i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
para dun sa mga celebrities na nagpahayag na ng pagtalikod nila sa dating maling paniniwala nila..
marami pong salamat...
hindi maling magkaroon ng mga idolo..
kung talento rin lang ang pag-uusapan at kung walang impact yung ginagawa nung idolo para sa lahat ng mga mamamayan..
pero mali na kung sasamba ka pa rin sa idolo na mali-mali ang ginagawa para sa bayan...
ang pagsuporta sa ginagawang historical revision ng Dictator Clan..
ang pag-tolerate sa mga may kaso ng pagnanakaw ng gatas..
ang pagsuporta sa mga tumbahan, na may mga nadadamay ng mga inosente..
ang pagpo-promote sa rape..
ang pag-tolerate sa FAKE news at sa FAKE news maker, habang kung sinu-sino na ang mga napatalsik niya..
ang pag-tolerate sa mga may katungkulan na may mga kompanya para makipag-deal sa pamunuan at pakinabangan ang gatas..
ang pagtatanggol sa ibang nalusutan ng supply ng ilegal na droga..
ang pagsasabay-sabay ng mga mamahaling projects sa kabila ng bagsak na ekonomiya..
at ang hindi pagpayag na itigil muna ang paniningil ng karagdagang mga gatas sa kabila pa din ng bagsak na ekonomiya...
mali yung sinasabi ng ibang tao na magbabago at uunlad ang bayan kung titigil lang ang mga tao sa pagpuna sa mga mali at masasama..
dahil hinding-hindi magbabago para sa papabuti ang isang bayan kung saan mga tiwali pa rin ang mga may kakayahang magdesisyon para sa nakararami...
is feeling , October na bukas...
-----o0o-----
lumampas na sa 500 ang bilang eh, kaya mag-i-start na lang ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
update ulit (503 + 60 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- yung nagluklok ng tao sa isang mahalagang branch, sa kabila ng kawalan ng kakayahan ng tao na iyon na sumunod sa sarili nilang mga patakaran
- yung nagtuturo ng iba, maging yung hindi nila maidawit dun sa kaso, habang ipinagtatanggol naman yung ibang nalusutan DAW ng supply ng ilegal na droga
- yung idolo noon si Hitler, pero noong nagpunta sa Israel eh ginamit pa yung alaala ng Holocaust para magkunwari na mabuti sila
- yung inuna pa ang mga armas kesa sa isipin ang tungkol sa isyu ng kahirapan sa bayan
- yung gustong bawiin yung amnesty na ibinigay noon sa isang taong lumaban sa tiwaling gobyerno, na ang sinisilip na butas ay yung pinagdaanan na proseso
- yung umamin siya na meron nga at kasalanan niya ang pagkakaroon ng extrajudicial killings
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan:
- sa Navotas, yung pulis at ang kasama niyang naka-AWOL na pulis, na inireklamo dahil sa pananakit
- sa Bacoor, Cavite, yung number 1 na SK Kagawad na nakunan ng video at hinuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga
- sa Naic, Cavite, yung dating pulis at ang karelasyon niya na active jail guard na nahuli sa buy-bust operation
- yung 4 na pulis ang suspek ng PDEA, na posible daw na nakipagsabwatan para maipuslit yung nawawalang nasa Php 6.8 Billion na ilegal na droga na isinilid sa mga magnetic lifters
- sa Balete, Batangas, yung dating Konsehal ng bayan ng Balete na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
- sa Mabini, Batangas, yung Barangay Chairman na inaresto dahil sa pagtatago ng hindi lisensyadong M16 at mga bala
- yung dating kaso sa Cebu, yung lumabas sa imbestigasyon ng NBI na baril nga ng pulis yung nakatama dun sa bata na nadamay lang sa anti-illegal drugs operation
- sa Pangasinan, yung 17 y/o na binatilyo na player ng DOTA na sasali lang daw sa tournament sa Baguio na napatay DAW ng mga pulis sa engkwentro
- sa Bocaue, Bulacan, yung hepe ng mga pulis na hinuli dahil sa pangingikil daw at sa paggamit ng mga sasakyan ng mga nahuhuli nilang mga drug suspect
- yung pulis na miyembro ng HPG na hinuli dahil sa pangingikil laban sa mga service vehicle ng isang call center company
- sa Quezon City, yung may 3 nahuli mula doon sa grupo na responsable daw sa serye ng mga panghoholdap sa mga e-games at bingo establishments, isa sa mga nahuli ay kasalukuyang Barangay Kagawad ng Maynila, tapos ay dating pulis daw ang leader nung grupo
- sa Tagaytay City, yung 5 naaresto dahil sa pagbebenta ng ekta-ektaryang lupa na may mga pekeng titulo, na ang lider ay dating empleyado ng DENR
- yung airport security screener, yung hinalungkat ang bag at pinagnakawan ang isang pasaherong Taiwanese
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
- (none as of the moment)
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
- yung mga batas na pro-pets and pro-pet owners na mga asal peste naman
- yung paglaganap ng mga batang palaboy na lantarang umaatake ng mga pasahero sa mga pampublikong jeepney
- yung 2 MMDA Enforcer na magkaangkas sa motor na nasita ng ordinaryong motorista, yung blinker ang ginagamit na ilaw at hindi pa nakasuot ng tamang helmet
- sa Tagaytay City, yung firing range sa kampo daw ng Cavite Police kung saan may mga umaabot na slug ng bala sa isang subdivision sa hindi kalayuan
- yung panibagong surprise inspection na isinagawa ng NCRPO, kung saan may mga nahuli na naman na nakainom at natutulog na pulis habang nasa duty
- yung Representative na hindi sumunod sa security procedure sa NAIA
- yung babaeng Representative na inirereklamo dahil DAW sa pagpapasagawa ng Gluta-drip session sa mismong opisina niya
- yung pati naman mga bagay na hindi na dapat pinakikialaman pa dahil sa historical value eh talagang gusto pang pag-aksayahan ng panahon para lang masabi na nagtatrabaho sila
- yung gustong sirain ng Bureau of Customs yung nasa Php 12,000,000 worth daw ng smuggled na mga sibuyas na nasabat nila sa halip na mapakinabangan ng mga mamamayan
- yung nasa Php 120 Million daw na halaga ng nasabat na smuggled na bigas na nasa poder na ng BOC sa Zamboanga, pero talagang nawala pa
- yung may shortage na rin daw sa supply ng siling labuyo
- yung reklamo na ipinarating sa Ombudsman, yung ipinambayad pala ng NFA sa utang yung pondo na nakalaan para sa pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka
- yung walang sumasagot sa mga tawag sa isang opisina ng SSS kahit na office hours pa naman
- yung kagustuhan ng SSS na damay-damay ang mga miyembro sa pagsalo ng mga magiging dagdag na gastusin dulot ng pagpapalawig sa Maternity Leave and Benefits
- yung babaeng mastermind daw sa ibang kaso, na c-in-laim kaagad nila na may kinalaman daw sa mga rebelde, tapos eh binawi rin yung paratang, kesyo wala daw pala silang sapat na ebidensya
- yung dagsa kaagad sa Senado yung mga tuta at bobong mga pulis na sabik na mang-aresto ng Senador kahit na wala namang warrant
- yung may pruweba naman na posible ngang may nagmamasid sa bahay ng isang Senador, pero kini-claim na kaagad ng mga nasa itaas na kesyo paranoid lang yung tao kahit na wala naman silang ginagawang imbestigasyon
- yung namamanipula ang mga records o documents sa mga base
- yung applicable yung seniority rule kahit na para sa mga taong gumagawa ng mali at hindi patas
- yung inabsuwelto na ng Supreme Court ang asawa ng Diktador, sa kabila ng presence ng nakaw na yaman
- yung inamin ng pinuno na ang Solicitor General ang trumabaho sa kaso ng Senador na dating nasangkot sa mutiny, pero iisang tao lang ang kanilang pinuntirya
- yung hindi naman hinahabol ng Solicitor General yung mga sundalo at miyembro ng Philippine Constabulary na umabuso sa panahon ng Martial Law
- yung premature campaigning na gumagamit ng term na "gusto namin ang boses mo sa ....."
- yung Representative na nagbanta na hindi magri-release ng PRC license sa mga hindi nakakakilala sa kaibigan niyang premature campaigner
- yung 2 nasa katungkulan na pinagtatakpan ang medical condition ng pinuno ng bansa, tapos saka nila sasabihin na hindi nila alam ang totoong nangyari kapag lumabas na ang totoo
- yung may kalayaan yung isang government official na mag-post sa kanyang fake blog kahit na during office hours
- yung binastos na rin ng isang government official at ng kanyang kaibigan ang mga PWD para lang i-promote ang gusto nilang anyo ng pamahalaan
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung mga taong ang kakapal ng mukha na magsabi ng "i feel you" patungkol sa krisis na hinaharap ngayon ng bayan, pero patuloy naman ang pagsuporta sa mga palpak at tiwaling mga pinuno
- yung gustong gawin na Php 10 ang minimum na pamasahe sa jeep, at hindi na pasok dito yung kapritsosong modernization plan
- yung gusto nang paabutin ng ibang transport group sa Php 12 ang minimum na pamasahe sa jeep
- yung may gang war na rin sa [Name of City], malapit pa sa mismong munisipyo
- sa Caloocan, yung tila tino-tolerate na ng maraming tao ang patayan, at talagang may mga tao pa na nagchi-cheer para mangyari ito
- yung tila statistical defense na ginagamit ng ibang mga tao para bigyan ng katuwiran ang nangyayari ngayon sa ekonomiya ng bayan, sa kabila nang presensya ng mga totoong ebidensya
- yung negative impact ng Climate Change sa agrikultura ng buong bansa
- yung pakikipag-agawan ng maraming non-mass transport vehicle sa supply ng limitadong petroleum products
- yung pinakamataas daw ang bilang ng mga insidente ng rape sa Safest City
- yung parati na lang kini-claim ng pamahalaan na kesyo nahahaluan ng mga rebelde ang mga protesta laban sa palpak na pamumuno nila
- yung pagiging balimbing ni MRT Man, na kaalyado na ngayon ng kaalyado ng mga dating magnanakaw at abusado sa katungkulan
- yung may mga artista na gumagamit ng pangalan nila para sa demolisyon, para sa kapakanan ng kaalyado nila sa pulitika
- yung may bagong version na naman ng Dictator's Law history yung balimbing na tuta ng dating Diktador
- yung mang-aagaw na nga ng mga teritoryo ang Bestfriend Empire, tapos eh mang-aagaw pa ng mga trabaho yung mga mamamayan nila
-----o0o-----
October 1, 2018...
yung panibagong surprise inspection na isinagawa ng NCRPO..
kung saan may mga nahuli na naman na nakainom at natutulog na pulis habang nasa duty...
is feeling , mga teacher na lang sana ang binigyan ng matinong increase sa suweldo...
>
sa Navotas..
yung pulis at ang kasama niyang naka-AWOL na pulis..
yung inireklamo ng pananakit, kung saan may nadamay pa daw na menor de edad...
kesyo matagal na daw gawain nung biktima na maupo sa nakaparadang sasakyan nung pulis, motor yata yun..
pero this time nga eh nauwi na sa sakitan...
is feeling , mali yung pananakit.. though sa panahon ngayon, kung kailan marami na ang insidente ng nakawan ng mga sasakyan, eh parang hindi na rin nga tama na tumambay sa sasakyan ng may sasakyan...
>
yung Representative na hindi sumunod sa security procedure sa NAIA..
samantalang SOP naman daw yung ipinapagawa sa kanila...
is feeling , pa-VIP...
---o0o---
October 2, 2018...
hala!
mga OFW pa pala talaga ang inire-represent nung Representative na nagpasaway sa NAIA...
at siya din pala yung nagbanta na hindi magri-release ng PRC license sa mga hindi nakakakilala sa kaibigan niyang premature campaigner...
is feeling , now it makes sense...
>
yung pulis na miyembro ng HPG..
yung hinuli dahil daw sa pangingikil laban sa isang call center company..
target daw nila yung mga service vehicle nung kompanya..
humihingi siya ng lagay na nasa Php 20,000 kung per vehicle..
o Php 100,000 naman na monthly package deal...
is feeling , kulang pa rin talaga yung almost Php 30,000 or up per month...
>
hindi rin talaga nakatulong yung murang pautang ng mga bangko para sa pagbili ng mga sasakyan..
at hindi rin nakatulong na maraming tao ang nahikayat ng TNVS industry para magsibilihan ng mga sasakyan na pampasada...
sa tindi ng agawan ng mga tao sa petroleum products..
baka balang araw eh magsi-convert na nga ang mga tao sa paggamit ng nuclear energy ulit...
is feeling , mukhang kailangan na ng mga tao na mag-develop ng mga solar harvester na nasa labas ng atmosphere...
---o0o---
October 3, 2018...
at umalis na sa puwesto si Kape..
hindi na siya Jonin, pero pwede na siyang magtrabaho ulit bilang Anbu...
at talagang pabida pa yung exit niya..
kesyo ginawa daw niya yun para hindi na gipitin yung palpak na opisina nila sa usapin ng kanilang budget...
basically parang wala din namang magbabago..
bale hihina pa nga ang reklamo laban sa kanya ng mga tao since wala na siyang hawak na posisyon sa pamunuan..
magiging private individual na lang ulit siya na funded ng alyansa..
unless bigyan siya ng ibang posisyon, babalik lang siya sa perpekto niyang porma bilang batikang FAKE news maker..
siguro yung kaunting kabutihan lang na idudulot nun ay hindi na siya direktang makatatanggap ng gatas sa mukhang legal na paraan, though i doubt na wala na nga siyang makukuhang suporta mula sa gatas, lalo na kung didiretso nga siya sa paghahangad ng Jonin o Chunin slot...
is feeling , gaya ng sabi ko.. hinding-hindi nga gagawin nung Hokage na Mahilig sa harapan ng publiko na tanggalin siya...
>
yung nasa Php 120 Million daw na halaga ng nasabat na smuggled na bigas..
yung nasa poder na ng Customs, yung BOC sa Zamboanga..
pero talagang nawala pa...
is feeling , matinding ninja moves.. maramihang sako na ang tinatrabaho...
---o0o---
October 5, 2018...
yung 2 magaling na nagtatakip sa kondisyon ng Hokage na Mahilig..
pataya-taya pa ng kanyang buhay yung isa..
tapos biglang umamin na naman mismo yung pinagtatakpan...
ang punto..?
nagpunta nga siya, pero pilit na inililihim..
hindi na mahalaga kung na-admit o nagpa-checkup lang..
kung ako lang, wala akong pakialam sa kalusugan nun..
pero karapatan ng mga mamamayan na malaman kung may isyung pangkalusugan eh...
gusto ninyong maging mga Jonin..
pero puros kayo pagsisinungaling...
naalala ko tuloy yung mga unang bahagi ng dark years..
noong may 2 din (ibang mga tao) na parati na lang pinagtatakpan ang Hokage na Mahilig..
pero kagaya ng ginagawa niya ngayon..
kakampi na niya at lahat eh ipinapahiya pa niya, at isinusugal ang paninindigan...
is feeling , lason sa mga kakampi...
>
LOL..
inilaglag na ng Hokage na Mahilig si MRT Man..
ayaw nang i-endorse para sa Jonin position...
is feeling , puros sipsip lang kasi eh.. baka bumalimbing yan kapag napabayaan...
>
sa Tagaytay City..
yung firing range sa kampo daw ng Cavite Police...
kaso eh may mga umaabot na slug ng bala sa isang subdivision sa hindi kalayuan..
from 2014 daw eh may mga nakukuha ng mga slug yung mga residente sa area nila...
kahit papaano eh masusuwerte sila kung walang natatamaan sa kanila sa loob ng mahabang panahon...
is feeling , edi ibig sabihin eh sumasala sa pagbaril sa target...
---o0o---
October 6, 2018...
kahapon nga pala sa SSS..
mga 3:00 PM pa lang naman noon..
dahil nga palpak ang paglipat na ginawa nila sa simula nitong linggo..
eh minabuti kong tumawag para i-check kung nakakapag-online na ba sila sa bago nilang opisina..
para kako malinaw kung dapat ba akong pumunta next week o ano...
pero ayun..
ilang beses na akong tumawag sa 2 landline number nila..
tig-10 rings pa kada tawag..
pero wala talagang sumagot... :(
tang ina kayo kapag pumunta ako diyan next week at offline pa rin kayo...
is feeling , madami talagang tao sa gobyerno ang nagtatrabaho lang para maabangan yung dadating nilang suweldo.. mas bihira pa yata yung totoong gumagawa nang ayos sa mga tungkulin nila...
>
yung babaeng Representative..
yung inirereklamo dahil DAW sa pagpapasagawa ng Gluta-drip session sa mismong opisina niya...
is feeling , sinabi nang buwisan na ng malaki ang mga ganung luho eh...
No comments:
Post a Comment