Loveless Story
August 16, 2019...
malapit na akong makatapos..
took me 73 - 7 days para makapaghanda ng 103 + 8 scenes para sa 2 projects..
lagpas 2 buwan na akong tuluy-tuloy lang na nagtatrabaho..
at target kong makatapos nitong August...
may 15 images to render pa..
so halos 4 days pa ang aabutin nun...
ang bad news ay paubos na ang pang-autopilot na mga task ko..
at halos kasisimula lang ng PVL na inaagawan ng MPBL..
kaya mapipilitan akong mag-photoshop habang nanonood...
is feeling , entering autopilot mode...
---o0o---
August 17, 2019...
[Strange Dream 18+]
short dream..
may ini-release daw na bagong picture ni Miss Gg..
for some reason eh kita yung buong mukha niya, at kahawig nga daw talaga niya si Jaycee Parker..
naka-mesh siya na kasuotan, na parang base ng orange yung kulay..
medyo kita daw yung detalye nung malulusog niyang boobs, at mukhang okay naman..
kaya ayun..
kaagad ko daw kinalimutan yung resort goal ko..
at nag-decide na imi-meet ko na nga as soon as possible sina Miss Gg at Miss Cn...
is 💘 feeling , nadale ni Jaycee Parker...
-----o0o-----
[V-League]
August 11, 2019...
umpisa na ulit pamaya ng digmaan...
para sa Creamline..
ang magandang lineup ay:
- Morado (Primary Setter)
- Baldo
- Galanza (Kaewpin role; offense plus back row defense)
- Gumabao (kung activated ang attack at net defense)
- Guino-o (Gumabao sub; kung activated ang attack, or at least for back row defense)
- Sato
- Domingo (dahil sa malakas niyang instinct sa blocking)
- Soriano (Domingo or Sato sub; in case na merong hindi maganda ang laro dun sa 2 Middle Blockers)
- Gohing (receiving Libero, pamalit lang dapat sa Middle Blocker sa likod)
- Atienza (digging Libero, pamalit rin lang dapat sa Middle Blocker sa likod)
is feeling , tara, game!
>
PVL Season 3 - Open Conference
Creamline versus Air Force
average ang audience para sa Creamline..
bumalik na nga ang Air Force matapos na mawala ang Pocari..
balik Air Force na rin si Caballejo..
wala ang pangalan ni Domingo sa official lineup ng Creamline..
posible kayang iniingatan siya dahil sa papalapit na UAAP...??
Set 1, 25-23, si Soriano ang pick ni Coach Tai, bench lang sina Caballejo at Cases, mas malakas pa ngayon si Palomata, ipinasok si Caballejo, si Atienza lang ang ginagamit na Libero ng Creamline, madalas na sila ang lamang, Galanza-mode ang opensa ng Creamline, mas lamang naman sa attacks ang Air Force kaso ay namigay sila ng 8 errors..
Set 2, 25-20, nagsimula nang dikitan ang laban, ipinasok na rin si Cases, nakaagwat ang Creamline before ng 2nd technical time-out, naipasok pa si Negrito at si Cayetano for Gumabao sa harap, nanaig ang Creamline dahil sa kanilang 18 points..
Set 3, 25-15, nakaagwat na ang Creamline bago pa ang 1st technical time-out, Mandapat for Soriano dahil sa shoulder issue, hanggang sa nakalayo na ang Creamline, naipasok pa sina Gohing, Cayetano, Vargas, at Negrito...
3-0, panalo ang Creamline...
Player of the Game si Gumabao with 14 pure attack points..
Baldo with 13 points from 10 attacks, 1 kill block, and 2 service aces..
may plus 12 digs and 7 excellent receptions din siya..
Sato with 11 points..
Galanza with 9 points..
nice game for Galanza kahit na medyo mababa ang kanyang percentage, dahil sa naipakita niyang variations ng kanyang attacks..
Morado with 23 excellent sets, plus 2 points..
Atienza with 22 digs..
para naman sa Air Force..
Palomata scored 14 points from 11 attacks and 3 kill blocks..
Pantino with 10 points...
okay na key players ang 2 main Middle Blockers (Antipuesto with 7 points) ng Air Force..
pero kailangan pa nila ng dagdag na kontribusyon mula sa wing para mas lumakas sila...
hindi naman masyadong happy ang buong Creamline ngayon..
tahimik lang maglaro si Baldo kanina..
pasulput-sulpot yung mga plays para sa kanya..
at sa bandang dulo na ng Set 3 humabol yung points niya...
Angels versus BanKo
ipinapaalala talaga ni Nunag yung itsura nung mga huling reinforcements nila..
naglalaro pa rin ang masipag na si Bersola..
kinuha na ng BanKo si Gopico, pang-Middle ang ipinapalaro sa kanya na posisyon..
balik attacker naman si de Jesus..
may long sleeve uniform na rin ang BanKo, at maganda yung design nila...
Set 1, 20-25, Prado at Sabete for Angels, ipinapasok na kaagad yung bagong Libero ng BanKo na si Balang, dikitan ang laban, Baloaloa at Saet ang for double substitution, hanggang nakaagwat na ang BanKo sa bandang dulo, nakuha nila ang set dahil sa kanilang 11 attacks and 4 service aces plus 8 opponent errors..
Set 2, 25-11, nakakuha ng early lead ang Angels, gumawa ng mga experimental substitutions kina Cailing, Sindayen, Gopico, Doromal, at Tajima ang BanKo, pero nakuha ng Angels lahat ng stats..
Set 3, 21-25, dikitan ulit ang laban, Saet for Cheng na, ipinasok rin ng Angels si Layug, kaso ay nagpakawala sila ng 14 big errors..
Set 4, 18-25, dikitan pa rin ang laban, nakaagwat na lang ang BanKo after ng 2nd technical time-out sa tulong na rin ng errors ng kalaban...
3-1, panalo ang BanKo..
may talo na kaagad ang Angels...
Player of the Game si Gervacio with 14 points from 12 attacks, 1 kill block, and 1 service ace..
may plus 17 digs pa siya..
Tiamzon with 12 points from 9 attacks and 3 service aces..
Bersola with 9 points na may 3 kill blocks..
Roces with 9 points..
de Jesus with 8 points na may 4 service aces..
para naman sa Angels..
Prado scored 13 points na may 12 attacks, plus 13 digs and 10 excellent receptions..
Panaga with 10 points..
Nunag with 9 points..
Mercado with 9 points na may 3 kill blocks..
Cruz with 14 digs and 11 excellent receptions..
halos pantay lang naman ang errors ng 2 team, kaso ay marami ang nagawa ng Angels mula sa service line...
hindi lang sa opensa makikita ang resulta ng pagkawala ng mga reinforcements ng Angels, kundi maging sa depensa..
yung alas nilang service eh naging kalaban nila sa match na ito..
maganda naman para sa BanKo na meron silang double Libero, at attacker na nga ulit ngayon si de Jesus...
---o0o---
August 14, 2019...
triple match Wednesday, na hindi televised ang marami.. :(
MPBL pa rin ang kalaban sa oras..
sana MPBL na lang ang sa cable channel, tutal eh mayaman naman sila...
ChocoMucho versus BaliPure
konti pa ang live audience..
hindi nga natuloy si Tejada sa ChocoMucho..
balik volleyball si Santos matapos ang 10 years ng pagiging inactive dun sa sports..
Libero pa rin lang si Gequillana..
balik naman bilang attacker si Pineda, gaya ni de Jesus..
so gaya ng BanKo, parang may double Libero ang ChocoMucho kapag nasa loob si Pineda at ang isang Libero nila...
Set 1, 25-12, pasok nga sa starters ng BaliPure si Tubiera, hindi naman starter ng ChocoMucho si Santos samantalang naka-rest pa si BDL, nakakuha ng early lead ang ChocoMucho, ipinasok din si Santos, at nakuha nila ang set dahil sa kanilang 10 attacks, 2 blocks, and 7 service aces..
Set 2, 25-18, Salamagos for Delos Santos sa BaliPure, dikitan ang laban hanggang sa nakaagwat ang BaliPure, pero nabaliktad ng ChocoMucho ang laban after ng 2nd technical time-out, lamang naman sa attacks ang BaliPure kaso ay nagtapon sila ng 12 big errors..
Set 3, 25-18, nag-testing na ng bench ang ChocoMucho, muling nakakuha ng early lead ang ChocoMucho, dikit nang dikit ang BaliPure, pero kinapos pa rin sila...
3-0, panalo ang ChocoMucho sa debut match nila...
Player of the Game si Masangkay with 18 excellent sets, plus 2 points and 13 digs..
Tolentino with 14 points from 10 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces..
may plus 10 digs din siya..
Madayag with 11 points na may 7 attacks and 3 service aces..
Pineda with 8 points..
wala namang umabot sa double figures para sa BaliPure..
Bombita scored 9 pure attack points, plus 13 digs..
Tubiera also with 9 points na may 8 attacks..
Salamagos with 6 points in 2 sets..
Medina with 8 digs and 11 excellent receptions..
pero nagtapon sila ng huge 28 errors in just 3 sets...
maganda ang floor defense ng ChocoMucho kahit maging laban sa mga power type attacks..
para naman sa BaliPure..
good addition si Salamagos bilang Middle Blocker..
pero pwede rin nilang gamitin si Pronuevo para makita kung sino ang mas activated sa gitna sa bawat laro..
consistency naman ang kailangan pa para kina Bombita at Tubiera..
tapos ay kailangan pa nila ng isa pang reliable na outside spiker...
Creamline versus Motolite
may average Creamline crowd na..
si Bravo naman ang nawala sa working lineup nila ngayon..
si Coach Okumu na ang Head Coach ng Motolite sa halip na si Padda..
kakampi na ulit ni Pablo si Tolenada, 3 na ang main Setters ng Motolite..
pero wala na si Soyud sa kanila...
Set 1, 25-14, si Atienza na lang talaga ang Libero for today, babad na si Pablo, Emnas naman ang starting Setter, nakaagwat ang Creamline after ng 1st technical time-out, inilamang nila ang kanilang 13 attacks plus 11 big opponent errors..
Set 2, 25-15, Tolenada in for Motolite, muling nakaagwat ang Creamline after ng 1st technical time-out, Cayetano for Soriano, then Vargas for Gumabao, inilamang ng Creamline ang kanilang 15 attacks and 5 blocks..
Set 3, 25-14, si Emnas na ulit ang Setter, Flora for Molde, nakakuha ng early lead ang Creamline, Vargas for Soriano, Cayetano for Gumabao, at Domingo for Sato, at si Domingo pa nga ang tumapos sa laban...
3-0, panalo ang Creamline...
Player of the Game si Atienza with 18 digs and 9 excellent receptions..
Baldo with 15 points from 12 attacks and 3 service aces..
Galanza with 12 points from 10 attacks and 2 kill blocks..
may plus 15 digs and 10 excellent receptions din siya..
Gumabao with 9 points..
activated si Soriano today with 8 points..
Morado with 21 excellent sets, plus 2 points..
para naman sa Motolite..
si Pablo lang ang umabot sa double figures with 11 points from 10 attacks and 1 service ace..
Caloy with 7 pure attack points, plus 12 digs..
off pa si Molde with only 1 point..
Ponce with 18 digs and 14 excellent receptions..
pero nagtapon sila ng 23 errors within 3 sets..
bukod pa sa 4 excellent sets lang ang nagawa ng team nila...
great game for Creamline..
maliban kay Cayetano at sa non-attacker na si Atienza, eh naka-score ang lahat ng players na ipinasok nila..
they look happier rin compared noong first match nila...
BanKo versus Army Troopers
kumonti ang live audience..
rematch ng nakaraang Battle for Third, pero wala ng reinforcements this time..
lagare pa rin si Gonzaga sa 2 liga...
Set 1, 23-25, pasok nga sa starters ng Army sina Gutierrez at Malaluan, dikitan at palitan ng kalamangan, kasama sa double substitution si Bicar at Delos Reyes kapalit ni Gonzaga, pero nanaig ang Army sa bandang dulo sa tulong ni Gutierrez, inilamang nila ang kanilang 15 attacks..
Set 2, 23-25, madalas na lamang ang Army, pang-adjust as usual ang mga substitutions ng BanKo, Teope for Balse, Balse for Malaluan, pero kinapos ang BanKo, inilamang ng Army ang kanilang 14 attacks..
Set 3, 25-17, Doromal for de Jesus, naunang makalayo ang BanKo, inilamang nila ang kanilang 13 attacks plus 2 service aces..
Set 4, 20-25, una na ulit nakaagwat ang Army, at kinapos na ang BanKo...
3-1, panalo ang Army..
at natalo na kaagad ang tumalo sa Angels...
Player of the Game si Tubino with 19 points from 17 attacks, 1 kill block, and 1 service ace..
Gutierrez with 22 points na may 20 attacks..
Gonzaga with 8 points, plus 12 excellent receptions..
Malaluan also with 8 points..
Nunag with 15 digs and 10 excellent receptions..
activated din si Agno sa depensa with 14 digs..
para naman sa BanKo..
Tiamzon scored 21 points from 17 attacks and 4 service aces..
Gervacio with 13 points na may 12 attacks, plus 15 digs and 11 excellent receptions..
Bersola with 9 points na may 4 kill blocks..
Roces with 8 points..
Balang with 13 digs and 11 excellent receptions...
okay nga na kapalit ni de Jesus sa pagiging Libero si Balang for BanKo..
ayos din naman ang performance nila today, halos balanse pa rin pagdating sa scoring..
pero nagkatalo lang talaga ngayon sa volume ng points..
as expected naman kay Gutierrez, makakapuntos talaga siya kung bibigyan ng game time...
is feeling , konti pa, BaliPure.. thank you kay Atienza at sa buong team para sa pagtulong kina Morado at Galanza.. nice match naman para sa Army at BanKo...
---o0o---
August 13, 2019...
PVL Season 3 - Collegiate Conference
okay, ganito..
so mukhang nasira nga ng 2019 SEA Games ang schedule ng PVL sa bansa..
last year kasi nila nagawa yung schedule na katugma ng sa UAAP..
UAAP Women's Volleyball - PVL Reinforced - PVL Collegiate - PVL Open..
maganda yung ganung schedule dahil may pahinga sa liga ang mga pro..
pabor din naman para sa mga UAAP collegiate teams dahil dagdag experience iyon para sa kanila bago mag-start ang UAAP league nila...
pero this year eh muling ini-adjust ang Open Conference..
halos kadikit pa nga ng Reinforced Conference..
siguro para hindi magkaroon ng conflict ang mga pro sa paglalaro nila sa SEA Games..?
pero since papalapit na rin ang UAAP, eh isasagawa na rin kaagad ng PVL ang Collegiate Conference, halos kasabay ng Open Conference...
kaya naman mas pipiliin ko na lang ang Open Conference..
tutal eh wala naman din masyadong aabangan na players sa mga UAAP teams na sasali..
aabangan ko na lang kung sino ang mag-cha-champion sa dulo...
is feeling , 12 teams.. 4 from UAAP...
-----o0o-----
August 13, 2019...
[TV Series]
The Killer Bride
maganda yung introduction nung istorya..
hindi na bago..
pero kumbaga eh ginamitan ng halo-halong recipe ng mga plot...
para siyang Romeo and Juliet kung saan may alitan ang 2 mayayaman na angkan na nag-ugat sa isang brutal na krimen..
isang babaeng dela Torre, hindi direktang lola ni Camila, ang naging biktima ng pangre-rape ng mga lalaking galing naman sa angkan ng mga dela Cuesta..
bukod pa yung ibinigti yung babae matapos yung ginawang kahalayan..
walang naparusahan sa mga dela Cuesta sa pangyayari na iyon, kaya namuhi sa kanila ang angkan ng mga dela Torre...
bukod dun eh nagkaroon din ng alleged na mga patayan sa pagitan ng 2 angkan sa mga sumunod na generations..
mystery pa kung paanong namatay noon ang ama nina Vito, na untikan na rin niyang ikinamatay..
ganun din ang bagong misteryo sa pagkamatay naman ng kuya ni Vito, na ibinibintang kay Camila...
totoong may resemblance sa Altagracia o La Mujer de Judas yung ibang ginamit na konsepto; gaya ng paggamit ng surname na dela Torre na halos kaparehas ng Del Toro, yung pagkakaroon ng plantasyon, at lalo na yung pagkakadawit ng bride sa isang murder crime sa mismong araw kung kailan sana siya ikakasal..
pero nabigyan ng mas malalim na background history ang script na ito..
bukod sa madugong origin ng alitan sa pagitan ng 2 angkan..
lumalabas na anak si Camila ng isang rebeldeng anak na lalaki at ng isang literal na rebeldeng babae na kabilang sa mga namemerwisyo sa negosyo ng mga dela Torre..
nagpakita rin ng isang circumstance kung saan nagawang tutukan ni Camila ng patalim ang hindi niya alam noon na kuya pala ng mahal niyang si Vito, para ipagtanggol ang kaibigan niyang babae..
kaya naman nakapagpakita yung initial script ng magagandang basehan para si Camila ang gawin na sacrificial suspect para dun sa krimen...
isa na namang interesanteng crime mystery..
maagang nakapagpakita ng baho at motibo ng iba't ibang characters, kaya sa ngayon eh mahirap hulaan kung sino nga ba ang totoong killer..
kaso eh masyado siyang pang-gabi na...
siguro kung meron mang posibleng maging bullsh*t twist ang istorya na ito..
eh yun ay (theory #0) kung lalabas na si Camila nga ang totoong killer dahil sinaniban siya ng original na dela Torre victim para makaganti sa isang dela Cuesta...
is feeling , aasa na lang ulit sa mga recap at sa last week...
---o0o---
April 14, 2019...
[TV Series]
The Killer Bride
mukhang may sabwatan at mukhang double setup yung nangyari..
may feeder ng information yung kuya ni Vito, dahilan para ma-provoke siya para i-confront si Camila..
bale 3 setup pa nga yung nangyari, dahil yung naunang minor setup ay noong pinapunta si Camila doon sa location gamit yung lumang Nokia phone ni Vito..
na-setup yung kuya ni Vito sa sarili niyang kamatayan..
habang na-setup naman si Camila bilang sacrificial suspect...
ang mga clue tungkol sa taong nagpatulog kay Camila:
- pang-matanda yung kamay nung tao dahil marami ng ugat
- most probably lalaki dahil parang short haired
- may double horseshoe tattoo sa bandang left chest
- parang pang-manggagawa (farmer) yung suot na pang-itaas
theory #1 - kakilala ng kuya ni Vito yung dumating kaya hindi siya nag-react..
most probably isang espiya sa hanay ng mga dela Torre..
at saka siya patraydor na pinatay noong tulog na si Camila, at ang dalaga ang f-in-rame-up...
theory #2 - ambush ang nangyari kaya hindi nagawang makalaban ng 2 biktima..
marami ang suspek..
ang totoong pakay ay patayin ang kuya ni Vito, at gamitin lang si Camila bilang sacrificial suspect dahil isa itong itinatakwil na dela Torre...
theory #3 - mukhang anak ni Camila si Emma Bonaobra..
may nurse kasi na present malapit kay Camila noong nangyayari yung sunog sa kulungan..
at posibleng early indication iyon na makaliligtas yung bata sa sinapupunan...
is feeling , kailangan pa ng konting background information, bago tumigil sa pagpupuyat...
>
[Sports]
Stamp Fairtex vs. Asha Roka
not a fan of violence..
not a fan of blood shed..
not a fan of muscles..
pero ang cute ng magiging sakitan na ito..
ang 2 sa pinaka-photogenic na mixed martial arts fighters...
is feeling , pa-cute-an na lang ang laban...
---o0o---
August 15, 2019...
[TV Series]
The Killer Bride
huling review ko na bago ako mag-hiatus sa panonood nito...
okay, una..
mali yung assumption ko dun sa nakaraang preview..
totoo nga palang naipanganak pa yung baby na babae bago naganap yung sunog..
at ang naging purpose nung nurse ay ang maging saksi lang sa mga huling salita ni Camila sa gitna ng naganap na sunog...
ang mga bagong clue:
- mukhang kabilang nga sa uring manggagawa yung may horseshoe tattoo, dahil magbubukid rin ang nakakakilala sa kanya
- posibleng yung may horseshoe tattoo rin ang nagtumba dun sa abogada ni Camila bago nito ma-disclose yung pagkatao niya
- babaeng jail guard naman ang arsonist doon sa kulungan base sa boses at kamay niya (imposibleng iisa silang tao nung may horseshoe tattoo base sa itsura ng kamay)
theory #3 (revised) - mabubuhay nga yung baby, at magiging si Emma Bonaobra..
may nagtakas sa kanya sa gitna ng sunog...
theory #4 - mukhang may mayamang mastermind sa likod ng lahat ng pangyayari..
at lahat ng semi- nari-reveal na mga kriminal eh pawang mga tauhan lamang..
so hindi mari-reveal nung mga ipinapakita na body parts kung sino nga yung ugat ng mga patayan..
pero base sa level ng influence at power, eh ang hula ko ay yung Mayor na dela Torre ang totoong mastermind...
is feeling , maghihintay na lang ulit ng final week...
---o0o---
August 17, 2019...
[TV Series]
The Killer Bride
theory #5 - parang trap suspect lang ang purpose ni Tito Luciano..
siya yung ginagawang obvious ang motibo, pag-uugali, at mga hakbangin base sa characterization niya, pero posibleng lumabas na wala naman siyang kinalaman dun sa nangyari kay Camila...
theory #6 - secondary suspect naman si Tita Tatiana..
for some reason eh wala siyang shot sa mga eksena sa tuwing may nangyayari na kakaiba (examples; sa simbahan habang nape-frame-up na si Camila, at sa unang pagpapakita ng sinaniban na si Emma sa angkan ng mga dela Torre)..
so ang possibilities ay either wala siya sa mga eksena para lang magkaroon ng dahilan para maging kahinahinala siya, o wala siya dahil totoong may kinalaman siya sa mga krimen...
is feeling , pahabol pa...
No comments:
Post a Comment