Saturday, August 28, 2021

Getting Close with the Probe

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

sana magtagumpay na sa paggawa ng vaccine ang AstraZeneca..
at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is 💀 feeling , day 413...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2021/06/gauging.html

update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 502 + 200 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pangako ng sako-sako ng pondo para sa kanyang mga kasamahan
  • yung kagustuhan na payagan na ang gambling operation sa isla ng Boracay, sa kabila ng mga pagkukunwari noon
  • yung kagustuhan na armasan ng mga baril ang mga civilian volunteer, samantalang iyon ngang mga trained personnel eh may kakayahan na umabuso
  • yung ang mahalaga lang para sa kanila ay iyong maganda sa mata ang Dolomite project, at wala nang pakialam sa pagkasira ng kalikasan na dinulot ng minahan nun
  • yung naaasar sa sariling kakampi dahil sa mga binubusisi nitong mga katiwalian
  • yung pambabastos sa alaala ng isang namayapang pinuno, na kesyo ni hindi daw siya at sila mananalo kahit para lang sa Barangay Captain na posisyon sa Cagayan de Oro
  • yung paghahangad ng immunity gamit ang mataas na katungkulan, na para bang guilty siya
  • yung abogado yung matanda, pero hindi alam na wala palang immunity yung hinahabol niyang katungkulan
  • yung pagsasabi sa mahalagang pag-uulat na may kung anu-ano na siyang nararamdaman, pero talagang naghahabol pa sa katungkulan na maaaring maging substitute
  • yung kagustuhan na ipaaresto na ang mga ayaw magpabakuna, na para bang sapat ang kanilang naipo-provide
  • yung diskriminasyon laban sa mga hindi pa bakunado, yung may plano na i-ban na sila mula sa paglabas sa kanilang mga tahanan
  • yung bintang na kesyo Walking Spreader daw ang mga wala pang bakuna, na para bang automatic na mga carrier ang mga mamamayan na hindi pa bakunado
  • yung hindi kayang aminin ang nagawa niyang pagkakamali sa pananakot sa mga mamamayan
  • yung paglilipat ng sisi para sa kaguluhan na kanyang idinulot sa isang lokal na opisyal
  • yung naninira gamit ang mga sexy photos, na para bang wala siyang ginagawang kabastusan at ang kanyang mga kasamahan
  • yung reporter o mga reporter na pinag-alis na lang ng face mask at face shield sa press conference
  • yung pwede na daw mamasyal ang mga bakunado, na para bang walang ebidensya na pwede pa ring maging carrier ang mga fully vaccinated
  • yung muling pagtatanggol sa pinuno ng DOH, at ang COA pa talaga ang napagalitan dahil sa mga napupuna ng mga ito na iregularidad
  • yung naasar na rin dahil sa imbestigasyon na ginagawa ng Senado tungkol sa mga iregularidad na nasisilip ng COA, dahil sa mga lumalabas na findings
  • yung biglang inuungkat yung mga dating naging issue din sa COA, na para bang may napatunayan sila matapos ang maraming taon
  • yung pag-uulit sa isang mahalaga dapat na pag-uulat na kesyo utang na loob daw sa Imperyo ang mga bakuna, kahit na tinatamaan pa rin ng COVID-19 yung ibang mga naturukan na ng ganun
  • yung pagyayabang na kesyo madali lang daw mapaalis ang mga barko ng Imperyo sa pinag-aagawang teritoryo, samantalang nandun pa rin naman sila

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Davao Occidental, yung SK Chairman na nahuli sa buy-bust operation, bukod sa ilegal na droga ay may nakuha rin daw na baril mula sa kanya
  • sa Iloilo, yung Barangay Kagawad na naaresto sa isinagawang buy-bust operation
  • sa Sultan Mastura, Maguindanao, yung Barangay Kagawad at isang kasabwat na nahulihan ng nasa mahigit Php 3 Million na halaga ng hinihinalang shabu
  • sa Davao City, yung 28 y/o na government employee na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Makati City, yung dating sundalo na huhulihin lang sana dahil sa sumbong tungkol sa ilegal na pagsusugal nito, pero ay nahulihan din ng ilegal na droga
  • yung kawani ng Makati City Hall, na hinuli dahil daw sa pangingikil laban sa mga establishments na naipasara dahil sa paglabag sa mga COVID-19 protocol
  • sa MTPB, Manila Traffic and Parking Bureau yata 'yon, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong daw gamit ang mobile app
  • sa tapat ng Camp Crame sa Quezon City, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil sa pangingikil daw laban sa isang aplikante sa PNP
  • sa Manila Police District headquarters sa Ermita, yung pulis na namatay sa pamamaril ng lasing at nag-amok daw na kapwa pulis
  • sa Sulu, yung Sulu PNP Provincial Director na binaril at napatay ng kapwa niya pulis sa isang quarantine checkpoint
  • sa Palayan City, Nueva Ecija, yung sinunog na bangkay ng isang online seller ng mga alahas, kung saan suspek sa pagpatay ang nasa 5 pulis
  • sa Pastrana, Leyte, yung 1 magsasaka na napatay at 1 sugatan dahil sa pamamaril ng suspek na isang Barangay Chairman
  • sa Jose Reyes Memorial Medical Center sa Santa Cruz, Manila, yung security guard na pinatay sa pamamaril ng binabantayan daw niyang pasyente na isang Barangay Kagawad
  • sa Dumarao, Capiz, yung senior citizen na magsasaka na napatay ng isang Barangay Tanod sa pamamaril
  • sa Maynila, yung Barangay Tanod na namaril at nakapatay sa isang may problema sa pag-iisip sa oras ng curfew
  • sa San Antonio, Zambales, yung kadete ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) na nakapatay ng kapwa niya kadete dahil daw sa panununtok
  • sa Zamboanga City, yung isang miyembro ng Philippine National Police na natuklasan na miyembro daw ng Abu Sayyaf Group

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • sa Surigao del Sur, yung 3 Lumad na namatay sa pamamaril ng mga sundalo, kung saan 12 y/o lamang ang isa sa mga biktima
  • sa Albay, yung 2 aktibista daw na sangkot sa paggawa ng graffiti sa may tulay, na laban sa pinuno, na napatay ng mga pulis matapos DAW na manlaban
  • sa Biñan, Laguna, yung kaso nung 16 y/o na lalaki na kasama sa mga napatay ng mga pulis sa isang anti-illegal drugs operation, nakakapagtaka na may mga claim na napadapa na DAW iyong biktima at nakaposas na rin DAW

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung pag-amin ng DOH na may mga fully vaccinated na na mamamayan na tinatamaan pa rin ng COVID-19
  • yung kalokohan at mayabang na naging claim ng DOH na low risk na daw ang bayan laban sa COVID-19
  • yung ngayon lang late July 2021 inamin na may local transmission na ng Indian variant ng COVID-19
  • yung mga nagsasabing malapit na daw makamit ang herd immunity, samantalang wala namang immunity dahil ultimo mga fully vaccinated eh tinatamaan pa rin nga ng COVID-19
  • yung may apela na gawing single dose vaccine ang Sputnik V, pero may ginagawa ring patakaran na gawing 3 weeks ang interval nung 1st at 2nd dose
  • yung mga pahamak na nagpapanukala na iklian ang pagitan ng pagtuturok ng 1st at 2nd dose ng vaccine, samantalang ayon pala sa research eh mas kakaunti lang ang napo-produce na antibody kapag mas maikli lang ang interval
  • yung mga pinuno na isinusulong ang hindi pagre-require ng paggamit ng face shield in public places puwerket wala daw ganung mga patakaran sa ibang mga bansa
  • yung mga pinuno na naghahanap pa ng scientific basis sa paggamit ng face shield, samantalang ginagamit nga ang mga ganun sa medical field
  • yung pinuno na inirereklamo na mahal daw ang face shield samantalang may mura lang naman at pwede ding gamitin nang paulit-ulit basta't idi-disinfect lang
  • yung opisyales na naggigiit na kasing-bisa din ng mga Western vaccines ang Imperial vaccines, samantalang may mga ulat na nga sa ibang mga bansa na tinatamaan pa rin yung mga vaccinated ng Imperial vaccine nung virus
  • yung patuloy na pag-order ng Imperial vaccine kahit na hindi na ito masyadong mabisa laban sa mga variants
  • yung hindi na ire-require ang testing sa mga domestic travelers na fully vaccinated na, na para bang hindi na tatamaan ng virus ang mga ito at hindi na rin pwedeng makapanghawa pa ng iba
  • yung mapanganib na kagustuhan na idiretso na lang sa home quarantine ang mga uuwing OFW kahit na batid nila na maraming mga pasaway na mga mamamayan
  • yung pagiging pasaway ng Cebu sa pagsunod sa national quarantine protocol
  • yung planong payagan na kaagad ang mga OFW na makatanggap ng COVID-19 booster shots, sa kabila ng problema sa supply at kahit na wala pa namang patakaran para sa ganun
  • yung hiling na ipatupad na ang diskriminasyon, na bigyan na daw ng kalayaan ang mga fully vaccinated lang para tumakbo ang ekonomiya
  • yung hiling na isama na rin kaagad ang mga bilanggo sa priority list ng mga babakunahan, samantalang pwede namang higpitan na lang muna ang mga kulungan para hindi mapasok nung virus
  • sa Cebu, yung mandatory na pagpapagamit ng mga personal air purifier sa mga driver at konduktor, kahit pa wala namang patunay na epektibo yung mga ganun laban sa virus ng COVID-19
  • yung problema sa kawalan ng uniform at naka-link sa centralized database na COVID-19 vaccination record
  • yung problema sa kawalan ng paraan para matukoy kung sinu-sino na ang mga bakunado, na dahilan kung bakit may mamamayan na rin na nakakuha na ng COVID-19 booster shot
  • sa Quezon City, yung barangay na may No Vaccine, No Quarantine Pass policy
  • yung kung kailan ipinagmamalaki na madami-dami na silang mga napabakunahan, eh saka naman tumataas ulit yung mga kaso ng COVID-19
  • yung may banta na rin ngayon sa supply ng oxygen, yung mga nasa tank, dito sa bayan
  • yung banta ng pagre-resign ng mga health workers dahil sa kawalan ng pagpapahalaga sa kanilang mga sakripisyo
  • yung ibang benefits daw para sa mga health workers na binawi ng DOH at tinapyasan ng nasa 70%
  • sa Cebu, yung mga health workers na tinamaan pa rin ng COVID-19, kahit na 95% na daw sa mga iyon ang vaccinated na
  • sa Cavite, yung pagpapatigil muna ng pagbabakuna sa ilang sites kasi mismong mga kabilang sa vaccination team ang tinamaan ng COVID-19 kahit mga fully vaccinated na daw sila
  • sa Ospital ng Biñan sa Laguna, yung nasa 24 na COVID at suspected COVID patients na nasa parking lot na lang
  • sa San Roque Cathedral, yung guest priest daw na namatay, na naging COVID-19 carrier kahit na kumpleto na daw siya sa dose ng Imperial vaccine
  • yung nasa 82 na pulis ng Quezon City Police District na nasabugan ng COVID-19 sa panahon ng mga variant, at mga fully vaccinated na daw ang mga ito
  • yung nasa 50 plus na carrier na mga pulis na i-d-in-eploy sa nakaraang State of the Nation Address, kahit na hindi pa lumalabas ang kanilang mga swab test result
  • yung Representative na 4 na beses na kaagad nabakunahan, samantalang madami pa ang hindi
  • yung problema pa rin pala hanggang sa ngayon ang mabagal na pagtukoy sa kung anong variant ang tumatama sa mga carrier
  • sa Makati City daw, yung nakunan ng video na insidente sa vaccination drive kung saan naisaksak naman daw yung pang-injection, kaso ay hindi naiturok yung lamang vaccine
  • sa Muntinlupa City, yung mga hindi na ginamit na COVID-19 vaccines dahil sa naging pagbabago sa temperature sa kanilang storage facility
  • sa Bulacan, yung COVID-19 carrier na naiburol at napaglamayan pa ng mga tao dahil sa hindi pagsunod sa tamang protocol sa ospital
  • sa Butuan City, yung mga tripulante ng isang sasakyang pandagat na dumaan sa Indonesia na may mga COVID-19 carrier pala, na nagawang makapaggala
  • yung extended na yung Bayanihan 2 kung tutuusin, pero hanggang ngayon ay may bilyun-bilyon pang piso na pondo ang hindi nagagamit
  • yung na-expire na nang tuluyan yung Bayanihan 2, at nasa Php 9 Billion daw na budget yung hindi nagamit
  • yung matagal nang hindi pag-uulat ng tungkol sa mga ginagawa sana para sa Bayanihan 2 bago pa man iyon nag-expire, nakasaad daw iyong papel na iyon doon sa mismong patakaran
  • yung nasilip ng mga budget checker na posible daw na overspending noon sa Bayanihan 1, as compared daw sa kuwentahan nila ng mga katumbas na gastusin
  • yung pagkaipit daw ng pondo sa Department of Budget and Management kung kailan papalapit na ang panahon ng eleksyon
  • yung namamahalan DAW ang mga OFW sa gastusin habang nasa quarantine, samantalang may mga reklamo at request ng budget para sa pagsuporta sa kanila
  • yung babaeng Indian variant carrier na nagawang magpabalik-balik sa Occidental Mindoro at Metro Manila kahit positive na pala siya, para subukang mag-OFW sa Hong Kong
  • sa Quezon City, yung OFW na na-detect na Indian variant carrier, na galing sa Saudi Arabia at dumating sa bansa noon pa daw June 24
  • yung napasok ng Indian variant ang Antique, 2 kaso na from May pa daw ng mga unvaccinated carrier na walang history ng international travel
  • yung napasok na rin ang bayan ng Peru variant, kaso ay wala daw history ng international travel yung carrier
  • sa Camarines Sur, yung pagsabog ng COVID-19 sa Regional Training Center 5 Annex ng Philippine Public Safety College at National Police Training Institute, kung saan nasa 60 plus na carrier ang na-detect mula sa mga police trainee at staff
  • sa Baguio City, yung pagpapahinto sa training ng PNP dahil sa pagsabog ng COVID-19 sa mga trainees, nasa 26 daw yung latest na nadagdag sa bilang ng mga carrier eh
  • sa Baguio City ulit, yung nasa 68 na trainees ng Bureau of Fire Protection na nasabugan din ng COVID-19
  • yung kung paanong nakabiyahe yung mga COVID-19 carrier na sundalo na sumakay sa nawasak na eroplano sa Sulu
  • yung paglabag sa cremation protocol para sa COVID-19 carrier na sundalo na namatay sa nawasak na eroplano sa Sulu
  • sa Zamboanga City, yung 8 pulis na parurusahan dahil sa paggamit ng mga pekeng swab test result
  • sa Dumaguete City, Negros Oriental, yung pagdagsa ng mga mamamayan para sa Pfizer vaccination
  • sa Hagonoy, Bulacan, yung vaccination program na sobra-sobrang dinumog ng mga mamamayan sa panahon ng mga variant
  • sa Maynila, yung dinumog at nagkagulo na sa vaccination site sa panahon ng Indian variant ECQ, kung saan pinauwi na ng mga pulis yung maraming mga nagpunta
  • sa Las Piñas, yung vaccination site na dinumog sa oras pa lang ng curfew, sa panahon ng Indian variant ECQ
  • sa Davao City, yung vaccination site na dinumog ng mga mamamayan
  • yung panibagong exodus ng mga tao mula sa NCR, dahil sa banta ng panibagong ECQ na dulot ng paghahanda laban sa Indian variant
  • yung siksikan ng mga pasahero para sa EDSA Carousel sa panahon ng COVID-19 variants na ikinagulat ng LTFRB
  • yung mga transport operators na kinontrata ng gobyerno sa panahon ng COVID-19 na hindi pa rin daw nababayaran ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation, Franchising, and Regulatory Board (LTFRB)
  • yung iregular daw na ginawa ng DOH na paglilipat ng nasa Php 42 Billion nilang pondo para ang Department of Budget and Management - Procurement Service (DBM-PS) ang mamili para sa kanila, kung saan lumalabas na overpriced daw yung mga biniling personal protective equipment (PPE) at iba pang supplies
  • sa imbestigasyon ng Senado, yung kaduda-dudang contractor na nakuha ng Department of Budget and Management (DBM), dahil 2019 lang naman daw naging incorporated iyong contractor
  • sa imbestigasyon ng Senado, yung kaduda-dudang contractor na nakuha ng Department of Budget and Management (DBM) na hindi gumamit ng tamang address para sa kanilang mga documents
  • yung dati palang election lawyer ng kilalang pinuno yung nabigyan ng katungkulan sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM), at siya rin yung nangasiwa sa mga kaduda-dudang transactions ng DBM para sa DOH
  • yung nasilip ng COA sa DOH, yung hindi daw nito pag-comply sa mga existing laws and regulations para sa paggamit nung nasa Php 67 Billion na pondo na panlaban sa COVID-19
  • yung nasita pa rin ng COA, sa regional office naman ng DOH sa Western Visayas, yung gastos nila para sa pagkain para sa kanilang online meetings na umaabot ng Php 1 Million
  • yung nasilip pa rin ng COA, sa DSWD, yung hindi daw nagamit na nasa Php 780 Million na pang-ayuda sana sa panahon ng COVID-19
  • yung napuna naman ng COA sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), yung pagbili daw ng mga ito ng nasa mahigit Php 1.2 Million na halaga ng mga items mula sa construction and trading company, kung saan overpriced daw yung ibang items
  • yung nasilip ng COA, sa Bureau of Fire Protection naman for the year 2020, yung nasa Php 605 Million plus daw na doubtful purchases para sa COVID-19 response nila
  • yung nasilip ng COA sa DOLE, yung nasa mahigit Php 1 Billion daw na unliquidated cash advances
  • yung nasilip ng COA sa DepEd, yung nasa Php 8 Billion plus na pondo na kulang daw sa mga supporting documents
  • yung napuna ng COA sa Department of Information and Communications Technology (DICT), yung pagbili daw ng mga ito ng nasa Php 170 Million na halaga ng mga gadgets mula sa construction firm
  • yung nasilip ng COA sa Pag-IBIG naman, yung pagbili daw nito ng nasa 21 na sasakyan para sa mga opisyales nila nang walang permiso, nasa Php 36 Million ang inabot ng mga nagastos para doon sa mga sasakyan
  • yung nasilip naman ng COA sa People’s Television Network Inc. (PTV), yung nasa Php 189 Million daw na pasuweldo na kulang sa mga supporting documents, kuwestiyonable din daw yung nasa Php 8 Million na rice subsidies at educational assistance para sa mga officers and employees gayong kailangan muna dapat ng permiso para magawa iyon
  • yung nasilip ng COA sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), yung kuwestiyonable daw na nasa Php 1.57 Million na halaga ng travel expenses, maging mga reimbursement ng movie tickets
  • yung nasilip ng COA sa Tourism Promotions Board, yung overstocking daw ng promotional materials na umaabot sa Php 52 Million
  • yung napuna ng COA sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), yung paglilipat daw ng mga ito ng nasa Php 160 Million na pondo para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC)
  • yung nasilip ng COA sa PNP, yung nasa halos Php 500 Million daw na hindi nagamit na anti-insurgency na pondo na in-allot sa kanila ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para sa taong 2020
  • sa COA pa rin, yung nasilip nila sa AFP at PNP, yung mga bilyun-bilyong halaga ng mga hindi naisakatuparan na mga kontrata
  • yung nasilip ng COA sa Bureau of Corrections (BuCor) naman, yung nasa Php 639 Million daw na unutilized na pondo at yung nasa Php 176 Million daw na bayad para sa catering services na kulang sa documentation
  • yung nasilip pa rin ng COA, sa National Irrigation Administration (NIA) naman, yung mga iregularidad daw sa paggamit nito ng nasa Php 6 Billion plus na pondo, na kulang daw sa mga dokumento at may mga lihiman pang nangyayari
  • sa PCSO, yung mga nagbitiw na special bids and awards committee (SBAC) officials, dahil pinayagan na ang isang Imperial company na dati nang na-reject na mag-bid para sa project
  • yung kawalang silbi ng Department of Energy sa pag-regulate sa presyuhan ng gasolina at kuryente sa panahon ng pandemya, habang abala ang kanilang pinuno sa pulitika
  • yung mabilis na pagbibigay ng franchise para sa iba
  • yung kagustuhan na buwisan ang mga players ng mga cryptocurrency-based games, sa kabila ng pagiging volatile ng cryptocurrency market at ang mga nagtataasan na transaction fees
  • yung nasa Php 10.4 Billion daw na nawawala sa Social Amelioration Program, na kaugnay daw ng paggamit ng hindi kilalang e-wallet na Starpay
  • sa Maynila, yung Barangay Chairman, Kagawad, Ex-O, at isang dating Tanod, na hinuli dahil sa pagnanakaw daw sa cash aid na galing sa Social Amelioration Program (SAP)
  • hindi ako sigurado, pero ito yata yung pamahalaan kung saan pinakamadami ang bumagsak na sasakyang panghimpapawid kahit na wala namang labanan na nangyayari
  • yung naka-recover na DAW ang bayan mula sa recession, at sobrang taas pa
  • sa DepEd, yung panibagong isyu sa learning module kung saan gumamit ng masyadong mahalay o bulgar na pananalita
  • yung suggestion ng pinuno ng DOLE para sa Professional Regulation Commission, na kesyo alisin na lang daw sa sistema ang mga licensure exam
  • yung pag-apila para sa anti-endo na patakaran na ibinasura na noon, ngayong papalapit na ang eleksyon
  • yung ang nakuhang logistics service provider ng COMELEC ay may kaugnayan sa isang malaking campaign contributor, na may kaugnayan din sa mananakop na nasyon
  • yung pag-aalok ng Department of Finance (DOF) ng nasa Php 900,000 plus na kontrata bilang social media strategist sa nabisto dati na nagpapatakbo ng madaming kaduda-duda na social media accounts
  • yung pag-hire daw ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ng mga contractual na trabahador na ginastusan nila ng nasa Php 70 Million
  • sa Nagtahan Bridge sa Manila, yung armored vehicle ng Presidential Security Group na nakabangga ng truck na nakapila lang
  • yung kriminal na half-Imperial na nanggulo na noong 2017 at nahulihan na ng ilegal na droga, na muling nanggulo sa Metro Manila ngayong July 2021 dahil pinalaya pa dati
  • yung ayon sa DOJ ay balik na sa duty yung mga Bureau of Immigration personnel na isinasangkot sa Pastillas modus, na kabaliktaran sa pinagsasasabi nung pinuno
  • yung maling show cause order ng DILG para sa Mayor ng Manila, na ini-withdraw din naman nila
  • sa Sorsogon City, yung ginawa ng PNP na branding sa mga potential rapists, kabilang na ang mga teacher
  • yung pastor na 3 buwan daw na nakulong dahil sa ilegal na pagkakaaresto sa kanya, na related daw sa aktibismo
  • yung unti-unti nang napapawalang sala yung mga sangkot sa paggamit ng pondo ng bayan para sa mga kaduda-dudang NGO noon
  • yung pinuno na nagsasabing dapat daw ma-extend yung panunungkulan ng kanilang pinuno kung pwede lang sana
  • yung paggamit ng isang partido sa resources at TV channel ng pamahalaan para sa pasimpleng pangangampanya
  • yung pinuno na ginamit ang sariling kapalpakan, para lang palabasin na inaatake siya
  • yung opisyales na nagsasabi ng claim tungkol sa isang anak, na kabaliktaran ng dati nang sinabi nung ama
  • yung opisyales na nagsinungaling tungkol sa pagkaalis ng Vice President mula sa pagiging Cabinet member nito noon, na para bang wala siyang pinakawalan na text message dati
  • yung opisyal na sinisita yung mga nananakot daw na kesyo hindi na pwedeng lumabas ang mga hindi bakunado, samantalang pinuno niya ang nagsabi nun sa TV
  • yung mga opisyales na nagkukunwari na ginawa nila ang lahat para igiit ang nakuhang panalo para sa teritoryong inaagaw, samantalang sila ang nagtratong papel lang doon sa panalong iyon
  • yung pambabaliktad DAW sa mga sumbong ng mga mangingisda para lang mapalabas na walang problema sa karagatan na inaagaw ng Imperyo
  • yung pagtanggi ng mga nasa itaas na may nangyayari na oil exploration sa Scarborough Shoal, kahit pa may mga ulat na tungkol sa mga kagamitan ng Imperyo na nakita doon

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Bicol, yung pami-pamilya ang nagiging hawaan ng COVID-19
  • yung pagiging pasaway ng maraming mamamayan sa Naga City sa panahon ng COVID-19 variants, kahit na nasa MECQ yata sila
  • yung mga makasariling mamamayan na mas inuuna ang pagbabakasyon, kumpara sa pag-iingat sa panahon ng pandemic
  • yung 2 OFW na pabalik na daw sana sa Middle East, na nahuli dahil sa paggamit ng mga pekeng documents kasama na rin ang pekeng swab test result
  • sa Baguio City, yung 6 na nahuli dahil sa paggamit ng mga pekeng swab test result para sana sa TESDA assessment na requirement nila sa pag-a-abroad, tapos eh lumabas pa na COVID-19 carrier ang 1 doon sa 6
  • sa Lapu-Lapu City, yung home care na nasabugan ng COVID-19, kung saan nasa 31 daw na mga bata ang tinamaan kahit na wala naman daw sa mga ito ang lumalabas sa lugar nila
  • yung napasok din ng COVID-19 ang isang team sa PBA
  • yung mga naging tumpukan ng mga mamamayan dahil sa panonood ng international boxing match ng isang kilalang idolo sa panahon ng mga variants
  • yung mga kaganapan sa kamatayan ng isang dating pinuno na dinumog ng mga tao sa panahon ng COVID-19 variants
  • yung delikadong protesta ng mga mamamayan sa panahon ng Indian variant
  • sa General Trias, Cavite, yung religious procession na dinaluhan ng mga tao na lumabag na nang husto sa health protocol, mga wala ng face mask at face shield
  • sa Cagayan de Oro, yung 4 na Indian variant carrier na na-trace na may common birthday party na dinaluhan
  • sa Metro Manila, yung mga pasaway na nag-celebrate ng Fathers' Day 2021 sa mga pampublikong pasyalan, na marami ay may kasama pang mga bata
  • sa Manila Bay, yung pagdagsa ng mga pamilya dahil sa naging permiso para sa paglabas ng mga batang kaya nang magsuot ng mga mask
  • sa Pasig City, yung events place na ipinapasara matapos na magpadaos ng birthday party sa panahon ng Indian variant ECQ, kung saan 41 na katao daw ang hinuli dahil sa paglabag
  • sa Quezon City, yung Korean Restaurant na nagpunuan sa panahon ng COVID-19 variants
  • sa Quezon City, yung nabisto na bar at mga customers nito na nagpapasaway sa panahon ng COVID-19 variants
  • sa Camarines Sur, yung fraternity party ng mga pasaway sa panahon ng COVID-19 variants
  • sa Calauag, Quezon, yung tila naging street party ng mga kabataan sa panahon ng COVID-19 variants
  • sa Caloocan City, yung nakunan ng CCTV camera na riot ng mga basurang kabataan sa panahon na pwede na silang lumabas sa mga bahay nila, kung saan may bata na nawalan ng malay dahil daw napalo ng kahoy sa ulo ng isang 12 y/o na kriminal
  • sa Naga City, yung nakunan ng video na rambulan ng mga kabataan sa panahon ng COVID-19 variants
  • sa Davao City, yung 14 na bikers na hinuli dahil sa paglabag sa mga health protocol, sa panahon ng mga variant, mga wala daw face mask at may nakumpiska pa na bote ng alak na malapit nang maubos
  • sa Batangas, yung pampasaherong barko na RoRo na nasabugan ng COVID-19
  • yung 8 ospital na nagbebenta daw ng mga overpriced na Remdesivir sa panahon ng COVID-19 variants
  • yung ilegal na rebranding ng mga modem ng isang telecommunications company bilang modem ng isang Imperial company
  • yung nasabat ng BOC, na nasa Php 10 Million na halaga ng smuggled na sibuyas mula sa Imperyo
  • sa Cebu, yung nasa Php 90 Million na halaga ng pekeng mga sigarilyo na sinira ng Bureau of Customs na dumating daw bilang 2 magkahiwalay na shipment na mula sa Imperyo
  • sa Bukidnon, yung winasak na nasa Php 50 Million na halaga ng misdeclared na mga sigarilyo na mula sa Imperyo, na pinalabas ng mga kriminal bilang office furniture
  • yung 2-in-1 na demolition and promotion approach sa social media, kung saan sinisiraan ang pangalan ng isang namatay na tao sabay mention din naman sa pangalan ng mga ini-endorse nila
  • yung miyembro ng isang masamang angkan na binigyan ng award para sa pagpo-promote ng mabuting ugnayan ng bayan at ng Imperyo
  • yung Imperial citizen na tumakbo nang nakahubo't hubad sa riles ng MRT
  • sa Ilagan, Isabela, yung nasa 23 na Imperial citizen na nahuli dahil sa paglabag sa travel protocol at sa pamemeke ng swab test result
  • yung Imperial citizen, nurse, at medical technologist na nahuli ng NBI dahil sa ilegal na pagbebenta ng Imperial vaccines, madalas daw na Imperial citizens ang mga buyer nila
  • sa Mandaluyong City, yung lalaking Imperial citizen na nahulihan ng nasa Php 500,000 na halaga ng hinihinalang shabu
  • sa Novaliches, Quezon City, yung nasa Php 860 Million plus na halaga ng hinihinalang shabu na nasabat mula sa 3 suspek na mga Imperial citizen
  • sa Balagtas, Bulacan, yung Imperial citizen na napatay sa buy-bust operation kung saan may nasamsam na nasa Php 500 Million na halaga ng hinihinalang shabu
  • sa Parañaque City, yung 5 daw Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan, na nahuli matapos ang tangkang pagdukot sa isang POGO worker na Imperial citizen din
  • sa Pasay City, yung 2 Imperial citizen na mga POGO workers at 1 lokal na mamamayan na inaresto dahil daw sa kidnap-for-ransom laban sa couple na mga Imperial citizen din
  • sa Parañaque City, yung 8 Imperial citizen at 1 babae na lokal  na mamamayan, na hinuli dahil sa illegal detention laban sa isa ding Imperial citizen dahil daw sa pagkakautang nito
  • yung Imperial research ship na pumasok at namataan malapit sa may Zambales
  • yung banta daw ng Peru variant ng COVID-19
  • yung Olympic qualifier na sprinter na fully vaccinated na ng Pfizer brand, pero naging carrier pa rin ng COVID-19
  • yung napasok ng COVID-19 ang Olympic Village para sa Tokyo Olympics
  • yung British na 10 buwan nang sunud-sunod na nagpo-positive sa COVID-19
  • sa Indonesia, yung mahigit 350 na medical workers na tinamaan pa rin ng COVID-19 kahit na naturukan na sila ng Imperial vaccine
  • yung mga bansa na umasa sa Imperial vaccine, pero ngayon ay humaharap sa surge nung virus
-----o0o-----


August 22, 2021...

[Sports]

dati, gustung-gusto kong matalo yung taong iyon..
para malaman niya ang halaga ng focus sa trabaho, kung saan marami ang saklaw..
pero nakakaawa siya ngayon..
kasi baka yurakan siya ng mga nagtraydor sa kanila...

is feeling , sa bagong laban na tayo.. sa paglaban sa kasamaan...

---o0o---


August 23, 2021...

yung mga naging tumpukan ng mga mamamayan..
dahil sa panonood ng international boxing match ng isang kilalang idolo...

is feeling , lagot na.. sabog na naman ang bioweapon...


>
yung hiling na ipatupad na ang diskriminasyon, para tumakbo ang ekonomiya..
na bigyan na daw ng kalayaan ang mga fully vaccinated...

pwede naman..
pero alam na ng lahat na kahit mga fully vaccinated eh pwede pa ring tamaan ng COVID-19..
at na may mga namamatay pa rin sa kanila dahil sa COVID-19...

mas mabuti na nga siguro na mag-experiment na..
tingnan kung epektibo nga ba ang mga vaccine laban doon sa virus..
ayun nga lang..
dapat kapag may fully vaccinated na nakahawa ng mga inosente, eh pwede sanang silaban na lang kaagad...

is feeling , sugal na...


>
yung kalokohang kagustuhan na buwisan ang mga Axie pilot... 🙁

mga ganid kayo..
magkano ang investment para makapagsimula doon sa laro..?
kahit scholar, magkano ang gastusin namin sa gas fee..?
anong itsura ngayon nung market dahil sa ginagawang pandaraya ng mga Imperyalista..?
gaano ka-risky ang napaka-volatile na market ng cryptocurrency..?
panahon ng bioweapon ngayon, pero ang iniisip nyo pa rin ay kung paano pagkakaperahan ang mga tao..
tapos ano, panay kuwestiyonable naman ang mga gagawin ninyong paggastos ng mga pondo...?? 🙁

may mga dinadaanan kaming kompanya at online platforms..
tama na yung buwis na nakukuha ninyo mula sa kinikita nila..
ilang buwan na ngayon ang kailangan namin para sa ROI..
huwag kayong mga kurakot sa buhay namin.. 🙁
tutal yung papasok naman sa amin na pera mula doon sa laro, eh gagastusin din namin, kaya mabubuwisan nyo rin in another way...

is feeling , kung talagang matalino kayo.. bumuo na rin kayo ng sarili ninyong team, para makakuha pa ng pera mula doon sa laro habang meron pa ngang makukuha...


>
yung nasilip ng COA sa Tourism Promotions Board..
yung overstocking daw ng promotional materials na umaabot sa Php 52 Million...

is feeling , mabuti na yung may palabis, kahit walang silbi...

---o0o---


August 24, 2021...

posible kaya na kumakalat ang bioweapon dahil sa mga dura sa lansangan...??

posible kaya na yung mga inilulura ng mga carrier..
kapag nadapuan ng langaw o ng iba pang mga nilalang..
na kapag nadala nila sa mga pagkain..
eh baka posibleng nakakapagpakalat din nga ng bioweapon...??

is feeling , madami kasing ganun na mga tao eh.. yung kahit saan na lang sa kalikasan lumulura...


>
yung nasilip ng COA..
sa Bureau of Corrections (BuCor) naman..
yung nasa Php 639 Million daw na unutilized na pondo..
at yung nasa Php 176 Million daw na bayad para sa catering services na kulang sa documentation...

is feeling , kaya may mga kailangan bumalik sa puwesto eh.. para magpatuloy lang ang ganitong kalakaran.. ang tatakaw nila sa gatasan.. pero ginagago lang nila ang mga naghuhulog ng gatas...

---o0o---


August 25, 2021...

yung mga paninita sa mga dating naging issue din sa COA..
pero sa ngalan lang ng demolisyon...

nasaan yung mga nangyari sa panahon ng Cosplayer..?
bakit hindi mo mausisa...??

put*ng ina..
2021 na ngayon, kaya anong ginawa ninyo sa lagpas 5 taon para maparusahan ang mga sinasabi ninyong may sala...??

ano 'to, comparison..?
na dahil walang naparusahan noon, eh tama lang na wala ding maparusahan sa panahon ngayon...??

is feeling , another Dictator era...


>
parang yung Cosplayer din lang dati..
kapag mga kaso ang pinag-uusapan eh mahinang-mahina, at gamit-gamit yung neck brace costume niya..
pero kapag tungkol sa kapangyarihan ang pinag-uusapan, eh fit siya..
at noong nanalo ang mga kasama sa alyansa eh mala-milagrong gumaling kaagad... 🙁

ang Hokage na Mahilig naman..
may mga pagbubunganga siya kung saan sinasabi niya na nanghihina na ang katawan niya..
pero kapag pagkuha na ulit ng kapangyarihan ang pinag-uusapan, eh fit pa siya bilang substitute... 🙁

is ⚠ feeling , ugaling demonyo.. gagawin ang lahat para magtamasa ng kapangyarihan, mapagtakpan lang ang mga ginagawang kasamaan...


>
yung patuloy na pag-order ng Imperial vaccine kahit na hindi na ito masyadong mabisa laban sa mga variants...

ganyan ba ang may plano..?
alam na nila dapat na sa ibang mga bansa eh umaasa na sa booster shot ang ganung klase ng vaccine..
pero patuloy pa rin ang kanilang pagtangkilik... 🙁

is feeling , pagwawaldas ng pera, para maka-request pa ng karagdagan na ipambibili ulit ng panturok...


>
delikado nga ang susunod na selection process kung ganun..
bahagi pala talaga nung logistics service provider yung negosyante na may lahing Imperyalista..
bukod doon, gumagawa din siya ng mga negosyo dito sa loob ng bayan kung saan binibigyan ng palusot ang pamumuhunan ng Imperyo... 🙁

kaduda-duda na kung tutuusin na hinahayaan nila ang Imperyo na kumita sa telecommunications industry sa loob ng bayan..
ang isa sa energy supply ng bayan eh inuunti-unti na ring bilhin nung negosyante, probably dahil bahagi din ng alyansa ang nangangasiwa sa ngayon sa energy..
kaya pati ba naman proseso ng selection eh papasukin na rin nila...??

ang worst case..?
na nasa likod ang pondo ng Imperyo, dahilan para magawang mag-offer nung kompanya ng mababang presyo..
at mamanipulahin ng Imperyo ang selection process para manaig ang kanilang mga basurang Bestfriend... 🙁

is feeling , we're doomed...


>
sobrang mahalaga ang mga confidential na gastusin..
para hindi mabusisi ng mga nagko-contribute ng gatas... 🙁

is feeling , gawin na lang confidential ang lahat.. para maging maligaya ang buong alyansa ng kasamaan...

---o0o---


August 26, 2021...

sa Pasay City..
yung 2 Imperial citizen na mga POGO workers at 1 lokal na mamamayan..
na inaresto dahil daw sa kidnap-for-ransom laban sa couple na mga Imperial citizen din... 🙁

is feeling , yung baho ninyo, dala-dala pa ninyo sa inyong probinsya...


>
[Natural Calamities]

sa ibaba..
nasa Magnitude 5 na lindol..
sa may area ng Zamboanga Sibugay...

is feeling , kailangan nang maparusahan ang mga may masasamang balak laban sa bayan...


>
yung babaeng Indian variant carrier na nagawang magpabalik-balik sa Occidental Mindoro at Metro Manila kahit positive na pala siya.. 🙁
gusto daw kasing mag-OFW sa Hong Kong...

mga gahaman kayo..
wala kayong pakialam kung natutulungan ninyo ang terorismo...

is feeling , nasaan ang put*ng inang karapatan na silaban ang mga pahamak...??

---o0o---


August 27, 2021...

[Artificial Calamities]

perpekto para sa mata lahat ng mga put*ng inang Dolomite projects... 🙁

ganito kasasama ang mga tao..
lolokohin nila ang kanilang mga sarili na maganda ang ilang bagay..
kahit pa wasakin nila ang buong mundo... 🙁

is feeling , kalikasan, gumanti ka na.. yung matindi-tindi...


>
sa Parañaque City..
yung 8 Imperial citizen at 1 babae na lokal  na mamamayan..
na hinuli dahil sa illegal detention laban sa isa ding Imperial citizen, dahil daw sa pagkakautang nito...

is feeling , lahi ng mga kriminal...


>
sa Cebu..
yung mandatory na pagpapagamit ng mga personal air purifier sa mga driver at konduktor.. 🙁
kahit pa wala namang patunay na epektibo yung mga ganun laban sa virus ng COVID-19...

is feeling , tama na ang pagpapahirap sa mga naghihirap na...


>
mga tanga naman talaga yung mga naniwala na kasama sa mga adhikain ng Hokage na Mahilig ang labanan ang korupsiyon... 🙁

sino ba ang mga kakampi nila mula umpisa..?
Dictator Clan..
Cosplayer group..
mga kasabwat ng NGO Queen..
tapos aasa sila na may plano nga na labanan ang korupsiyon...?? 🙁

is feeling , death to our enemies...


>
yung kagustuhan na payagan na ang gambling operation sa isla ng Boracay..
para lang sa pera..
sa kabila ng mga istorya noon na hindi nila ito papayagan... 🙁

pero ang totoong mas mahalagang tanong..
ay sino o anong klase ng operator ang makikinabang...??

is feeling , it's a trap.. mula umpisa...


>
yung naasar na rin dahil sa imbestigasyon na ginagawa ng Senado tungkol sa mga iregularidad na nasisilip ng COA...

is feeling , may tinatamaan sila, kaya naman nagre-react nang maige...


>
sa imbestigasyon ng Senado..
yung kaduda-dudang contractor na nakuha ng Department of Budget and Management (DBM)..
bukod sa 2019 lang daw naging incorporated iyong contractor..
eh hindi na rin tama yung address na ginagamit sa mga documents..
2018 pa daw bakante yung address na i-d-in-eclare nila... 🙁

is feeling , mukhang lumalapit na ang bayan sa katotohanan.. kaya naman may mga nagpa-panic...


>
sa Maynila..
yung Barangay Chairman, Kagawad, Ex-O, at isang dating Tanod..
na hinuli dahil sa pagnanakaw daw sa cash aid na galing sa Social Amelioration Program (SAP)... 🙁

is feeling , ang money flow ng mga pinuno...

---o0o---


August 28, 2021...

[Natural Calamities] 

sa ibaba..
nasa Magnitude 5.7 na lindol..
sa may area ng Davao Occidental...

is feeling , iligtas ninyo ang isinumpang bayan na ito laban sa mga bugaw at mananakop...


>
yung dati palang election lawyer ng kilalang pinuno yung nabigyan ng katungkulan sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM)..
at siya rin yung nangasiwa sa mga kaduda-dudang transactions ng DBM para sa DOH... 🙁

is feeling , connect the dots...


No comments:

Post a Comment