[V-League]
SEA Games 2017 - Women's Volleyball
according sa source..
8 teams yung sa Men's..
tapos 6 teams lang sa Women's..
kaya mas maagang magsisimula yung sa mga lalaki, at sa August 23 pa ang sa mga babae...
Indonesia #66
Malaysia (hindi ko makita ang ranking nila)
Myanmar #97
Philippines #79
Thailand #14 (#16 na lang according sa official website before the recent AVC)
Vietnam #44 (#45 na lang according sa official website before the recent AVC)
parang sa AVC rin yung sistema..
round robin yung Preliminary Round..
pero hati sa Group A at B..
Myanmar, Thailand, Indonesia para sa Group A..
Philippines, Malaysia, Vietnam para sa Group B...
after ng round robin, Semifinals na kaagad..
#1 team mula sa Group A versus #2 team ng Group B..
#2 team mula sa Group A versus #1 team ng Group B...
tapos, Finals at Battle for 3rd Place...
Malaysia ang mas mataas na pag-asa ng Philippines para makapasok sa Semifinals..
pero kung 2nd Place at least ang target nila, eh kailangan nilang talunin ang Vietnam sa Preliminary para maiwasan nila ang Thailand sa Semifinals..
that way, posible pa nilang makaharap sa Finals ang Thailand kung matatalo nila ang alinman sa Indonesia at Myanmar na hindi naman nalalayo sa kanila ang rank...
was feeling , may isa pa palang pag-asa ang Philippines - yung mapalitan si Vicente ng magaling na coach...
---o0o---
August 20, 2017...
eh yung gustong pamahalin, pabilisin, at pataasin ang limit ng internet sa bahay...
..para lang mag-leech ng porn videos at games gamit ang mga torrent software...
was feeling , walang lokohan.. nagkunwari pa na requirement sa school...
---o0o---
August 21. 2017...
konti na lang...
last 4 scenes to build..
47 rendered..
8 to render...
pero grocery mode muna bukas..
huwag naman sana akong ulanin sa umaga..
nang makakita naman ng cute paminsan-minsan...
was feeling , 24 hours of rendering pa yun...
---o0o---
August 22, 2017...
hmmm..
isang buwan ko na siyang nakikita na nagsu-supervise ah...
hindi kaya buwanan ang shift nila nung isa pang supervisor...?
anyway..
bawal namang makipagkilala yung mga taong pang-isang tao lang ang kita eh..
kaya hanggang tingin na lang... :(
was feeling , 4 weeks straight...
>
[Medical Condition]
ngayon na lang ulit nag-super leak..
siyempre may kasamang konting pagpuwersa yun..
nasa 100 plus na yung naitatala ko na leak...
kagaya rin nung nakaraang malakas na leak..
merong parang buo na maliit na butil na kulay puti na nasa may opening..
pagka-alis nung una, eh talsikan na ulit yung fluid palabas..
malakas na ulit yung tagas..
tapos nakailan pa ako ng natanggal na ganung klase ng solid-like white mass..
at nagdidire-diretso yung flow nung fluid substance sa tuwing may natatanggal na ganun...
sa tingin ko katulad siya nung pinakauna kong naalis na glue-like mass noon..
maliliit nga lang yung sa mga sumunod na pagkakataon...
was feeling , steady ka lang.. kaya kong mag-multitask, pero hindi pa pang-multitasking yung pera ko sa ngayon...
>
[V-League]
so kaya hindi masyadong binibigyan ng playing time noon si Kim Dy ay dahil hindi pa siya kasama sa final roster ng national team...?
edi sana nga eh mas nasubukan siya noong AVC..
para nakita kung mas effective ba siya kumpara kina Maizo, Molina, Ortiz, o Casugod..
hindi yung binuro siya sa bench para lalong mawalan siya ng tsansa...
tapos untik ring hindi makasama sa roster si Macandili kung hindi pa na-injure si Lazaro sa nakaraang tune-up match nila...
ano na nga kaya ang lagay ng final roster sa SEA Games...??
PS: holy crap!
eh yung ang madalas na 2nd Placer na Vietnam pa talaga yung may rest day sa block nila..
dehado na kaagad ang Philippines..
sa 24 ang simula ng mga laban nila...
was feeling , ayaw mo yata silang magkaroon ng international experience dahil sa paparating na UAAP eh..? anak ng UE naman o'...
>
reviewing 84 mp3 files..
trying to conserve 450 MB of hard disk space..
while working...
was feeling , mahabang soundtrip...
---o0o---
August 23, 2017...
[V-League]
SEA Games 2017 - Women's Volleyball
as expected..
tig-isa na nga kaagad ang panalo ng Thailand at Vietnam sa block nila..
10 points..?
7 points..?
3-0 sets parehas..
aw, aping-api... :(
bukas na ang laban ng Philippines..
samantalang magpapahinga nga muna ang Vietnam bago nila kalabanin ang Philippines...
was feeling , #1 and #2...
---o0o---
August 24, 2017...
sa wakas..
tapos na sa scene-building..
kaso wala rin muna akong ibang magagawa sa ngayon..
still have 6 to render..
at nasa 12 hours yun...
after that, saka pa lang ako makakadiretso sa photoshop...
was feeling , autopilot-mode...
>
[V-League]
SEA Games 2017 - Women's Volleyball
Thailand versus Myanmar
3-0 rin..
partida pa na konti lang ang pahinga ng Thailand..
8, 10, at 13 lang ang nagawang score ng Myanmar..
aw, hindi man lamang umabot sa pang-2nd technical timeout yung score..
mag-aabang na lang ang Thailand kung sino ang magiging #2 seed mula sa block ng Philippines...
Philippines versus Malaysia
panalo ang Philippines laban sa Malaysia..
3-0 rin..
ang maganda sa istorya na 'to, si Santiago ang player of the game with 13 points..
maganda rin ang ginawa ni MaraƱo, 11 points na merong 3 blocks at 2 service aces..
ayos rin ang suporta nina Gonzaga with 9 points at Baldo with 8 points..
5 service aces naman ang ginamit na pambato ni Fajardo...
hindi ko pa makita nang ayos..
pero mukhang 12-woman team na lang sila ngayon..
at base sa isang source, eh wala na nga si Kim Dy sa lineup..
congrats, Vicente..
congrats, Casugod, Maizo, Molina, at Ortiz..
pwede pang attacker yung Molina eh..
medyo pwede ring attacker yung Maizo, minus defense nga lang..
pwede namang blocker yung Ortiz, minus attack power nga lang..
pero yung Casugod..?
naman, puwerket nasa DLSU pa rin si Kim Dy this coming UAAP..?
makikita bukas kung hanggang saan ang mararating ng lineup na yan - laban sa Vietnam...
malas kung sino man ang magiging 2nd seed..
unless kaya nilang talunin ang Thailand sa Semifinals..
at ang good news para sa Thailand..?
sila naman ngayon yung may rest day, samantalang mapapagod ang Philippines at Vietnam sa laban nila bukas...
was feeling , titingnan kung tama ang naging desisyon ng Sponsor...
---o0o---
August 25, 2017...
[TV Series]
La Luna Sangre
anlupit ng paraan ng La Luna Sangre sa pagsuporta sa mga artista..
andami na nilang pinapatay na characters para lang makapagbalasa ng cast...
at ang bait ng ABS-CBN sa mga artista na d-in-iscover ng TV5...
pusta ko si Sam Imperial yung pasimuno ng Moon Chasers..
kakaibang vampira yun eh, ni hindi naging hybrid noon..
Imperial versus Imperial...?
was feeling , ang daming kailangang swelduhan...
>
medyo na-distract yung utak ko...
pinapagawa kasi ako ng software para sa money lending business ng Bumbay (joke!)..
hindi sa Bumbay..
something na kayang automatically mag-compute base sa mga bagong input..
kayang mag-produce ng summary..
kayang mag-project ng income at loss..
basically, something na gumagamit ng database...
bakit ngayon pa..?
ngayong abala na ako sa pagbuo ng sarili kong buhay..
edi sana noong wala pa akong computer para sa graphics..
pero hindi naman ako makatanggi dahil benefactor ko yung humihingi ng tulong...
the last time na gumawa ako ng ganun..
it took me a semester, halos, dahil marami rin namang ibang ginagawa sa school noon...
kailangan ko tuloy mag-review ng programming at database..
gawin yung buong sistema..
habang ginagawa ko rin yung mga susunod kong projects sa 3D...
was feeling , ilang buwan kaya akong walang sasahurin nun...?
>
done with all the renders..
tumabla naman pala sa naging huling performance ko..
took me 37 days...
simula na kaagad ng photoshop-mode pamaya..
kailangang gumawa ng pagkakakitaan for the month of September...
was feeling , yung trabaho na hindi pwedeng upuan lang...
>
[Lottery]
ano ba naman yan..?
noong isang araw 21 at 30 ang nakuha ko..
tapos nitong sumunod na bola, 9, 17, at 38 naman..
tama naman yun kahit papaano, kaso palit-taya lang..
dahil dun hindi na naman ako pwedeng tumaya sa susunod na bola...
46 na lang ang hindi ko nakukuha...
was feeling , pa-request naman ng swerte o'...
>
[V-League]
Philippines versus Vietnam
ayun na nga..
tinamaan na nga sila ng kamalasan..
nabawian na sila ng Vietnam dahil sa pagtalo nila sa mga ito sa nakaraang AVC..
mukhang lumaban naman sa Sets 1 at 3, dikit eh..
pero kinawawa sila sa Set 2, 25-12...
dahil dun..
mukhang magugulpi na naman ang Philippines bukas laban sa Thailand..
at hanggang 3rd Place na lang ang pwede nilang habulin (out of only 6 teams), at laban yun sa Indonesia kapag nagkataon..
unless magagawa nilang talunin sina Chatchu-on bukas...
was feeling , ano na naman kayang kalokohang coaching ang ginawa...?
---o0o---
August 26, 2017...
[Sports]
kapag walang napuruhan sa boxing nung 2, eh lokohan na..
dapat may bumagsak man lamang na katawan..
kundi ay lalabas lang na malaking scam at circus yung laban na yun...
is feeling , hindi ko ma-gets kung paano magagamit yung MMA kung boxing rules ang mananaig...?
No comments:
Post a Comment