Saturday, March 26, 2022

Steal All

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



lahat na lang kaya nilang nakawin at i-edit..
yaman..
utang na pondo..
pondo para sa ibang purpose..
pag-aari ng iba..
buwis..
penalty..
buhay ng tao..
patas na parusa ng hustisya..
credit sa pagkapanalo sa digmaan..
credit para sa mga projects..
academic achievements..
batas..
mga lumang content online..
mga content ng hindi nila kaalyado..
resources ng gobyerno..
pangalan ng mga katunggali..
pangalan ng mga artists..
pangalan ng mga bayani..
history..
basically, kaya nilang nakawin ang katotohanan... :(

is feeling , wasak na talaga ang mundo na ito...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is 💀 feeling , day 623...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2021/06/gauging.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2022/01/defenders-of-tax-evasion.html

update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 502 + 500 + 105 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • wala daw kasalanan yung mga management nung mga sabungan kung saan galing ang mga nawawalang sabungero, samantalang January pa may mga nagrereklamo pero hindi naman nakikipagtulungan ang mga sabungan 
  • yung pagbatikos na naman laban sa Senado dahil sa pagsita sa naging bentahan sa Malampaya
  • yung binigyan ng posisyon sa COMELEC yung abogado nung tax evader
  • yung kaya pala hindi magawang mapanigan ang Ukraine laban sa Northern Empire, eh dahil pinagbabantaan ng Eastern Empire

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung isang empleyado ng LGU sa Daet, Camarines Norte na arestado matapos na mahulihan ng hinihinalang shabu
  • sa Masbate, yung SK Chairman na nahuli matapos na magbenta ng ilegal na droga para sa pulis na nagpanggap na buyer
  • sa La Loma, Quezon City, yung nasa P800,000 na halaga ng hinihinalang ilegal na droga na nasabat sa buy-bust operation, 1 nasibak na miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at 4 na iba pa ang nahuli
  • sa Davao City, yung isang dating pulis na naaresto dahil sa kasong pangingikil, tumatanggap daw kasi siya ng recruitment fee mula sa mga aplikante ng PNP sa Davao region
  • sa Palo, Leyte, yung 3 pulis na naaresto dahil sa kasong extortion, kung saan hinihingan daw nila ng pera yung babaeng dating nabilanggo bilang kapalit ng pagre-release ng motorsiklo na napunta sa kustodiya ng PNP
  • sa Pampanga, yung nasa 10 pulis na inaresto dahil daw sa pagkakasangkot sa hulidap modus laban sa ilang mga sabungero
  • sa Calamba, Laguna, yung pulis na miyembro ng Police Security and Protection Group na nahuling gumagamit ng nakaw na sasakyan
  • sa Sto. Tomas, Batangas, yung Pulis-Laguna daw na nagnakaw sa isang gasolinahan na sangkot din daw sa ilang nakawan sa Laguna
  • sa Oriental Mindoro, yung pulis na nalulong sa online sabong na nagtangkang magnakaw sa isang hardware store
  • sa Angeles City, Pampanga, yung 8 pulis na nagpakilala bilang mga miyembro ng CIDG, at 3 iba pa, kabilang ang 2 Imperial citizen, na hinuli dahil sa kasong attempted robbery
  • sa General Emilio Aguinaldo, Cavite, yung mag-live-in partner na napatay sa pamamaril ng kanilang manugang na isang Kagawad
  • sa Quezon City, yung pulis na nakainom daw ng alak, na namaril ng estudyante dahil lang sa problema sa kalsada 
  • sa San Fernando, Cebu, yung 3 na aktibong pulis at isang dating pulis na sumuko dahil sa pagpatay sa mag-asawa sa isang robbery-slay case
  • sa Surigao del Norte noong year 2020, yung kaso nung napatay na Spanish national na suspected bilang drug-related, kung saan 3 pulis yung suspect sa kaso, at lumalabas na hindi naman nanlaban yung Spanish at tinaniman din daw ng mga ebidensya
  • yung kaso ng nawawalang negosyante at pinatay na ahente niya, kung saan suspek ang 5 kabilang sa PNP-HPG ng Calamba
  • sa Romblon, yung Mayor, kasama ang nasa 200 pang katao, na naaresto dahil sa ipinagbabawal na sabungan
  • sa Surigao del Sur, yung Vice Governor at ang kanyang maybahay na inaresto dahil sa kasong Estafa

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung breach daw sa partner ng COMELEC na Smartmatic
  • yung pamamaril laban sa Mayor ng Infanta, Quezon, na kilalang tutol sa pagpapatayo ng Imperial dam

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung adviser na nagsusulong naman ngayon ng booster cards, samantalang may posibilidad daw na maging regular tulad ng flu vaccine ang mga COVID-19 vaccine
  • yung pagmamadali sa pagbaba sa Alert Level 2 sa panahon ng Omicron variant kahit na nasa 5 digits pa rin naman ang nade-detect na mga kaso araw-araw
  • yung aalisin na rin yung No Vaccination, No Ride policy under Alert Level 2, na para bang magkaiba ang epekto ng virus sa tao sa iba't ibang Alert Level
  • sa NCR, yung pwede na ulit isama sa public places ang mga bata, under Alert Level 2, samantalang sinasabi nila dati na delikado ang mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19
  • yung planong gawin na lang once a week ang paglalabas ng report tungkol sa COVID-19 cases
  • yung planong mag-donate ng mga malapit nang ma-expire na COVID-19 vaccines para sa ibang mga bansa
  • yung sinasabi ng Bureau of Quarantine (BOQ) na nasa 300 na international travelers araw-araw ang nade-detect bilang mga COVID-19 carriers, pero meron pa ring mga may gusto na luwagan ang quarantine protocol para sa kanila
  • yung aalisin na ang quarantine protocol para sa mga fully vaccinated na international traveler, na para bang 100% na gumagana ang mga vaccine upang hindi na maging carrier ang isang vaccinated na tao, at na para bang imposible na sa mismong biyahe sila makasagap ng virus
  • yung muling pagsuway ng Cebu sa health protocol ng bayan, handa silang tumanggap ng mga unvaccinated na foreign tourist sa ngalan ng turismo
  • sa airport, yung mga umuuwi na international travelers at ang mga sumusundo sa kanila na nilalabag na nang husto ang mga basic na safety protocol, wala ng physical distancing at yung iba eh nagbababa na rin ng face mask
  • yung mga hotel na naniningil ng nasa Php 1.5 Billion daw na utang ng OWWA kapalit ng pagsisilbi ng mga establishment nila bilang quarantine facility
  • yung sinabi ng DBM na meron daw nasa Php 100 Billion na pandemic response fund for 2021 ang hindi pa naman nagagamit
  • sa Quezon Medical Center sa Lucena City, Quezon, yung tambak ng hazardous waste sa sarili nilang compound kabilang ang mga ginamit para sa COVID-19 cases
  • sa Virac, Catanduanes, yung laboratory na nasita ng DENR dahil sa pagtatapon ng mga medical waste nila sa dagat
  • sa Virac, Catanduanes, yung nasa 7 daw na bata na naging carrier ng COVID-19, nangyari daw iyon matapos nilang mapaglaruan ang mga medical waste gaya ng syringes sa kanilang lugar
  • yung pagpapatigil ng Commission on Higher Education (CHED) sa application for scholarship ng mga incoming freshmen dahil kulang daw sa budget, sa kabila ng mga nasita ng COA na mga pondo na hindi naman nagagamit nang maayos
  • yung paglilipat ng regulation ng vape sa Department of Trade and Industry (DTI) sa halip na sa Food and Drug Administration of the Philippines (FDA)
  • yung asukal naman ngayon ang gustong idaan sa maramihang importation
  • yung nabisto sa Senado, yung ginagawang manipulasyon ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa merkado ng asukal
  • yung dati nang nagawa na pansamantalang Php 10 ang minimum na pamasahe sa mga jeep, pero hindi mapagbigyan ngayon kung kailan sobrang taas na ng presyuhan ng petrolyo
  • sa Cagayan, yung 9 na katao na namatay, bukod pa sa mga sasakyan, bahay, at iba pang nasalpok ng isang van na dala-dala daw ng mga Army Reservist
  • sa EDSA, sa Quezon City, yung 3 namatay na miyembro ng Philippine Air Force sa nasunog na sasakyan, nabangga daw sila sa mga concrete barrier dahil nagmaneho daw under the influence of alcohol yung survivor
  • yung latest na chopper crash para sa PNP, nagpasundo daw pala noon yung PNP Chief mula sa personal na lakad niya sa Balesin Island
  • sa Quezon City, kaugnay nung kaso nung estudyante na binaril ng nakainom daw na pulis, yung mga pulis ng QCPD na kinasuhan ng neglect of duty at administrative cases dahil hindi daw rumesponde doon sa insidente dahil nag-iinuman sila noong mga panahon na iyon
  • sa Quezon City, kaugnay nung kaso nung estudyante na binaril ng nakainom daw na pulis, yung natuklasan na may cover-up na ginawa yung 2 pulis na nag-imbestiga doon sa kaso
  • yung nasilip na tax deficiency doon sa kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH na para sa bilyones na purchases
  • yung isang recommendation tungkol sa kaso nung kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH, yung panay yung kompanya lang ang sinisisi pero walang kasalanan yung mga nag-approve na maka-deal yung kompanya, kahit na nga madami ang kaduda-duda tungkol sa kanila
  • yung mga Senador na ayaw pumirma sa report ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng kaso ng kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH
  • yung masyado nga namang nagtatagal ang desisyon nung na-assign na division ng COMELEC tungkol sa kaso ng public servant na ilang taon na hindi nag-file ng income tax
  • ang pagpanig ng COMELEC sa naging public servant na tax evader
  • ang pag-atake ng COMELEC laban sa mga campaign materials na nasa private properties naman
  • yung babala ng COMELEC na kasuhan laban sa mga volunteer na gagamit ng campaign materials sa loob ng kanilang property, samantalang wala naman silang ginagawa laban sa mga nagpapakalat ng FAKE content sa internet
  • yung hindi pagpa-file ng income tax ng isang basurang public servant eh tama para sa kanila, pero ang pagbibigay ng suporta ng mga volunteer eh labag daw sa batas nila
  • yung patas na pagbibigay ng suporta ng mga volunteers eh sobrang sinisita nila, samantalang ang pagkalat ng mga FAKE at edited content para lokohin ang mga mamamayan eh ni hindi nila magawang sitahin
  • yung pwede ang paggamit ng mga mascot sa pangangampanya habang nasa serbisyo ng pagtuturok ng COVID-19 vaccine para sa mga bata
  • sa Bataan, yung sasakyan ng gobyerno na ginamit sa pangangampanya ng grupo ng tax evader
  • yung ayon sa governor ay gobyerno daw ng Nueva Ecija ang namimigay ng ayuda noong panahon ng kampanya ng kampo ng tax evader
  • yung mabilis na pagkilos ng mga biglang naalarma sa deal ng COMELEC sa Rappler
  • yung gustong maging elected official pero tutol naman sa pagsasapubliko ng SALN
  • yung hindi nagbabayad ng estate tax ang angkan ng mga tiwali dahil sa mismong mga kaso ng bawian, bilyones na ang estimate na halaga ng mga nawawala sa bayan
  • yung hindi na daw mawawala sa mga tao ang corruption
  • yung pati claim na pagiging biktima ng FAKE news eh ninanakaw na rin niya
  • ang pagyurak ng mga magnanakaw laban sa uring manggagawa
  • yung mga kandidato na adhikain daw ang paglaban sa katiwalian, pero kumakampi naman sila sa mga proven na na mga tiwali
  • yung mga kandidato na hindi na rin magandang ehemplo ngayon pagdating sa pagsusuot ng face mask in public at pati pagdating sa physical distancing
  • yung red-tagging laban sa mga supporters na dumadalo nang maramihan
  • yung alegasyon na may bayaran DAW na nangyayari kapalit ng pag-attend nang maramihan, pero wala namang ipinapakita na ebidensya
  • sa Pasig City, yung campaign materials na nasa loob mismo ng city hall, sa portion daw kung saan nag-aalok ng libreng insurance

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Davao City, yung restobar na nag-operate nang wala daw business permit, bukod doon ay pinabayaan din nila ang kanilang mga customer na labagin ang mga health protocol
  • ang mas seryoso ng banta ng COVID-19 dahil sa mga magaganap na kampanyahan
  • yung tiwaling survey na nagsasabi na pinakamataas pa rin DAW ang tiwala ng mga tao sa mga tiwali, na patunay na hindi nga reliable yung survey
  • yung pinapalabas na ang paparating na pilian ang dahilan kung bakit kinakasuhan ngayon ng ibang bansa ang isang kulto
  • yung voice talent na pinagbabantaan ngayon ng mga supporters ng isang kulto, gayong nag-share lang naman siya ng totoong balita
  • yung mga kulto na endorser ng mga kriminal
  • yung mga mamamayan na supporter ng Representative na protektor ng kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH
  • yung mga mamamayan na sinasabi na paninira ang pagbatikos sa pagiging magnanakaw at tax evader, na para bang hindi kasalanan ang mga iyon
  • yung pagnanakaw ng mga content ng mga supporters ng kasamaan, mga image at video file na ini-edit nila para sa kanilang demolisyon
  • yung pagnanakaw ng pangalan ng isang kandidato para sa isang FAKE website na nagre-redirect naman sa website ng tax evader
  • yung pagnanakaw maging sa pangalan ng mga singer at banda, para lang maka-engganyo ng a-attend sana sa kanilang campaign rally
  • yung 2016 interview video naman ngayon ng isang madre ang ninakaw para palabasin sa Imperial platform na pabor sa kanila
  • yung personalidad na protektor ng mga celebrity na drug users, na binabatikos ang isang direktor na lumalaban naman sa katiwalian
  • yung mga kandidato na pinapalabas na pakikipag-away ang paglaban sa katiwalian
  • yung kakampi ng mga tiwali na nakikiusap sa ibang mga kandidato na huwag daw balaan ang mga mamamayan tungkol sa pagsuporta sa mga magnanakaw
  • yung character assassination daw ang pagsasabi ng totoo laban sa mga kriminal na naghahangad ng kapangyarihan
  • yung kampo na bumabatikos sa simbahan dahil sa paglaban ng mga ito sa katiwalian at kasamaan
  • yung bawal daw makialam ang mga relihiyon, pero nagpapaendorso naman sila sa kung anu-anong kulto
  • yung paratang na bias daw laban sa kanila ang isang kilalang broadcast journalist para lang makaiwas sa isang mahalagang interview
  • yung nasa 921 na daw ang lumalabag sa gun ban simula noong January 9, 2022
  • yung mga pasaway na na-disqualify sa pag-take ng digital Bar Exam
  • sa Maynila, yung negosyanteng Imperial citizen na hinuli dahil sa pagbebenta ng mga smuggled na COVID-19 antigen test kits
  • sa Valenzuela City, yung nasa Php 1.1 Billion daw na halaga ng ilegal na droga na nakalagay sa mga pakete ng Imperial tea, 1 Imperial citizen at 1 babaeng lokal na mamamayan ang naaresto kaugnay nung kaso
  • sa Quezon City, yung nasa higit Php 20 Million na halaga ng ilegal na droga na nakasilid na naman sa mga pakete ng Imperial tea, 2 namang Imperial citizen ang nahuli kaugnay nun
  • sa Makati City, yung Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng shabu pills daw
  • sa Bacoor City, Cavite, yung Imperial citizen na nahulihan ng baril sa panahon na may umiiral na gun ban
  • sa Parañaque City, yung 3 Imperial citizen na nahuli matapos na dukutin ang isang kapwa nila Imperial citizen na inalok daw para magtrabaho sa Makati City
  • sa Parañaque City, yung 3 Imperial citizen na napatay sa engkuwentro dahil sa kasong kidnapping laban sa kapwa nila mga Imperial citizen
  • sa isang condominium complex sa Taguig City, yung 1 napatay na security guard at 2 pa na sugatan dahil sa pamamaril ng isang Imperial citizen
  • yung banta ng recombinant bioweapon, may record na ng DeltaCron
  • yung mga basurang mamamayan ng bayan na 'to na anti-Ukraine, para lang palabasin na ang mga tiwali na hindi kaalyado ng USA ang dapat na maging pinuno
  • yung sinasaltik na rin yung isang kakampi ng Imperyo ngayong panahon ng Imperial virus, sabik na rin na manakop
  • yung pagwawasak ng Northern Empire sa isang nuclear power plant
  • yung pag-atake ng Northern Empire maging sa mga ospital
-----o0o-----


March 19, 2022...

yung interview video naman ngayon ng isang madre ang ninakaw..
from 2016 pa daw yung interview..
gaya din ng ginagawa nila sa ibang materials, in-edit para pumabor sa kanila at ipinakalat sa Imperial platform...

is feeling , revisionists...

---o0o---


March 20, 2022...

yung hindi na daw mawawala sa mga tao ang corruption... 🙁

patay na..
so may balak nga silang ipagpatuloy ang kasamaan nila...

actually, may paraan para malabanan ang katiwalian..
kung bilang mga public servant, isusuko din nila ang kanilang privacy..
full surveillance sa mga opisina..
24 hours na body camera para sa bawat tauhan..
wire-tapped na mga gadgets..
real-time na reporting online ng bawat nagagastos ng mga ahensya..
ilan lang 'yon...

may mga paraan..
pero unfortunately, walang magpapasa ng mga ganung klase ng countermeasure..
kasi nga, mula umpisa, yung benefits ang hinahabol nila...

is feeling , corruption ang bumubuhay sa inyong mga basura kayo...

---o0o---


March 21, 2022...

put*ng ina mo..
pati pagiging biktima ng FAKE news eh ninanakaw mo na rin...

is feeling , t*ng ina.. mamamatay din yang mga bahagi ng farm ninyo...


>
[Natural Calamities]

sa bandang gitna..
nasa Magnitude 5.3 na lindol..
sa may area ng Leyte...

is feeling , gala...

---o0o---


March 24, 2022...

[Natural Calamities]

sa itaas..
nasa Magnitude 5.1 na lindol..
sa may area ng Cagayan...

is feeling , lagi na lang kayong sablay...


>
sa Pampanga..
yung nasa 10 pulis na inaresto..
dahil daw sa pagkakasangkot sa hulidap modus laban sa ilang mga sabungero...

is feeling , mukhang mga magmamanok na ang target ngayon...


No comments:

Post a Comment