i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
war against criminality..?
pero ginagawan ng paraan para mapalaya yung ibang mga convicted...??
ang laki ng alyansa ninyo... :(
-----o0o-----
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
update ulit (503 + 501 + 9 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
- yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
- sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
- yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
- sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
- .....
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
- yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
- yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
- yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
-----o0o-----
August 26, 2019...
yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan..
kesyo naabala daw yung pulis dahil ginagawa nung enforcer nang tama yung trabaho niya...
is feeling , kapag may kapangyarihan eh ayaw nang magpasita...
>
yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya...
is feeling , basta dapat pwede nilang gawin dito sa probinsya lahat ng gustuhin nila...
---o0o---
August 28, 2019...
basta kapag libreng nakuha ang lupain..
eh dapat na pang-agricultural lang ang gamit..
kung pwede mang ibenta sa iba, eh basta dapat na manatili na pang-agricultural lang ang purpose...
is ⚠ feeling , hindi na dapat sirain pa ang mga natitirang agricultural lands...
>
yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance... :(
at subject yung mathematics nun sa manipulasyon at impluwensiya..
ang dali din ng requirement, dahil kailangan lang ng kriminal na manatiling nakakulong...
is feeling , mga pailalim kung tumira...
---o0o---
August 29, 2019...
matalinong punto yung wala na dapat assignments pagdating ng weekends..
kasi dapat family time na lang yun, lalo na para sa mga bata..
samantalang pwede namang magamit yun ng mga nakatatandang mga estudyante para um-extra sa mga trabaho, lalo na sa panahon na 'to ng kahirapan...
negative at positive naman siya kung para sa weekdays..
positive, dahil makatutulong 'yon para sa mga working students na nagtatrabaho sa gabi..
positive, dahil magpo-provide 'yon ng relaxation time para sa mga bata (provided na talagang naka-focus sila sa pag-aaral sa loob ng school)..
positive din iyon para sa mga student athlete na naglalaan pa ng karagdagang oras para sa training..
negative naman, kung ang idudulot lang ng kawalan ng weekday homework ay ang pagbababad sa mga smartphone at online games... :(
pero ang totoong conflict ay nag-uugat sa dami ng subjects..
dahil madalas na iniisip ng mga guro na okay lang na magbigay ng homework, at project na rin..
eh ang hindi nila naiisip na dumarating sa punto na natatambakan ng mga nagkasabay-sabay na homework ang mga estudyante pagdating sa bahay..
i-imagine nyo na lang yung batang estudyante na gising nang hanggang 12:00 AM at kailangan pang gumising nang sobrang maaga kinabukasan (based on experience)..
delubyo pa pagdating sa mga project..
halos sabay-sabay kapag nag-demand ang mga teacher..
at as usual, hindi nila naiisip yung posibilidad na nagkakasabay-sabay nga sila...
gaya ng article na isinulat ko noong nasa college na ako..
ang dapat mabago sa educational system ay ang timbangin kung alin-alin nga ba yung may practical use sa buhay ng mga tao, lalo na kapag nasa college level na..
lahat ng may pakinabang sa professional level ang dapat tutukan..
samantalang lahat ng minor subjects ay dapat manatili na lang ang diskusyon sa loob ng paaralan, yung tipong interactive ang paraan ng pagkatuto (practical, discussion, written review, debate, play, film showing)..
hindi dapat karibok, especially pagdating sa exams...
sa totoo lang..
hindi nakakatuwa kapag kailangan mo pang hatiin ang utak mo sa mga importanteng aralin at sa mga hindi sobrang importante... :(
ang totoong dapat matutunan ng mga teacher ay kung paanong tatama yung schedule nila sa isa't isa..
sinu-sino ba ang dapat lang na magbigay ng homework tuwing weekdays..?
sinu-sino lang ba ang dapat magbigay ng projects..?
anong araw o panahon ba sila pwedeng magbigay ng homework o project para hindi naman magkaroon ng conflict sa iba pang homework at project..?
ano ba ang magandang paraan ng pag-i-schedule ng mga exam para hindi lahok-lahok yung mga kaalaman sa utak ng estudyante...?
at mga pahabol pa..
ang homework ay dapat yung kayang gawin ng mga estudyante..
yung gagabayan na lang ng mga magulang, at hindi yung magulang ang gagawa..
hindi rin dapat sobrang demanding ng mga homework at project, na kesyo dapat eh computerized at printed, o dapat na pagkagastusan...
is feeling , hindi lahat ay pantay-pantay ang halaga...
>
[Pets / Pests]
anak ng bastos na pusang kalye..
yung isang pusa sa amin..
ilang beses nang pumapasok sa loob ng bahay namin, puwerket may area na hindi talaga posibleng maisara..
tapos kagabi eh tumae o sumuka ng kung anu-ano..
parang hindi naman siya dumi, dahil hindi naman sobrang baho..
so posibleng suka 'yon, dahil mukhang hindi nga pagkain yung mga inilabas nung basurang pusa na iyon..
na-food poison siguro...
karapatan sa buhay..?
eh paano yung karapatan naming mga non-pet owner na hindi mabulabog..?
paano yung kaparatan namin na hindi maabala..?
sa hirap ng buhay ngayon, tapos papapaglinisin ka pa ng mga kalat ng mga basurang nilalang...
sana naman eh proteksyunan din kami ng batas..
bigyan kami ng karapatan na pumatay ng mga perwisyo..
o ang sistema na mismo ang araw-araw na manghuli ng mga hayop na wala o pabaya ang amo... :(
is feeling , magkakalat lang.. ang gusto pa eh sa loob ng bahay ng may bahay...
>
yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing...
is feeling , in due time...
>
yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta... :(
o' wala ng negative remarks simula ngayon ha..
wala ng bashing..
wala ng discrimination..
lahat eh challenge na lang ang meaning... :(
is feeling , tapos sabay palusot na naman...
>
sa Muntinlupa City yata iyon..
yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante...
is feeling , busy sa sampalan sa school, kaya magpapa-homework na lang after...
---o0o---
August 30, 2019...
yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw...
is feeling , that which corrupts...
>
sa Iloilo City..
yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar...
is feeling , hindi natitigil ang pagkalugi...
>
yung libu-libo na daw na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance... :(
is feeling , alliance of evil...
No comments:
Post a Comment