i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
bawal na ang paggamit ng kontrata sa pag-e-employ ng mga artista..
bawal na ang pumatay ng mga extra at artista sa mga teleserye..
bawal na ang gumamit nung mga script sa mga teleserye kung saan dadaan muna sa pagkabata yung mga characters..
bawal na yung mga short time o one episode lang na mga palabas..
dapat lahat eh makakapagtrabaho ng at least 40 hours a week..
bawal na ang magtapos ang mga sports league..
bawal na ang magtapos ang mga TV programs, kahit yung mga locally dubbed lang..
kaya bawal na ring malaos ang mga TV programs...
imagine-nin ninyo kung anong magiging itsura ng TV at film at maging sports industry kung ipipilit na gawing regular ang lahat... :(
pero simple lang naman ang punto nila eh..
basta lahat ng ginagawa nung TV network eh mali.. :(
samantalang tama naman kapag ibang mga kompanya na ang gumagawa...
is feeling , may mga bagay na hindi kayang gawing regular, hindi tulad ng pagsisilbi sa mga fast food restaurant...
---o0o---
ito exactly yung dahilan kung bakit hindi tama na tinulugan nila yung TV network noong active pa ito..
ang dahilan kung bakit hindi tama na nagbitaw sila ng mga trap lang na pangako... :(
para patuloy na magkaroon ng pagkakataon na makapagtrabaho yung mga kaya pang magtrabaho sa panahon ng COVID-19..
para patuloy ang access ng mga tao na umaasa sa FREE TV para sa mga balita, lalo na yung mga nakapag-convert na sa digital TV box na hindi marunong i-alter yung technology..
para mas makatulong yung TV network sa mga taong nangangailangan sa panahon nitong virus..
at para patuloy naman ang daloy ng Endorphins... :(
pero anong ginagawa nila..?
pag-usapan ang citizenship ng 1 lang sa mga may-ari nung kompanya..
palabasin na tama ang pangangamkam na ginawa ng Dictator Clan..
ang hindi pag-amin na bahagi mismo ng pamunuan ang nag-uutos ng conversion sa digital terrestrial television..
palabasin na 1 channel lang ang kayang i-transmit sa digital platform..
ang dami nilang isinisingit na usapin na ang mga permiso eh sa sangay na rin ng pamunuan nanggaling..
tapos ang tono pa ng mga pananalita nila eh automatic na guilty na kaagad yung kompanya... :(
is feeling , ang daming nasasayang na oras sa pagpapalabas na kesyo kasalanan nga nung kompanya yung mga bagay na hindi naman talaga mali...
-----o0o-----
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
update ulit (503 + 501 + 516 + 109 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- yung pagkambyo sa pagbabasura ng Visiting Forces Agreement
- yung priority daw ang welfare ng mga mamamayan, pero hindi nga nagawang ipatigil noon ang mga international travel para mapigilan ang pagpasok ng COVID-19 sa loob ng bansa
- yung mabilis DAW makahawa ng COVID-19 ang pag-aangkas sa motor, kahit na magkakasama naman na talaga yung mga tao iyon sa kanilang mga bahay
- yung sinisisi ang mga Cebuano dahil sa pagkalat ng COVID-19 sa lugar nila, samantalang sila 'tong walang kakayahan na mag-order ng total international travel ban kahit nananalanta na noon yung virus sa bansang pinagmulan nito
- yung 5 months na, pero wala man lang nag-a-apologize para sa naging maluwag na health protocol sa mga airport sa simula ng paglaganap ng COVID-19
- yung wala daw yabang ang Imperyo, samantalang patuloy ang panggigipit, pang-aagaw ng mga teritoryo, pagtatayo ng mga structures, at ang unauthorized na pagpasok ng mga ito sa teritoryo ng may teritoryo
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
- sa Quezon City, yung Army Reservist at dalawang iba pa, na nahulihan ng ilang milyong halaga ng shabu
- sa Quezon City, yung retiradong pulis, na may ranggo pa man din, na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga armas
- sa Puerto Princesa, Palawan, yung Hepe ng mga pulis na nanakot at nagpadapa daw sa grupo na nag-assess sa mangrove forest na pinasok na ng mga informal settler, na may sinaktan rin daw sa kanila
- sa Mandaluyong City, yung lasing na pulis na namaril ng guard at tumangay rin daw ng motor
- sa Dasmariñas, Cavite, yung Barangay Kagawad na namaril, 3 katao yata yung napatay niya
- sa Jolo, Sulu, yung 4 na sundalo na napatay sa pamamaril ng mga pulis
- sa Cavite, yung Army Reservist na namasok ng isang talyer at nanulak dahil lang daw sa masamang tingin sa kanya matapos niyang manita tungkol sa hindi pagsusuot ng face mask
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
- yung social media cyber attack laban sa mga estudyante at naging estudyante ng isang kilalang university
- sa Region IV-A, yung nabisto na mini-casino, kung saan isa DAW sa mga naabutan pero nakatakas eh pulis
- sa Caloocan, sa panahon ng COVID-19, yung mag-ama yata iyon na pinatay ng 2 lalaki nang hindi mahanap yung taong target nila
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
- sa panahon ng COVID-19, yung panukalang palitan ang pangalan ng isang airport na may historical significance
- yung anti-terrorism na patakaran, pero pumalya nga sila noon sa pagbabantay sa Marawi kahit na may intelligence na DAW sila tungkol sa magaganap na terorismo doon
- sa Parañaque, yung 4 daw na terorista na napatay ng mga pulis, na January pa DAW minamanmanan pero nitong June lang sinugod
- sa Jolo, Sulu, yung malisyosong video ng paggalaw ng mga militar sa crime scene kung saan pinatay ang mga kasamahan nila, pero wala naman yung portion kung kailan mismo pinatay yung mga sundalo
- yung overkill na ginawa laban sa isang mukha namang peaceful na Pride March na may mensahe laban sa butas na anti-terrorism na panukala
- yung required pa rin nga daw na magpa-register sa BIR ang kahit na anong online selling na business, maging yung mga exempted naman sa pagbabayad ng buwis para dun
- yung nasa Php 150 Million daw na budget para lang sa concrete barriers ng pansamantalang daanan ngayon ng mga bus
- yung may mga pagkakataon na walang alam o hindi naiintindihan ng mga piniling pinuno ang mga patakaran o permiso na mga kahanay rin naman nila ang nagpapatupad o nagbibigay
- yung social media post ng Lucban Municipal Police Station, yung nagdidikta ng isusuot ng mga kababaihan na para bang damit ang basehan ng mga nagko-commit ng sexual abuse
- yung aminado ang mga nasa itaas na hindi nila kayang ilibre ng test ang lahat
- yung mga pinuno na naghahanap ng masisisi sa pagkamatay nung babaeng naghintay ng masasakyan pauwi ng probinsya
- yung bastos na Representative na walang galang sa awit at watawat ng bayan, pero yung TV network ang kanyang sinisisi dahil sa pagkahuli sa kawalan niya ng respeto
- doon sa VIP TV show, yung opisyales na nag-guest nang hindi nagsusuot ng face mask at lumabag din sa physical distancing
- yung mga pinunong gumagawa kaagad ng mga patakaran na nagbibigay ng mga benefits pero maglilikom naman ng mas maraming bayad, kahit na batid nila na may anumalya pa sa ahensyang hahawak ng pera para dun
- yung opisyales na natuwa dahil hindi DAW tumama yung prediction ng UP tungkol sa COVID-19 cases, samantalang wala naman silang isinasagawa na mass testing
- yung plano para sa pagbubukas ng turismo na mukhang lalabag sa 1 quarantine pass per household na rule
- yung pagpapababa ng DOLE sa bilang ng mga nawalan ng trabaho, na para bang hindi kasama ang informal sector sa mga naapektuhan ng COVID-19
- yung planong pagsasayang ng pondo para sa mga hindi naman expert na contact tracers, para lang makapagbigay sila ng temporary na mga trabaho
- yung sobrang late na pag-aksyon para sa ipinangakong benefits para sa mga medical frontliners
- yung pinuno na isinisisi sa kanyang mga tauhan ang sobrang late na pag-aksyon para sa ipinangakong benefits para sa mga medical frontliners
- yung doktor na pinatalsik mula sa COVID-19 task force, na sumisita daw sa mga pagkukulang ng kanilang sistema
- yung pagbagsak ng airline industry dahil hindi sila tinuruan at tinulungan kaagad noon na mas maghigpit laban sa COVID-19
- yung lalong pagpatay sa dati na nilang pinapatay na jeepney industry sa panahon ng COVID-19
- yung design nung ibang mass transport na PUV na pinayagang makabiyahe, na katulad din naman ng sa jeep na magkatapatan ang mga pasahero at wala pa ngang divider sa upuan yung sa kanila
- yung pagtawag dun sa mga sasakyan na mas mukhang mga maliliit na bus bilang mga jeepney para lang makondisyon ang mga tao na kesyo makabagong jeep ang mga iyon
- yung mas malaki ang percentage ng mga tao na pwede sa mga pampublikong sasakyan at kainan kumpara sa pwedeng pumunta sa mga simbahan
- sa Manila, yung babae na namatay kahihintay ng masasakyan pauwi ng probinsya
- yung patuloy na pagbabawal sa pag-aangkas sa motorsiklo, kahit na araw-araw namang magkakasama yung mga taong iyon sa kanilang mga bahay
- yung may mga tauhan ang Philippine Coast Guard na nahuling magkaangkas sa motor
- sa NCR, yung mga kapwa pulis na hinuhuli ng HPG dahil sa paggamit ng kanilang private vehicle sa pagdaan sa bus lane
- yung mga police escorts ng Mayor mula sa San Juan na lumabag daw sa health protocols ng Baguio
- yung Regional Director daw ng Bureau of Fire Protection na pinasibak matapos na magsagawa ang kanyang mga tauhan ng despedida party sa Boracay sa panahon ng COVID-19
- sa Marilao, Bulacan, yung mali at walang coordination na ginagawang disposal ng mga COVID-19-exposed na mga kagamitan sa isang bakanteng lote na malapit sa residential area
- yung pagdagdag ng mga PPE sa mga basura sa dagat
- yung kawalan ng tama at consistent na guideline tungkol sa pag-i-screen ng body temperature sa iba't ibang mga establishments
- yung marami na ang nabe-verify na COVID-19 positive cases araw-araw kahit na targeted testing pa lang ang naisasagawa sa ngayon, since June 2020 sa observation ko
- yung hindi na daw kailangang i-test ulit ang mga na-test na positive COVID-19 carrier after a certain number of days na wala na itong ipinapakitang symptoms, maging yung mga Asymptomatic carriers na wala naman talagang symptoms
- sa Manila, yung 2 detainee na COVID-19 carrier na nakatakas sa quarantine facility
- sa Davao City, yung nakunan ng video, yung mga lumabag sa curfew sa panahon ng COVID-19 na pinaglanggoy sa maruming kanal
- yung mga kaso nung ibang locally stranded individuals (LSI) na naging mga COVID-19 carrier na nga
- yung ipinatigil na muna ang pagpapauwi sa mga LSI para ipa-test muna sila, dahil nagiging COVID-19 carrier na nga yung ibang mga nakakauwi sa mga probinsya nila
- yung sobrang late na paglabas ng results ng mga na-quarantine na OFW, lalo na yung mga positive pala, na problema habang nae-expose yung mga negative sa positive habang naghihintay sila ng kanilang test results
- yung walang koordinasyon na pagpapauwi ng mga na-test nang mga OFW sa mga probinsya nila
- yung mga OFW na nag-negative sa COVID-19 screening sa NCR, pero nag-positive naman sa rapid test pagdating sa kanilang mga probinsya
- yung napasok na ng COVID-19 ang Ormoc City dahil sa OFW na carrier, na nag-negative daw sa NCR pero positive na nang makarating sa kanila
- yung nabulukan na naman ng supply ng kamatis ang Ifugao at Nueva Vizcaya sa panahon ng COVID-19
- sa Ifugao, yung mga magsasaka na nabulukan naman ng carrots sa panahon ng COVID-19
- yung oversupply naman ngayon ng Pechay Baguio sa panahon ng COVID-19, na nagdudulot tuloy ng sobrang babang presyuhan para sa mga kawawang magsasaka
- sa Nueva Ecija, yung mga nasayang na gatas ng kalabaw sa panahon daw nung ECQ
- yung may oversupply daw ng manok at baboy nitong June 2020, pero sobrang mahal pa rin naman ng bentahan para sa mga consumers
- yung hirap ng mga teachers sa ibang lugar sa pagsagap ng internet signal para maka-attend sa kanilang online seminar
- yung problema ng DepEd sa pagpo-provide ng gadget sa mga teacher na walang gadget, ganun din ang akmang bilis ng internet connection para sa kanilang lahat
- yung mga school na naniningil para sa mga resources at services na hindi naman mapapakinabangan ng mga estudyante under ng no contact education
- yung selective justice kung saan naparurusahan ang mga hindi kaalyado, samantalang ang mga mamamayan pa ang nagpapasuweldo sa mga taong di hamak na mas malaki ang ginagawang mga FAKE news sa bayan
- yung patay na pala yung isa sa mga sumulat nung inirereklamong online article
- yung sinabi na aaksyunan kaagad yung franchise, pero heto at ginigisa nila at paulit-ulit pa nga ang mga sinisitang topic
- yung palusot na kesyo available pa naman daw sa ibang platform yung TV Network, samantalang hindi naman lahat ng tao ay may cable at internet connection
- yung Representative na nagrereklamo tungkol sa pagbebenta nung kompanya ng digital TV box, na para bang wala siyang alam sa plano ng NTC para mag-convert na ang lahat sa digital terrestrial television
- yung Representative na hindi marunong mag-interpret ng patakaran
- yung paggisa sa citizenship nung mga racist na Representative, na para bang hindi anak ng mga mamamayan yung taong target nila, na para bang purong banyaga ito
- yung pinapalabas ngayon ng ibang mga Representative na makatuwiran ang mga pangangamkam na ginawa sa ilalim ng Dictator's Law
- yung Representative na iginigiit na hindi naman daw form ng service ang TV entertainment, pero naghahanap naman siya ng pababayarang buwis
- yung nakakuha naman ng franchise noong 1995, pero ibinabalik ang lahat ngayon sa panahon ng pangangamkam ng Dictator's Law
- yung magkakaroon na ngayon ng regular na bayad ang panonood dun sa TV Network through monthly cable fees
- ang pagsasamantala sa kawalan ng kakayahan ng mga empleyado at supporters nung TV Network na mag-gather at magprotesta ngayong panahon ng COVID-19
- yung hanggang June 2020 ay wala pa ring totoong nagta-tackle sa kagustuhan at kautusan ng NTC na mag-convert na ang lahat ng local TV channels sa digital terrestrial television
- yung kaagad din DAW palang pinalaya yung mga Imperial citizen na nahuling nag-o-operate ng ilegal na underground hospital sa Pampanga, kaya iimbestigahan na rin ng NBI yung nangyari
- yung 15 na pulis Quezon City na sinibak daw sa mga puwesto nila matapos na matakasan DAW ng 6 na Imperial citizen na nahuli naman dahil sa kanilang illegal POGO operation
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung mga mamamayan na naniwala na March lang nagsimula ang COVID-19
- yung mga mamamayan na namatayan ng kaanak abroad dahil sa COVID-19, pero talagang gusto pa ring makita at iburol yung bangkay dito sa bayan
- sa Cebu, yung isang barangay na nagdaos ng religious na prusisyon kung saan madami ang nakibahagi at nalabag ang physical distancing
- sa Negros Oriental, yung lalaki na COVID-19 carrier na naglibot at nakipag-inuman pa sa mga kakilala niya dahil hindi nag-quarantine habang naghihintay ng kanyang test result
- yung mga pasaway na talagang tumatakas pa kahit naka-hard lockdown ang kanilang mga lugar, kung saan ang marami eh mga walang kabuluhan pa ang rason
- sa Santa Cruz, Laguna, yung mga kabataan na lumabag naman daw sa liquor ban sa panahon ng COVID-19, na mukhang nanira pa ng CCTV camera
- sa Tondo, Manila, yung mga sakay ng tricycle na kinuyog ng mga kabataan sa panahon ng COVID-19
- sa Makati, yung bar, na restobar naman daw, na sinalakay ng mga pulis dahil napag-alaman na may mga nagpa-party sa panahon ng quarantine
- yung mga may sasakyan na nag-aalok ng libreng sakay sa panahon ng quarantine pero nilalabag naman ang physical distancing
- yung mga bus na nagpupuno na ng mga pasahero sa panahon ng GCQ
- yung modus nung isang bus na nahuli, yung mukha lang sapat ang bilang ng mga sakay kapag tiningnan mula sa labas, pero kapag sinilip na ang loob ay sobrang dami pala ng mga pinauupo sa sahig
- yung gasolinahan na nag-offer ng libreng gasolina sa panahon ng COVID-19, kapalit ng pag-download ng kanilang app, kung saan dumagsa ang mga tao, kaya nalabag na tuloy ang physical distancing
- yung pag-aapura para sa mga kasalan kahit na may COVID-19, online na rin lang daw
- yung courier service provider na nabisto sa isang video ang mishandling na ginagawa ng kanilang mga empleyado sa mga package
- yung inaatake na rin ngayon ng mga hackers ang mga schools dahil sa pinapausong online learning
- yung netizen na nagbitaw ng rape threat laban sa babaeng anak ng senador at artista
- yung ang ibinabalita lang ngayon sa natitirang FREE TV ay tungkol sa mga bagay na pinupuna laban dun sa gustong ipasara na TV network, walang tungkol sa suporta na nakukuha nila
- sa Parañaque, yung unauthorized na mass COVID-19 testing ng nasa 300 daw na Imperial citizens
- sa Biñan, Laguna, yung international prostitution den para sa mga POGO workers na nag-o-operate kahit na sa panahon ng quarantine
- sa Marilao, Bulacan, yung nasabat na ilang bilyong worth ng imported na shabu na nakasilid sa mga lata ng biscuit, kung saan isa sa mga nahuli ay Imperial citizen
- yung Imperial dredger na sumadsad sa baybayin ng Botolan, Zambales, na nagtatapon din DAW ng langis sa dagat doon
- yung sinasabi ngayon na mamamayan daw ang may-ari nung kompanya nung dredger na sumadsad sa baybayin ng Botolan, Zambales, pero panay Imperial citizen DAW ang mga tauhan, at sa Hong Kong at Singapore daw dinadala yung mga nakukuhang buhangin
- sa may Occidental Mindoro, yung Imperial cargo ship na nakabangga ng local fishing boat, kung saan maraming sakay ang pinaghahanap pa
- yung nagkapatayan na sa isa sa mga borders
- yung pandemic threat daw ng G4 na galing din sa Imperyo
-----o0o-----
June 27, 2020...
uso ang FAKE news..
meron ring FAKE Taxi..
at ang mga iyon naman..?
FAKE jeepney... :(
tinatawag lang na ganun bilang palusot...
is feeling , inyo na ang mga air-con ninyo...
>
yung hindi na daw kailangang i-test ulit ang mga na-test na positive COVID-19 carrier after a certain number of days na wala na itong ipinapakitang symptoms...
eh paano yung mga Asymptomatic na carrier..?
sila nga eh walang symptoms simula't sapul, pero napatunayan na nagiging carrier pa rin sila...
anong proof na hindi makahahawa ang mga Asymptomatic..?
halimbawa eh masamid sila at biglang mapaubo..?
o mapaubo dahil sa usok..?
o dumura..?
o tumatalsik ang laway habang nagsasalita..?
o di kaya eh makipaghalikan...?
remember na marami na ang mga sumasablay sa test..
mga negative sa simula, pero nadidiskubre na positive na pala kapag nakabiyahe na... :(
is feeling , sugal...
>
sa Parañaque..
yung 4 daw na terorista na napatay ng mga pulis...
ang weird sa istorya na 'to..?
parang kagaya rin nung nangyari sa Marawi dati..
January pa DAW minamanmanan yung grupo..
pero nitong June lang sinugod... :(
is feeling , so anong hinihintay nila..? hindi pa ba sapat ang illegal possession of deadly weapons kung saka-sakali...??
>
sa Quezon City..
yung Army Reservist at dalawang iba pa, na nahulihan ng ilang milyong halaga ng shabu... :(
is feeling , poprotektahan ang bayan.. pero napakarumi pa ng hanay...??
---o0o---
June 28, 2020...
sa Cebu..
yung isang barangay na nagdaos ng religious na prusisyon kung saan madami ang nakibahagi at nalabag ang physical distancing... :(
---o0o---
June 29, 2020...
sa Makati..
yung bar, na restobar naman daw..
na sinalakay ng mga pulis dahil napag-alaman na may mga nagpa-party sa panahon ng quarantine..
nasa 100 katao yung naabutan nila doon...
is feeling , mga sabik...
>
sa Caloocan, sa panahon ng COVID-19..
yung mag-ama yata iyon na pinatay ng 2 lalaki nang hindi mahanap yung taong target nila..
baka daw dahil drug-related kasi yung mismong target...
malala na 'to..
dati kahit papaano eh nagpo-focus lang ang mga taga-tumba sa target nila..
pero ngayon eh nangdadamay na ng iba kapag nabuwisit dahil hindi nakita ang kanilang pakay... :(
is feeling , VIP rin 'tong mga taga-tumba eh.. walang quarantine-quarantine.. walang operasyon laban sa kanila.. pero sinu-sino at anu-ano nga kaya sila...??
>
ilang buwan na..
5 months na bukas..
pero ni minsan wala pa akong narinig sa news na nag-apologize dahil sa naging maluwag na anti-COVID-19 protocol nila noon sa mga paliparan... :(
is feeling , mga hambog...
>
sa Quezon City..
yung retiradong pulis, na may ranggo pa man din, na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga armas..
may rifle pa sa mga items niya... :(
is feeling , hanay mo, linis mo...
>
talo na naman yung TV Network.. :(
may nasita na isang channel...
pero finally..
lumabas na yung explanation ng mismong NTC tungkol sa digital frequency and channels..
at tsaka yung kawalan pa nila ng kompletong guidelines para sa developing na digital terrestrial television, na sila naman ang may kagustuhan para tuluyan ng patayin ang analog signal..
mga topic na paulit-ulit na tinitira noon ng mga walang utak na Chunin at mga negosyanteng kalaban ng FREE TV...
is feeling , magpa-SEA Games na ulit, kahit may virus pa.. tingnan natin kung anong mukha ang ihaharap ng bayan sa buong mundo...
---o0o---
June 30, 2020...
sa may Occidental Mindoro..
yung Imperial cargo ship na nakabangga ng local fishing boat..
kung saan maraming sakay ang pinaghahanap pa...
lumalabas kasi sa imbestigasyon na may mga pagkukulang at kaduda-duda sa mga ginawa ng Imperial crew na pag-aksyon sa nangyaring banggaan... :(
is feeling , ano 'to..? trip-trip na banggaan na naman ba...??
>
o', may panibagong warning na..
G4, na kaanak daw ng H1N1..
galing na naman sa Imperyo... :(
pero hindi lang 'to pambaboy..
kasi kayang mahawaan pati mga tao... :(
ang nakakatakot dito..?
walang nagawa ang pamunuan laban sa ASF.. :(
umaabot pa nga minsan yung mga infected na karne maging sa mga malls eh..
so paano naman kaya nila iha-handle itong G4...??
we're doomed... :(
is ⚠ feeling , ano, Hokage na Mahilig..? iwe-welcome mo na naman ba sa loob ng bayan yung virus..? para tuluyan nang mapalitan ng mga Imperyalista ang mga probinsyano...??
>
sa Jolo, Sulu..
yung 4 na sundalo na napatay sa pamamaril ng mga pulis..
armado DAW kasi sila at nakabihis sibilyan lang..
pero wala DAW palitan ng putok na nangyari...
is feeling , sila-sila na naman...
>
yung opisyales na natuwa dahil hindi DAW tumama yung prediction ng UP tungkol sa COVID-19 cases.. :(
panalo na daw...
para lang makapagyabang na ayos ang ginagawa nila... :(
is feeling , anong droga ba ang tinitira nun..? nakalimutan na ba niya na wala namang mass testing na ginagawa...??
>
talo na rin yung isang cable company na kasamahan pala nung TV network... :(
is feeling , malutong na ang pagkakaluto...
---o0o---
July 1, 2020...
yung gasolinahan na nag-offer ng libreng gasolina sa panahon ng COVID-19, kapalit ng pag-download ng kanilang app..
kung saan dumagsa ang mga tao, kaya nalabag na tuloy ang physical distancing...
pero hindi tulad nung restobar na sinalakay kamakailan lang..
eh mukhang walang hinuli sa mga dumagsa sa gasolinahan na iyon..
hanggang pananaway lang...
is feeling , hindi na naman patas...
>
sa Nueva Ecija..
yung mga nasayang na gatas ng kalabaw sa panahon daw nung ECQ... :(
tumulong naman daw ang lokal na pamahalaan..
kaso hindi sapat para masalo yung supply...
is feeling , ang hirap talagang maging lesser citizens lang...
>
una..
pag-aapura para sa edukasyon...
tapos ngayon naman..
pag-aapura para sa mga kasalan..?? :(
online na lang daw, yung pwedeng no contact sa may authority na magkasal...
panahon ngayon ng COVID-19..
baka nga napakawalan na rin yung G4 eh..
hindi ba sapat sa mga tao para sa ngayon na nagmamahalan sila...??
is feeling , ano bang hinahabol nila..? eh sa panahon naman ngayon, pwedeng mauna na parati yung pamamaraan ng pagbuo ng mga bata bago ang kasalan...
>
yung nasa Php 150 Million daw na budget para lang sa concrete barriers ng pansamantalang daanan ngayon ng mga bus... :(
ganung kalaki, para lang sa pansamantala..?
hindi ba talaga sapat ang pintura at pagpapaunawa sa mga motorista..
ligtas ba ang mga mamahaling concrete barriers sa mga driver na mahilig mangbangga...?? :(
is feeling , nagsayang na naman ng gatas...
---o0o---
July 2, 2020...
yung bobo na Chunin na hanggang ngayon eh bobo pa rin... :(
hindi ba ang TV entertainment eh form ng service..?
pero bakit iginigiit niya na wala namang product o service na inilalabas ng bayan...??
at tsaka..
kung kumbinsido siya na wala namang service na nangyayari..?
eh bakit siya naghahanap ng gatas na masisingil...??
nahuhuli sa sariling bibig...
is feeling , tanga...
>
sa Jolo, Sulu..
yung malisyosong video ng paggalaw ng mga militar sa crime scene kung saan pinatay ang mga kasamahan nila..
pero wala naman yung portion kung kailan mismo pinatay yung mga sundalo...
is feeling , CCTV-manipulation technique na naman...
>
ang kulang sa nakikita ko sa mga balita sa ngayon...?
walang nagsasabi tungkol sa suporta na nakukuha nung TV network mula sa mga tao.. :(
kagaya ng ginagawa ng mga tauhan ng alyansa sa pagdinig, eh mas naka-focus yung mga balita tungkol sa mga bagay na pinupuna dun sa kompanya..
madalas na ang cut ng mga video eh tungkol lang sa mga bintang laban dun sa kompanya..
oo, kinukuha rin naman yung panig nung kompanya, pero bakit naka-focus lang ang mga balita tungkol sa mga puna...?? :(
pero ang nakakatawa dito..?
eh maging sila eh ginagawa yung mga bagay na ibinibintang na pagkakamali daw nung kompanya... :(
ano ba naman yung ipaalam nila sa public na sinusuportahan nung mga talent man lang yung kompanya..?
kahit summarized form na lang at hindi na banggitin ang mga pangalan..
pero wala..
hindi sila tumutulong na maipahatid yung mensahe sa pamunuan at sa mga mamamayan..
bakit..?
dahil takot sila na masapawan ang mga sarili nilang talent...??
is ⚠ feeling , itigil na ang monopolyo sa FREE TV...
---o0o---
July 3, 2020...
yung bastos na Chunin na walang galang sa awit at watawat ng bayan..
pero yung kompanya pa rin ang kanyang sinisisi sa kawalan niya ng respeto para sa bayan... :(
so masama na pala ngayon na hulihin ang masasama na nasa kapangyarihan...??
baka Imperyo na lang ang inirerespeto niya ngayon...??
nasaan na ang parusa...??
is feeling , busy yata sa pagme-memorize ng script...
>
katulad rin lang yung Chunin ng Hokage na Mahilig at ng kanyang mga Panatikong Zombies..
gumagawa ng mali..
pero kapag nahuli sa camera, eh isisisi yung pagkakamali sa mga pumupuna... :(
is feeling , mga diyos na hindi pwedeng parusahan...
>
ang weird lang..
mas malaki ang percentage ng mga tao na pwede sa mga pampublikong sasakyan at kainan..
kumpara sa pwedeng pumunta sa mga simbahan...
from only 10, tapos 10% na ngayon...
is feeling , gusto yata talaga nila na sila na ang sambahin ng mga tao...
No comments:
Post a Comment