Saturday, March 12, 2022

Ant Thief: Far from Home

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



teka..
dating kriminal si Ant-Man na tinanggap ng mga tao..
both from Marvel world at sa totoong mundo..
kasi naging bida siya..
naging superhero siya...

yun din ba ang plano nila..?
ang maging katanggap-tanggap na mga kriminal..?
pero hindi naman totoo ang mga super costumes at super powers..
o baka naman fan din sila ng Spider-Man: Far from Home..?
dahil gaya ni Mysterio..
nagpapakalat din nga sila ng mga FAKE content para lang ituring silang mga bida...

is feeling , we're doomed.. mga Mysterio sila... 

---o0o---


hindi 'to maganda..
ginagamit na naman nila ang mga aktibista para sa red-tagging..
bukod dun..
ginagamit na rin nila ulit ang ilegal na droga para sa demolisyon...

natatakot sila dahil hindi na nagre-reflect sa realidad yung mga numero na pinapalabas sa mga maliitang mga survey..
natatakot sila na baka nakikita na nila sa realidad kung sino nga ang pinipili nang nakararami...

is feeling , intel..? kung totoo ang mga intel, matagal na dapat patay lahat ng mga rebelde, sa panahon pa lang ng Dictator's Law...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is 💀 feeling , day 609...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2021/06/gauging.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2022/01/defenders-of-tax-evasion.html

update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 502 + 500 + 91 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pagbatikos na naman laban sa Senado dahil sa pagsita sa naging bentahan sa Malampaya
  • yung binigyan ng posisyon sa COMELEC yung abogado nung tax evader
  • yung kaya pala hindi magawang mapanigan ang Ukraine laban sa Northern Empire, eh dahil pinagbabantaan ng Eastern Empire

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung isang empleyado ng LGU sa Daet, Camarines Norte na arestado matapos na mahulihan ng hinihinalang shabu
  • sa Masbate, yung SK Chairman na nahuli matapos na magbenta ng ilegal na droga para sa pulis na nagpanggap na buyer
  • sa La Loma, Quezon City, yung nasa P800,000 na halaga ng hinihinalang ilegal na droga na nasabat sa buy-bust operation, 1 nasibak na miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at 4 na iba pa ang nahuli
  • sa Davao City, yung isang dating pulis na naaresto dahil sa kasong pangingikil, tumatanggap daw kasi siya ng recruitment fee mula sa mga aplikante ng PNP sa Davao region
  • sa Palo, Leyte, yung 3 pulis na naaresto dahil sa kasong extortion, kung saan hinihingan daw nila ng pera yung babaeng dating nabilanggo bilang kapalit ng pagre-release ng motorsiklo na napunta sa kustodiya ng PNP
  • sa Calamba, Laguna, yung pulis na miyembro ng Police Security and Protection Group na nahuling gumagamit ng nakaw na sasakyan
  • sa Sto. Tomas, Batangas, yung Pulis-Laguna daw na nagnakaw sa isang gasolinahan na sangkot din daw sa ilang nakawan sa Laguna
  • sa Oriental Mindoro, yung pulis na nalulong sa online sabong na nagtangkang magnakaw sa isang hardware store
  • sa Angeles City, Pampanga, yung 8 pulis na nagpakilala bilang mga miyembro ng CIDG, at 3 iba pa, kabilang ang 2 Imperial citizen, na hinuli dahil sa kasong attempted robbery
  • sa General Emilio Aguinaldo, Cavite, yung mag-live-in partner na napatay sa pamamaril ng kanilang manugang na isang Kagawad
  • sa Quezon City, yung pulis na nakainom daw ng alak, na namaril ng estudyante dahil lang sa problema sa kalsada 
  • sa San Fernando, Cebu, yung 3 na aktibong pulis at isang dating pulis na sumuko dahil sa pagpatay sa mag-asawa sa isang robbery-slay case
  • sa Surigao del Norte noong year 2020, yung kaso nung napatay na Spanish national na suspected bilang drug-related, kung saan 3 pulis yung suspect sa kaso, at lumalabas na hindi naman nanlaban yung Spanish at tinaniman din daw ng mga ebidensya
  • yung kaso ng nawawalang negosyante at pinatay na ahente niya, kung saan suspek ang 5 kabilang sa PNP-HPG ng Calamba
  • sa Romblon, yung Mayor, kasama ang nasa 200 pang katao, na naaresto dahil sa ipinagbabawal na sabungan

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung pamamaril laban sa Mayor ng Infanta, Quezon, na kilalang tutol sa pagpapatayo ng Imperial dam

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung adviser na nagsusulong naman ngayon ng booster cards, samantalang may posibilidad daw na maging regular tulad ng flu vaccine ang mga COVID-19 vaccine
  • yung pagmamadali sa pagbaba sa Alert Level 2 sa panahon ng Omicron variant kahit na nasa 5 digits pa rin naman ang nade-detect na mga kaso araw-araw
  • yung aalisin na rin yung No Vaccination, No Ride policy under Alert Level 2, na para bang magkaiba ang epekto ng virus sa tao sa iba't ibang Alert Level
  • sa NCR, yung pwede na ulit isama sa public places ang mga bata, under Alert Level 2, samantalang sinasabi nila dati na delikado ang mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19
  • yung planong gawin na lang once a week ang paglalabas ng report tungkol sa COVID-19 cases
  • yung planong mag-donate ng mga malapit nang ma-expire na COVID-19 vaccines para sa ibang mga bansa
  • yung sinasabi ng Bureau of Quarantine (BOQ) na nasa 300 na international travelers araw-araw ang nade-detect bilang mga COVID-19 carriers, pero meron pa ring mga may gusto na luwagan ang quarantine protocol para sa kanila
  • yung aalisin na ang quarantine protocol para sa mga fully vaccinated na international traveler, na para bang 100% na gumagana ang mga vaccine upang hindi na maging carrier ang isang vaccinated na tao, at na para bang imposible na sa mismong biyahe sila makasagap ng virus
  • yung muling pagsuway ng Cebu sa health protocol ng bayan, handa silang tumanggap ng mga unvaccinated na foreign tourist sa ngalan ng turismo
  • sa airport, yung mga umuuwi na international travelers at ang mga sumusundo sa kanila na nilalabag na nang husto ang mga basic na safety protocol, wala ng physical distancing at yung iba eh nagbababa na rin ng face mask
  • yung mga hotel na naniningil ng nasa Php 1.5 Billion daw na utang ng OWWA kapalit ng pagsisilbi ng mga establishment nila bilang quarantine facility
  • yung sinabi ng DBM na meron daw nasa Php 100 Billion na pandemic response fund for 2021 ang hindi pa naman nagagamit
  • sa Quezon Medical Center sa Lucena City, Quezon, yung tambak ng hazardous waste sa sarili nilang compound kabilang ang mga ginamit para sa COVID-19 cases
  • sa Virac, Catanduanes, yung laboratory na nasita ng DENR dahil sa pagtatapon ng mga medical waste nila sa dagat
  • sa Virac, Catanduanes, yung nasa 7 daw na bata na naging carrier ng COVID-19, nangyari daw iyon matapos nilang mapaglaruan ang mga medical waste gaya ng syringes sa kanilang lugar
  • yung pagpapatigil ng Commission on Higher Education (CHED) sa application for scholarship ng mga incoming freshmen dahil kulang daw sa budget, sa kabila ng mga nasita ng COA na mga pondo na hindi naman nagagamit nang maayos
  • yung paglilipat ng regulation ng vape sa Department of Trade and Industry (DTI) sa halip na sa Food and Drug Administration of the Philippines (FDA)
  • yung asukal naman ngayon ang gustong idaan sa maramihang importation
  • yung nabisto sa Senado, yung ginagawang manipulasyon ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa merkado ng asukal
  • yung dati nang nagawa na pansamantalang Php 10 ang minimum na pamasahe sa mga jeep, pero hindi mapagbigyan ngayon kung kailan sobrang taas na ng presyuhan ng petrolyo
  • sa Cagayan, yung 9 na katao na namatay, bukod pa sa mga sasakyan, bahay, at iba pang nasalpok ng isang van na dala-dala daw ng mga Army Reservist
  • sa EDSA, sa Quezon City, yung 3 namatay na miyembro ng Philippine Air Force sa nasunog na sasakyan, nabangga daw sila sa mga concrete barrier dahil nagmaneho daw under the influence of alcohol yung survivor
  • yung latest na chopper crash para sa PNP, nagpasundo daw pala noon yung PNP Chief mula sa personal na lakad niya sa Balesin Island
  • sa Quezon City, kaugnay nung kaso nung estudyante na binaril ng nakainom daw na pulis, yung mga pulis ng QCPD na kinasuhan ng neglect of duty at administrative cases dahil hindi daw rumesponde doon sa insidente dahil nag-iinuman sila noong mga panahon na iyon
  • sa Quezon City, kaugnay nung kaso nung estudyante na binaril ng nakainom daw na pulis, yung natuklasan na may cover-up na ginawa yung 2 pulis na nag-imbestiga doon sa kaso
  • yung nasilip na tax deficiency doon sa kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH na para sa bilyones na purchases
  • yung isang recommendation tungkol sa kaso nung kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH, yung panay yung kompanya lang ang sinisisi pero walang kasalanan yung mga nag-approve na maka-deal yung kompanya, kahit na nga madami ang kaduda-duda tungkol sa kanila
  • yung mga Senador na ayaw pumirma sa report ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng kaso ng kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH
  • yung masyado nga namang nagtatagal ang desisyon nung na-assign na division ng COMELEC tungkol sa kaso ng public servant na ilang taon na hindi nag-file ng income tax
  • ang pagpanig ng COMELEC sa naging public servant na tax evader
  • ang pag-atake ng COMELEC laban sa mga campaign materials na nasa private properties naman
  • yung babala ng COMELEC na kasuhan laban sa mga volunteer na gagamit ng campaign materials sa loob ng kanilang property, samantalang wala naman silang ginagawa laban sa mga nagpapakalat ng FAKE content sa internet
  • yung hindi pagpa-file ng income tax ng isang basurang public servant eh tama para sa kanila, pero ang pagbibigay ng suporta ng mga volunteer eh labag daw sa batas nila
  • yung patas na pagbibigay ng suporta ng mga volunteers eh sobrang sinisita nila, samantalang ang pagkalat ng mga FAKE at edited content para lokohin ang mga mamamayan eh ni hindi nila magawang sitahin
  • yung pwede ang paggamit ng mga mascot sa pangangampanya habang nasa serbisyo ng pagtuturok ng COVID-19 vaccine para sa mga bata
  • yung mabilis na pagkilos ng mga biglang naalarma sa deal ng COMELEC sa Rappler
  • yung gustong maging elected official pero tutol naman sa pagsasapubliko ng SALN
  • yung hindi nagbabayad ng estate tax ang angkan ng mga tiwali dahil sa mismong mga kaso ng bawian, bilyones na ang estimate na halaga ng mga nawawala sa bayan
  • ang pagyurak ng mga magnanakaw laban sa uring manggagawa
  • yung mga kandidato na adhikain daw ang paglaban sa katiwalian, pero kumakampi naman sila sa mga proven na na mga tiwali
  • yung mga kandidato na hindi na rin magandang ehemplo ngayon pagdating sa pagsusuot ng face mask in public at pati pagdating sa physical distancing
  • yung red-tagging laban sa mga supporters na dumadalo nang maramihan
  • yung alegasyon na may bayaran DAW na nangyayari kapalit ng pag-attend nang maramihan, pero wala namang ipinapakita na ebidensya
  • sa Pasig City, yung campaign materials na nasa loob mismo ng city hall, sa portion daw kung saan nag-aalok ng libreng insurance

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Davao City, yung restobar na nag-operate nang wala daw business permit, bukod doon ay pinabayaan din nila ang kanilang mga customer na labagin ang mga health protocol
  • ang mas seryoso ng banta ng COVID-19 dahil sa mga magaganap na kampanyahan
  • yung pinapalabas na ang paparating na pilian ang dahilan kung bakit kinakasuhan ngayon ng ibang bansa ang isang kulto
  • yung voice talent na pinagbabantaan ngayon ng mga supporters ng isang kulto, gayong nag-share lang naman siya ng totoong balita
  • yung mga kulto na endorser ng mga kriminal
  • yung mga mamamayan na supporter ng Representative na protektor ng kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH
  • yung mga mamamayan na sinasabi na paninira ang pagbatikos sa pagiging magnanakaw at tax evader, na para bang hindi kasalanan ang mga iyon
  • yung pagnanakaw ng mga content ng mga supporters ng kasamaan, mga image at video file na ini-edit nila para sa kanilang demolisyon
  • yung pagnanakaw ng pangalan ng isang kandidato para sa isang FAKE website na nagre-redirect naman sa website ng tax evader
  • yung personalidad na protektor ng mga celebrity na drug users, na binabatikos ang isang direktor na lumalaban naman sa katiwalian
  • yung mga kandidato na pinapalabas na pakikipag-away ang paglaban sa katiwalian
  • yung kakampi ng mga tiwali na nakikiusap sa ibang mga kandidato na huwag daw balaan ang mga mamamayan tungkol sa pagsuporta sa mga magnanakaw
  • yung character assassination daw ang pagsasabi ng totoo laban sa mga kriminal na naghahangad ng kapangyarihan
  • yung kampo na bumabatikos sa simbahan dahil sa paglaban ng mga ito sa katiwalian at kasamaan
  • yung bawal daw makialam ang mga relihiyon, pero nagpapaendorso naman sila sa kung anu-anong kulto
  • yung paratang na bias daw laban sa kanila ang isang kilalang broadcast journalist para lang makaiwas sa isang mahalagang interview
  • yung nasa 921 na daw ang lumalabag sa gun ban simula noong January 9, 2022
  • yung mga pasaway na na-disqualify sa pag-take ng digital Bar Exam
  • sa Maynila, yung negosyanteng Imperial citizen na hinuli dahil sa pagbebenta ng mga smuggled na COVID-19 antigen test kits
  • sa Valenzuela City, yung nasa Php 1.1 Billion daw na halaga ng ilegal na droga na nakalagay sa mga pakete ng Imperial tea, 1 Imperial citizen at 1 babaeng lokal na mamamayan ang naaresto kaugnay nung kaso
  • sa Quezon City, yung nasa higit Php 20 Million na halaga ng ilegal na droga na nakasilid na naman sa mga pakete ng Imperial tea, 2 namang Imperial citizen ang nahuli kaugnay nun
  • sa Bacoor City, Cavite, yung Imperial citizen na nahulihan ng baril sa panahon na may umiiral na gun ban
  • sa Parañaque City, yung 3 Imperial citizen na napatay sa engkuwentro dahil sa kasong kidnapping laban sa kapwa nila mga Imperial citizen
  • yung banta ng recombinant bioweapon, may record na ng DeltaCron
  • yung mga basurang mamamayan ng bayan na 'to na anti-Ukraine, para lang palabasin na ang mga tiwali na hindi kaalyado ng USA ang dapat na maging pinuno
  • yung sinasaltik na rin yung isang kakampi ng Imperyo ngayong panahon ng Imperial virus, sabik na rin na manakop
  • yung pagwawasak ng Northern Empire sa isang nuclear power plant
  • yung pag-atake ng Northern Empire maging sa mga ospital
-----o0o-----


March 5, 2022...

tama yung mga pinuno na nagsusulong na huwag gumamit ng nuclear energy..
kasi pinatunayan lang ng Northern Empire kung gaano kadelikado na may hostage na nuclear power plant ang mga terorista...

at saktong-sakto din yung lesson para sa isang bayan na gusto namang sakupin ng Eastern Empire...

is  feeling , solar na lang.. kaya namang magpatakbo ng motor ng electric fan eh...


>
yung hindi nagbabayad ng estate tax ang angkan ng mga tiwali dahil sa mismong mga kaso ng bawian..
bilyones na ang estimate na halaga ng mga nawawala sa bayan eh...

is feeling , malaking problema 'yan kapag may nag-absuwelto sa kanila...

---o0o---


March 8, 2022...

[Natural Calamities]

sa ibaba..
nasa Magnitude 5.6 na lindol..
sa may area ng Davao Occidental... 

is feeling , gawin nyo na...


>
yung red-tagging laban sa mga supporters na dumadalo nang maramihan..
bukod pa yung alegasyon na may bayaran daw na nangyayari kapalit ng pag-attend..
pero wala namang ipinapakita na ebidensya...

auto-demolish...

is feeling , sindikato ng mga kriminal...


>
yung kaya pala hindi magawang mapanigan ang Ukraine laban sa Northern Empire, eh dahil pinagbabantaan ng Eastern Empire...

is feeling , t*ng ina mo.. nagdesisyon kang maging aso nila.. tapos ngayon eh takot ka..? takot lang kayo dahil sa mga put*ng inang mga projects na inutang ninyo sa kanila...


>
yung bawal daw makialam ang mga relihiyon..
bawal magbigay ng babala sa mga tao tungkol sa pagsanib sa kasamaan..
pero nagpapaendorso naman sila sa kung anu-anong kulto...

is feeling , mga manloloko gamit ang mga salita.. mamamatay din kayong lahat...


>
yung binigyan ng posisyon sa COMELEC yung abogado nung tax evader... 🙁

easy access...??

is feeling , we're doomed...

---o0o---


March 9, 2022...

kawawa nga naman yung mga PUV driver...

dati nang nakagawa ng patakaran para gawing Php 10 pansamantala ang minimum na pamasahe sa jeep..
at hindi pa sobrang lala ng lagay ng mga ekonomiya noong panahon na iyon..
ako nga eh, simula nang pinapasok ng mga pabaya sa loob ng bayan ang bioweapon, eh Php 10 na lagi ang bayad ko sa jeep...

kaya bakit nga ba hindi nila kaagad magawa ngayon na ibalik muna sa Php 10..?
bakit mas gusto pa nila na nagde-demand ang mga driver ng pamasahe na Php 12 o 15..?
samantalang kinaya naman nga noon yung Php 10...

pero ang totoong malaking tanong ay bakit hindi nila magawang pakawalan ang mga excise tax at value added tax para lang sa mga sasakyan na may kaugnayan sa public service...??

sa mga supermart nga eh, nagtitiwala sila na ibinibigay lang nung mga cashier yung discount para sa mga qualified..
kaya bakit hindi nila magawang iasa sa mga gasoline boy ang pag-determine kung alin-aling mga sasakyan lang ang ginagamit para sa public utility...??

is feeling , o baka naman naghihintay nga sila para gawing pabor yung taas-pasahe kapalit ng suporta ng mga driver...??


>
yung mga hotel na naniningil ng nasa Php 1.5 Billion daw na utang ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kapalit ng pagsisilbi ng mga establishment nila bilang quarantine facility...

sino ba talaga ang nagbabayad..?
bakit sinisingil pa ang OWWA..?
samantalang may mga nai-interview dati na nagsasabi na ang laki daw ng gastos nila sa pananatili sa mga hotel na quarantine facility...??

is feeling , teka.. hindi kaya binentahan sila ng mga pagkain na pang-hotel na ang mga presyo ay pang-hotel din..? kasi overpriced yun kumpara sa iba pang pwedeng pagbilhan ng mga pagkain sana eh...


>
sa Valenzuela City..
yung nasa Php 1.1 Billion daw na halaga ng ilegal na droga na nakalagay sa mga pakete ng Imperial tea..
1 Imperial citizen at 1 babaeng lokal na mamamayan ang naaresto kaugnay nung kaso...

is feeling , lumusot kaya sa importation..? o sa loob na ng bayan ginawa...??


>
mukhang trap lang nga yung nangyari sa Rappler... 🙁

dati na nga silang kinuwestiyon, kaya wala talagang basehan para kunin sila bilang partner ng COMELEC..
parang ginamit lang tuloy sila para magkunwari na naghahabol nga ng patas na proseso..
parang yung mga nagkukunwari tungkol sa paghahangad ng pagkakaisa..
pero wawasakin din naman ulit yung credibility nila, at kasama na rin yung deal...

is feeling , kaduda-duda...

---o0o---


March 10, 2022...

sa Quezon City..
yung nasa higit Php 20 Million na halaga ng ilegal na droga na nakasilid na naman sa mga pakete ng Imperial tea..
2 namang Imperial citizen ang nahuli kaugnay nun...

is feeling , sa sachet kasi ng shampoo ninyo ilagay...


>
yung pag-atake ng Northern Empire maging sa mga ospital... 🙁

is feeling , hindi na 'to digmaan.. terorismo na talaga 'to.. balik sa panahon ng mga lumang sakupan ng teritoryo...


>
yung banta ng recombinant bioweapon..
totoo na nga yung DeltaCron variant...

is ⚠ feeling , so ano yun..? spreader at killer...??

---o0o---


March 11, 2022...

sa La Loma, Quezon City..
yung nasa P800,000 na halaga ng hinihinalang ilegal na droga na nasabat sa buy-bust operation..
1 nasibak na miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at 4 na iba pa ang nahuli...

is feeling , disiplina...


>
yung planong mag-donate ng COVID-19 vaccines para sa ibang mga bansa..
pero ang dahilan ay dahil pa-expire na yung mga gustong ipamigay na vaccine..
ibig sabihin eh napalabis nga ang mga biniling vaccine, since matagal nang may mga donasyon din nga na natatanggap...

is feeling , nakabuti ba o nakasama...??


>
yung sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na meron daw nasa Php 100 Billion na pandemic response fund for 2021 ang hindi pa naman nagagamit..
pero hirap na hirap silang magbigay ng benefits ng mga health workers..?
hirap na hirap na pakawalan ang excise at value added tax ng langis para sa mga public utility drivers...?

is feeling , aanhin yung pera..? sa Pharmally na lang ulit...??

---o0o---


March 12, 2022...

sa Davao City..
yung isang dating pulis na naaresto dahil sa kasong pangingikil..
tumatanggap daw kasi siya ng recruitment fee mula sa mga aplikante ng PNP sa Davao region...

is feeling , feel safe...


>
sa Palo, Leyte..
yung 3 pulis na naaresto dahil sa kasong extortion..
isang dating bilanggo daw na babae ang kanilang biktima..
kung saan hinihingan daw nila ng pera yung babae bilang kapalit ng pagre-release ng motorsiklo na napunta sa kustodiya ng PNP...

is feeling , Anomaly sa itaas.. iba't ibang katiwalian sa ibaba...


No comments:

Post a Comment