumpang buhay na 'to..
kailangan kong pagdusahan ang pagiging buhay..
kailangan kong yakapin ang pagiging miserable..
kailangan kong kumain ng depression araw-araw..
hanggang sa put*ng inang huling sandali ko sa basurang mundo na 'to...

is 💀 feeling , ito ang gusto nila.. walang takas sa buhay.. ang entertainment para sa mga diyos...


>
hindi ako pwedeng mabuhay...

pumasok ako sa 3D, pero tinapatan nila ako ng online piracy..
pumasok ako sa subscription method, pero hindi man lamang umaabot sa 15 ang mga supporters ko..
nagpatuloy ako sa mga sideline ko, pero lahat ng iyon eh winasak ng bioweapon..
pumasok ako sa gaming, pero kaagad akong nadali sa pyramid scheme nila..
pumasok ako sa trading, pero tadtad naman ako ng mga kamalasan bilang isang market destroyer...

sobrang hirap ng ganito..
alam mong wala ka ng patutunguhan..
alam mo na kahit na ano pang gawin mo eh wala din namang ibubunga na maganda..
alam mo na kamatayan lang ang plano nila para sa'yo..
pero laban ka pa rin nang laban..
niloloko mo ang sarili mo, at umaasa na may pag-asa pa..
pero ang totoo..?
hinihintay lang nila na mapanood kung paano mo buburahin ang basurang existence mo dito sa mundo nila...

is 💀 feeling , mabubuhay ka dahil sa ibang tao.. pero hinding-hindi ka mabubuhay nang dahil lang sa sarili mo...

-----o0o-----


April 8, 2022...

[V-League]

PVL Open Conference 2022

madami na ang nagbago..
wala na akong panahon para manood..
wala na ring Morado sa loob ng court, de Guzman na siya ngayon..
ito ang kauna-unahang conference na bago na yung pangalan sa jersey niya..
wala din naman ang challenge na kayang iparamdam ni Jaja...

at dahil nga doon eh muling nabawi nina Baldo ang title para sa Open Conference..
wala silang nakuhang talo...

is  feeling , congratulations kina Morado at Galanza para sa isang panibagong championship...

-----o0o-----


3rd Trading Fall


April 4, 2022...

[Trade]

nagpakawala ako ng nasa USD 74 na posibleng kita sa SLP mula kahapon..
from USD 0.020 to 0.023 na run iyon...

tapos heto..
mali na naman yung pasok ko..
pasok ng nasa USD 0.0236..
pero dahil sa Reverse Midas ko, eh bumulusok ang SLP pababa hanggang USD 0.0225..
iyon sana ang magandang entry point kanina..
USD 27 din sana iyon na patubo...

gusto kong magising sa isang umaga na Php 3 na ang palitan ng SLP...

is feeling , yung Reverse Midas ko na kayang magpabagsak ng palitan ng SLP by USD 0.0011...


>
[Manga]

One Piece

wala na..
toughest pirate ship na ngayon ang Thousand Sunny..
iyon ay kung nakasakay sa kanya ang Kapitan nila na si Luffy..
dahil kaya na ngayon ng Awakened Devil Fruit ni Luffy na bastusin maging ang mga Haki na pang-Yonko..
ibig sabihin na wala ng magagawa laban sa barko nila ang mga cannon ball ng mga kalaban, kahit pa kargahan ito ng Haki na mas mababa ang level kumpara sa mga Yonko...

bukod dun..
eh may anti-Mecha na rin siya...

is feeling , Raizen...


>
[Trade]

kanina, nag-cause nga ako ng resistance dahil sa entry point ko sa SLP na USD 0.0236..
pero anong nangyari pagka-exit ko..
nag-siesta ako ng mga 1 and 1/2 hour..
at pagkagising ko, pumalo na sa USD 0.028 ang palitan..
USD 91 na kita na sana iyon..
pero napakawalan ko din... 🙁

ako ang creator of resistance..
ang market destroyer..
pero bulls unleasher...

yung nangyari sa bookings ko..
at ang mga nangyayari sa investment ko..
ginagawa akong katatawanan ng FATE..
dahil hindi ako dapat mabuhay..
at lalong hindi ako dapat mabuhay nang masaya..
masakit na makita nang harap-harapan ang mga kayang idulot ng kamalasan na dala-dala ko... 🙁

is feeling , Reverse Midas...


>
[Trade]

anyway..
kumita naman ako ng nasa USD 22 ngayong araw..
hindi pa naman totoo ang release ng Axie Origin..
kasi experimental stage pa lang..
but still, may 3 araw pa siguro ako para masakyan yung trend...

gusto ko sanang magkaroon ng lakas ng loob para sumugal sa SLP..
actually, nag-reenter na ako sa USD 0.027, matapos kong makakuha kanina ng USD 14 from the same entry point..
alam kong risky..
kasi kapag pumalpak ako, eh mai-stuck ang pera ko sa SLP..
baka sumala ang schedule ko sa muling paglaban ng XRP..
pero kung ganun ang mangyayari, eh baka pwede ko pa ring mahintay ang formal release ng Axie Origin na susunog supposedly sa maraming SLP...

sana magawa kong maabot yung USD 0.04 o 0.05...

is feeling , gusto kong magising sa magandang palitan ng SLP, nang may taya naman ako...

---o0o---


April 5, 2022...

[Game]

at dahil gumagana naman pala ang Ronin transfer..
eh nag-cash out na ulit ako ngayong araw...

255 days..
598 SLP dahil sa Critical imbalance..
so parang nasa 39 SLP na lang ang average ko...

na-transfer ko siya habang ang palitan ay nasa USD 0.0267..
so parang USD 16 or Php 819 plus..
dahil doon, eh nasa USD 763 na dapat yung base value ng lahat-lahat ng assets ko..
habang nasa USD 1,256 naman na ang goal ko para sa Php 3.00 na palitan nila...

is feeling , SLP, sumipa ka, kahit hanggang Php 2.00 lang.. pero mas maganda kung hanggang Php 3.00...


>
[Trade]

so nagkamali ako kagabi, kaya naman napakawalan ko ang 2 maganda sana na pagkakataon..
isang entry point sa madaling araw na pwede ko sanang makuha through auto-buy..
USD 0.0255 to 0.0272 nang nagising ako..
click sell na lang sana at may USD 34 na ako na increase..
mula sa selling point eh posible naman akong mag-reentry sa USD 0.026 bago ako umalis kanina ng bahay..
then benta noong pagkabalik ko sa palitan na USD 0.028..
USD 42 naman sana ang kinita ko mula doon...

pero panay mali ang mga desisyon ko...

so far, 2 beses pa lang ulit akong kumikita simula kagabi..
USD 42 din iyon..
kaso mali na naman ang entry point ko after that..
masyadong mataas ang USD 0.0275..
samantalang bumagsak ang palitan hanggang USD 0.026 lang..
nagkamali din ako ng tantsa, dahil walang nag-pump ng palitan ng SLP gaya ng ginawa nila kahapon...

lagot na..
April 7, ikaw na lang ang inaasahan ko..
sa status ng graph ngayon, eh magiging pula pa rin ang 24 hour change bukas kung walang magpa-pump ng SLP..
posibleng by 23:00 pa pamaya mag-green ulit ang market...

is feeling , kailangan ko ng himala dito.. kailangan kong magtiwala sa SLP...

---o0o---


April 6, 2022...

lagot..
nakapag-log in ang Facebook account ko kahit na nagkamali ako ng type ng domain name...

is feeling , anong kalokohan 'yon..? bakit ni-recognize yun ng system...??


>
[Trade]

heto..
disabled sa trading..
nahuli ako ng FATE sa trap nila..
mula sa entry point ko na naging resistance dahil sa Reverse Midas ko..
eh pinabagsak nila ang palitan by 0.0048..
kaya naman libu-libo na naman ang nawawala sa pondo ko... 🙁

natatakot ako.. 🙁
sobrang pinasadsad nila yung value..
na ilang araw bago naakyat..
kaya naman kung umakyat man ulit ang palitan ng SLP, eh baka hindi matamaan yung entry point ko...

Axie Origin..
kailangan mong maghimala..
Php 3.00 o 5.00 man lang na palitan..
siguro magsisimula lang magbago ang presyuhan kapag may mga nagsunog na ng SLP...

is feeling , hindi pa rin ako nagigising sa isang umaga na may sobrang gandang palitan...


>
[Trade]

wala na..
hanggang 15:00 kanina, okay pa naman yung ginagawang rally ng SLP..
bandang 22:30 sana mamaya eh naka-green na ulit siya kung na-maintain lang yung trend...

pero may ibang plano ang FATE..
paglagpas ng 15:00 ay pinagbagsak na nila ang market..
nasa USD 0.022 na lang siya ngayon..
at mukhang hihilahin pa ng mga put*ng ina pabalik sa USD 0.020 lang...

ganito din ang ginawa sa akin ng GMT at dForce noon..
pinabagsak nila ang market noong may investment ako..
samantalang sobrang lumago ang GMT pagka-exit ko sa kanila...

is feeling , wala akong kalaban-laban sa FATE.. lalamunin lang nila ako nang buhay...

---o0o---


April 7, 2022...

[Trade]

naglinis ng portfolio ko..
kaninang umaga ko lang nakita yung feature na pwede palang i-trade lahat ng mga putal na assets sa BNB..
2% yung fee..
pero hindi na masama, dahil baryahan lang naman yung i-t-in-rade ko...

tapos..
mabuti at pumasok yung value ng BNB ko para sa locked staking..
nakatulong yung pag-angat ng presyo ng GMT para ma-boost yung value nung putal kong GMT..
halos USD 1.00 din yung na-produce kong value ng BNB..
at ini-lock ko na nga siya sa staking na good for 120 days...

is feeling , bakit ba laging late ko natututunan ang mga bagay-bagay...?


>
[Trade]

this doesn't look good... 🙁

hanap ako nang hanap ng news tungkol sa Axie nitong mga nakaraang araw..
pero for some stupid reason, eh kanina lang naglabasan sa Google search ko yung mga balita noong mga nakaraang araw din..
bale, marami na nga palang players ang umaalis na doon sa laro bago pa man nangyari yung hacking incident...

so bad publicity iyon, bukod pa nga doon sa mismong milyon-milyon na nanakaw..
yung mga SLP Whale, mukhang nag-sell off sila noong time bago ako na-trap sa palitan..
nasa red warning ang Bitcoin bago pa man hinila pababa ang SLP, at malaki-laki ang depreciation niya..
at bumaba din nga ang mismong trading volume ng SLP kumpara sa market cap niya...

t*ng ina..
nawala na naman lahat ng effort ko..
kung magpapatuloy ang bangungot na 'to dahil lang sa Reverse Midas ko..
wala talagang mangyayari sa nalalabi kong buhay... 🙁

is feeling , put*ng ina ninyo.. hanggang kailan ninyo ako paglalaruan nang ganito..? kailan ako magigising sa isang umaga na may malaking palitan...??


>
[Game]

so ganito na lang..?
wala talagang impact ang Axie Origin para sa SLP...??

13 lang ang Stamina ko sa Origin..
bale katumbas 'yon ng Energy sa V2..
bababa 'yon sa 10 kung mabebenta yung 1 kong Axie...

mas matagal ang labanan sa Origin..
dahil na rin sa cards ng mga bangkay..
nabubunot pa rin kasi ang cards ng mga patay na Axie at nagta-transform na lang ang value...

mukhang 55 days ang ibinigay nilang palugit para i-test ang Origin..
at sa ngayon eh madami pang hindi gumagana nang tama...

is feeling , paano na..? lagpas USD 100 na ulit ang nawawala sa akin...??

---o0o---


April 8, 2022...

[Trade]

4 na beses ang inilobo ng bentahan ng mga Axie..
pero mukhang mga lumang Axie lang ang mga iyon..
ibig sabihin, walang nagbe-burn ng SLP...

mas bumaba pa ang trading volume ng SLP..
habang patuloy sa pagtaas ang circulating supply niya sa market...

tapos 4 na araw nang tatanga-tanga ang mga active traders ng SLP..
sa halip na itama sa low point ng kahapon ang pag-pump nila sa palitan, eh mas hinihila pa nila pababa ang SLP..
t*ng ina, mga pahamak... 🙁

hindi na ako pinansin nung exorcist na pari..
malamang na dahil din sa impluwensiya ng FATE.. 🙁
kung ano mang entity dyan ang mas malakas pa kesa sa mga nagmamanipula sa FATE..
pausap na, patayin nyo na sila..
gusto ko nang matapos ang bangungot na 'to... 🙁

is feeling , patayin nyo na ang FATE...


>
[Game]

tapos na kahapon sa Adventure..
kulang na lang ng mga stars para sa level ng Foraging..
asa na lang sa Foraging para sa pagmimina ng Crafting ingredients...

sugal ang Crafting..
at paramihan lang talaga ng resources ang labanan...

is feeling , ano na..? makakaya mo pa ba talaga na mapag-pump ang SLP matapos ninyong magpanakaw...??


>
[Trade]

wala na..
wasak na talaga ang lahat..
nakakailang dip na ang SLP..
at umabot na rin siya ngayong araw pabalik sa below USD 0.02 zone... 🙁

ganito kalakas ang kakayahan ng Reverse Midas ko..
wawasakin nila ang lahat ng may value para sa akin... 🙁

sa ngayon, nananatili pa rin namang buhay yung Php 18,000 na naibalik ko sa market..
pero kailangan ko na silang kalimutan lahat..
kailangan ko nang kalimutan yung Php 38,150 ko, na paulit-ulit na nilang hinila pababa ang value.. 🙁
hindi ako naglaro ng Axie Infinity scam..
hindi ako nag-invest sa XRP..
hindi ako nag-invest sa dForce..
hindi ako nag-invest sa SLP..
kailangan kong kalimutan na may pera ako sa Binance...

nagtapon nga naman ako ng Php 91,000 para lang sa isang manggagamit na p*ta, di ba..?
ano nga ba naman kung magtapon ulit ako ng Php 38,000...?? 🙁

kamatayan lang ang nababagay para sa akin..
iyon lang..
hindi ako nilikha para mabuhay nang masaya..
nilikha lang ako bilang isang entertainment..
kailangan kong tapusin ang mismong sarili ko para mapasaya ko ang mga diyos...

is feeling , pangarap ko na magising sa isang umaga na lumaki na yung palitan.. pero dahil sa Reverse Midas ko.. every time na nagigising ako, lalo lang nababaon ang SLP...


No comments:

Post a Comment