Friday, October 19, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of October 2018 (7 Sins)

Loveless Story


October 13, 2018...

[Book]

Updated/Revised Casting Proposal (Incomplete):
• Empoy Marquez as me..
• Denice Dinsay as [Girl na may Crush sa Akin]..
• Marian Rivera as Almeja
• Justine Battung as Jacqueline (yun pala yung public name niya)
• Bela Padilla as Anne
• Megu Fujiura as Emoji-Girl
• Ana Capri as Miss A (pinalitan para bigyan ng daan si Miss V)
• Jinri Park as Miss J
• Julia Barretto as Strawberry (aaminin ko na, yun talaga yung kawangis niya, but with less cheeks)
• Valentina Nappi as Miss C (dahil sa cleft chin)
• Ava Dalush as Miss Ab (dahil sa body type)
• Lucy Li as Miss D
• Coraleen Waddell as Miss Co (yung simple look ni Cora, tapos yung may kasamang ngiti)
• Abby Poblador as Miss H
• Kylie Page as Miss P (pero brunette)
• Anna Polina as Miss S (yung face, pero gawin mong Sensual Jane yung body)
• Maja Salvador as Miss V
• Juliana Palermo as Miss Al (ang totoo mas Isabella de Leon yung facial details niya, pero dahil bata ang tingin ko dun eh Juliana Palermo na lang)
• Julz Gotti as Love Burger (pero fair skin)
• Cristine Reyes as The Korean
• Connie Sison as YAM (yung fit version ni Connie Sison dati)
• Cassandra Calogera as Dime (yung matabang version, tapos gawin ding morena)

is feeling , dahil may naaalala ako kay Denice Dinsay...

---o0o---


October 15, 2018...

araw-araw ko na lang titiisin yung panunumbat na kesyo hindi ako nag-aalaga ng mga anak ng ibang tao para lang makapagtrabaho ako, hanggang sa araw na tuluyan nang mabura ang existence ko...

is feeling , no choice rin naman.. mas hindi na talaga kayang ipasok sa budget ang pag-i-invest para sa sariling bahay...

---o0o---


October 18, 2018...

birthday na naman niya..
at least yun yung alam ko..
kaso hindi ko pa rin talaga siya mahanap eh...

hanggang ngayon napapaisip ako kung ano bang ibig niyang sabihin noong sinabi niya na alam niyang mahahanap at mahahanap ko naman daw siya...

is feeling , malas sa pananalapi, sa kalusugan, at pati sa lovelife...

---o0o---


October 19, 2018...

6 months ko na siyang hindi nakikita ulit..
pero parang ang tagal-tagal na ng panahon na nakalipas...

is feeling , hindi hahayaan ng mga nasa itaas na maging masaya ako sa buhay...


>
Alin-alin nga ba sa 10 commandments ang mga nalabag ko na, dahilan para maging ganito na kalala ang kamalasan ko sa buhay?

  • 1) shall have no other gods - nalabag ko na 'to pagdating sa literature, may mga pagkakataon rin noon na tinawag ko maging ang pangalan ng kalaban daw niya
  • 2) shall not make for yourself any idol - hindi naman ako sumasamba sa mga materyal na bagay
  • 3) shall not misuse the name - kung ang ibig sabihin nito ay para sa purong kabutihan lamang, eh nalabag ko na 'to
  • 4) shall remember and keep the sabbath day holy - matagal ko na 'tong hindi ginagawa
  • 5) respect your father and mother - seryoso? kumbaga parang sina-suggest na alagaan mismo ang demonyo??
  • 6) shall not kill - hindi pa naman ako umaabot sa puntong 'to
  • 7) shall not commit adultery - i'm not 100% sure kung na-commit ko na, pero para kasi sa akin basta't in a relationship o magka-live-in na at may anak, eh counted na rin na pakikiapid eh, so feeling ko na na-violate ko na rin 'to unintentionally
  • 8) shall not steal - kung regardless sa amount at pamamaraan, nagda-divert ako ng savings nang walang paalam, madalas naka-audit bilang utang ko, pero merong mga hindi na na-record, so i guess counted na yun bilang pagnanakaw din
  • 9) shall not bear false witness against your neighbor - wala pa naman akong nagagawang ganun
  • 10) shall not covet (asawa man o ari-arian) - na-commit ko na 'to, pagdating sa materyal na bagay madalas naiinggit ako kung gaano kadaling nakukuha ng ibang tao yung mga gusto nila at kung gaano rin nila kadali na sinisira lang ang mga yun, pagdating naman sa asawa, kung legalidad at dokumento ang pag-uusapan eh logically kino-commit ko na rin nga 'to kahit pa hiwalay na sila

so sa kabuuan..
7 na pala yung nalalabag ko..
sobrang sama ko na pala talagang nilalang...

is feeling , baka yun nga ang dahilan...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 2 - Open Conference - Preliminary (Round 1)


October 13, 2018...

hmmm..?
Ateneo ang may laban, pero hindi rin naman karamihan ang live viewers ngayon..?
at kumonti pa ang viewers after ng first match...


ADMU-Motolite versus Iriga Oragons

3-0, panalo ang ADMU-Motolite..
Set 1, 25-19..
Set 2, 29-27, nanlaban nang husto ang Iriga at Ateneo pa ang naghabol..
Set 3, 25-14, kinapos na ang Iriga...

Player of the Game si Gaston with 8 points from 6 attacks, 1 kill block, and 1 service ace..
galing pala siya sa beach volleyball..
Tolentino with 14 points from 10 attacks, 3 kill blocks, and 1 service ace..
nagpasok naman ng 3 Army players ang Navy para lumakas-lakas ang lineup nila..
si Bunag lang ang naka-double-digit para sa Iriga, with 11 points..
unfortunately, 31 errors ang napakawalan ng Oragons...


Angels versus AdU-Akari

3-0, panalo ang Angels..
Set 1, 25-17..
Set 2, 25-20..
Set 3, 25-13...

kaya pala, injured nga si Perez kaya nagagamit yung 2 bagong Middle Blocker..
bale wala si Soyud, Dacoron, Perez, at Genesis para sa Lady Falcons..
mababa na naman ang accuracy ni Permentilla ngayon...

Player of the Game yung Libero ng PetroGazz na si Cruz..
with 17 digs and 14 excellent receptions..
Baloaloa with 14 points from 12 attacks, and 2 kill blocks..
Layug with 11 points..
Nunag with 10 points..
si Flora lang ang naka-double-digit para sa Adamson with 11 points kahit na bantay-sarado na siya...

sa 4 Wins 3 Losses nagtapos ang record ng Angels para sa Round 1...

is feeling , umpisa na ng digmaan bukas...

---o0o---


October 14, 2018...

ang dami na ulit ng mga live viewers...


ADMU-Motolite versus AdU-Akari

ang mga back-to-back weekend gamers..
eagles versus falcons..
ang 4th 5-setter match ng conference...

3-2, panalo ang ADMU-Motolite..
Set 1, 17-25, lumamang sa service aces ang Adamson, at nagpakawala ng 9 errors ang Ateneo..
Set 2, 25-23, Ateneo ang mas naghabol, naglason pa sa errors ang Adamson..
Set 3, 25-20, mas maraming nagawang atake ang Ateneo..
Set 4, 21-25, ang laki ng hinabol ng Ateneo at nakagawa sila ng panibagong momentum na naitawid nila sa Set 5..
Set 5, 15-12, at nabitin pa rin ang pagkapanalo ng Adamson...

Player of the Game si Tolentino with 28 points from 20 attacks, 5 kill blocks, and 3 service aces..
Samonte with 11 points off the bench..
Madayag and Gaston with 9 points each..
para naman sa Lady Falcons..
Flora with 25 points from 20 attacks, 3 kill blocks, and 2 service aces..
Permentilla with 15 points, mas kaya talagang lumaban ng Adamson basta't activated si Permentilla..
Ave with 12 points..
hindi na masamang preview ng UAAP match ng Adamson at Ateneo, considering na hindi 'to ang strongest lineup ng Lady Falcons...


Creamline versus Pocari-Air Force

sa Ateneo na nga ang majority ng live viewers ngayong conference..
ang 5th 5-setter match ng conference, ang 2nd para sa Creamline...

3-2, panalo ang Creamline..
Set 1, 25-19..
Set 2, 25-17..
Set 3, 20-25, maagang nakalayo ang Pocari-Air..
Set 4, 16-25, mas na-activate pa tuloy ang blocking at attack ng Pocari-Air..
Set 5, 16-14, nagdelikado ang Creamline, kinailangan pa nila ng double comeback, pero masuwerte at natapos ni Morado ang laban...

maganda ang laro ni Galanza ngayon, nagana pati back row attack niya..
Player of the Game nga si Galanza with 14 points from 11 attacks, 1 kill block, and 2 service aces, pero mostly eh sa Set 1 and 2 yung magaganda niyang performance..
Baldo with 22 pure attack points, plus 20 digs..
Sato with 16 points..
Cainglet with 11 points..
Morado with 44 excellent sets, plus 8 points..
para naman sa Pocari-Air..
Palomata and Panaga with 19 points each, pero sobrang lakas na ni Palomata sa blocking..
Pablo with 13 points..
Yongco with 11 points...

is feeling , thank you sa panalo Morado, at least nalagpasan na ang Pocari-Air para sa Round 1.. #1 team na ang sunod na target, ang BanKo...

---o0o---


October 17, 2018...

madami na ulit mga live viewers para sa parehong matches...


ADMU-Motolite versus Fighting Warays

ang 6th 5-setter match ng conference..
3rd para sa Ateneo...

3-2, panalo ang ADMU-Motolite..
Set 1, 25-18..
Set 2, 19-25..
Set 3, 11-25..
Set 4, 25-17..
Set 5, 15-11...

Player of the Game na naman si Gaston with only 6 points from 4 attacks, 1 kill block, and 1 service ace..
Tolentino with 16 points from 12 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces..
BDL with 15 points..
Madayag with 12 points, na may 5 kill blocks..
nasa Tacloban na si Pacres..
naka-18 points siya from 15 attacks, and 3 service aces..
Guino-o scored 15 points..
Esguerra with 14 points..
Prado with 10 points...


Creamline versus BanKo

Ateneo-Adamson versus Ateneo-Adamson...

3-0, panalo ang Creamline..
Set 1, 26-24, mas naghabol ang Creamline throughout the set..
Set 2, 25-13, mas nakagulo yata yung ginawang palitan ng mga players ng BanKo..
Set 3, 25-21, Creamline ang naghabol hanggang sa kalahati ng match..

mas nagamit si Soriano this time..
maganda rin ang laro ngayong araw ni Cainglet..
Player of the Game ang finisher na si Galanza with 15 points from 13 attacks, and 2 kill blocks..
plus may 14 excellent receptions din siya..
Baldo with 20 points from 16 attacks, 1 kill block, and 3 service aces..
Morado with 28 excellent sets..
si Bersola lang naman ang naka-double-digit para sa BanKo with 12 points..
si Gervacio ang nawala sa usual game niya, nalimitahan siya sa 5 points lang, ang unang match niya na naka-single-digit lang siya sa scoring..
naka-21 errors din sila...

is feeling , great game, malinis ang panalo...

-----o0o-----


October 13, 2018...

pahirap na nang pahirap ang buhay..
pero parang malaking pagsisisi talaga kung hindi ko matatapos ang One Piece...

ang second to the final goal..
at hanggang ngayon kinakapitan ko pa rin ang pag-asa na mahahanap ko ang babaeng yun sa kabila ng lahat ng mga kamalasan ko...

okay lang sana kahit na walang milagro eh, basta't mawala lang ang mga bagong pahirap sa buhay..
kung totoo man ang alamat ng October Pest, eh sana lang mangyari na yun..
wala akong pakialam kung mamamatay ang Hokage na Mahilig's Clan..
wala akong pakialam kung mamamatay ang Dictator's Clan..
wala akong pakialam kung mamamatay ang Cosplayer's Clan..
at isama na rin lahat ng mga angkan ng mga underlings nila..
basta matigil lang 'tong kalokohan na gatasan na 'to...

is feeling , hindi pa pwede.. nasa Kaido Arc pa lang...

---o0o---


October 14, 2018...

[Business]

pati yung survival ulam na kidney-destroying na Magic Sarap eh sumagad na..
hindi na kayang ibenta ng Php 3.00... :(

ang magagawa ko na lang eh ibenta ng Php 7.00 ang kada 2..
papatak na Php 3.50 ang bawat isa..
pero package ang bentahan dahil ayoko nang makatanggap ng mga 25 centavos na ibinabad sa grasa..
malaki rin kasi ang lugi kapag ayaw tanggapin sa mga bangko at grocery stores yung mga centavo coins...

is feeling , alam ko naman na mamamatay rin ako nang hindi masaya kahit na gawin ko pa yung patas...


>
[Online Marketing]

wala na..
iniwan na ako nung kaisa-isa kong supporter sa Patreon...

3 independent media na yung ginagamit ko..
pero talagang wala akong madaanan na supporter..
ano ba yung mga readers ko, puros mga piratang Russian lang...?

is feeling , kailangan ko lang ng sapat na pondo para masabayan ang One Piece...

---o0o---


October 15, 2018...

naalala ko tuloy dun sa isinumpang probinsiya na pinagmulan ng kalahati ng dugong dumadaloy sa akin...

ilang panahon na rin ng pagpili ng pinuno ang nakararaan..
sa totoo lang, sure win na yung may hawak nung bayan na yun..
wala naman kasing nangangahas na lumaban..
pero kampo nila mismo at ang mga mamamayan ang ayaw pumayag na walang lalaban sa angkan na nasa trono...

bakit..?
kasi source ng pera ang kalaban..
sa paanong paraan..?
kung walang lilitaw na kalaban, dadaloy lang nang natural ang sistema sa pagpili ng pinuno..
dadaan sa formality ng pagpa-file, pagta-tally, at pagdedeklara ng panalo..
pero walang masyadong kailangan na ilabas na pera, dahil wala namang bentahan na magaganap..
samantalang kapag may kalaban..
nakukumbinsi ang mga nasa mas mataas na trono para maglabas ng pera para lang manalo ang kakampi nila..
dahil package deal ang sistema ng pagpili ng pinuno para sa mga nagbebenta ng tally..
nagpapadala sila ng pondo para pambili ng tally, at may pitik na rin mula dun sa pondo na yun yung buyer ng tally..
sa ganung sistema, parehas na kumikita ang mga buyer at seller...

yun yung dahilan kung bakit hindi rin basta pumapayag yung mga masasamang mamamayan doon na walang labanan na magaganap... :(

is feeling , it's a trade...


>
natuwa ako dun sa packaging na gawa sa seaweed..
makakatulong nga yun sa mundo kung saka-sakali..
basta ba hindi siya gugustuhing kainin ng mga insekto eh...

ang napuna ko lang tungkol dun..?
eh bakit naman gugustuhin ng mga tao na kainin ang isang edible na packaging na na-expose na ang outer side sa physical environment..?
edi madumi na yun kapag ganun..?
pero sa bagay, hindi naman malaking problema kung hindi man ikonsumo yung packaging, since biodegradable naman siya..
pwedeng hayaan na lang siyang mabulok sa kalikasan...

is feeling , safe nga kaya yun laban sa mga insekto...??

---o0o---


October 16, 2018...

[Gadget-Related]

fan pala ng graphics card ko yung nagkakaroon na ng iregularidad sa pag-ikot..
naugong sa ikalawang power-up, tsaka hindi stable ang ikot nung fan...

is feeling , patapusin man lang sana yung 5 years...

---o0o---


October 17, 2018...

malas talaga..
3 araw sira ang tiyan..
tapos nilagnat na sa 3rd day...

puwersahang bakasyon tuloy... :(

is feeling , slowly...

---o0o---


October 18, 2018...

ano ba 'to..?
hindi ako pwedeng magkasakit ng malala..
hindi sa bulok na panahon na 'to...

sobrang mahal na ng lahat..
tapos parang naka-freeze pa ang mga account ko na tinamaan ng malas...

is feeling , sobrang daya na ng buhay kung pati kamatayan ko eh magiging brutal at masakit...

---o0o---


October 19, 2018...

5th day pero hindi pa rin bumabalik sa normal ang tiyan..
mukha namang gumana yung Potassium..
hindi na kinailangan ng Loperamide..
pabalik na rin sa normal yung form nung excretion...

pero hindi pa normal yung frequency..
nagre-react yung tiyan ko sa tuwing umiinom ako ng tubig, eh every hour pa naman akong umiinom..
at parating nagpo-produce ng gas ang anumang ilaman...

ayoko namang magpatingin sa doktor dahil ayokong mas mamroblema pa sa pera sa isinumpang panahon na 'to..
baka mamaya kung ano lang na malala ang madiskubre nila, tapos eh hindi naman sila papayag na dumaan ka sa Euthanasia dahil sa pagkahumaling nila sa buhay...

is feeling , walang option para mag-progress.. puros problema lang ang ibinibigay ng kapalaran...


No comments:

Post a Comment