Saturday, April 23, 2022

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of April 2022 (TOTGAs Fulfilled)

Loveless Story


April 17, 2022...

ni-remind ko talaga siya tungkol sa utang niya ngayong araw..
dahil sa okasyon nila para bukas...

mahirap na..
baka magpakasaya na naman ang mga basurang iyon..
baka maglustay na naman ng pera..
luho muna, bago isipin ang mga utang...

gusto ko siyang ma-stress dahil sa mga panloloko niya...

pero as expected..
idinahilan na naman ang kanyang mga sakit..
next month pa daw magkakatrabaho..
saka daw susubukan ulit na maghulog...

is feeling , puro kasinungalingan...


>
from Wednesday to Sunday ini-ignore lang ako ni Attendant M.. πŸ™
kahit pa araw-araw naman ang activity niya simula noong Tuesday...

ganito kadumi maglaro ang FATE..
ang sakit lang..
alam na alam nila kung saan ako mahina..
na ayoko ng mga The One That Got Away..
alam nila kung paano ako masasaktan..
kung paano ako hindi magiging maligaya... πŸ™

is πŸ’” feeling , Attendant M, huwag kang magpagamit sa kanila...

---o0o---


April 18, 2022...

[K-ture / Cuties / Music]

Kang Daniel - Something (OST - Backstreet Rookie)



ito ang pinaka-latest kong natapos na Koreanovela..
madali lang kasi siyang subaybayan sa tanghali...

simple lang yung story niya..
tamang-kilig lang..
na may mga astig na female fight scenes...

paborito ko rin kasi talaga 'tong si Kim Yoo-jung, noon pa mang bata-bata pa siya..
dalaga na kasi siya ngayon..
masaya ako kapag nakikita ko siya..
kahit papaano, pakiramdam ko na naging masuwerte ako noon..
dahil may nakatrabaho na ako na kahawig at kasing-puti niya..
voluptuous version nga lang...

is πŸ’˜ feeling , ang ganda din nung kanta...


>
sinusubukan kong manatiling normal ang katawan ko..
ginagamitan ko ng ice therapy para hindi lumala ang skin allergy ko..
pero habang tumatagal..
habang mas nai-stress ako sa iwasan na nangyayari..
mas hindi ko mapigilan...

first week..
noong first week pa dapat ako nakalabas..
SSS na dapat ang inaasikaso ko ngayon..
pero dahil sa put*ng inang bakasyon na 'yan..
nasira ang lahat..
sira hanggang ngayon...

is πŸ’€ feeling , alam ko naman ang plano.. yung lumala ako at mas maging abnormal ang katawan ko dahil sa delay na nangyayari...


>
nawala na rin sa akin ang Monday..
and to think na March ko pa 'to inaasikaso... πŸ™

kakahintay ko kay Attendant Ry..
hindi ko napansin na matagal na din palang tigil sa trabaho si Attendant Y..
a day after nung c-in-ancel ko na appointment namin, wala na pala siyang activity simula noon...

naiinis ako..
pero wala na akong magagawa..
cancellation ni Attendant Ry, humantong nang humantong sa iba pang mga cancellation..
bukod pa sa pag-iwas ni Attendant M...

dikta ng FATE na kailangan ko parating ma-filter..
gustung-gusto nila na binubuwisit ako sa ganung paraan..
kabisado nila na ayoko talaga sa mga The One That Got Away..
gusto nilang isinasaksak palagi sa isip ko na malas ako..
na iiwasan at iiwasan lang ako ng mga tao..
hindi nagkataon ang pagiging talunan ko..
dahil lahat ng 'yon itinakda ng mga naglalaro sa buhay...

is πŸ’” feeling , paano ko malulusutan ang filter nila kung ganito...??


>
kalma lang..
kailangan mong tandaan na wala namang nababago ang pagsasabi ng totoo..
hindi na dapat mabahiran ng kung anong problema ang latest account mo...

tandaan mo na lahat ng may halaga para sa'yo eh kontrolado ng FATE laban sa'yo..
ganun sila kademonyo kung magmanipula ng buhay ng mga tao...

pasensya lang..
kung patuloy kang iiwasan..?
humingi ka ng tulong sa management..
kapag hindi umubra..?
mandaya ka..
magsinungaling ka..
gumamit ka ng Bypass...

is feeling , paulit-ulit na lang ang pattern na ito...

---o0o---


April 19, 2022...

nawala na rin sa akin ang Wednesday... πŸ™

late na kasi nakabalik si Attendant Y..
ngayong araw na lang kami ulit nakapag-usap..
so imposible na ma-secure pa yung Wednesday...

ngayon na lang din ulit sumagot sa akin si Attendant M..
kung hindi pa ako humingi ng tulong sa management nila..
in-off niya pala ang seen notification niya..
sobrang salbahe...

kaso kay Attendant Ry naman tumagal ang communication this time.. πŸ™
hindi siya makapagbigay ng siguradong sagot eh..
ayaw niya nang solo..
mukhang mas gusto niya na tatluhan thinking na pwede siyang umatras anytime at iwan ako sa kasamahan niya...

this isn't looking good..
kontroladong-kontrolado na ng FATE ang sitwasyon..
pakiramdam ko na wala akong kalaban-laban..
na magkakaroon at magkakaroon ng problema habang tumatagal..
at kahit na ano pa ang gawin kong paraan...

is πŸ’” feeling , kailangan na wasak ang buhay ko araw-araw...


>
wala na ba talaga akong magagawa para labanan ang basurang buhay na 'to..? πŸ™
hindi ko na alam kung anong gagawin ko..
sobra nang kontrolado ng FATE silang lahat...

si Attendant M iniiwasan ako.. πŸ™
kung hindi naman siya umiiwas, ako naman yung napapahiya sa mga proposal ko..
pati sa management nila eh napapahiya na ako...

si Attendant Y, reliable pa rin naman..
pero wrong timing yung availability niya...

si Attendant Ry naman..
sobrang lapit ko na sana sa kanya eh..
nakakuha na ako ng schedule..
pero na-cancel niya..
after ng cancellation, nawala siya nang matagal..
tapos heto ngayon, hindi na definite yung schedule niya..
anytime, pwede nang magpabago-bago yung isip at availability niya...

is πŸ’” feeling , sobrang lapit ko na sana eh.. pero biglang gumulo nang gumulo ang lahat...

---o0o---


April 20, 2022...

will be activating the 48-Hour Rule simula bukas ng 5:00 AM...

ewan..
actually, hindi ako sigurado..
hindi malinaw ang naging takbo ng mga pangyayari..
pero gusto kong umasa..
na magagawa namin na mabalewala ang FATE bukas..
kahit bukas lang..
para makumpleto ko lang ang goal na 'to...

is πŸ’˜ feeling , para kay Arianny Celeste...

---o0o---


April 22, 2022...

na-late lang ako nang pag-online...

deactivating the 48-Hour Rule...

is feeling , t*ng inang MMDA at LTFRB 'yan.. mga basura...


>
yung pro-tax evader yung nasakyan kong taxi kaninang umaga...

untikan pa kaming nadisgrasya dahil kaskasero..
racer sa intersection...

at pumapaltok pa yung metro niya..
ang tagal na stable yung mga numero..
tapos bigla na lang nagpapalit nang malalaki ang dagdag...

is feeling , basura ang diyos, basura ang tagasunod...


>
ang weird..
nagtampo sa akin ngayong araw si Attendant M..
hindi ko daw kasi siya binati kaagad today..
kaibigan din daw ang turing niya sa akin kaya siya nagpaparamdam maging sa labas ng oras ng trabaho...??

pero bakit..?
kung tutuusin hindi naman niya kailangan ng review mula sa akin, dahil madami naman ang pumapasok na review para sa kanya..
same thing goes sa mismong trabaho..
ano kayang nangyari doon...??

is feeling , sinubukan pang magpatulong sa akin sa gawain niya sa school...

---o0o---


April 23, 2022...

yung halos 2 days kang wala..
tapos saktong may schedule muna ng short power interruption bago ka tuluyang makabalik sa trabaho..
at next week naman eh maaabala ka rin ulit dahil sa pagbalik sa madalas na palpak na SSS...

is feeling , happy place...


>
[Book]

Updated/Revised Casting Proposal (Incomplete):
• Empoy Marquez as me
• Denice Dinsay as [Girl na may Crush sa Akin]
• Marian Rivera as Almeja
• Justine Battung as Jacqueline
• Bela Padilla as Anne
• Megu Fujiura as Emoji-Girl
• Ana Capri as Miss A (pinalitan para bigyan ng daan si Miss V)
• Jinri Park as Miss J
• Claudia Barretto as Strawberry (yung fit version)
• Meridian as Miss C
• Ava Dalush as Miss Ab (dahil sa body type)
• Lucy Li as Miss D
• Coraleen Waddell as Miss Co (yung simple look ni Cora, tapos yung may kasamang ngiti)
• Abby Poblador as Miss H
• Kylie Page as Miss P (pero black hair)
• Margarita Francesca Cruz Ramirez as Miss S (pero gawing thick type)
• Maja Salvador as Miss V
• Juliana Palermo as Miss Al (ang totoo mas Isabella de Leon yung facial details niya, pero dahil bata ang tingin ko dun eh Juliana Palermo na lang)
• Julz Gotti as Love Burger (pero fair skin)
• Cristine Reyes as The Korean
• Connie Sison as YAM (yung fit version ni Connie Sison dati)
• Cassandra Calogera as Dime (yung matabang version, tapos gawin ding morena)
• Chrislyn Uy as Eyeglass Girl (pero thinner version)
• Jackie Rice as Miss Gg
• Nina North as Miss Cn (pero voluptuous version)
• Lisa Ann as Miss Js
• Maris Racal as Miss Hn
• Rhen EscaΓ±o as Miss B (yung narrow mouth look lang)
• Aleck Bovick as Ate As
• Arjo Atayde as Masuwerteng Lalaki
• Donna Cariaga as Demonyong Tabachoy ng Cerberus
• Jason Dy as Kabayong bakod
• Amanda Cerny as Attendant Y (na may dental braces)
• Mika dela Cruz as Attendant R
• Shy Carlos as Attendant N (pero sunugin ang kutis at lagyan ng double dental braces)
• Amber Heard as Attendant M
• Arianny Celeste as Attendant Ry

is πŸ’˜ feeling , updated at may revisions din.. dahil sa mga kalaban...

-----o0o-----


April 16, 2022...

[Trade]

nakakatawa talaga ako..
ang dami ko na namang pagkakamali ngayong araw...

so gumawa ng independent movement yung asset kung nasaan ako..
at naka-recover na siya, dahil na rin nasa green kahit papaano ang Bitcoin..
0.0003..
0.0002..
0.0006..
USD 28 growth na sana 'yon..
kung hindi lang sana ako palaging nagkakamali...

tapos anong nangyari matapos na ma-auto-sell yung assets ko..?
mas umangat pa siya nang hanggang 0.00038...

is feeling , sa ngayon nasa USD 22 pa lang ang nare-recover ko para sa lahat ng losses...

---o0o---


April 17, 2022...

[Game]

basura ang Axie Infinity Origin..
kung dati labanan lang ang laro..
at ang mga panggulo lang eh healing Plant, high defense with high offense Axie, at mga Stun effect..
ngayon eh healing at basurahan na ang labanan...

sobrang bobo ng mga developers..
sobrang pandaraya at aksaya sa oras yung mga skill na nagtatapon ng maraming basura sa deck ng kalaban..
nagpa-games pa sila, eh ayaw din naman nilang patiranin ang mga kaawa-awang biktima...

is feeling , bahala kayong maglaro niyan, mga basurang scammers kayo...


>
[Trade]

nag-crash na naman ang Bitcoin simula 23:00 kahapon..
kaya naman nahila paibaba yung asset kung nasaan ako..
nabalewala yung independent na galaw niya, at yung mataas na trading volume...

dahil dun eh napalabis na naman yung entry point ko..
nakababa naman ako ng 0.0001 mula sa dati..
pero pwede pa sana akong bumaba mula doon by 0.0003...

na-late rin yung pagbabalik ko ng assets doon sa savings..
hindi ko in-expect na babagsak pa pala ulit ang Bitcoin by 8:00..
kaya ayun, sayang tuloy ang isang araw sana na may patubo na...

is feeling , kailangan ko din ng Crash Instinct...

---o0o---


April 20, 2022...

[Game]

after 270 days..
757 SLP dahil sa Critical imbalance..
parang 50 SLP na daily average..
nasa Php 673 lang dahil sa bagsak na ulit ang palitan...

USD 775 na dapat lahat-lahat..
USD 1,266 naman ang target kung base sa Php 3.00 per SLP na palitan...

is feeling , nakahanda at naghihintay na para sa muling pagbagsak ng Bitcoin...

---o0o---


April 23, 2022...

[Trade]

ang loko talaga ng market pagdating sa akin... πŸ™

noong bumibili ako ng asset sa mababang halaga, eh paltukan nang paltukan pataas ang halaga nila ng Bitcoin..
pero noong nag-adjust na ako pataas para makabili kaagad, eh saka naman bumagsak ulit at nalagpasan pa yung dati kong target price...

is feeling , sige lang.. kaya ko pa naman...


No comments:

Post a Comment