i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
daily prayer...
sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mamatay na kaagad lahat ng miyembro ng alyansa..
yun lang...
is š feeling , day 21...
-----o0o-----
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
update ulit (503 + 501 + 516 + 195 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- yung pagkambyo sa pagbabasura ng Visiting Forces Agreement
- yung takot siya sa pagsusulong ng Anti-Dynasty na patakaran dahil ang hanay nila ay nakikinabang dun
- yung babala laban sa mga existing na local telecommunications company gayong hindi naman perpektong napoprotektahan ang mga facilities ng nila
- yung priority daw ang welfare ng mga mamamayan, pero hindi nga nagawang ipatigil noon ang mga international travel para mapigilan ang pagpasok ng COVID-19 sa loob ng bansa
- yung mabilis DAW makahawa ng COVID-19 ang pag-aangkas sa motor, kahit na magkakasama naman na talaga yung mga tao iyon sa kanilang mga bahay
- yung sinisisi ang mga Cebuano dahil sa pagkalat ng COVID-19 sa lugar nila, samantalang sila 'tong walang kakayahan na mag-order ng total international travel ban kahit nananalanta na noon yung virus sa bansang pinagmulan nito
- yung gasolina o diesel daw ang ipanglinis sa mga gamit na face mask
- yung certified na talaga bilang disinfectant ng mga face mask ang gasolina
- yung kagustuhan na ipaaresto ang mga hindi nagsusuot ng face mask, samantalang may mga kaso kung saan maging ang mga nasa loob ng sarili nilang bakuran eh sinisita ng mga awtoridad
- yung 5 months na, pero wala man lang nag-a-apologize para sa naging maluwag na health protocol sa mga airport sa simula ng paglaganap ng COVID-19
- yung pagyayabang na kesyo napabagsak na daw ang oligarkiya, samantalang marami sa mga kaalyado nila eh bahagi nun
- yung wala daw yabang ang Imperyo, samantalang patuloy ang panggigipit, pang-aagaw ng mga teritoryo, pagtatayo ng mga structures, at ang unauthorized na pagpasok ng mga ito sa teritoryo ng may teritoryo
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
- sa Jaen, Nueva Ecija, yung ilegal na tupada sa panahon ng quarantine kung saan isa sa mga nahuli ay Barangay Chairman
- sa Bulacan, yung 2 pulis na naka-assign sa Malolos at 2 pang kasabwat na sibilyan na hinuli dahil sa pangingikil sa mga tricycle drivers na may violation
- sa Mabalacat, Pampanga, yung pulis na inaresto dahil sa pagsa-sideline ng pagtutulak ng ilegal na droga
- sa Quezon City, yung Army Reservist at dalawang iba pa, na nahulihan ng ilang milyong halaga ng shabu
- sa Quezon City, yung retiradong pulis, na may ranggo pa man din, na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga armas
- sa Binangonan, Rizal, yung mga miyembro ng kidnap-for-ransom group na napatay daw sa engkuwentro, kung saan 1 sa mga napatay ay dating pulis
- sa Puerto Princesa, Palawan, yung Hepe ng mga pulis na nanakot at nagpadapa daw sa grupo na nag-assess sa mangrove forest na pinasok na ng mga informal settler, na may sinaktan rin daw sa kanila
- sa may Cabugao, Ilocos Sur, yung 15 year old na dalagita at yung pinsan niya na biktima daw ng sexual abuse kung saan mga pulis ang itinuturong suspek
- sa may Cabugao, Ilocos Sur pa din, yung ginawang pagtumba dun sa 15 year old na dalagita matapos niyang magsampa ng reklamo, kung saan suspek sa pagpatay yung mga nang-abuso sa kanila na pulis
- sa Mandaluyong City, yung lasing na pulis na namaril ng guard at tumangay rin daw ng motor
- sa DasmariƱas, Cavite, yung Barangay Kagawad na namaril, 3 katao yata yung napatay niya
- sa Jolo, Sulu, yung 4 na sundalo na napatay sa pamamaril ng mga pulis
- sa Davao City, yung delivery boy na napatay sa pamamaril ng isang sundalo, kesyo binu-bully daw nung biktima yung anak nung suspek
- sa Cavite, yung Army Reservist na namasok ng isang talyer at nanulak dahil lang daw sa masamang tingin sa kanya matapos niyang manita tungkol sa hindi pagsusuot ng face mask
- sa Lanao del Sur, yung pulis na nakunan ng video na nanuntok at nanabunot sa isang rider matapos daw na hindi ito huminto sa quarantine checkpoint
- sa Zamboanga City, yung nakunan ng video na pulis na niluhuran at tinapakan ang hinuli niyang rider na dahil lang daw sa hindi pagsusuot ng face mask
- sa Laguna, yung mga bata na sinampal daw ng tsinelas ng Barangay Captain sa panahon ng quarantine
- sa Philippine Sports Commission, yung empleyado na nagnanakaw ng allowance daw ng mga atleta
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
- yung social media cyber attack laban sa mga estudyante at naging estudyante ng isang kilalang university
- yung wanted posters at terrorist branding laban sa mga hindi naman armadong tao
- yung palabas na kesyo may sumubok DAW na manuhol sa isang Representative mula doon sa TV network
- sa Region IV-A, yung nabisto na mini-casino, kung saan isa DAW sa mga naabutan pero nakatakas eh pulis
- sa Caloocan, sa panahon ng COVID-19, yung mag-ama yata iyon na pinatay ng 2 lalaki nang hindi mahanap yung taong target nila
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
- yung pagbubusal sa mga taong simbahan gamit ang patakaran ng separation of church and state
- sa panahon ng COVID-19, yung panukalang palitan ang pangalan ng isang airport na may historical significance
- yung anti-terrorism na patakaran, pero pumalya nga sila noon sa pagbabantay sa Marawi kahit na may intelligence na DAW sila tungkol sa magaganap na terorismo doon
- sa ParaƱaque, yung 4 daw na terorista na napatay ng mga pulis, na January pa DAW minamanmanan pero nitong June lang sinugod
- sa Jolo, Sulu, yung malisyosong video ng paggalaw ng mga militar sa crime scene kung saan pinatay ang mga kasamahan nila, pero wala naman yung portion kung kailan mismo pinatay yung mga sundalo
- yung overkill na ginawa laban sa isang mukha namang peaceful na Pride March na may mensahe laban sa butas na anti-terrorism na panukala
- yung post sa social media ng Malaybalay City Police Station, na parang nagbibigay ng mindset na mga pro- sa terorismo ang mga sumusuporta sa ginipit na TV network
- yung pagli-link ng Party List sa mga rebelde gamit ang social media post
- yung kasong libel laban sa isang ordinaryong tao, kahit na hindi naman mukhang masyadong mapanira o mapagparatang yung kanyang social media post
- sa PhilHealth, yung mga opisyales daw na nag-resign dahil sa mga katiwalian doon sa ahensiya
- yung required pa rin nga daw na magpa-register sa BIR ang kahit na anong online selling na business, maging yung mga exempted naman sa pagbabayad ng buwis para dun
- yung nasa Php 150 Million daw na budget para lang sa concrete barriers ng pansamantalang daanan ngayon ng mga bus
- yung milyones yung halaga nung mga concrete barriers, pero nauuwi lang naman sa pagkawasak yung iba
- yung papalitan na daw kaagad yung mga concrete barriers na pinagkagastusan nila nang husto
- yung nabisto ng COA sa Department of National Defense, yung maluluho at milyones na mga banyo na may air-conditioning units at shower
- yung may panibago na naman kaagad na disenyo ng paper bills
- yung may mga pagkakataon na walang alam o hindi naiintindihan ng mga piniling pinuno ang mga patakaran o permiso na mga kahanay rin naman nila ang nagpapatupad o nagbibigay
- yung social media post ng Lucban Municipal Police Station, yung nagdidikta ng isusuot ng mga kababaihan na para bang damit ang basehan ng mga nagko-commit ng sexual abuse
- sa Taguig, yung agawan sa lupa ng mga pulis, kung saan may dokumento yung umuokupa dun sa lupa samantalang wala namang ipinapakitang dokumento yung mga nagpapaalis
- yung aminado ang mga nasa itaas na hindi nila kayang ilibre ng test ang lahat
- yung mga pinuno na naghahanap ng masisisi sa pagkamatay nung babaeng naghintay ng masasakyan pauwi ng probinsya
- yung bastos na Representative na walang galang sa awit at watawat ng bayan, pero yung TV network ang kanyang sinisisi dahil sa pagkahuli sa kawalan niya ng respeto
- doon sa VIP TV show, yung opisyales na nag-guest nang hindi nagsusuot ng face mask at lumabag din sa physical distancing
- yung mga pinunong gumagawa kaagad ng mga patakaran na nagbibigay ng mga benefits pero maglilikom naman ng mas maraming bayad, kahit na batid nila na may anumalya pa sa ahensyang hahawak ng pera para dun
- yung opisyales na natuwa dahil hindi DAW tumama yung prediction ng UP tungkol sa COVID-19 cases, samantalang wala naman silang isinasagawa na mass testing
- yung opisyales na minamaliit yung bilang ng mga libu-libo nang nahawaan ng COVID-19 at ang ilang libo nang nangamatay dahil sa sakit na iyon
- yung opisyales na nagsinungaling tungkol sa issue ng oligarkiya
- yung pag-e-edit ng content na inilalabas para sa public
- yung plano para sa pagbubukas ng turismo na mukhang lalabag sa 1 quarantine pass per household na rule
- yung nagpabaya at nagsabi na pwede nang lumabas yung mga hindi saklaw ng high and low age restriction sa ilalim ng GCQ, tapos ngayon eh sasabihin nila na kailangan na ulit ng quarantine pass
- yung pagpapababa ng DOLE sa bilang ng mga nawalan ng trabaho, na para bang hindi kasama ang informal sector sa mga naapektuhan ng COVID-19
- yung planong pagsasayang ng pondo para sa mga hindi naman expert na contact tracers, para lang makapagbigay sila ng temporary na mga trabaho
- yung sobrang late na pag-aksyon para sa ipinangakong benefits para sa mga medical frontliners
- yung pinuno na isinisisi sa kanyang mga tauhan ang sobrang late na pag-aksyon para sa ipinangakong benefits para sa mga medical frontliners
- yung health leader na patuloy sa pagbibitaw ng mga paiba-ibang statements regarding the COVID-19 situation
- yung doktor na pinatalsik mula sa COVID-19 task force, na sumisita daw sa mga pagkukulang ng kanilang sistema
- yung pagbagsak ng airline industry dahil hindi sila tinuruan at tinulungan kaagad noon na mas maghigpit laban sa COVID-19
- yung pwede na daw ulit magbiyahe sa ilang ibang bansa sa panahon ng pananalanta ng COVID-19, kahit pa para lang sa luho
- yung lalong pagpatay sa dati na nilang pinapatay na jeepney industry sa panahon ng COVID-19
- yung design nung ibang mass transport na PUV na pinayagang makabiyahe, na katulad din naman ng sa jeep na magkatapatan ang mga pasahero at wala pa ngang divider sa upuan yung sa kanila
- yung pagtawag dun sa mga sasakyan na mas mukhang mga maliliit na bus bilang mga jeepney para lang makondisyon ang mga tao na kesyo makabagong jeep ang mga iyon
- yung mas malaki ang percentage ng mga tao na pwede sa mga pampublikong sasakyan at kainan kumpara sa pwedeng pumunta sa mga simbahan
- sa Manila, yung babae na namatay kahihintay ng masasakyan pauwi ng probinsya
- yung patuloy na pagbabawal sa pag-aangkas sa motorsiklo, kahit na araw-araw namang magkakasama yung mga taong iyon sa kanilang mga bahay
- yung idea ng motorcycle barriers, samantalang mga magkarelasyon lang naman ang pinayagan nilang mag-angkas
- yung may mga aksidente na na naitala dahil sa pagpapagamit at paggamit ng motorcycle barriers
- yung may mga tauhan ang Philippine Coast Guard na nahuling magkaangkas sa motor
- sa NCR, yung mga kapwa pulis na hinuhuli ng HPG dahil sa paggamit ng kanilang private vehicle sa pagdaan sa bus lane
- yung mga police escorts ng Mayor mula sa San Juan na lumabag daw sa health protocols ng Baguio
- yung Regional Director daw ng Bureau of Fire Protection na pinasibak matapos na magsagawa ang kanyang mga tauhan ng despedida party sa Boracay sa panahon ng COVID-19
- sa Marilao, Bulacan, yung mali at walang coordination na ginagawang disposal ng mga COVID-19-exposed na mga kagamitan sa isang bakanteng lote na malapit sa residential area
- yung pagdagdag ng mga PPE sa mga basura sa dagat
- yung kawalan ng tama at consistent na guideline tungkol sa pag-i-screen ng body temperature sa iba't ibang mga establishments
- yung marami na ang nabe-verify na COVID-19 positive cases araw-araw kahit na targeted testing pa lang ang naisasagawa sa ngayon, since June 2020 sa observation ko
- yung hindi na daw kailangang i-test ulit ang mga na-test na positive COVID-19 carrier after a certain number of days na wala na itong ipinapakitang symptoms, maging yung mga Asymptomatic carriers na wala naman talagang symptoms
- yung kapag Asymptomatic daw o may mild symptoms lang ang carrier eh gumagaling naman after 14 days
- yung halos gamit na daw ang buong capacity ng iba't ibang medical facilities, bukod pa sa pagbaba ng supply ng mga PPE sa ibang mga ospital
- hanggang July, yung hindi pa rin pala tinatangkilik ng DOH ang paggamit nung UP COVID-19 test kits
- yung bigla daw bumaba ang presyuhan ng mga imported na COVID-19 test kits matapos na payagan na ulit na magamit yung murang local brand
- yung muling napeste ng COVID-19 ang hanay ng RITM, nasa 30 plus daw yung na-detect this time
- sa Cebu City, yung certification tungkol sa paggaling daw ng isang pasyente mula sa COVID-19, kaso ay matagal na palang patay yung taong iyon
- yung pagsabog daw ng COVID-19 dahil sa pagho-home quarantine lang ng mga Asymptomatic at may mahihina lang na symptoms na carriers
- sa Quezon City, yung buong akala daw ng LGU na quarantine facility lang yung hotel at hindi daw nila batid na ginawa na pala iyong isolation facility para sa mga carrier
- ang pagkalat ng COVID-19 sa MRT system dahil sa mahina na naman na health protocol
- yung tigil operasyon na muna daw ulit ang MRT dahil nga napeste sila ng COVID-19 sa kabila ng kanilang health protocol daw
- sa LRT, yung picture na nagpapakita na hindi nasunod ang physical distancing at ang regulated capacity
- sa Manila, yung 2 detainee na COVID-19 carrier na nakatakas sa quarantine facility
- sa New Bataan, Davao de Oro, yung patayan na nangyari sa loob mismo ng quarantine facility
- sa Davao City, yung nakunan ng video, yung mga lumabag sa curfew sa panahon ng COVID-19 na pinaglanggoy sa maruming kanal
- yung mga kaso nung ibang locally stranded individuals (LSI) na naging mga COVID-19 carrier na nga
- yung ipinatigil na muna ang pagpapauwi sa mga LSI para ipa-test muna sila, dahil nagiging COVID-19 carrier na nga yung ibang mga nakakauwi sa mga probinsya nila
- yung libu-libong LSI na nagsisiksikan na sa Rizal Memorial Stadium
- yung sobrang late na paglabas ng results ng mga na-quarantine na OFW, lalo na yung mga positive pala, na problema habang nae-expose yung mga negative sa positive habang naghihintay sila ng kanilang test results
- yung walang koordinasyon na pagpapauwi ng mga na-test nang mga OFW sa mga probinsya nila
- yung mga OFW na nag-negative sa COVID-19 screening sa NCR, pero nag-positive naman sa rapid test pagdating sa kanilang mga probinsya
- yung napasok na ng COVID-19 ang Ormoc City dahil sa OFW na carrier, na nag-negative daw sa NCR pero positive na nang makarating sa kanila
- yung nag-uwi na nga ang pamunuan ng mga bangkay ng COVID-19 carriers mula sa ibang bansa, gayong ang patakaran nga sa loob ng bayan ay kailangang i-cremate o ilibing kaagad
- sa Quezon City, yung malawakang panghuhuli sa mga lumalabag sa safety protocols in public, kung saan isa sa mga nahuli ay reporter na COVID-19 survivor, na nagbaba lang daw ng mask para uminom ng tubig
- sa North Cotabato, yung distribution ng SAP kung saan maraming tao ang walang suot na face mask at nalabag din ang physical distancing
- sa Bulacan, yung karera ng mga kalabaw sa panahon ng quarantine, kung saan isa sa mga nahuli ay Barangay Kagawad at yung iba naman eh mga menor de edad
- yung nabulukan na naman ng supply ng kamatis ang Ifugao at Nueva Vizcaya sa panahon ng COVID-19
- sa Ifugao, yung mga magsasaka na nabulukan naman ng carrots sa panahon ng COVID-19
- yung oversupply naman ngayon ng Pechay Baguio sa panahon ng COVID-19, na nagdudulot tuloy ng sobrang babang presyuhan para sa mga kawawang magsasaka
- sa Nueva Ecija yata iyon, yung sadsad na sa Php 7.00 daw for 100 pieces ang presyuhan ng okra, hindi naman daw maibiyahe sa ibang mga lugar dahil mahal ang gastos
- sa Nueva Ecija, yung mga nasayang na gatas ng kalabaw sa panahon daw nung ECQ
- yung may oversupply daw ng manok at baboy nitong June 2020, pero sobrang mahal pa rin naman ng bentahan para sa mga consumers
- yung mabilis na pagmamahal na ibang mga bilihin nitong panahon ng COVID-19
- yung hirap ng mga teachers sa ibang lugar sa pagsagap ng internet signal para maka-attend sa kanilang online seminar
- yung problema ng DepEd sa pagpo-provide ng gadget sa mga teacher na walang gadget, ganun din ang akmang bilis ng internet connection para sa kanilang lahat
- yung mga school na naniningil para sa mga resources at services na hindi naman mapapakinabangan ng mga estudyante under ng no contact education
- yung pagkamatay ng mga high profile na bilanggo ng dahil daw sa COVID-19, pero hindi kaagad ipinaalam sa publiko ang development noon tungkol sa kanilang pagkakasakit
- yung nabubuwisit na yung pinuno sa Bureau of Corrections, samantalang nagtatanong lang naman dahil may mga kuwestiyonableng nangyari
- yung selective justice kung saan naparurusahan ang mga hindi kaalyado, samantalang ang mga mamamayan pa ang nagpapasuweldo sa mga taong di hamak na mas malaki ang ginagawang mga FAKE news sa bayan
- yung patay na pala yung isa sa mga sumulat nung inirereklamong online article
- yung sinabi na aaksyunan kaagad yung franchise, pero heto at ginigisa nila at paulit-ulit pa nga ang mga sinisitang topic
- yung palusot na kesyo available pa naman daw sa ibang platform yung TV Network, samantalang hindi naman lahat ng tao ay may cable at internet connection
- yung Representative na nagrereklamo tungkol sa pagbebenta nung kompanya ng digital TV box, na para bang wala siyang alam sa plano ng NTC para mag-convert na ang lahat sa digital terrestrial television
- yung Representative na hindi marunong mag-interpret ng patakaran
- yung paggisa sa citizenship nung mga racist na Representative, na para bang hindi anak ng mga mamamayan yung taong target nila, na para bang purong banyaga ito
- yung pinapalabas ngayon ng ibang mga Representative na makatuwiran ang mga pangangamkam na ginawa sa ilalim ng Dictator's Law
- yung Representative na iginigiit na hindi naman daw form ng service ang TV entertainment, pero naghahanap naman siya ng pababayarang buwis
- yung overgeneralization ng isang Representative na kesyo lagi DAW tinatawag nung kompanya ang hanay nila bilang masasama
- yung nakakuha naman ng franchise noong 1995, pero ibinabalik ang lahat ngayon sa panahon ng pangangamkam ng Dictator's Law
- yung magkakaroon na ngayon ng regular na bayad ang panonood dun sa TV Network through monthly cable fees
- yung advice na kesyo bumoto DAW nang naaayon sa konsensya, pero mga wala naman silang ganun
- yung may advice na rin mula sa mga Representative na ibenta na lang yung kompanya para lang mawala ito sa pagmamay-ari ng hindi nila kaalyadong angkan
- yung madalas na pagkakaroon ng konsiderasyon para sa ibang mga negosyante through waiving of penalties, pero hinding-hindi nila kayang ipagkaloob iyon sa isang kompanya na may legacy na
- ang pagsasamantala sa kawalan ng kakayahan ng mga empleyado at supporters nung TV Network na mag-gather at magprotesta ngayong panahon ng COVID-19
- yung hanggang June 2020 ay wala pa ring totoong nagta-tackle sa kagustuhan at kautusan ng NTC na mag-convert na ang lahat ng local TV channels sa digital terrestrial television
- yung patuloy na pag-o-operate ng mga kompanya na mas higit ang mga naging pagmamalabis laban sa mga mamamayan
- yung telco na Mislatel or Dito na hindi 100% na pagmamay-ari ng mga Filipino
- yung pag-collapse ng Imperial dam sa loob ng Imperyo, na nakakatakot dahil mga Imperyalista din ang balak pagawin ng dam sa Quezon Province
- yung kaagad din DAW palang pinalaya yung mga Imperial citizen na nahuling nag-o-operate ng ilegal na underground hospital sa Pampanga, kaya iimbestigahan na rin ng NBI yung nangyari
- yung 15 na pulis Quezon City na sinibak daw sa mga puwesto nila matapos na matakasan DAW ng 6 na Imperial citizen na nahuli naman dahil sa kanilang illegal POGO operation
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung mga mamamayan na naniwala na March lang nagsimula ang COVID-19
- yung mga mamamayan na namatayan ng kaanak abroad dahil sa COVID-19, pero talagang gusto pa ring makita at iburol yung bangkay dito sa bayan
- yung mga possible contact ng mga COVID-19 carrier, na tumatangging magpa-test dahil nanghihinayang sila kung sasailalim sila sa 14-day quarantine
- sa Laguna, yung pagsabog ng COVID-19 sa isang kompanya doon, kung saan halos nasa 300 ang tinamaan
- yung grupo ng mga artista na lumabag daw sa quarantine o safety protocol sa Ilocos Sur, kaya tuloy plano silang ituring ngayon bilang mga persona non grata
- sa Ozamiz City, Misamis Occidental, yung umuwing lalaking OFW at asawa nito na nag-check in sa isang hotel, na inaresto dahil sa paglabag sa quarantine protocols
- sa Cebu, yung isang barangay na nagdaos ng religious na prusisyon kung saan madami ang nakibahagi at nalabag ang physical distancing
- sa Pampanga, yung pagsabog ng COVID-19, nagsalo-salo daw kasi at nag-inuman yung mga na-detect na carriers, may sinasabing tungkol sa fiesta eh
- sa Negros Oriental, yung lalaki na COVID-19 carrier na naglibot at nakipag-inuman pa sa mga kakilala niya dahil hindi nag-quarantine habang naghihintay ng kanyang test result
- yung mga pasaway na talagang tumatakas pa kahit naka-hard lockdown ang kanilang mga lugar, kung saan ang marami eh mga walang kabuluhan pa ang rason
- sa Quezon City, yung babae na COVID-19 carrier daw, na tumakas sa isang isolation facility na hotel
- sa Sto. Tomas, Davao del Norte, yung tumakas na OFW at LSI mula sa quarantine facility habang hinihintay pa lang ang resulta ng kanilang swab test
- sa Santa Cruz, Laguna, yung mga kabataan na lumabag naman daw sa liquor ban sa panahon ng COVID-19, na mukhang nanira pa ng CCTV camera
- sa Tondo, Manila, yung mga sakay ng tricycle na kinuyog ng mga kabataan sa panahon ng COVID-19
- sa Makati, yung bar, na restobar naman daw, na sinalakay ng mga pulis dahil napag-alaman na may mga nagpa-party sa panahon ng quarantine
- sa Novaliches, Quezon City, yung mga nahuli na nag-party sa isang resto bar na ilegal daw na nag-o-operate sa panahon ng quarantine
- yung mga may sasakyan na nag-aalok ng libreng sakay sa panahon ng quarantine pero nilalabag naman ang physical distancing
- yung mga bus na nagpupuno na ng mga pasahero sa panahon ng GCQ
- yung modus nung isang bus na nahuli, yung mukha lang sapat ang bilang ng mga sakay kapag tiningnan mula sa labas, pero kapag sinilip na ang loob ay sobrang dami pala ng mga pinauupo sa sahig
- yung gasolinahan na nag-offer ng libreng gasolina sa panahon ng COVID-19, kapalit ng pag-download ng kanilang app, kung saan dumagsa ang mga tao, kaya nalabag na tuloy ang physical distancing
- yung pag-aapura para sa mga kasalan kahit na may COVID-19, online na rin lang daw
- yung courier service provider na nabisto sa isang video ang mishandling na ginagawa ng kanilang mga empleyado sa mga package
- yung wala daw permit na print shop na nabistong namemeke ng result ng rapid test for only Php 25
- yung paglobo ng plastic wastes dahil sa pagko-convert ng maraming tao sa food delivery business para maka-survive sa panahon ng COVID-19
- ang papel ng mga die hard fans sa mabilis na pagkalat ng mga FAKE news sa social media
- yung inaatake na rin ngayon ng mga hackers ang mga schools dahil sa pinapausong online learning
- yung paggamit ng isang lumang quote para sa panahon ng COVID-19 ng mga Panatikong Zombies online para sa pangangalap ng suporta para sa kanilang idolo
- yung netizen na nagbitaw ng rape threat laban sa babaeng anak ng senador at artista
- yung kawawa daw ngayong panahon ng COVID-19 yung nasa hundreds na nawalan ng trabaho sa isang chain ng comedy bar, pero hindi kawawa yung libu-libong nawalan ng hanapbuhay sa pinagkakaisahan na TV network
- yung ang ibinabalita lang ngayon sa natitirang FREE TV ay tungkol sa mga bagay na pinupuna laban dun sa gustong ipasara na TV network, walang tungkol sa suporta na nakukuha nila
- yung TV network na hina-highlight din yung mga puna laban sa pinagkakaisahang TV network, kahit maging sila naman eh ginagawa yung bagay na pinupuna laban dun sa isa
- yung kawalan ng balita sa natitirang FREE TV channel namin tungkol sa pakikisimpatiya ng mga empleyado ng karibal na kompanya para sa mga biktima ng panggigipit
- yung pagkawala ng balita tungkol sa ilang mahahalagang usapin matapos na iisang FREE TV channel na lang ang natirang nasasagap ng aming TV
- yung pagpipilit na pagandahin ang presentation sa SauNa kahit na sa gitna ng pananalanta ng COVID-19
- sa ParaƱaque, yung unauthorized na mass COVID-19 testing ng nasa 300 daw na Imperial citizens
- sa BiƱan, Laguna, yung international prostitution den para sa mga POGO workers na nag-o-operate kahit na sa panahon ng quarantine
- sa Puerto Princesa, Palawan, yung mga Imperial citizen na ilegal na pumasok sa bayan gamit ang isang yate sa panahon ng quarantine
- sa Makati City, yung babaeng Imperial citizen na nag-violate, nanakit, at nandura ng kung sinu-sino sa panahon ng COVID-19
- sa Marilao, Bulacan, yung nasabat na ilang bilyong worth ng imported na shabu na nakasilid sa mga lata ng biscuit, kung saan isa sa mga nahuli ay Imperial citizen
- yung Imperial dredger na sumadsad sa baybayin ng Botolan, Zambales, na nagtatapon din DAW ng langis sa dagat doon
- yung sinasabi ngayon na mamamayan daw ang may-ari nung kompanya nung dredger na sumadsad sa baybayin ng Botolan, Zambales, pero panay Imperial citizen DAW ang mga tauhan, at sa Hong Kong at Singapore daw dinadala yung mga nakukuhang buhangin
- sa may Occidental Mindoro, yung Imperial cargo ship na nakabangga ng local fishing boat, kung saan maraming sakay ang pinaghahanap pa
- yung nagkapatayan na sa isa sa mga borders
- yung pandemic threat daw ng G4 na galing din sa Imperyo
- yung may suspected Bubonic Plague na rin sa may Mongolia
- yung pag-aaral sa ibang bansa na nagsasabi na posible DAW na humihina o nawawala ang immunity laban sa COVID-19 nung mga naging carrier na hanggang mild symptoms lang ang naranasan
-----o0o-----
July 25, 2020...
yung libu-libong LSI na nagsisiksikan na sa Rizal Memorial Stadium...
tutorial ng how to spread COVID-19 effectively... :(
is feeling , kung sana eh pinauwi na lang silang lahat noong March pa lang, or kahit noong February pa lang...
>
sa Zamboanga City..
yung nakunan ng video..
yung pulis na niluhuran at tinapakan ang hinuli niyang rider na dahil lang daw sa hindi pagsusuot ng face mask...
paglabag sa pagsusuot ng face mask, pero may sakitan na kaagad...?? :(
pinagbantaan din daw niya yung uploader ng video...
is feeling , may American idol siya...??
---o0o---
July 26, 2020...
yung pag-collapse ng Imperial dam...
nice one!
excited na kami, idol..
paspasan na ang paggagawa ng Imperial dam sa Quezon Province..
mawala na ang mga mawawala... :(
regarding sa Imperyo..
wala na akong pakialam sa region nila..
bumalik na sila sa pagiging hostile, kaya tama lang na mawala na lahat ng mga utak-Imperyalista...
is feeling , destroy nature, destroy lives...
>
mabilis ang pagkalat ng mga FAKE news dahil sa mga Panatikong Zombies... :(
kasi..?
basta pabor sa mga idol nila, automatic papuri then share..
basta anti- sa mga hindi kaalyado ng mga idol nila, automatic bash then share...
may panibago na naman silang ipinapakalat sa ngayon..
tungkol sa pinausong oligarkiya, na obvious naman na hindi nila alam ang ibig sabihin..
basta pinapalabas nila na iba ang kabilang sa oligarkiya..
at ang Dictator Clan ang inapi noong mga panahon na iyon...
mga bobo talaga..
mahigit 2 dekada ng pangangamkam ng kapangyarihan at mga ari-arian..
tapos sila pa rin yung inapi...?? :(
is feeling , tanging mga kamatayan na lang ang makapagsasalba sa bayan na 'to...
---o0o---
July 27, 2020...
[Natural Calamities]
sa area ng Davao Oriental..
nasa Magnitude 5.6 na lindol...
is feeling , galingan mo.. gaya nung nag-collapse na Imperial dam...
>
COVID-19..
baka gusto mong magpakitang gilas...??
pinapasok ka sa bayan ng mga put*ng inang iyan..
at sinasamantala ka pa ngayon para magipit nila ang ibang mga mamamayan..
tama lang naman siguro kung sila na mismo yung pepestehin mo...
is feeling , makiki-serve naman ng karma o'...
>
SauNA 2020...??
okay naman..
maganda siya..
totoo..
may sense..
makabuluhan...
is š feeling , ito talaga yung idol ko eh...
>
yung takot siya sa Anti-Dynasty na patakaran... :(
ang punto kasi..?
kaya niyang magmando sa ngalan ng ibang mga patakaran..
Death Penalty for example...
pero bakit hindi niya kaya para sa Anti-Dynasty...??
eh kasi nga..
kabilang sila sa mga nakikinabang dun..
at maging ang mga kaalyado nila..
so paano nila gagawin yun kung damay-damay sila sa maaapektuhan...??
is feeling , pansariling interes muna bago ang bayan...
>
simple lang naman yung mensahe kanina eh...
hindi ang mga tiwali ang kalaban..
hindi ang mga kurakot..
hindi ang mga bistadong kriminal..
hindi ang mga abusado sa kapangyarihan..
hindi ang mga Imperyalista..
kahit pa hanggang sa panahon ngayon ay marami ang mga kuwestiyonable nilang paglulustay ng gatas..
basta wala sa hanay ng alyansa ang kalaban..
at malaya silang paulit-ulit na gawin ang kanilang mga pang-aabuso...
mga pribadong kompanya ang totoong mga kalaban..
lalo na yung mga wala namang sinisingil mula sa mga mamamayan..
and to think na ang naka-assign sa pangongolekta ng gatas ay bahagi naman mismo ng pamunuan..
tapos sasabihin nila na may mali...??
palibhasa inutil siya laban sa pinapasok nilang COVID-19..
so nag-iimbento siya ng panibagong kalaban..
para paniwalaan ng kanilang mga Panatikong Zombies..
habang pinapalabas na ang alyansa ng mga kriminal ang bida sa istorya na 'to... :(
is feeling , wala silang pakialam sa bayan.. ang tanging misyon nila eh linisin ang mga bakas nila habang nagnanakaw ng mga panibago...
---o0o---
July 28, 2020...
mukhang target talaga nilang ipapatay si Five..
kasi nga eh scripted lang yung kaso laban dun sa tao..
binasa lang ng mga Criminal Witness...
is feeling , priority...
>
[Natural Calamities]
lindol na ulit kaagad..
nasa Magnitude 5.8..
sa may Surigao del Sur...
is feeling , madalas.. pero sablay...
>
yung milyones yung halaga nung mga concrete barriers..
pero nauuwi lang naman sa pagkawasak yung iba... :(
is feeling , mura sana kung pintura na lang eh.. kaso kailangang mahal ang mga temporary project...
>
yung nabisto ng COA sa Department of National Defense..
yung maluluho at milyones na mga banyo na may air-conditioning units at shower... :(
is feeling , kasi nga kailangan na mamahalin ang mga project.. madaming projects at magastos dapat.. Dictator's Law model...
>
yung babala laban sa mga existing na telecommunications company...
patay na..
mukhang naghahabol rin ng monopolyo para sa Imperial company ah...? :(
anyway..
kung ako lang ang tatanungin..?
okay na yung internet speed namin..
hindi naman ako mahilig manood online eh..
hindi rin naman ako 24 hours na gumagamit ng internet..
aanhin mo ang napakabilis na internet, kung hindi mo naman masyadong nagagamit...
ang madalas kasi na problema sa ganyang improvement..?
eh nawawala yung mga lesser offerings..
kaya napupuwersa ang mga tao na mag-avail nung mas mahal na mga plan...
kung pwede nga lang eh..
babalik ako sa Php 999 per month para sa unlimited use ng 1 Mbps na speed..
kapalit ng Php 300 na savings...
is feeling , 100% mamamayan owned kasi eh...
>
ano bang sinasabi ninyong walang plano tungkol sa COVID-19...??
- papasukin yung virus sa pamamagitan ng hindi pagpapatupad ng total international travel ban noong January
- mag-contact trace ng mga nakatabi lang sa seat assignment
- biglang mag-lockdown para magkaroon ng mga LSI
- hindi pagiging reliable ng swab test dahil nahawa na yung mga tao habang matagal silang naghihintay ng result
- lalong pakalatin yung virus through OFWs and LSIs
- mag-GCQ kahit hindi pa naman talaga handa, para makagalaw yung mga hindi saklaw ng age restrictions
- gipitin ang ibang mga mamamayan para mapilitan silang magprotesta in public
nasusunod naman ang mga plano eh... :(
tsaka yung matagal nang ginagawa ng lahat..
ang hintayin lang ang vaccine na maiimbento ng Imperyo..
siguro para ipambayad sa kanila yung mga pinag-aagawang teritoryo after, at para tuluy-tuloy lang ang mga negosyo nila dito sa loob ng bayan...
is feeling , nasusunod naman yung plano na pabor para sa Imperyo eh...
---o0o---
July 29, 2020...
mga basurang armadong empleyado na naman...
social media attack ulit..
yung pagli-link ng Party List sa mga rebelde... :(
huwag tayong maggaguhan..
dahil kung totoong gusto ninyo silang tapusin..
edi sana panahon pa lang ng dating Dictator's Law eh nilusob nyo na sila gamit ang lahat ng resources..
pero hindi..
sa halip, yung mga walang armas ang mas inabuso at pinagpapatay ninyo..
kailan ba nangyari na may totoong suguran para makaagaw ng malaking base..??
wala..
dahil ang totoo, kailangan lang ng mga kalaban para patuloy ang pagdaloy ng pondo...
ano lang ang pangtapat sa inyo..?
increase ng sahod at benefits..?
tapos tatahol na kayo...??
is feeling , mga wala kayong dangal.. bayan ang dapat pinaglilingkuran, hindi iilang santo at tao lamang...
>
yung papalitan na daw kaagad yung mga concrete barriers na pinagkagastusan nila nang husto... :(
may sponsor DAW...
is feeling , gatas na naman...
>
yung may panibago na namang disenyo ng pera..
para sa paper bills... :(
ito na yung pamunuan nila na napakadalas magpalit ng design ng mga pera..
maling kulay - palit..
maling hugis - palit..
kulang sa features - palit...
samantalang sa kanila mismo nanggagaling na mas mahal mag-produce ng mga bagong pera, kumpara sa nagiging halaga ng mga ito...
is feeling , pakilos nang pakilos ng gatas...
---o0o---
July 30, 2020...
yung 12% VAT regarding sa mga digital services...??
naiintindihan ko na pwedeng gatasan yung mga may paid subscription at yung mga pagbili ng mga digital goods o services..
although basically, nag-uugat lang naman talaga 'to sa idea na maraming online platforms ang nakabase sa ibang mga nasyon kaya hindi makuhanan ng revenue ng mga nasa itaas...
pero paano nila balak gatasan yung mga sadyang free services..?
tsaka yung mga free subscriptions..?
Facebook for basic social media use..?
online news..?
hindi ba dapat na lang talagang ilibre yung mga ganung services sa panahon ngayon...??
pero ang pinakanakakatakot sa lahat..?
yung plano nila para sa mga search engine..
eh t*ng ina, yung mga yun nga yung paraan para makagalaw online eh...
is feeling , gatas-gatas.. tapos gagamitin lang naman para sa mga temporary projects at sa mga kaluhuan...
>
yung opisyales na minamaliit yung bilang ng mga libu-libo nang nahawaan ng COVID-19..
at ang ilang libo nang nangamatay dahil sa sakit na iyon... :(
para lang ano..?
para lang palabasin sa mata ng mga Panatikong Zombies na maganda pa rin ang performance ng kanilang isinumpang hanay... :(
is feeling , nagagawa ninyong mag-celebrate pa dahil hindi pa kayo kasali sa tinatamaan nung Imperial virus...
>
sumabog na nang sumabog ang COVID-19 sa [Name of City]..
ilang household na yun..
yung iba eh sa business establishment...
is feeling , totoo nga na mas makakatulong kung ituturing ang sarili at ang lahat bilang mga carrier.. para lang hindi makampante...
>
sayang lang ang resources na ginagamit sa pagte-test kung gagala at gagala pa rin naman... :(
hindi naman kasi masisigurado ng pagiging negative na mananatili ka ngang ganun...
maige pang magpa-test na nga lang kapag may naramdaman ng mga symptoms..
tapos aasa na lang na makaka-recover mula sa COVID-19..
then aasa ulit na totoo ngang hindi na ulit mahahawa yung mga gumaling na mula doon sa sakit...
is ⚠ feeling , walang masyadong silbi na maging negative...
---o0o---
July 31, 2020...
sa Nueva Ecija yata iyon..
yung sadsad na ang presyuhan ng okra..
nasa Php 7.00 daw ang 100 pieces eh... :(
hindi naman daw maibiyahe sa ibang mga lugar dahil mahal ang gastos... :(
is feeling , kung sino pa yung vital labor force ng lipunan, sila pa talaga yung aping-api...
>
sa North Cotabato..
yung distribution ng SAP kung saan maraming tao ang walang suot na face mask at nalabag din ang physical distancing... :(
is feeling , COVID-19 distribution...
>
siguro kaya patuwad ang itsura ng bayan na 'to..
eh baka dahil tadhana na niya talaga na abusuhin lang..
ng kung sinu-sinong mga banyaga..
at ang pinakamalala sa lahat - ng sarili nitong mga mamamayan... :(
is feeling , tuwad na para sa Imperyo...
>
yung paggamit ng isang lumang quote para sa panahon ng COVID-19 ng mga Panatikong Zombies online... :(
nakita ko yung version ng quote na isini-share ng iba..
at nakakatawang isipin na hindi nila kayang isali sa mga claim nila yung last few statements..
siguro nahihiya rin ang mga basurang iyon sa diyos...
walang problema kung totoong nagsisikap ang pamunuan..
pero ang problema..?
kung palpak na nga sila at panay good news na lang sa pamamagitan ng pananalita, habang nanggigipit ng ibang mga mamamayan... :(
ay mga put*ng ina ninyo!
huwag magreklamo, at tulungan na lang ang mga nasa tuktok..?
tulungan na manggipit ng iba..?
tulungan sa pagpapakalat ng mga FAKE news..?
tulungan sa pagsuporta sa mga may kapangyarihan na gumagawa ng mali pero hindi naman naparurusahan..?
tulungan na pabayaan ang mga magsasaka ng bayan..?
tulungan sa modernization at patayin ang lokal na industriya na gumagawa ng mga sasakyan, kapalit ng mga sasakyang may air conditioner..?
tulungan sa pagpapabagsak sa isang pribadong kompanya, dahil sa personal na ganti ng alyansa sa mga may-ari nito..?
tulungan sa pagli-link sa mga walang armas sa mga Akatsuki..?
tulungan sa pagre-revise ng history..?
tulungan sa pagpapatalo ng mga kaso laban sa Dictator Clan..?
tulungan sa lalong pagpapakalat ng COVID-19..?
tulungan sa pagpapapasok ng mga Imperyalistang negosyante sa loob ng bayan..?
at tulungan na ibugaw na ang buong bayan para sa Imperyo...?
ay mga put*ng ina ninyo!
nanghihingi pa kayo ng tulong para sa paggawa ng masasama... :(
is feeling , kamatayan para sa lahat ng manipulista...
>
yung mga possible contact ng mga COVID-19 carrier, na tumatangging magpa-test..
kasi nanghihinayang sila kung sasailalim sila sa 14-day quarantine... :(
is feeling , kaya nga wala muna dapat pami-pamilya at kaibi-kaibigan eh...
>
sa Laguna..
yung pagsabog ng COVID-19 sa isang kompanya doon..
halos nasa 300 ang tinamaan... :(
is feeling , nakakatakot kasi yung ibang mga trabahador ngayon eh natutuwa sa inuman dahil nga nagkikita-kita na ulit sila...
>
yung Hokage-certified na talaga bilang disinfectant ng mga face mask ang gasolina...
kasi nga kailangan ng maraming patay na mga mamamayan para masakop na ng Imperyo ang bayan... :(
o' yung mga Panatikong Zombies..
sumunod lang kayo sa lahat ng iuutos at payo ng santo ninyo..
ilublob na sa gasolina ang mga face mask ninyo..
isuot kaagad..
sabay silaban..
mga put*ng ina ninyo!
is feeling , salamat, Doc...
>
yung kapag Asymptomatic daw o may mild symptoms lang ang carrier eh gumagaling naman after 14 days... :(
huwag kayong maniniwala sa kanila..
tandaan ninyo yung kaso sa cruise ship na dumaong sa Japan..
yung mga mamamayan na hindi nakitaan ng symptoms matapos bunuin yung quarantine period nila doon sa barko..
pero saka napag-alamang positive pala noong naiuwi na at na-test dito sa loob ng bayan... :(
is feeling , wala pang nakakakabisado sa Imperial virus.. bawal makampante para hindi lalong kumalat ang peste...
---o0o---
August 1, 2020...
[Natural Calamities]
nasa Magnitude 5.7 na lindol..
sa may Surigao del Sur ulit...
is feeling , sino bang nandun..? wala naman dun ang diyablo...
>
yung paglobo ng plastic wastes dahil sa pagko-convert ng maraming tao sa food delivery business para maka-survive...
isa 'to sa patunay na mas mahalaga ang pera para sa mga tao, higit pa kumpara sa kalikasan... :(
is feeling , huwag na kayong magtaka kung bakit sobrang marahas na ng kalikasan...
No comments:
Post a Comment