Saturday, August 14, 2021

Incorrigible

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

sana magtagumpay na sa paggawa ng vaccine ang AstraZeneca..
at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is πŸ’€ feeling , day 399...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2021/06/gauging.html

update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 502 + 163 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pangako ng sako-sako ng pondo para sa kanyang mga kasamahan
  • yung kagustuhan na armasan ng mga baril ang mga civilian volunteer, samantalang iyon ngang mga trained personnel eh may kakayahan na umabuso
  • yung naaasar sa sariling kakampi dahil sa mga binubusisi nitong mga katiwalian
  • yung pambabastos sa alaala ng isang namayapang pinuno, na kesyo ni hindi daw siya at sila mananalo kahit para lang sa Barangay Captain na posisyon sa Cagayan de Oro
  • yung paghahangad ng immunity gamit ang mataas na katungkulan, na para bang guilty siya
  • yung abogado yung matanda, pero hindi alam na wala palang immunity yung hinahabol niyang katungkulan
  • yung pagsasabi sa mahalagang pag-uulat na may kung anu-ano na siyang nararamdaman, pero talagang naghahabol pa sa katungkulan na maaaring maging substitute
  • yung kagustuhan na ipaaresto na ang mga ayaw magpabakuna, na para bang sapat ang kanilang naipo-provide
  • yung diskriminasyon laban sa mga hindi pa bakunado, yung may plano na i-ban na sila mula sa paglabas sa kanilang mga tahanan
  • yung bintang na kesyo Walking Spreader daw ang mga wala pang bakuna, na para bang automatic na mga carrier ang mga mamamayan na hindi pa bakunado
  • yung hindi kayang aminin ang nagawa niyang pagkakamali sa pananakot sa mga mamamayan
  • yung paglilipat ng sisi para sa kaguluhan na kanyang idinulot sa isang lokal na opisyal
  • yung naninira gamit ang mga sexy photos, na para bang wala siyang ginagawang kabastusan at ang kanyang mga kasamahan
  • yung reporter o mga reporter na pinag-alis na lang ng face mask at face shield sa press conference
  • yung pwede na daw mamasyal ang mga bakunado, na para bang walang ebidensya na pwede pa ring maging carrier ang mga fully vaccinated
  • yung pag-uulit sa isang mahalaga dapat na pag-uulat na kesyo utang na loob daw sa Imperyo ang mga bakuna, kahit na tinatamaan pa rin ng COVID-19 yung ibang mga naturukan na ng ganun
  • yung pagyayabang na kesyo madali lang daw mapaalis ang mga barko ng Imperyo sa pinag-aagawang teritoryo, samantalang nandun pa rin naman sila

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Davao Occidental, yung SK Chairman na nahuli sa buy-bust operation, bukod sa ilegal na droga ay may nakuha rin daw na baril mula sa kanya
  • sa Iloilo, yung Barangay Kagawad na naaresto sa isinagawang buy-bust operation
  • sa Sultan Mastura, Maguindanao, yung Barangay Kagawad at isang kasabwat na nahulihan ng nasa mahigit Php 3 Million na halaga ng hinihinalang shabu
  • sa Davao City, yung 28 y/o na government employee na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Makati City, yung dating sundalo na huhulihin lang sana dahil sa sumbong tungkol sa ilegal na pagsusugal nito, pero ay nahulihan din ng ilegal na droga
  • yung kawani ng Makati City Hall, na hinuli dahil daw sa pangingikil laban sa mga establishments na naipasara dahil sa paglabag sa mga COVID-19 protocol
  • sa MTPB, Manila Traffic and Parking Bureau yata 'yon, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong daw gamit ang mobile app
  • sa tapat ng Camp Crame sa Quezon City, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil sa pangingikil daw laban sa isang aplikante sa PNP
  • sa Manila Police District headquarters sa Ermita, yung pulis na namatay sa pamamaril ng lasing at nag-amok daw na kapwa pulis
  • sa Sulu, yung Sulu PNP Provincial Director na binaril at napatay ng kapwa niya pulis sa isang quarantine checkpoint
  • sa Palayan City, Nueva Ecija, yung sinunog na bangkay ng isang online seller ng mga alahas, kung saan suspek sa pagpatay ang nasa 5 pulis
  • sa Pastrana, Leyte, yung 1 magsasaka na napatay at 1 sugatan dahil sa pamamaril ng suspek na isang Barangay Chairman
  • sa Jose Reyes Memorial Medical Center sa Santa Cruz, Manila, yung security guard na pinatay sa pamamaril ng binabantayan daw niyang pasyente na isang Barangay Kagawad
  • sa Dumarao, Capiz, yung senior citizen na magsasaka na napatay ng isang Barangay Tanod sa pamamaril
  • sa Maynila, yung Barangay Tanod na namaril at nakapatay sa isang may problema sa pag-iisip sa oras ng curfew
  • sa San Antonio, Zambales, yung kadete ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) na nakapatay ng kapwa niya kadete dahil daw sa panununtok
  • sa Zamboanga City, yung isang miyembro ng Philippine National Police na natuklasan na miyembro daw ng Abu Sayyaf Group

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • sa Surigao del Sur, yung 3 Lumad na namatay sa pamamaril ng mga sundalo, kung saan 12 y/o lamang ang isa sa mga biktima
  • sa Albay, yung 2 aktibista daw na sangkot sa paggawa ng graffiti sa may tulay, na laban sa pinuno, na napatay ng mga pulis matapos DAW na manlaban
  • sa BiΓ±an, Laguna, yung kaso nung 16 y/o na lalaki na kasama sa mga napatay ng mga pulis sa isang anti-illegal drugs operation, nakakapagtaka na may mga claim na napadapa na DAW iyong biktima at nakaposas na rin DAW

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung pag-amin ng DOH na may mga fully vaccinated na na mamamayan na tinatamaan pa rin ng COVID-19
  • yung kalokohan at mayabang na naging claim ng DOH na low risk na daw ang bayan laban sa COVID-19
  • yung ngayon lang late July 2021 inamin na may local transmission na ng Indian variant ng COVID-19
  • yung mga nagsasabing malapit na daw makamit ang herd immunity, samantalang wala namang immunity dahil ultimo mga fully vaccinated eh tinatamaan pa rin nga ng COVID-19
  • yung may apela na gawing single dose vaccine ang Sputnik V, pero may ginagawa ring patakaran na gawing 3 weeks ang interval nung 1st at 2nd dose
  • yung mga pahamak na nagpapanukala na iklian ang pagitan ng pagtuturok ng 1st at 2nd dose ng vaccine, samantalang ayon pala sa research eh mas kakaunti lang ang napo-produce na antibody kapag mas maikli lang ang interval
  • yung mga pinuno na isinusulong ang hindi pagre-require ng paggamit ng face shield in public places puwerket wala daw ganung mga patakaran sa ibang mga bansa
  • yung mga pinuno na naghahanap pa ng scientific basis sa paggamit ng face shield, samantalang ginagamit nga ang mga ganun sa medical field
  • yung pinuno na inirereklamo na mahal daw ang face shield samantalang may mura lang naman at pwede ding gamitin nang paulit-ulit basta't idi-disinfect lang
  • yung opisyales na naggigiit na kasing-bisa din ng mga Western vaccines ang Imperial vaccines, samantalang may mga ulat na nga sa ibang mga bansa na tinatamaan pa rin yung mga vaccinated ng Imperial vaccine nung virus
  • yung hindi na ire-require ang testing sa mga domestic travelers na fully vaccinated na, na para bang hindi na tatamaan ng virus ang mga ito at hindi na rin pwedeng makapanghawa pa ng iba
  • yung mapanganib na kagustuhan na idiretso na lang sa home quarantine ang mga uuwing OFW kahit na batid nila na maraming mga pasaway na mga mamamayan
  • yung pagiging pasaway ng Cebu sa pagsunod sa national quarantine protocol
  • yung hiling na isama na rin kaagad ang mga bilanggo sa priority list ng mga babakunahan, samantalang pwede namang higpitan na lang muna ang mga kulungan para hindi mapasok nung virus
  • yung problema sa kawalan ng uniform at naka-link sa centralized database na COVID-19 vaccination record
  • yung problema sa kawalan ng paraan para matukoy kung sinu-sino na ang mga bakunado, na dahilan kung bakit may mamamayan na rin na nakakuha na ng COVID-19 booster shot
  • sa Quezon City, yung barangay na may No Vaccine, No Quarantine Pass policy
  • yung kung kailan ipinagmamalaki na madami-dami na silang mga napabakunahan, eh saka naman tumataas ulit yung mga kaso ng COVID-19
  • sa Cebu, yung mga health workers na tinamaan pa rin ng COVID-19, kahit na 95% na daw sa mga iyon ang vaccinated na
  • sa Cavite, yung pagpapatigil muna ng pagbabakuna sa ilang sites kasi mismong mga kabilang sa vaccination team ang tinamaan ng COVID-19 kahit mga fully vaccinated na daw sila
  • sa Ospital ng BiΓ±an sa Laguna, yung nasa 24 na COVID at suspected COVID patients na nasa parking lot na lang
  • sa San Roque Cathedral, yung guest priest daw na namatay, na naging COVID-19 carrier kahit na kumpleto na daw siya sa dose ng Imperial vaccine
  • yung nasa 82 na pulis ng Quezon City Police District na nasabugan ng COVID-19 sa panahon ng mga variant, at mga fully vaccinated na daw ang mga ito
  • yung nasa 50 plus na carrier na mga pulis na i-d-in-eploy sa nakaraang State of the Nation Address, kahit na hindi pa lumalabas ang kanilang mga swab test result
  • yung Representative na 4 na beses na kaagad nabakunahan, samantalang madami pa ang hindi
  • yung problema pa rin pala hanggang sa ngayon ang mabagal na pagtukoy sa kung anong variant ang tumatama sa mga carrier
  • sa Makati City daw, yung nakunan ng video na insidente sa vaccination drive kung saan naisaksak naman daw yung pang-injection, kaso ay hindi naiturok yung lamang vaccine
  • sa Muntinlupa City, yung mga hindi na ginamit na COVID-19 vaccines dahil sa naging pagbabago sa temperature sa kanilang storage facility
  • sa Bulacan, yung COVID-19 carrier na naiburol at napaglamayan pa ng mga tao dahil sa hindi pagsunod sa tamang protocol sa ospital
  • sa Butuan City, yung mga tripulante ng isang sasakyang pandagat na dumaan sa Indonesia na may mga COVID-19 carrier pala, na nagawang makapaggala
  • yung extended na yung Bayanihan 2 kung tutuusin, pero hanggang ngayon ay may bilyun-bilyon pang piso na pondo ang hindi nagagamit
  • yung na-expire na nang tuluyan yung Bayanihan 2, at nasa Php 9 Billion daw na budget yung hindi nagamit
  • yung matagal nang hindi pag-uulat ng tungkol sa mga ginagawa sana para sa Bayanihan 2 bago pa man iyon nag-expire, nakasaad daw iyong papel na iyon doon sa mismong patakaran
  • yung nasilip ng mga budget checker na posible daw na overspending noon sa Bayanihan 1, as compared daw sa kuwentahan nila ng mga katumbas na gastusin
  • yung pagkaipit daw ng pondo sa Department of Budget and Management kung kailan papalapit na ang panahon ng eleksyon
  • yung namamahalan DAW ang mga OFW sa gastusin habang nasa quarantine, samantalang may mga reklamo at request ng budget para sa pagsuporta sa kanila
  • sa Quezon City, yung OFW na na-detect na Indian variant carrier, na galing sa Saudi Arabia at dumating sa bansa noon pa daw June 24
  • yung napasok ng Indian variant ang Antique, 2 kaso na from May pa daw ng mga unvaccinated carrier na walang history ng international travel
  • sa Camarines Sur, yung pagsabog ng COVID-19 sa Regional Training Center 5 Annex ng Philippine Public Safety College at National Police Training Institute, kung saan nasa 60 plus na carrier ang na-detect mula sa mga police trainee at staff
  • sa Baguio City, yung pagpapahinto sa training ng PNP dahil sa pagsabog ng COVID-19 sa mga trainees, nasa 26 daw yung latest na nadagdag sa bilang ng mga carrier eh
  • sa Baguio City ulit, yung nasa 68 na trainees ng Bureau of Fire Protection na nasabugan din ng COVID-19
  • yung kung paanong nakabiyahe yung mga COVID-19 carrier na sundalo na sumakay sa nawasak na eroplano sa Sulu
  • yung paglabag sa cremation protocol para sa COVID-19 carrier na sundalo na namatay sa nawasak na eroplano sa Sulu
  • sa Zamboanga City, yung 8 pulis na parurusahan dahil sa paggamit ng mga pekeng swab test result
  • sa Dumaguete City, Negros Oriental, yung pagdagsa ng mga mamamayan para sa Pfizer vaccination
  • sa Hagonoy, Bulacan, yung vaccination program na sobra-sobrang dinumog ng mga mamamayan sa panahon ng mga variant
  • sa Maynila, yung dinumog at nagkagulo na sa vaccination site sa panahon ng Indian variant ECQ, kung saan pinauwi na ng mga pulis yung maraming mga nagpunta
  • sa Las PiΓ±as, yung vaccination site na dinumog sa oras pa lang ng curfew, sa panahon ng Indian variant ECQ
  • sa Davao City, yung vaccination site na dinumog ng mga mamamayan
  • yung panibagong exodus ng mga tao mula sa NCR, dahil sa banta ng panibagong ECQ na dulot ng paghahanda laban sa Indian variant
  • yung siksikan ng mga pasahero para sa EDSA Carousel sa panahon ng COVID-19 variants na ikinagulat ng LTFRB
  • yung mga transport operators na kinontrata ng gobyerno sa panahon ng COVID-19 na hindi pa rin daw nababayaran ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation, Franchising, and Regulatory Board (LTFRB)
  • yung nasilip ng COA sa DOH, yung hindi daw nito pag-comply sa mga existing laws and regulations para sa paggamit nung nasa Php 67 Billion na pondo na panlaban sa COVID-19
  • yung nasilip pa rin ng COA, sa DSWD, yung hindi daw nagamit na nasa Php 780 Million na pang-ayuda sana sa panahon ng COVID-19
  • yung nasilip ng COA, sa Bureau of Fire Protection naman for the year 2020, yung nasa Php 605 Million plus daw na doubtful purchases para sa COVID-19 response nila
  • yung nasilip ng COA sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), yung kuwestiyonable daw na nasa Php 1.57 Million na halaga ng travel expenses, maging mga reimbursement ng movie tickets
  • yung nasilip ng COA sa PNP, yung nasa halos Php 500 Million daw na hindi nagamit na anti-insurgency na pondo na in-allot sa kanila ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para sa taong 2020
  • sa COA pa rin, yung nasilip nila sa AFP at PNP, yung mga bilyun-bilyong halaga ng mga hindi naisakatuparan na mga kontrata
  • sa PCSO, yung mga nagbitiw na special bids and awards committee (SBAC) officials, dahil pinayagan na ang isang Imperial company na dati nang na-reject na mag-bid para sa project
  • yung kawalang silbi ng Department of Energy sa pag-regulate sa presyuhan ng gasolina at kuryente sa panahon ng pandemya, habang abala ang kanilang pinuno sa pulitika
  • yung mabilis na pagbibigay ng franchise para sa iba
  • yung nasa Php 10.4 Billion daw na nawawala sa Social Amelioration Program, na kaugnay daw ng paggamit ng hindi kilalang e-wallet na Starpay
  • hindi ako sigurado, pero ito yata yung pamahalaan kung saan pinakamadami ang bumagsak na sasakyang panghimpapawid kahit na wala namang labanan na nangyayari
  • yung naka-recover na DAW ang bayan mula sa recession, at sobrang taas pa
  • sa DepEd, yung panibagong isyu sa learning module kung saan gumamit ng masyadong mahalay o bulgar na pananalita
  • yung suggestion ng pinuno ng DOLE para sa Professional Regulation Commission, na kesyo alisin na lang daw sa sistema ang mga licensure exam
  • yung pag-apila para sa anti-endo na patakaran na ibinasura na noon, ngayong papalapit na ang eleksyon
  • yung pag-aalok ng Department of Finance (DOF) ng nasa Php 900,000 plus na kontrata bilang social media strategist sa nabisto dati na nagpapatakbo ng madaming kaduda-duda na social media accounts
  • yung pag-hire daw ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ng mga contractual na trabahador na ginastusan nila ng nasa Php 70 Million
  • sa Nagtahan Bridge sa Manila, yung armored vehicle ng Presidential Security Group na nakabangga ng truck na nakapila lang
  • yung kriminal na half-Imperial na nanggulo na noong 2017 at nahulihan na ng ilegal na droga, na muling nanggulo sa Metro Manila ngayong July 2021 dahil pinalaya pa dati
  • yung ayon sa DOJ ay balik na sa duty yung mga Bureau of Immigration personnel na isinasangkot sa Pastillas modus, na kabaliktaran sa pinagsasasabi nung pinuno
  • yung maling show cause order ng DILG para sa Mayor ng Manila, na ini-withdraw din naman nila
  • sa Sorsogon City, yung ginawa ng PNP na branding sa mga potential rapists, kabilang na ang mga teacher
  • yung unti-unti nang napapawalang sala yung mga sangkot sa paggamit ng pondo ng bayan para sa mga kaduda-dudang NGO noon
  • yung pinuno na nagsasabing dapat daw ma-extend yung panunungkulan ng kanilang pinuno kung pwede lang sana
  • yung paggamit ng isang partido sa resources at TV channel ng pamahalaan para sa pasimpleng pangangampanya
  • yung pinuno na ginamit ang sariling kapalpakan, para lang palabasin na inaatake siya
  • yung opisyales na nagsasabi ng claim tungkol sa isang anak, na kabaliktaran ng dati nang sinabi nung ama
  • yung opisyales na nagsinungaling tungkol sa pagkaalis ng Vice President mula sa pagiging Cabinet member nito noon, na para bang wala siyang pinakawalan na text message dati
  • yung opisyal na sinisita yung mga nananakot daw na kesyo hindi na pwedeng lumabas ang mga hindi bakunado, samantalang pinuno niya ang nagsabi nun sa TV
  • yung mga opisyales na nagkukunwari na ginawa nila ang lahat para igiit ang nakuhang panalo para sa teritoryong inaagaw, samantalang sila ang nagtratong papel lang doon sa panalong iyon
  • yung pambabaliktad DAW sa mga sumbong ng mga mangingisda para lang mapalabas na walang problema sa karagatan na inaagaw ng Imperyo
  • yung pagtanggi ng mga nasa itaas na may nangyayari na oil exploration sa Scarborough Shoal, kahit pa may mga ulat na tungkol sa mga kagamitan ng Imperyo na nakita doon

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Bicol, yung pami-pamilya ang nagiging hawaan ng COVID-19
  • yung pagiging pasaway ng maraming mamamayan sa Naga City sa panahon ng COVID-19 variants, kahit na nasa MECQ yata sila
  • yung mga makasariling mamamayan na mas inuuna ang pagbabakasyon, kumpara sa pag-iingat sa panahon ng pandemic
  • yung 2 OFW na pabalik na daw sana sa Middle East, na nahuli dahil sa paggamit ng mga pekeng documents kasama na rin ang pekeng swab test result
  • sa Baguio City, yung 6 na nahuli dahil sa paggamit ng mga pekeng swab test result para sana sa TESDA assessment na requirement nila sa pag-a-abroad, tapos eh lumabas pa na COVID-19 carrier ang 1 doon sa 6
  • sa Lapu-Lapu City, yung home care na nasabugan ng COVID-19, kung saan nasa 31 daw na mga bata ang tinamaan kahit na wala naman daw sa mga ito ang lumalabas sa lugar nila
  • yung napasok din ng COVID-19 ang isang team sa PBA
  • yung mga kaganapan sa kamatayan ng isang dating pinuno na dinumog ng mga tao sa panahon ng COVID-19 variants
  • yung delikadong protesta ng mga mamamayan sa panahon ng Indian variant
  • sa General Trias, Cavite, yung religious procession na dinaluhan ng mga tao na lumabag na nang husto sa health protocol, mga wala ng face mask at face shield
  • sa Cagayan de Oro, yung 4 na Indian variant carrier na na-trace na may common birthday party na dinaluhan
  • sa Metro Manila, yung mga pasaway na nag-celebrate ng Fathers' Day 2021 sa mga pampublikong pasyalan, na marami ay may kasama pang mga bata
  • sa Manila Bay, yung pagdagsa ng mga pamilya dahil sa naging permiso para sa paglabas ng mga batang kaya nang magsuot ng mga mask
  • sa Pasig City, yung events place na ipinapasara matapos na magpadaos ng birthday party sa panahon ng Indian variant ECQ, kung saan 41 na katao daw ang hinuli dahil sa paglabag
  • sa Quezon City, yung Korean Restaurant na nagpunuan sa panahon ng COVID-19 variants
  • sa Quezon City, yung nabisto na bar at mga customers nito na nagpapasaway sa panahon ng COVID-19 variants
  • sa Camarines Sur, yung fraternity party ng mga pasaway sa panahon ng COVID-19 variants
  • sa Calauag, Quezon, yung tila naging street party ng mga kabataan sa panahon ng COVID-19 variants
  • sa Caloocan City, yung nakunan ng CCTV camera na riot ng mga basurang kabataan sa panahon na pwede na silang lumabas sa mga bahay nila, kung saan may bata na nawalan ng malay dahil daw napalo ng kahoy sa ulo ng isang 12 y/o na kriminal
  • sa Davao City, yung 14 na bikers na hinuli dahil sa paglabag sa mga health protocol, sa panahon ng mga variant, mga wala daw face mask at may nakumpiska pa na bote ng alak na malapit nang maubos
  • sa Batangas, yung pampasaherong barko na RoRo na nasabugan ng COVID-19
  • yung 8 ospital na nagbebenta daw ng mga overpriced na Remdesivir sa panahon ng COVID-19 variants
  • yung ilegal na rebranding ng mga modem ng isang telecommunications company bilang modem ng isang Imperial company
  • yung nasabat ng BOC, na nasa Php 10 Million na halaga ng smuggled na sibuyas mula sa Imperyo
  • sa Cebu, yung nasa Php 90 Million na halaga ng pekeng mga sigarilyo na sinira ng Bureau of Customs na dumating daw bilang 2 magkahiwalay na shipment na mula sa Imperyo
  • sa Bukidnon, yung winasak na nasa Php 50 Million na halaga ng misdeclared na mga sigarilyo na mula sa Imperyo, na pinalabas ng mga kriminal bilang office furniture
  • yung 2-in-1 na demolition and promotion approach sa social media, kung saan sinisiraan ang pangalan ng isang namatay na tao sabay mention din naman sa pangalan ng mga ini-endorse nila
  • yung miyembro ng isang masamang angkan na binigyan ng award para sa pagpo-promote ng mabuting ugnayan ng bayan at ng Imperyo
  • yung Imperial citizen na tumakbo nang nakahubo't hubad sa riles ng MRT
  • sa Ilagan, Isabela, yung nasa 23 na Imperial citizen na nahuli dahil sa paglabag sa travel protocol at sa pamemeke ng swab test result
  • yung Imperial citizen, nurse, at medical technologist na nahuli ng NBI dahil sa ilegal na pagbebenta ng Imperial vaccines, madalas daw na Imperial citizens ang mga buyer nila
  • sa Mandaluyong City, yung lalaking Imperial citizen na nahulihan ng nasa Php 500,000 na halaga ng hinihinalang shabu
  • sa Novaliches, Quezon City, yung nasa Php 860 Million plus na halaga ng hinihinalang shabu na nasabat mula sa 3 suspek na mga Imperial citizen
  • sa Balagtas, Bulacan, yung Imperial citizen na napatay sa buy-bust operation kung saan may nasamsam na nasa Php 500 Million na halaga ng hinihinalang shabu
  • sa ParaΓ±aque City, yung 5 daw Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan, na nahuli matapos ang tangkang pagdukot sa isang POGO worker na Imperial citizen din
  • yung Imperial research ship na pumasok at namataan malapit sa may Zambales
  • yung banta daw ng Peru variant ng COVID-19
  • yung Olympic qualifier na sprinter na fully vaccinated na ng Pfizer brand, pero naging carrier pa rin ng COVID-19
  • yung napasok ng COVID-19 ang Olympic Village para sa Tokyo Olympics
  • yung British na 10 buwan nang sunud-sunod na nagpo-positive sa COVID-19
  • sa Indonesia, yung mahigit 350 na medical workers na tinamaan pa rin ng COVID-19 kahit na naturukan na sila ng Imperial vaccine
  • yung mga bansa na umasa sa Imperial vaccine, pero ngayon ay humaharap sa surge nung virus
-----o0o-----


August 9, 2021...

sa Maynila..
yung Barangay Tanod na namaril at nakapatay sa isang may problema sa pag-iisip..
sa oras daw ng curfew..
okay lang naman na matakot sa baliw na tao kung akmang manunugod na nga..
pero una, hindi siya awtorisadong gumamit ng baril lalo na at loose firearm naman..
ikalawa, lumayo na yung biktima noong binaril niya, kaya hindi na seld-defense 'yon... πŸ™

is feeling , ang daming armas...


>
hindi dapat ibase ng mga kakandidato ang kanilang magiging desisyon sa survey..
dahil masyadong maliit lamang ang bilang ng mga nadadaanan ng mga ganun..
at actually, eh kaduda-duda pa nga kung totoo nga bang nangyayari...

pero totoo na yung ganung kaliit na bilang ng mga respondent eh malaki ang impact para sa mga mamamayan na nakikiuso lamang... πŸ™

is ⚠ feeling , madami kasi ang bobo...

---o0o---


August 10, 2021...

put*ng ina mo kang pinuno ng LGU ka..
walang sinabi na ganun yung Hokage na Mahilig..
nagpayo lang siya..
hindi niya pinagbintangan bilang mga automatic na carrier ang mga hindi bakunado..
hindi niya tinakot ang mga mamamayan..
dahilan para lalong matulungan sa pagkalat ang bioweapon... πŸ™

wala kang ebidensya..
hindi nag-e-exist ang video na 'to sa link..
at ang mga Panatikong Zombie ay mananatiling sumasamba sa putotoy ng kanilang dakilang santo... πŸ™

walang-wala kayong magagawa para maisalba pa ang isinumpang bayan na 'to... πŸ™

yung basurang tao na ni hindi kayang aminin ang nagawa niyang pagkakamali..
bagkus ay ibibintang sa iba..
at gagamitin pa para sa demolisyon... πŸ™

is feeling , may mga demonyo na kailangang mamatay, para hindi na lalo pang maghirap ang bayan...


>
yung naninira gamit ang mga sexy photos...?

sino nga yung mahilig mambastos ng mga babae..?
sino nga yung mahilig manghalik ng mga babae..?
sino nga yung may alagad na babae na sex-related ang dating trabaho..?
sino nga yung may kakampi na nagha-hire ng mga explicit performers...??

is feeling , linis-linisan na naman ang Hokage na Mahilig para manabotahe...

---o0o---


August 11, 2021...

sa Batangas..
yung pampasaherong barko na RoRo na nasabugan ng COVID-19..
ang dami daw kasing mga isinakay na wala naman sa manifesto..
nasa 25 daw na crew yung tinamaan..
kaso ay nakapagbaba din sila ng mga sakay sa kung saan-saan... πŸ™

is feeling , salamat sa tulong sa Imperyo.. napakalaking bagay ng inyong pagpapabaya...


>
sa Baguio City..
yung 6 na nahuli dahil sa paggamit ng mga pekeng swab test result..
kesyo umakyat daw doon para sana sa TESDA assessment na requirement nila sa pag-a-abroad..
tapos eh lumabas pa na COVID-19 carrier ang 1 doon sa 6... πŸ™

lagot yung iba pa nilang mga nakasama doon sa private vehicle... πŸ™

is feeling , gustong mag-abroad, pero nandadaya.. at mga walang pakialam sa kanilang kapwa...


>
sa Cavite..
yung pagpapatigil muna ng pagbabakuna sa ilang sites..
kasi mismong mga kabilang sa vaccination team ang tinamaan ng COVID-19.. πŸ™
at mga fully vaccinated na daw ang mga iyon...

is feeling , gusto ko talagang malaman kung may mga kaso na ba kung saan fully vaccinated ang nakakahawa doon sa ibang tao, vaccinated man o hindi pa...??


>
sa Lapu-Lapu City..
yung home care na nasabugan ng COVID-19..
kung saan nasa 31 daw na mga bata ang tinamaan kahit na wala naman daw sa mga ito ang lumalabas sa lugar nila...

either nadalhan sila doon ng carrier..
o talagang nasa hangin na ang put*ng inang bioweapon na 'yon... πŸ™

is feeling , matatapos pa ba ang padelubyo na ito ng Imperyo, kasabwat ang alyansa ng kasamaan...??


>
yung naka-recover na DAW ang bayan mula sa recession..
at sobrang taas pa...

mga baliw..
edi tingnan nyo na lang ang pamumuhay ng bawat tao..
tingnan ninyo kung gaano kadami ang kailangang limusan sa panahon ngayon...

is feeling , anong klaseng panloloko yan..?? parang noong sinabi na at low risk na laban sa bioweapon ang bayan...??


>
sa Davao City..
yung vaccination site na dinumog ng mga mamamayan... πŸ™

is feeling , perpekto, ehemplo, the safest...??


>
yung nasilip ng COA sa DOH..
yung hindi daw nito pag-comply sa mga existing laws and regulations para sa paggamit nung nasa Php 67 Billion na pondo na panlaban sa COVID-19...

is feeling , baka nailagay na rin sa sako-sako...??

---o0o---


August 12, 2021...

[Natural Calamities]

sa ibaba..
malakas na Magnitude 7.1 na lindol..
sa may area ng Davao Oriental...

is feeling , kung maisasalba ang isinumpang bayan dahil sa pagkabawas sa mga Panatikong Zombie, eh bakit nga ba hindi...??


>
yung problema sa kawalan ng uniform at naka-link sa centralized database na COVID-19 vaccination record...

is feeling , matagal nang hindi forte yung mga ganun...

---o0o---


August 13, 2021...

yung Imperial citizen na tumakbo nang nakahubo't hubad sa riles ng MRT...

is feeling , ganun talaga ang mga kaibigan ni Tatay Gunggong.. mga matitino...


>
[Natural Calamities]

madami pang lindol..
sa ibaba..
3 significant..
nasa Magnitude 5.1 noong August 12 din..
tapos magkasunod na Magnitude 5.3 at 5.1 ngayong August 13..
lahat sa area ng Davao Oriental...

is feeling , gawin na...


>
yung Imperial research ship na pumasok at namataan malapit sa may Zambales... πŸ™

is feeling , lagot na...


>
yung problema sa kawalan ng paraan para matukoy kung sinu-sino na ang mga bakunado..
na dahilan kung bakit may mamamayan na rin na nakakuha na ng COVID-19 booster shot... πŸ™

kumpletong dose daw ng Imperial vaccine mula sa Mandaluyong..
tapos ay nakakuha din ng Moderna bilang booster shot mula sa Quezon City...

is feeling , kulang na kulang ang mga vaccine.. panay ang banta sa mga hindi bakunado.. tapos eh may mga gahaman pa na naghahabol na kaagad ng booster shot...??


>
sa Ospital ng BiΓ±an sa Laguna..
yung nasa 24 na COVID at suspected COVID patients na nasa parking lot na lang...

is feeling , nagtagumpay talaga ang Imperyalismo...


>
yung nasilip pa rin ng COA..
sa DSWD..
yung hindi daw nagamit na nasa Php 780 Million na pang-ayuda sana sa panahon ng COVID-19...

is feeling , hanapin nyo lang.. baka naman nasa sako lang...??


>
hindi kaya nabili nang nabili ng isang tuta ng Imperyo yung mga porsyento ng isang energy source ng bayan..
dahil nga ang nakaupo sa department ay tuta ng alyansa ng kasamaan..??
na busy pa ngayon para sa susunod na pilian, sa halip na tulungan ang mga mamamayan na makatipid...

is feeling , mukhang sabwatan yung nangyari para makuha na rin ng Imperyo ang energy source na iyon...??

---o0o---


August 14, 2021...

[Natural Calamities]

sa itaas..
nasa Magnitude 5.8 na lindol..
sa may area ng Batangas...

is feeling , wala talaga kayong kuwentang kausap...


>
[Natural Calamities]

sa ibaba ulit..
nasa Magnitude 5.2 na lindol..
sa may area pa rin ng Davao Oriental...

is feeling , gawin ninyo kung ano yung tama.. hindi yung mali...


>
sa Pasig City..
yung events place na ipinapasara matapos na magpadaos ng birthday party sa panahon ng Indian variant ECQ.. πŸ™
nasa 41 na katao daw ang hinuli dahil sa paglabag...

is feeling , ganun talaga ang maraming mga mamamayan.. luho muna bago ang kaligtasan nila, at lalo na ng mga pwede nilang mahawaan kung saka-sakali...


No comments:

Post a Comment